HULYO 26, 2022 | UPDATED: DISYEMBRE 6, 2023
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG MGA KAPATID | Pinapalakas ni Jehova ang mga Kapatid na Matiis ang Di-makatarungang Pagkabilanggo
Noong Disyembre 5, 2023, hinatulan ng Surgut City Court of the Khanty-Mansi Autonomous Area—Yugra ang 17 brother at isang sister. Kasama dito sina Brother Yevgeniy Fedin, Artur Severinchik, at Timofey Zhukov. Sinentensiyahan ang 17 brother ng suspended prison sentence mula anim na taon at tatlong buwan hanggang pitong taon. Pinatawan naman ang sister ng suspended prison sentence na tatlong taon at tatlong buwan. Hindi sila makukulong sa ngayon.
Time Line
Pebrero 15, 2019
Hinalughog ng mga pulis ang bahay ng maraming Saksi ni Jehova sa Surgut at sa kalapit na mga lunsod. Pitong brother ang iniulat na pinahirapan sa panahon ng interogasyon. Tatlong brother ang inilagay sa pretrial detention, kasama si Yevgeniy Fedin at Artur Severinchik
Marso 7, 2019
Iniutos ng appeals court na palayain si Artur mula sa pretrial detention pagkatapos ng 21 araw
Abril 11, 2019
Pinalaya si Yevgeniy mula sa pretrial detention pagkatapos ng halos dalawang buwan. Nagpataw ng restriksiyon ang korte sa pagbibiyahe, komunikasyon, at paggamit ng Internet
Enero 16, 2020
Iniutos ng isang hukom na magpunta si Brother Timofey Zhukov sa isang psychiatric hospital para magpatingin dahil tumatanggi siyang sumagot sa interogasyon, ayon sa mga imbestigador. Isa itong karapatang protektado sa ilalim ng Article 51 ng Constitution of the Russian Federation. Pagkatapos, umapela si Timofey
Pebrero 5, 2020
Inaresto ng mga pulis si Timofey paglabas niya ng hukuman. Kahit na wala pa namang sagot sa apela niya, dinala siya ng mga pulis sa isang psychiatric hospital sa Yekaterinburg na 1,200 kilometro ang layo. Nanatili siya roon sa loob nang 14 na araw
Marso 5, 2020
Sinabi ng appeals court na labag sa batas ang pagkakakulong ni Timofey
Oktubre 19, 2021
Iniutos ng appeals court na bayaran si Timofey dahil labag sa batas ang pagkakakulong sa kaniya
Nobyembre 12, 2021
Noong magsimula ang pagdinig, iniharap ng mga abogado ng mga nasasakdal ang ebidensiya ng ilegal at di-makataong ginawa ng mga awtoridad, kasama ang pagpapahirap, pagpalsipika ng mga ebidensiya, at paggamit ng di-patas na mga eksperto. Hiniling ng mga nasasakdal sa korte na ibalik ang kaso sa prosecutor
Nobyembre 15, 2021
Inamin ng hukom na may mga bahagi sa imbestigasyon na labag sa batas, pero tumanggi itong ibalik ang kaso sa prosecutor
Profile
Nagtitiwala tayo na patuloy na tutulungan ni Jehova sina Yevgeniy, Artur, Timofey, at lahat ng mga kapatid natin na ‘magpokus ng kanilang mga mata sa mga bagay na di-nakikita’ habang nagtitiis ng pag-uusig.—2 Corinto 4:17, 18.