DISYEMBRE 28, 2021
RUSSIA
UPDATE | Tapat na mga Saksi—Nagtitiwala sa Tulong ni Jehova
Noong Abril 4, 2022, hinatulan ng Abakan City Court of the Republic of Khakassia si Sister Matrena Spiriadi at Brother Aleksandr Vergunov. Sila kapuwa ay tumanggap ng dalawa at kalahating taon na suspended prison sentence. Nakakalungkot, si Sister Irina Sidorova, na dating kasali rin sa kaso, ay namatay na. Hindi kailangang makulong ngayon nina Matrena at Aleksandr.
Time Line
Marso 30, 2021
Hinalughog ng mga pulis ang mga bahay nina Matrena and Aleksandr
Hulyo 17, 2020
Namatay si Irina pagkatapos maoperahan
Mayo 20, 2020
Sumailalim sa interogasyon ng mga awtoridad si Irina, pinaghinalaang sangkot siya sa tinatawag nilang ekstremistang gawain
Mayo 19, 2020
Sumailalim sa interogasyon ng mga awtoridad si Aleksandr, pinaghinalaang sangkot siya sa tinatawag nilang ekstremistang gawain
Abril 20, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal sina Aleksandr, Irina, at Matrena
Profile
Nagtitiwala tayo na nakikita at pinahahalagahan ng ating Diyos na Jehova ang bawat isa sa kaniyang tapat na mga lingkod. Alam natin na hinding-hindi niya pababayaan ang mahal niyang mga lingkod.—Isaias 49:15.