HUNYO 7, 2022| UPDATED: AGOSTO 8, 2023
RUSSIA
UPDATE—PINAWALANG-SALA ANG KAPATID | Kumbinsido sa Pag-ibig at Suporta ni Jehova
Noong Agosto 7, 2023, pinawalang-sala ng Yugorskiy District Court of the Khanty-Mansi Autonomous Area—Yugra si Brother Andrey Zhukov sa lahat ng kasong isinampa sa kaniya.
Time Line
Agosto 17, 2020
Nagsampa ng kasong kriminal ang mga awtoridad laban kay Andrey, at inaakusahan siya ng pagsasagawa ng lihim na mga pagtitipon ng isang “ekstremistang” organisasyon
Agosto 19, 2020
Ni-raid ang siyam na bahay ng mga Saksi ni Jehova, kasama ang bahay ni Andrey. Pansamantala siyang idinitine
Agosto 20, 2020
Pinalaya at inilagay sa recognizance agreement
Enero 14, 2021
Isinama sa listahan ng mga ekstremista, at hindi niya puwedeng gamitin ang pera niya sa bangko
Agosto 4, 2021
Inakusahan si Andrey ng mga awtoridad ng iba pang bagay, pati ang “pananalangin sa Diyos na Jehova, pagdaraos ng relihiyosong seremonya, at pag-aaral ng relihiyosong mga publikasyon.” Pagkatapos, pinagtatanong na siya
Oktubre 15, 2021
Ipinagkait ang mga kahilingan na wakasan ang kasong kriminal
Disyembre 29, 2021
Nagsimula ang paglilitis ng korte
Profile
Ang suporta na ibinibigay ni Jehova kay Andrey at sa mahal nating mga kapatid na nagtitiis ng pag-uusig ay ‘katibayan ng kaniyang kabutihan’ at na siya ang isa na “tumutulong at umaaliw.”—Awit 86:17; talababa.