NOBYEMBRE 30, 2022 | UPDATED: DISYEMBRE 29, 2022
RUSSIA
UPDATE—MGA BROTHER NA IBINILANGGO | Tumibay ang Kanilang Espirituwalidad
Hinatulan ng Zeyskiy District Court of the Amur Region sina Brother Yevgeniy Bitusov at Leonid Druzhinin. Nahatulan ng anim-na-taóng pagkabilanggo si Brother Bitusov. Si Brother Druzhinin naman ay anim at kalahating taon. Mula sa hukuman, deretso sila sa kulungan.
Profile
Ipinagmamalaki natin ang mga kapatid natin na patuloy na pinapatunayan ang kanilang sarili na mga ministro ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagtitiis at pasensiya.—2 Corinto 6:3-10.
Time Line
Marso 21, 2019
Hinalughog ng mga pulis ang mga bahay ng maraming pamilyang Saksi ni Jehova sa Zeya, kasama na ang bahay nina Yevgeniy at Leonid
Agosto 10, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal
Oktubre 13, 2020
Hinalughog ng mga pulis ang mga bahay nina Yevgeniy at Leonid sa ikalawang pagkakataon. Idinitine si Leonid at sumailalim sa interogasyon sa loob ng dalawang oras
Hunyo 20, 2022
Nagsimula ang paglilitis