PEBRERO 18, 2020
RUSSIA
Hinatulan si Brother Yevgeniy Aksenov ng Dalawang-Taóng Suspended Sentence sa Russia
Noong Pebrero 18, 2020, hinatulan ng Zheleznodorozhniy District Court sa Khabarovsk, Russia, si Brother Yevgeniy Aksenov at binigyan ng dalawang-taóng suspended sentence. Kung sa dalawang taóng iyon ay lumipat ng bahay si Brother Aksenov o mapatunayang may-sala sa anumang krimen, ikukulong siya. Sa unang anim na buwan, siya ay naka-probation at dapat na magreport sa mga pulis buwan-buwan. Bukod diyan, hindi siya puwedeng umalis ng Khabarovsk at hindi rin puwedeng lumabas ng bahay kapag gabi. Aapela si Brother Aksenov sa hatol.