NOBYEMBRE 25, 2022| UPDATED: DISYEMBRE 8, 2022
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Alam Naming Hindi Kami Nag-iisa”
Noong Disyembre 7, 2022, hinatulan ng Metallurgicheskiy District Court of the City of Chelyabinsk si Brother Vadim Gizatulin at pinatawan ng dalawang-taóng suspended prison sentence. Hindi siya makukulong sa ngayon.
Profile
Makakatiyak din tayo na hindi tayo nag-iisa kapag napaharap tayo sa mga problema. Hindi kailanman pababayaan ni Jehova ang tapat na mga lingkod niya.—Awit 9:9, 10.
Time Line
Marso 26, 2019
Hinalughog ang apartment ni Vadim bilang bahagi ng imbestigasyon kay Brother Vladimir Suvorov
Agosto 31, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal si Vadim. Pinaratangan siya ng pakikibahagi sa mga gawain ng isang ipinagbabawal na relihiyosong organisasyon
Oktubre 22, 2021
Hinalughog sa ikalawang pagkakataon ang apartment ni Vadim. Dinala si Vadim at ang asawa niya para sa interogasyon
Hulyo 14, 2022
Pinagbawalang magbiyahe
Agosto 18, 2022
Nagsimula ang paglilitis