OKTUBRE 21, 2024
RUSSIA
Napalaya Na si Sister Nataliya Sharapova Mula sa Bilangguan sa Russia
Noong Oktubre 4, 2024, napalaya na si Sister Nataliya Sharapova mula sa bilangguan sa Russia. Nahatulan siya at nasentensiyahang mabilanggo nang tatlong taon noong Hulyo 10, 2024. Dahil nakulong na siya nang halos dalawang taon bago pa man ang hatol sa kaniya, nakumpleto na niya ang sentensiya sa kaniya.
Noong panahon ng paglilitis, sinabi ni Nataliya sa hukuman: “Marami akong tapat na mga kapatid na patuloy na nagmamahal sa akin. Itinuro ni Jesus: ‘Kung mahal ninyo ang isa’t isa, malalaman ng lahat na kayo ay mga alagad ko.’ (Juan 13:35) Pag-ibig ang dahilan ng lahat ng ginagawa ko at mananatili akong ganito.”
Nagkasama nang muli si Nataliya at ang pamilya niya. Nagtitiwala tayo na patuloy na ipapakita ni Jehova ang kapangyarihan ng kaniyang “tapat na pag-ibig” sa kaniya at sa lahat ng tapat niyang mga lingkod.—Awit 59:16, 17.