Mahahalagang Pangyayari sa France
2014—Kinilala ang mga ministro ng mga Saksi ni Jehova bilang mga prison chaplain; natapos ang diskriminasyon sa mga Saksi na nag-umpisa sa 1995 na report ng parliament
HUNYO 30, 2011—Hinatulan ng European Court of Human Rights ang France dahil nilabag nito ang karapatan sa kalayaan sa relihiyon ng mga Saksi ni Jehova (ATJ v. France)
2000—Pinatunayan ng Council of State na ang legal na mga korporasyon ng mga Saksi ni Jehova doon ay ginagamit lang para sa relihiyon kaya hindi sila dapat magbayad ng buwis
1995—Sa report ng Parliamentary Inquiry Commission na “Sects in France,” sinabi nila na mapanganib na sekta ang mga Saksi ni Jehova
1993—Kinilala ng Council of State na ang mga Kingdom Hall na pagmamay-ari ng legal na mga korporasyon ng mga Saksi ni Jehova sa France ay ginagamit lang para sa pagsamba, kaya hindi sila dapat magbayad ng buwis
SETYEMBRE 1947—Inaprobahan ang legal na pagpaparehistro ng Association Les Témoins de Jéhovah
OKTUBRE 1939—Ipinagbawal ng France ang organisasyon ng mga Saksi ni Jehova
1930—Nagtayo ang Watch Tower Society ng tanggapang pansangay sa Paris
AGOSTO 27, 1919—Binuo ang French International Bible Students Association; nasa Paris ang punong-tanggapan nito
1906—Opisyal na inirehistro ng France ang unang asosasyon ng mga Estudyante ng Bibliya