NOBYEMBRE 18, 2019
PILIPINAS
Sunod-sunod na Lindol ang Yumanig sa Timugang Pilipinas
Mula Oktubre 16, 2019, niyanig ng magkakasunod na malalakas na lindol ang timugang Pilipinas; 21 ang namatay, mahigit 400 ang nasugatan, at mahigit 35,000 ang lumikas. Di-bababa sa tatlong lindol ang may magnitude na 6.0 pataas. Tuloy-tuloy ang mga aftershock sa lugar. Walang naiulat na namatay sa mga kapatid natin, pero isang sister ang nagkaroon ng minor injury.
Apat na Kingdom Hall at 195 bahay ng mga kapatid ang lubhang napinsala; 9 na Kingdom Hall naman at 351 bahay ang bahagyang napinsala. Maraming kapatid ang nakatira sa mga tent dahil hindi ligtas na tumira sa bahay nila.
Ang sangay sa Pilipinas ay nag-atas ng dalawang Disaster Relief Committee para pangasiwaan ang pagbibigay ng tulong. Anim na kinatawan ng sangay, kasama ang tatlong miyembro ng Komite ng Sangay, ang bumisita sa naapektuhang mga lugar para maglaan ng espirituwal na pampatibay.
Ipinapanalangin nating patuloy na tulungan ni Jehova ang mga kapatid na naapektuhan ng mga lindol na ito.—Awit 70:5.