Pumunta sa nilalaman

Kaliwa: Si Brother Gage Fleegle sa programa ng pag-aalay. Kanan sa itaas: Ang Assembly Hall sa Turda, Romania. Kanan sa ibaba: Ang pasilidad ng sangay sa Romania; naka-highlight ang mga gusaling inialay

SETYEMBRE 20, 2023
ROMANIA

Pag-aalay ng Assembly Hall at Karagdagang mga Pasilidad ng Sangay sa Romania

Pag-aalay ng Assembly Hall at Karagdagang mga Pasilidad ng Sangay sa Romania

Noong Agosto 26, 2023, ibinigay ni Brother Gage Fleegle, isang miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang pahayag ng pag-aalay ng Assembly Hall sa Turda, Romania, at ng tatlong gusali na idinagdag sa mga pasilidad ng sangay sa Bucharest, Romania. May 1,702 na nakapakinig sa pahayag niya sa Assembly Hall, bukod pa sa 14,101 na nakakonek sa pamamagitan ng videoconference.

Sa programa ng pag-aalay, ipinakita ang kasaysayan ng gawaing pagtatayo natin sa Romania at kung paano pinagpala ni Jehova ang mga pagsisikap ng ating mga kapatid. Ininterbyu din ang mga kapatid na naglingkod sa iba’t ibang construction team. Pagkatapos ng programa, sinabi ni Sister Iaela Drăghici, na tumulong sa pagtatayo ng Assembly Hall sa Turda: “Masayang-masaya akong makitang inialay kay Jehova ang mga gusaling ito para luwalhatiin siya.” Sinabi naman ni Brother Bruce Dyer, isang international construction volunteer na tumulong sa pagtatayo ng karagdagang mga gusali sa sangay: “Ipinagpapasalamat namin ang napakaespesyal na pribilehiyong makibahagi sa pagtatayong ito. Maraming-maraming salamat kay Jehova sa kaniyang walang-kapantay na kabaitan!”

May 1,702 kapatid na dumalo sa programa ng pag-aalay sa Turda Assembly Hall

Ang mga bagong gusali sa sangay ay tirahan ng pamilyang Bethel, at may isang classroom dito na ginagamit para sa School for Kingdom Evangelizers. Mayroon ding mga opisina para sa pagsasalin at isang Kingdom Hall. Nandito rin ang main lobby ng sangay. Ang inialay na Assembly Hall ay puwedeng maglaman ng 1,200 katao sa loob at 1,350 sa labas. Ginagamit ito ng mga 15,000 kapatid mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

May 23,968 naman na nagtipon sa Cluj Arena sa Cluj-Napoca, Romania, para sa isang espesyal na programa pagkatapos ng pag-aalay. Maliit na larawan: Mga kapatid na may hawak na sign na nagsasabing “Mahal Namin Kayo!” sa Romanian

Kinabukasan, Agosto 27, ginanap sa isang istadyum sa lunsod ng Cluj-Napoca ang isang programa na karugtong ng programa sa pag-aalay. Umabot nang 23,968 ang dumalo nang in-person. Ang programa ay isinalin sa wikang English, Hungarian, Romanian Sign Language, Romany (Romania), Russian, Russian Sign Language, at Ukrainian at ibinrodkast sa lahat ng kongregasyon sa Romania at Ukraine. Lahat-lahat, 121,411 ang nakadalo.

Masaya tayo para sa mga kapatid natin sa Romania dahil naialay na ang mga gusaling ito kay Jehova, kung saan patuloy na itataguyod ang dalisay na pagsamba.​—Isaias 2:3.