ENERO 1, 2024 | UPDATED: AGOSTO 9, 2024
RUSSIA
UPDATE—PINAGMULTA ANG KAPATID | ‘Hindi Ako Iniwan ni Jehova’
Noong Agosto 8, 2024, hinatulan ng Kurgan City Court of the Kurgan Region si Brother Anatoliy Isakov. Pinagmumulta siya ng 400,000 ruble ($4,522 U.S.). Hindi siya makukulong sa ngayon.
Profile
Pinahahalagahan natin ang determinasyon at pananampalataya ni Anatoliy sa harap ng maraming pagsubok. At masaya tayong malaman na anuman ang nararanasan natin, si Jehova ay magiging ‘bato ng puso natin.’—Awit 73:26.
Time Line
Hulyo 13, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal
Hulyo 14, 2021
Hinalughog ang bahay niya. Inilagay siya sa isang temporary detention center
Hulyo 15, 2021
Inilipat siya sa isang pretrial detention center
Hulyo 21, 2021
Umapela siya sa Department of Health ng Kurgan Region para mapalaya na siya at maipagpatuloy ang chemotherapy niya
Agosto 28, 2021
Napalaya siya sa pretrial detention center dahil sa kahilingan ng European Court of Human Rights. Pinagbawalan siyang umalis ng kanilang lugar
Hulyo 6, 2023
Nagsimula ang paglilitis