OKTUBRE 1, 2021| UPDATED: AGOSTO 29, 2023
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG MGA KAPATID | Limang Brother, Determinadong Magtiis ng Pag-uusig
Noong Agosto 28, 2023, hinatulan ng Promyshlenniy District Court of Orenburg sina Brother Vladimir Kochnev, Vladislav Kolbanov, Pavel Lekontsev, Sergey Logunov, at Nikolay Zhugin. Pinatawan sila ng dalawang-taon-at-anim-na-buwan hanggang tatlong-taon-at-anim-na-buwang suspended prison sentence. Hindi sila makukulong sa ngayon.
Time Line
Marso 1, 2021
Mahigit isang taon pagkatapos ibalik ang kaso sa prosecutor’s office, nagsimula ang mga pagdinig sa Promyshlenniy District Court ng Orenburg
Enero 14, 2020
Ibinalik sa prosecutor’s office ang kasong kriminal dahil walang malinaw na akusasyon laban sa mga brother
Agosto 3, 2018
Pinalaya si Vladimir mula sa isang pretrial detention center pagkaraan ng 79 na araw at ipina-house arrest
Mayo 16, 2018
Hinalughog ng mga pulis ang bahay ng 19 na pamilya sa Orenburg Region. Sina Vladimir at Vladislav ay ipinadala sa isang temporary detention facility. Pagkaraan ng tatlong araw, pinalaya si Vladislav at ipina-house arrest
Mayo 14, 2018
Sinimulan ng Investigative Directorate ng Investigative Committee of the Russian Federation para sa Orenburg Region ang kasong kriminal laban sa limang brother
Profile
Kahit mahigit tatlong taon na ang kaso nila, kitang-kita na determinado ang mahal nating mga kapatid na manatiling tapat kay Jehova. Maliwanag din na tapat si Jehova sa kanila.—2 Samuel 22:26.