MARSO 4, 2022
RUSSIA
UPDATE—HINDI TINANGGAP ANG APELA | Sister Lyudmila Shchekoldina—Napapalakas ng Nakapagpapatibay na Pananalita Mula sa Iba
Noong Oktubre 6, 2022, hindi tinanggap ng Krasnodar Territory Court ang apela ni Sister Lyudmila Shchekoldina. Nakakulong pa rin siya.
Noong Mayo 23, 2022, hinatulan ng Pavlovskiy District Court ng Krasnodar Territory si Lyudmila na makulong nang apat na taon at isang buwan. Agad itong ipinataw.
Time Line
Abril 23, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal pagkatapos makipag-usap tungkol sa Bibliya sa isang espiya
Abril 29, 2020
Hinalughog ng mga awtoridad ang bahay ni Lyudmila nang siyam na oras at pinagtatanong. Opisyal na kinasuhan ng pagtataguyod ng mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon
Hunyo 21, 2021
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Nagtitiwala tayo na sa tulong ni Jehova, patuloy na mananatiling malakas si Lyudmila at ang lahat ng ating tapat na mga kapatid na dumaranas ng mga pagsubok.—Awit 68:28.