Pumunta sa nilalaman

MAYO 3, 2018
RUSSIA

Mga Saksi Natalo sa Apela—Maaaring Kumpiskahin ng mga Awtoridad sa Russia ang Dating Pag-aari ng Sangay

Mga Saksi Natalo sa Apela—Maaaring Kumpiskahin ng mga Awtoridad sa Russia ang Dating Pag-aari ng Sangay

Noong Huwebes, Mayo 3, 2018, pinagtibay ng Saint Petersburg City Court ang orihinal na desisyon noong Disyembre 2017, na nagpapahintulot sa gobyerno ng Russia na kumpiskahin agad ang ating dating mga pasilidad ng sangay sa Solnechnoye.

Bagaman hindi natin mapahihinto ang pagkumpiska ng Russia sa pag-aari, ang desisyon ngayon ay bahagi ng isang kahilingan na isinasaalang-alang ng European Court of Human Rights (ECHR). Ipinaalám na ng ECHR sa gobyerno ng Russia na ang ating kahilingan ay isinasaalang-alang na bilang isang priyoridad.

Patuloy kaming umaasa na aayusin ni Jehova, ang Diyos ng katarungan, ang mga bagay-bagay sa kaniyang panahon.—Isaias 30:18.