SETYEMBRE 13, 2018
JAPAN
Hinagupit ng Bagyong Jebi ang Japan
Noong Martes, Setyembre 4, 2018, ang kanlurang Japan ay hinagupit ng iniulat na pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa sa nakalipas na mahigit 20 taon. Iniutos ng mga awtoridad ang paglikas, at gaya ng inaasahan, ang mapangwasak na bagyo ay nagdulot na napakalaking pinsala.
Tiniyak ng sangay sa Japan na walang namatay na mga Saksi ni Jehova. Gayunman, di-kukulanging 15 kapatid ang nasugatan, at di-bababa ng 538 bahay ang nasira. Ipinakikita ng ulat na 44 na Kingdom Hall ang napinsala.
Ang Osaka Disaster Relief Committee at ang Sakai Disaster Relief Committee ay nagtutulungan para asikasuhin ang relief work, kasali rito ang pagkukumpuni sa nasirang mga bahay at ang mahalagang gawain na pagpapastol.
Nagpapasalamat tayo na alam ni Jehova ang mga problema ng ating mga kapananampalataya at tinutulungan Niya sila sa pamamagitan ng ating kapatirang Kristiyano.—Awit 34:19.