Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan: Sina Brother Sergey Ashikhmin, Maksim Derendyaev, at Aleksandr Kutin

HULYO 8, 2022| UPDATED: MAYO 13, 2024
RUSSIA

UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Pinalalakas ng Panalangin

UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Pinalalakas ng Panalangin

Noong Mayo 13, 2024, hinatulan ng Pervomayskiy District Court of Izhevsk sina Brother Sergey Ashikhmin, Maksim Derendyaev, at Aleksandr Kutin. Sinentensiyahan ang bawat isa sa kanila ng tatlong-taóng pagkabilanggo. Ibinilanggo sila agad pagkagaling sa korte.

Time Line

  1. Abril 14, 2021

    Mga 12 bahay ng mga Saksi ni Jehova ang hinalughog ng mga FSB agent. Si Sergey ay pitong oras na sumailalim sa interogasyon. Ikinulong sina Maksim at Aleksandr

  2. Abril 15, 2021

    Dinala sa pretrial detention center sina Maksim at Aleksandr

  3. Abril 29, 2021

    Pinalaya si Aleksandr sa pretrial detention

  4. Mayo 14, 2021

    Inilagay si Aleksandr sa house arrest

  5. Hulyo 9, 2021

    Pinalaya si Maksim sa pretrial detention at inilagay sa house arrest

  6. Marso 14, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Ang ating mga kapatid na nagtitiis ng kawalang-katarungan ay nagtitiwala kay Jehova, na nangangako: “Huwag kang matakot, dahil kasama mo ako.”—Isaias 43:5.