Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 23, 2018
INDONESIA

Niyanig ng mga Lindol ang Isla sa Indonesia

Niyanig ng mga Lindol ang Isla sa Indonesia

Sa pagtatapos ng Hulyo at pasimula ng Agosto, niyanig ng sunod-sunod na lindol at aftershock ang isla ng Lombok, Indonesia, na ikinasawi ng di-kukulanging 436 katao at mga 350,000 ang nagsilikas. Pinatag ng isa sa mga lindol na magnitude 7.0 ang mga gusali at nagdulot ng daan-daang milyong dolyar na pinsala.

Ipinakikita ng mga report mula sa ating tanggapang pansangay sa Jakarta na walang napinsala o namatay sa ating mga kapatid, pero nasira ang ilang tahanan ng mga kapatid. Nasira din ang pasilidad na pinagpupulungan ng 40 mamamahayag sa nag-iisang kongregasyon sa isla. Dalawang kinatawan mula sa tanggapang pansangay ang nagtungo sa apektadong lugar para alamin ang anumang kinakailangang tulong at maglaan ng kaaliwan.

Patuloy nating idinadalangin ang ating mga kapatid sa mahihirap na panahong ito, dahil alam natin na si Jehova ay ‘umaaliw sa kanila sa lahat ng kanilang kapighatian.’—2 Corinto 1:4.