HUNYO 12, 2024 | UPDATED: HULYO 25, 2024
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Magkasama Naming Pinaglilingkuran si Jehova”
Noong Hulyo 24, 2024, hinatulan ng Sovietskiy District Court of the City of Oryol si Brother Dmitriy Ignatov at sinentensiyahan ng dalawang-taóng sapilitang pagtatrabaho sa isang correctional facility. Titira siya sa facility at magsasagawa ng paglilingkod sa isang espesipikong lokasyon sa komunidad. Sa panahon ng sentensiya niya, kukumpiskahin ng gobyerno ang 5 porsiyento ng kinikita niya.
Profile
Ipinapaalala sa atin ng magandang halimbawa nina Dmitriy at Darya na kung ‘lagi nating itutuon ang isip natin sa mga bagay sa itaas,’ makakatiyak tayo na mapapanatili nating matibay ang pananampalataya natin kahit sa ilalim ng pagsubok.—Colosas 3:2.
Time Line
Disyembre 9, 2020
Hinalughog ang bahay
Oktubre 28, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal
Setyembre 13, 2023
Muling hinalughog ang bahay
Marso 4, 2024
Nagsimula ang paglilitis