Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 15, 2019
POLAND

Warsaw, Poland—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon

Warsaw, Poland—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
  • Petsa: Agosto 9-11, 2019

  • Lokasyon: Municipal Stadium ng Legia Warsaw at Torwar Hall sa Warsaw, Poland

  • Wika ng Programa: English, Polish

  • Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 32,069

  • Bilang ng Nabautismuhan: 190

  • Bilang ng mga Delegado Mula sa Ibang Bansa: 6,892

  • Mga Sangay na Imbitado: Central Europe, Chile, Ecuador, Finland, France, Georgia, Hungary, Japan, Korea, Moldova, Romania, Ukraine, United States

  • Karanasan: Isinulat ni Mr. Kamil Kaźmierkiewicz, general manager ng Four Points ng Sheraton Warsaw Mokotów (isa sa mga hotel na tinuluyan ng mga delegado): “Napakadali ninyong kausap—sana mas marami pa kaming maging kliyente na mabait at positibo gaya ninyo. Kitang-kita ko na nagmamahalan kayo at nagkakaisa. . . . Saludo ako sa napakahusay na pagkakaorganisa ng event na ito.”

    Sinabi rin ni Mr. Kamil Lubański, may-ari ng KL Team, ang kompanya na nagpadala ng mga bus na ginamit sa kombensiyon: “Sa simula pa lang, nakita ko nang masarap na katrabaho ang mga Saksi ni Jehova. Nakikipagtulungan sila at professional. Napakagaling ng pagkakaorganisa sa malaking event na ito. May malalaki kaming kliyente, kasama na ang gobyerno, na gumawa rin ng mga event dito sa bansa at sa iba pang bansa sa Europa. Pero bihirang-bihira ang mga kliyenteng handang-handa at napakaorganisado gaya ninyo. Walang ibang masabi ang mga drayber at iba pa naming empleado tungkol sa inyong mga Saksi ni Jehova, puro magaganda lang. Sana makatrabaho ulit namin kayo.”

 

Sinasalubong sa airport ang mga delegado

Biyernes ng umaga, habang papasók sa venue ang mga dadalo ng kombensiyon

Ang Municipal Stadium ng Legia Warsaw, isa sa mga venue ng kombensiyon

Si Brother Gerrit Lösch ng Lupong Tagapamahala sa huling pahayag noong Biyernes

Tatlong binautismuhan noong Sabado

Nakikinig nang mabuti sa programa ang mga kapatid

Nakasuot ng tradisyonal na damit ang mga delegado habang nagpapalitrato sa labas ng stadium

Mga delegado na nasa pantanging buong-panahong paglilingkod habang kinakanta ang panghuling awit sa Linggo kasabay ng iba pang dumalo

Mga kabataang sister na kumakanta para sa mga delegado sa isang evening gathering

Sinasayaw ng mga kapatid ang isang tradisyonal na sayaw sa Poland sa isang evening gathering