AGOSTO 17, 2018
INDIA
Nakamamatay na mga Landslide sa Timog-Kanlurang India
Nagkaroon ng 25 landslide sa Kerala, India, dahil sa malakas na ulang dulot ng habagat, na sumawi sa di-kukulanging 75 katao. Ayon sa India Meteorological Department, ang nararanasang habagat ang nagdala ng pinakamalakas na ulan sa kasaysayan ng lugar na iyon.
Nakalulungkot, ayon sa tanggapang pansangay sa India, isang mag-asawang Saksi na mga edad 60 at isang Bible study ang namatay dahil sa mga landslide. Dalawang Bible study naman ang malubhang nasugatan at nagpapagaling sa ospital. Isa pang 17-anyos na brother ang nalunod habang inililigtas ang kapitbahay niya.
Ang tanggapang pansangay ay bumuo ng Disaster Relief Committee (DRC) para alamin ang pinsala at mag-organisa ng relief work. Ginamit ng mga kapatid ang ilang Kingdom Hall bilang mga relief center. Ipinakikita ng naunang mga report na di-kukulanging 46 na bahay ng ating mga kapatid ang napinsala o nasira. Mga 85 pamilya (475 mamamahayag) ang pansamantalang nakatira sa mga bahay ng mga kapatid o kamag-anak. Ayon sa ulat, ang ilang Kingdom Hall ay binaha. Nakaantabay ang DRC habang inaasahan pa ang malalakas na ulan sa susunod na mga araw.
Dinalaw ng mga kinatawan mula sa tanggapang pansangay, kasama ang isang tagapangasiwa ng sirkito at mga elder ng kongregasyon, ang ating mga kapatid para magbigay ng kaaliwan at pampatibay-loob mula sa Bibliya.
Inaalaala at ipinapanalangin natin ang lahat ng naapektuhan ng mapangwasak na habagat. Umaasa tayo sa panahon kung kailan mawawala na ang lahat ng likas na sakuna at ang dulot nitong pagdurusa.—Apocalipsis 21:3, 4.