ABRIL 6, 2021
RUSSIA
Brother Aleksandr Shcherbina, Hinatulan ng Korte sa Russia ng Tatlong-Taóng Pagkabilanggo
UPDATE | Binawasan ng Korte sa Russia Para sa Apela ang Pagkabilanggo ni Brother Aleksandr Shcherbina
Noong Hunyo 24, 2021, sinang-ayunan ng Krasnodar Territorial Court ang paniniwala ni Brother Aleksandr Shcherbina at binawasan ang dati niyang sentensiya na tatlong-taóng pagkabilanggo at ginawa itong dalawang taon.
Hatol
Noong Abril 6, 2021, hinatulan ng Abinskiy District Court of Krasnodar Territory si Brother Aleksandr Shcherbina ng tatlong-taóng pagkabilanggo. Mula sa korte, agad siyang dinala sa bilangguan. Iaapela ni Aleksandr ang hatol.
Profile
Aleksandr Shcherbina
Ipinanganak: 1976 (Kholmskaya, Krasnodar Territory)
Maikling Impormasyon: Ulila na siya. Nagtrabaho siya bilang drayber ng trak, mekaniko, at karpintero
Noong bata pa siya, mahilig siyang maglaro ng basketball at soccer. Noong mga edad 20, nagpa-Bible study siya sa mga Saksi ni Jehova. Matapos niyang pag-aralan kung paano natupad ang mga hula sa Bibliya, nakumbinsi siya na totoo ang sinasabi ng Bibliya. Nabautismuhan siya noong 1999
Kaso
Dalawang beses na hinalughog ng mga pulis sa Krasnodar Territory ang bahay ni Brother Aleksandr Shcherbina, noong Abril at Disyembre 2020. Sa parehong pagkakataon, pinagtatanong si Aleksandr at kinumpiska ang mga Bibliya at mga gadget niya.
Noong Marso 17, 2021, sinimulan ang paglilitis kay Aleksandr sa Abinskiy District Court. Gaya ng ginawa sa ibang mga kapatid sa korteng iyon, minadali rin ang paglilitis kay Aleksandr.
Lakas-loob na sinabi ni Aleksandr sa korte: “Ang totoo, inaakusahan akong kriminal dahil sa paniniwala ko sa Diyos at pananatiling isang Saksi ni Jehova, pero ang mga ito ay karapatan ko na ginagarantiyahan ng Article 28 ng Constitution of the Russian Federation. Ang mga paniniwala ko ay batay sa Bibliya, kaya kabaligtaran iyon ng tinatawag na ekstremismo.”
Nagpapasalamat tayo kay Jehova dahil ang mga kapatid natin sa Russia ay patuloy na nagiging mabuting halimbawa ng lakas-loob at pananampalataya. At alam natin na sagana silang pagpapalain ni Jehova dahil sa pagtitiis nila sa paggawa ng “kalooban ng Diyos.”—Hebreo 10:36.