Pumunta sa nilalaman

Ang Chekhov City Court ng Moscow Region

MAYO 21, 2021
RUSSIA

Brother at Sister Krutyakov, Brother Nikiforov, at Brother Zherebtsov, Nagtitiwala kay Jehova sa Ilalim ng Pagsubok

Brother at Sister Krutyakov, Brother Nikiforov, at Brother Zherebtsov, Nagtitiwala kay Jehova sa Ilalim ng Pagsubok

UPDATE | Ibinasura ng Court of Cassation sa Russia ang Ikalawang Apela

Noong Enero 13, 2022, ibinasura ng First General Jurisdiction Court of Cassation ang ikalawang apela ni Brother Yuriy Krutyakov at ng asawang niyang si Zinaida; at gayundin nina Brother Vitaliy Nikiforov at Konstantin Zherebtsov. Sa ngayon, hindi sila kailangang makulong.

Noong Hulyo 20, 2021, pinanatili ng Moscow Regional Court ang unang sentensiyang probation kina Yuriy, Zinaida, Vitaliy, at Konstantin.

Noong Mayo 24, 2021, hinatulang nagkasala ng Chekhov City Court ng Moscow Region sina Yuriy, Zinaida, Vitaliy, at Konstantin. Hinatulan ng korte ng anim-na-taóng suspended prison sentence si Yuriy. Sina Zinaida, Vitaliy, at Konstantin naman ay tumanggap ng dalawang-taóng suspended prison sentence.

Profile

Yuriy Krutyakov

  • Ipinanganak: 1952 (Nizhny Novgorod)

  • Maikling Impormasyon: Isang industrial at civil engineer. Nagtrabaho bilang draftsman at foreman. Hinanap ang kahulugan ng buhay sa loob ng maraming taon, at nalaman ang mga sagot nang magpa-Bible study sa mga Saksi ni Jehova. Nabautismuhan noong 1998

    Napangasawa si Zinaida noong 2012. Mahilig silang magluto at makinig sa musika

Zinaida Krutyakova

  • Ipinanganak: 1958 (Nizhnedevitsk)

  • Maikling Impormasyon: Single parent noong pinapalaki ang kaniyang anak na babae. Nagtrabaho bilang engineer at espesyalista sa paggawa ng ceramics at heat-resistant na mga materyales. Nagretiro na

    Nag-iisip siya kung bakit umiiral ang kawalang-katarungan sa mundo. Nahanap ang mga sagot nang magpa-Bible study sa mga Saksi ni Jehova. Nabautismuhan noong 2003. Napangasawa si Yuriy noong 2012

Vitaliy Nikiforov

  • Ipinanganak: 1968 (Nevel, Pskov Region)

  • Maikling Impormasyon: Bata pa lang, magaling na sa math at mahilig sa sports. Nagtrabaho bilang aircraft technician sa Russian Air Force

    Nagpa-Bible study sa mga Saksi ni Jehova noong 2005. Nagretiro sa army noong 2007. Nabautismuhan noong 2012

Konstantin Zherebtsov

  • Ipinanganak: 1973 (Turkmenistan)

  • Maikling Impormasyon: Mahilig sa weight lifting at pangongolekta ng stamp noong bata pa. Nagtapos sa technical school at nagtrabaho bilang electrician. Mula noong 2003, nagtrabaho sa planta na gumagawa ng mga makinang ginagamit sa mga nuclear power station

    Napangasawa si Natalya noong 1994. Sabay silang nagpa-Bible study sa mga Saksi ni Jehova. Nabautismuhan noong 2016

Kaso

Noong Setyembre 30, 2019, sinampahan ng kasong kriminal ng Investigative Committee of Russia sa Moscow sina Brother Vitaliy Nikiforov, Konstantin Zherebtsov, Yuriy Krutyakov at ang asawa niyang si Sister Zinaida Krutyakova. Pagkalipas ng dalawang araw, ni-raid ng mga pulis ang mga bahay nila.

Sina Vitaliy, Konstantin, at Zinaida ay pinagtatanong ng ilang oras at ikinulong ng isang gabi. Pagkatapos, pinagbawalan silang umalis sa kanilang lugar.

Noong Marso 5, 2020, ikinulong si Yuriy bago pa man litisin. Pagkatapos, tatlong beses pa siyang inilipat sa iba’t ibang pasilidad. Nakakulong pa rin siya.

Sinabi ni Konstantin na napakahalaga ng panalangin para matiis niya ang pagsubok. Noong gabi na isinagawa ang mga raid, nanalangin siya kay Jehova na tulungan siyang huwag masyadong mag-alala. Sinabi niya: “Dahil kalmado at magalang kami ng pamilya ko sa mga pulis, naging patotoo iyon na ang bayan ng Diyos ay mapayapa at masunurin sa batas.”

Sinabi pa ni Konstantin: “Kapag mahirap ang sitwasyon, lumalakas ang loob ko dahil sa sinasabi sa Zacarias 2:8. Ipinapaalala nito sa akin na mahal ako ni Jehova at mahalaga ako sa kaniya; tinitiyak niya sa akin na iingatan niya ako na gaya ng itim ng kaniyang mata.”

Habang patuloy na inihahagis ng tatlo nating brother at ng mahal nating sister ang kanilang mga pasanin kay Jehova, siguradong patuloy din niya silang aalalayan.—Awit 55:22.