Pumunta sa nilalaman

Si Brother Dmitriy Vinogradov kasama ang asawa niya na si Zhanargul, at mga anak na sina Arina (kaliwa) at Olesya (kanan)

MAYO 18, 2021
RUSSIA

Brother Dmitriy Vinogradov, Dama ang Pagpapala ni Jehova Habang Nagtitiis ng Pag-uusig

Brother Dmitriy Vinogradov, Dama ang Pagpapala ni Jehova Habang Nagtitiis ng Pag-uusig

UPDATE | Pinatawan ng Korte ng Russia ng Dalawang-Taóng Suspended Prison Sentence si Brother Dmitriy Vinogradov

Noong Hunyo 7, 2021, hinatulan ng Tsentralniy District Court ng Chelyabinsk si Brother Dmitriy Vinogradov. Dalawang-taóng suspended sentence ang hatol sa kaniya. Hindi niya kailangang makulong ngayon.

Iskedyul ng Paghatol

Malapit nang ilabas ng Tsentralniy District Court ng Chelyabinsk ang hatol nito sa kaso ni Dmitriy Vinogradov. a

Profile

Dmitriy Vinogradov

  • Ipinanganak: 1963 (Chelyabinsk)

  • Maikling Impormasyon: Pinalaki ng kaniyang ina nang magdiborsiyo ang mga magulang niya. Ginawa niyang propesyon ang hilig niya sa chess at naging isang chess master. Nagtuturo ng chess sa isang pribadong paaralan. Napangasawa si Zhanargul noong 1990. May apat silang anak, ang dalawang pinakabata ay kasama pa nila sa bahay

    Laging nag-iisip kung bakit dinudumhan ng matatalinong tao ang planeta at pinipinsala ang iba. Nasumpungan niya ang kasiya-siyang mga sagot sa Bibliya. Nabautismuhan bilang Saksi ni Jehova noong 2014

Kaso

Noong 2018, ilang agent ng gobyerno ng Russia ang sinabihang magkunwaring interesado sa Bibliya at makipag-usap tungkol dito kay Dmitriy. Noong Enero 2020, sinabi ng mga awtoridad na sapat na ang mga pag-uusap na ito na gawing ebidensiya para sampahan siya ng kasong kriminal. Pagkalipas ng dalawang buwan, pinasok at hinalughog ng mga pulis ang apartment niya habang wala siya.

Malabo na ang paningin ni Dmitry at high blood pa. “Pero ang kaugnayan ko kay Jehova ay hindi nakadepende sa aking pisikal na kalusugan,” sabi niya. “Masaya ako at karangalan ko na magpatotoo sa korte.”

Si Dmitry at ang pamilya niya ay regular na nagbabasa at nagbubulay-bulay ng Bibliya. Naghahanda rin sila, dumadalo, at nagkokomento sa mga pulong. Sa loob ng maraming taon, nakatulong ito sa pamilya niya na maging malapít kay Jehova at sa isa’t isa at maging handa para sa pag-uusig. Sinabi rin niya: “Ang mga panalangin ng mga kapatid ay malaking tulong din sa amin. Dinirinig ni Jehova ang panalangin ng mga matuwid, at maraming pagpapala ang tinanggap ng aming pamilya mula kay Jehova.”

Marami tayong matututuhan mula sa ating mga kapatid na lakas-loob na nagtitiis ng pag-uusig nang may kagalakan. Habang iniisip natin ang mga kapatid na ito, sumasang-ayon tayo sa mga pananalita sa 2 Tesalonica 1:4: “Ipinagmamalaki namin kayo sa mga kongregasyon ng Diyos dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa kabila ng pag-uusig sa inyo at mga problema.”

a Hindi laging ipinapaalám kung kailan ang petsa ng paghatol ng korte.