DISYEMBRE 13, 2016
SOLOMON ISLANDS
Lindol sa Solomon Islands Lumikha ng Takot sa Tsunami
Noong Disyembre 9, 2016, isang magnitude 7.8 na lindol ang nangyari sa karagatan sa may Solomon Islands, na sinundan ng mga pagyanig na lumikha ng maliliit na alon ng tsunami. Walang Saksi sa rehiyong ito ang namatay o nasaktan, at walang pasilidad ng mga Saksi ang matinding napinsala. Pero dahil ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova ay nasa Honiara, ang kabisera, na malapit sa baybayin, inilikas ng tanggapang pansangay ang mga personnel sa mas mataas na lugar bilang pagsunod sa mga babala mula sa Pacific Tsunami Warning Center. Ngayong wala nang panganib, lahat ay bumalik na sa pasilidad, at nagpatuloy na ang mga gawain sa tanggapang pansangay.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
Solomon Islands: Lency Lamani, +677-22241