SETYEMBRE 12, 2017
MEXICO
Tumama ang Bagyong Lidia sa Mexico
Noong Biyernes, Setyembre 1, tumama ang Bagyong Lidia sa Baja California Peninsula ng Mexico. Bagaman humina na ang bagyo noong Sabado, ito ay nagbuhos ng mga 69 na sentimetro (27 in) na ulan, ang pinakamaraming buhos ng ulan na naiulat mula noong 1933. Di-kukulangin sa lima katao ang namatay dahil sa bagyo.
Iniulat ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico City na isang sister ang namatay nang tangayin siya ng rumaragasang tubig habang papauwi ng bahay. Tatlong iba pa ang tinangay rin ng baha, pero nasagip. Bukod diyan, matinding napinsala ng bagyo ang walong bahay. Lahat ng biktima ay tinutulungan ng kanilang kapamilya o ng mga kapatid doon.
Inoorganisa ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang pagtulong sa mga biktima ng sakuna mula sa kanilang pandaigdig na punong-tanggapan, gamit ang mga pondong iniabuloy sa pandaigdig na gawaing pagmiministeryo ng mga Saksi.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
Mexico: Gamaliel Camarillo, +52-555-133-3048