MAYO 30, 2017
RUSSIA
Diringgin ng Supreme Court ng Russia ang Apela ng mga Saksi ni Jehova sa Hulyo 17, 2017
Umapela ang mga Saksi ni Jehova sa Russia laban sa desisyon ng Supreme Court na ipagbawal ang kanilang pagsamba. Winakasan ng desisyon ni Judge Yuriy Ivanenko noong Abril 20, ang lahat ng gawain ng legal na mga korporasyon ng mga Saksi sa buong bansa. Sa Hulyo 17, 2017, diringgin ng panel ng Appellate Chamber ng Supreme Court na binubuo ng tatlong judge ang apela.
Hinihiling ng apela na lubusang baligtarin ang desisyon. Idiniin nito na ang desisyon ay hindi batay sa tunay na ebidensiya at na walang anumang ekstremistang gawain ang mga Saksi ni Jehova. Itinampok din ng apela na ang mga paratang na humantong sa desisyon ng Supreme Court ay iyon ding paratang na ginamit ng mga awtoridad para usigin ang mga Saksi noong panahong Sobyet. Nang maglaon, sila ay pinawalang-sala sa mga paratang na ito. Idiniin din ng apela na sinasalungat ng desisyon ang garantiya ng kalayaan sa pagsamba na nasa Konstitusyon ng Russia at nasa internasyonal na mga commitment nito.
Naaapektuhan na ng desisyong ito ang mga Saksi gaya ng naranasan nila noon sa ilalim ng pamamahalang Komunista. Pinag-uusig ng mga awtoridad ang ilang Saksi dahil sa “ekstremistang gawain,” sinesesante ng mga amo ang mga Saksi, tinatakot ng mga guro ang mga estudyanteng Saksi sa harap ng kanilang mga kaklase, at sinisira ng mga taong galít sa kanila ang mga Kingdom Hall at binomba’t tinupok ng mga ito ang dalawang bahay ng mga Saksi.
Umaasa ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig na makikita ng Appellate Chamber ng Supreme Court ng Russia ang kawalang-katarungan ng naunang desisyon at baligtarin ito, sa gayon ay protektahan ang kalayaan sa pagsamba at seguridad ng mga Saksi ni Jehova sa Russia.