Pumunta sa nilalaman

Ang gusali ng Pervomayskiy District Court sa Bishkek, Kyrgyzstan

DISYEMBRE 1, 2021
KYRGYZSTAN

Tangkang Ipagbawal ng Korte sa Kyrgyzstan ang 13 Publikasyon ng mga Saksi ni Jehova

Tangkang Ipagbawal ng Korte sa Kyrgyzstan ang 13 Publikasyon ng mga Saksi ni Jehova

Noong Disyembre 2, 2021, nagdesisyon ang Pervomayskiy District Court sa Bishkek, Kyrgyzstan, na ibasura ang mungkahi ng Prosecutor General na ideklarang ekstremista ang 13 publikasyon ng mga Saksi ni Jehova. Minamadali ng Prosecutor General ang paglilitis at hindi binigyan ang ating mga kapatid ng panahon para mapaghandaan ang kaso. Pero nag-file ang mga abogado ng mga nasasakdal ng detalyado at nasusulat na pagtutol na ibinigay ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania and the Religious Center of Jehovah’s Witnesses of the Kyrgyz Republic. Batay sa mga pagtutol na ito, nakita ng hukom na hindi sinunod ng prosecutor ang proseso ng korte at ibinasura ang kahilingan nito. Binigyan ng korte ng sampung araw ang prosecutor para iapela ang desisyon.

Sa Huwebes, Disyembre 2, 2021, magdedesisyon ang Pervomayskiy District Court sa Bishkek, Kyrgyzstan, kung dapat bang ideklarang ekstremista ang 13 publikasyon natin. Ipinapakita ng mga dokumento tungkol sa kaso ang plano na balak sundin ng korte sa Kyrgyzstan ang halimbawa ng Russia na ipagbawal hindi lang ang mga literatura. Halimbawa, sa isang liham mula sa Kyrgyzstan’s State Committee for National Security sa Prosecutor General, ipinag-utos nito na “ipagbawal ang relihiyosong mga publikasyon ng relihiyong ito at hangga’t maaari ay ipagbawal ang gawain nito sa Kyrgyz Republic.”