HUNYO 11, 2019
RUSSIA
Iaapela sa European Court of Human Rights ang Hatol kay Dennis Christensen
Gaya ng dating iniulat, noong Mayo 23, 2019, kinatigan ng Oryol Regional Court ang hatol kay Dennis Christensen. Kaya nananatili ang anim-na-taóng sentensiya kay Brother Christensen. Pero dahil nabilanggo na siya nang dalawang taon bago pa man litisin, na sa ilalim ng batas ng Russia ay itinuturing na katumbas ng tatlong-taóng pagkabilanggo, tatlong taon na lang ang natitira sa sentensiya niya. Noong gabi ng Hunyo 6, 2019, si Brother Christensen ay inilipat sa isang kampong piitan bilang simula ng sentensiya niya. Iaapela ni Brother Christensen sa European Court of Human Rights (ECHR) ang hatol sa kaniya. Nauna na niyang hiniling sa ECHR na ipahayag na di-makatarungan ang pagbilanggo sa kaniya bago pa man ang paglilitis.
Hinahangaan natin ang pagiging mahinahon at ang pagtitiis ni Brother Christensen sa harap ng mahirap na sitwasyon. Nakakatiyak tayo na patuloy siyang papalakasin ni Jehova, pati na ang mahigit 200 Saksi ni Jehova sa Russia na may mga kaso.—Awit 27:1.
Basahin ang transcript ng pahayag ni Dennis Christensen sa Oryol Regional Court noong Mayo 16, 2019.
Basahin ang transcript ng pahayag ni Dennis Christensen sa Oryol Regional Court noong Mayo 23, 2019.