NOBYEMBRE 28, 2023
INDIA
Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Konkani (Roman)
Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Konkani (Roman) noong Nobyembre 17, 2023. Nakakuha agad ng digital format nito ang 413 dumalo sa 2023 “Maging Matiisin”! na Panrehiyong Kombensiyon sa Margao, India. Maglalabas din agad sa hinaharap ng inimprentang kopya.
Ang Konkani ay sinasalita ng mahigit tatlong milyong tao sa kanlurang baybayin ng India at limang iba’t ibang alpabeto ang ginagamit sa pagsulat nito. Ang Konkani (Roman) ang gamit ng mga 500,000 taong nakatira sa estado ng Goa, India. Sa ngayon, mahigit 400 mamamahayag ang naglilingkod sa pitong kongregasyong nagsasalita ng Konkani (Roman). Bago ang release na ito, isang salin lang ng Bibliya ang makukuha sa Konkani (Roman).
Mas madaling makita ang mga katangian ni Jehova sa bagong salin na ito ng Bibliya dahil detalyado ito at makabago ang mga salitang ginamit. Sinabi ng isang brother: “Sa Bibliya na gamit namin noon, ganito ang salin sa pananalita ni Jesus sa Juan 21:17, ‘pakanin mo ang aking mga tupa.’ Pero sa Bagong Sanlibutang Salin, ‘pakanin mo ang aking maliliit na tupa.’ Mas naramdaman ko dito ang pagiging magiliw at mapagmahal ni Jehova at ni Jesus sa mga sumusunod sa kanila.”
Talagang nagpapasalamat tayo kay Jehova para sa bagong salin na ito. Sigurado tayo na marami pa ang maaakit sa kahanga-hangang mga katangian ni Jehova at magnanais na maging kaibigan niya.—Awit 25:14.