DISYEMBRE 9, 2022 | UPDATED: ABRIL 25, 2023
RUSSIA
UPDATE—PINAGMULTA ANG KAPATID | “Nakakatulong . . . sa Akin ang Marubdob na Pananalangin”
Noong Abril 25, 2023, hinatulan ng Metallurgicheskiy District Court of Chelyabinsk si Sister Irina Mikhaylenko. Pinagmulta siya ng 120,000 rubles ($1,471 U.S.).
Profile
Napapatibay tayo ng sigasig at pagtitiwala ni Irina kay Jehova. Talagang patuloy Niyang binabantayan “ang buhay ng mga tapat sa kaniya.”—Awit 97:10.
Time Line
Marso 26, 2019
Hinalughog ang mga bahay ng 10 pamilya ng mga Saksi ni Jehova sa Chelyabinsk, pati na ang bahay ni Irina
Agosto 31, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal
Oktubre 22, 2021
Muling hinalughog ang bahay. Dinala para sa interogasyon. Pinagbawalang magbiyahe
Oktubre 27, 2021
Opisyal na kinasuhan ng pakikibahagi sa mga gawain ng isang ipinagbabawal na relihiyosong organisasyon
Setyembre 7, 2022
Nagsimula ang paglilitis