Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 20, 2017
MEXICO

Tumama ang Bagyong Max sa Gawing Timog ng Mexico

Tumama ang Bagyong Max sa Gawing Timog ng Mexico

Noong Setyembre 14, 2017, ang gawing timog ng baybaying Pasipiko ng Mexico ay sinalanta ng Bagyong Max, na humina nang maglaon bilang tropical storm. Ang malalakas na hangin at ulan ng bagyo ay nagdulot ng nakapipinsalang pagbaha.

Inaalam pa ang epekto sa lokal na mga komunidad. Pero nakalulungkot, kumpirmadong isa sa ating mga kapatid ang namatay dahil sa bagyo habang tinutulungan niya ang kaniyang kapitbahay. Inoorganisa ng tanggapang pansangay sa Mexico ang pagtulong sa mga biktima at nakikipagtulungan sila sa lokal na mga kongregasyon para suportahan ang mga naapektuhan ng bagyo.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Mexico: Gamaliel Camarillo, +52-555-133-3048