Pumunta sa nilalaman

HULYO 27, 2018
GREECE

Wildfire sa Greece

Wildfire sa Greece

Dahil sa mga wildfire, na pinatindi pa ng malalakas na hangin, hindi bababa sa 76 na katao ang nasawi at 187 iba pa ang napinsala sa isang lugar malapit sa Athens, Greece. Ito ang itinuturing na pinakanakamamatay na sunog sa bansa sa loob ng nakalipas na mahigit isang dekada.

Ayon sa ulat ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Greece, walang isa man sa ating mga kapatid ang nasaktan o namatay sa sakunang ito. Gayunman, ang lahat ng mga kapatid sa apektadong mga lugar ay kinailangang lumikas at manuluyan sa mga bahay ng mga kapatid sa kalapít na mga kongregasyon. Apat na bahay ng mga Saksi ang napinsala nang husto at isa ang lubusang natupok.

Kasama sa panalangin natin ang mga kapatid nating naapektuhan ng sakunang ito, pati na ang mga kapatid na buong-pusong kumupkop sa kanila. (Juan 13:34, 35) Alam nating patuloy silang aalalayan ni Jehova sa mahirap na kalagayang ito.