ABRIL 1, 2022
RUSSIA
UPDATE | Brother Sergey Belousov, Ipinagtatanggol ang Pangalan ng Diyos
Noong Hunyo 30, 2022, ibinasura ng Tomsk Regional Court ang apela ni Brother Sergey Belousov. Hindi siya kailangang makulong sa ngayon.
Noong Abril 14, 2022, hinatulan ng Seversk City Court ng Tomsk Region si Sergey at pinatawan ng tatlong-taóng suspended prison sentence.
Time Line
Hulyo 14, 2020
Ni-raid ng mga opisyal ng FSB ang pitong bahay, kasama na ang bahay ni Sergey. Sa loob ng ilang buwan, palihim na inirekord ng isang ahente ng gobyerno na nagkukunwaring interesado sa Bibliya ang mga pulong ng kongregasyon bago ang pag-raid
Marso 25, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal si Sergey
Marso 30, 2021
Pormal na kinasuhan si Sergey batay sa mga inirekord ng ahente ng gobyerno. Inakusahan si Sergey ng pakikibahagi sa mga serbisyong relihiyoso dahil sa paggamit ng mga tool sa online videoconferencing, gayundin ng pagkanta ng mga awit at pananalangin sa Diyos na Jehova
Profile
Gaya ni Sergey, habang pinupuri natin ang pangalan ni Jehova, kumbinsido tayo na “palalakasin Niya ang kaniyang bayan.”—Awit 148:13, 14.