MARSO 29, 2024 | UPDATED: HULYO 10, 2024
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Hindi Ako Nag-aalala o Natatakot”
Noong Hulyo 10, 2024, hinatulan ng Khabarovsk District Court of the Khabarovsk Territory si Brother Valeriy Rabota at pinatawan ng anim-na-taóng suspended prison sentence. Hindi siya makukulong sa ngayon.
Profile
Nagpapasalamat tayo sa halimbawa ng pananampalataya ni Valeriy, at alam natin na babantayan siya ni Jehova at ang lahat ng nananatiling tapat sa Kaniya.—Awit 37:28.
Time Line
Marso 1, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal
Marso 3, 2022
Hinalughog ang bahay niya. Pinagtatanong siya at inilagay sa isang temporary detention center
Marso 5, 2022
Inilipat sa isang pretrial detention center
Hunyo 29, 2022
Pinalaya mula sa pretrial detention center at inilagay sa house arrest
Oktubre 7, 2022
Pinalaya mula sa house arrest at pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Mayo 11, 2023
Nagsimula ang paglilitis