Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 22, 2018
AZERBAIJAN

Kinilala ang Mga Saksi ni Jehova Bilang Isang Relihiyon sa Baku, Azerbaijan

Kinilala ang Mga Saksi ni Jehova Bilang Isang Relihiyon sa Baku, Azerbaijan

Noong Nobyembre 8, 2018, ganap na kinilala ng State Committee for Work with Religious Associations ang Mga Saksi ni Jehova bilang relihiyon sa Baku, ang kabiserang lunsod ng Azerbaijan. Mas malaya na ngayon ang mga kapatid natin doon na sumamba at mangaral sa lunsod.

Umaasa tayong ang ganitong desisyon ay masusundan pa para legal ding mairehistro ang gawain ng mga kapuwa natin mananamba sa iba pang parte ng bansang iyon. Nagpapasalamat tayo kay Jehova dahil tinulungan tayo ng mga opisyal ng gobyerno para legal na maitatag ang ating pagsamba sa Baku.—Filipos 1:7.