SETYEMBRE 13, 2023 | UPDATED: MARSO 12, 2024
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Proud Akong Maging Isang Saksi ni Jehova!”
Noong Marso 1, 2024, hinatulan ng Sovietskiy District Court of the City of Oryol si Sister Tatyana Piskareva ng sapilitang pagtatrabaho nang dalawang taon at anim na buwan. Mananatili siya sa isang correctional facility at magtatrabaho sa lugar na ibibigay sa kaniya.
Profile
Gaya ni Tatyana, nagkakaroon tayo ng lakas at kaaliwan dahil alam nating kinakatawan natin si Jehova at lagi natin siyang kasama. Karangalan nating tawaging mga Saksi niya.—Isaias 44:8.
Time Line
Disyembre 9, 2020
Hinalughog ang bahay nina Tatyana at Vladimir. Inaresto si Vladimir
Disyembre 11, 2020
Dinala si Vladimir sa isang pretrial detention center
Oktubre 28, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal si Tatyana
Abril 10, 2023
Nagsimula ang paglilitis