Pumunta sa nilalaman

ABRIL 29, 2016
JAPAN

Mga Lindol sa Japan

Mga Lindol sa Japan

Noong Abril 14 at 16, 2016, niyanig ng dalawang malalakas na lindol ang isla ng Kyushu sa timugang Japan. Ang una ay nagtala ng magnitude 6.5, at ang ikalawa naman ay 7.3. Sinundan pa ito ng daan-daang pagyanig. Mahigit 70 kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova ang nasa apektadong lugar, pero walang Saksi ang namatay o nasugatan nang malubha. Gayunman, mahigit 70 bahay ng mga Saksi ang lubhang napinsala at 17 ang nawasak. Dahil sa patuloy na mga pagyanig, mahigit 400 Saksi ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan at dinala sa mga Kingdom Hall, o dako ng pagsamba, at doon sila pansamantalang tumuloy at pinaglaanan ng pagkain. Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Japan ay nag-organisa ng isang disaster relief committee na binubuo ng mga boluntaryong may karanasan sa konstruksiyon para asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga naapektuhan.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Japan: Ichiki Matsunaga, tel. +81 46 233 0005