ABRIL 4, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Muling Pagpupulong Nang Magkakasama ng mga Saksi ni Jehova
Mula noong Abril 1, 2022, muling nagpulong nang magkakasama ang mga Saksi ni Jehova. Kung mayroon mang pag-aalala ang mga kapatid, agad itong nawala dahil sa tawanan, luha ng kagalakan, at masiglang pagkanta ng mga Kingdom song.
Para sa ilan, ito ang kauna-unahang pagdalo nila sa Kingdom Hall.
“First time kong dumalo sa Kingdom Hall,” ang sabi ni Brother Krzysztof Hoszowski, na taga-Poland. “Nag-aral ako ng Bibliya sa videoconference. Napanood ng mga kapatid sa Zoom ang bautismo ko. May ideya naman ako kung paano magpulong sa Kingdom Hall, kasi marami na akong napanood na video tungkol dito. Pero iba pa rin y’ong aktuwal mong maranasan ang saya, pagmamahalan, at kabaitan ng mga kapatid.”
Nang pumutok ang pandemya ng COVID-19 noong Marso 2020, sinimulan ng mga Saksi ni Jehova na magpulong gamit ang videoconference. Sa ngayon, puwede pa ring kumonekta sa videoconference ang mga hindi makakadalo sa Kingdom Hall.
“No’ng magsimula y’ong pambukas na awit, grabe na-touch ako, kasi na-realize kong dalawang taon kong hindi nakasama ang mga kapatid,” ang sabi ni Brother Neil Campbell, na taga-Edinburgh, Scotland.
Pinasasalamatan natin si Jehova dahil pinagpala niya ang muli nating pagpupulong nang magkakasama.—Awit 84:10.
Angola
Armenia
Australia
Czech Republic
Ecuador
Germany
Greece
Guinea
Japan
Kazakhstan
Malawi
Netherlands
Pilipinas
Romania
Scotland
South Korea
Spain
Sudan
Thailand