AGOSTO 11, 2017
TAIWAN
Isang Matagumpay na Programa ng Alternatibong Serbisyong Pansibilyan sa Taiwan
Noong 2000, ipinatupad ng Taiwan ang programa ng alternatibong serbisyong pansibilyan na nagpapahintulot sa mga tumatangging magsundalo udyok ng budhi na tuparin ang kanilang obligasyon na maglingkod sa bansa nang hindi nilalabag ang kanilang budhi. Sa ilalim ng kaayusang ito, ang mga tumatangging magsundalo udyok ng budhi ay maaaring pumili na magtrabaho sa mga ospital, nursing home, at sa iba pang pampublikong sektor. Nahigitan ng programa ang mga inaasahan dito, sa kapakinabangan kapuwa ng lipunan ng Taiwan at ng mga tumatangging magsundalo udyok ng budhi, na hindi na makukulong dahil sa kanilang neutral na paninindigan.
Ipinaliliwanag ng video na ito kung paano ipinatutupad ng Taiwan ang programa ng alternatibong serbisyong pansibilyan. Makikita rin dito ang sagot sa mga tanong ng mga tutol sa probisyong ito at ang personal na obserbasyon ng mga nasasangkot. Ganito ang sinabi ni Mr. Kou-Enn Lin, director general ng National Conscription Agency: “Inaasahan ko na matututo ang ibang bansa sa aming karanasan.”