AGOSTO 26, 2022 | UPDATED: MARSO 8, 2023
RUSSIA
UPDATE—BINAGO ANG SENTENSIYA | Kalmado at Nagtitiwala sa Kabila ng Pag-uusig
Noong Marso 1, 2023, inilabas ng Stavropol Territory Court ang desisyon nito sa kaso ni Brother Anatoliy Gezik at ng asawa niyang si Irina at ni Brother Viktor Zimovskiy. Ginawang suspended prison sentence ang dating sentensiya kina Anatoliy at Viktor. Hindi na kailangang magsagawa si Anatoliy ng correctional labor. Pinalaya din agad si Viktor. Hindi nagbago ang suspended prison sentence na hatol kay Irina. Hindi siya makukulong sa ngayon.
Noong Nobyembre 14, 2022, hinatulan ng Georgievskiy City Court of the Stavropol Territory si Anatoliy at ang asawa niyang si Irina, gayundin si Viktor. Sinentensiyahan si Anatoliy ng apat-na-taon-at-dalawang-buwang correctional labor. Pinatawan naman si Irina ng apat-na-taon-at-dalawang-buwang suspended prison sentence. Sinentensiyahan si Viktor na mabilanggo nang anim na taon at dalawang buwan, at agad siyang ikinulong.
Time Line
Oktubre 23, 2019
Hinalughog ng mga pulis ang mga bahay ng tatlong pamilya ng mga Saksi ni Jehova sa Georgievsk. Naglagay ng ebidensiya ang mga pulis habang naghahalughog sila. Sina Anatoliy, Irina, Viktor, at walong iba pang Saksi ay ikinulong at magdamag na pinagtatanong
Disyembre 30, 2019
Sinampahan ng kasong kriminal sina Anatoliy, Irina, at Viktor
Enero 23, 2020
Ipinatawag si Viktor para sa karagdagang interogasyon at dinala sa temporary detention center. Kinabukasan inilipat siya sa pretrial detention center
Marso 23, 2020
Pinalaya si Viktor at inilagay sa house arrest
Mayo 6, 2020
Pinalaya si Viktor mula sa house arrest at pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Oktubre 6, 2021
Inalis ang pagbabawal kay Viktor na magbiyahe
Marso 10, 2022
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Habang nagtitiis sila nang may kagalakan at pag-asa, kumbinsido tayo na si Jehova ay mananatiling “malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya.”—Awit 145:18.