Pumunta sa nilalaman

Si Brother Jovidon Bobojonov

MARSO 31, 2020
TAJIKISTAN

Brother Jovidon Bobojonov, Posibleng Mabilanggo sa Tajikistan Dahil sa Neutralidad

Brother Jovidon Bobojonov, Posibleng Mabilanggo sa Tajikistan Dahil sa Neutralidad

Sa Abril 1, 2020, araw ng Miyerkules, ibababa na ng isang korte sa kabiserang lunsod ng Tajikistan, ang Dushanbe, ang hatol nito kay Brother Jovidon Bobojonov dahil sa pagtanggi niyang maglingkod sa militar udyok ng kaniyang konsensiya. Mahigit limang buwan na ring tinitiis ni Brother Bobojonov ang mahihirap na kalagayan sa kulungan, habang hinihintay ang hatol ng korte.

Noong Oktubre 4, 2019, dinakip ng mga militar sa lunsod ng Khujand si Brother Bobojonov, 19 anyos, mula sa kaniyang bahay. Dinala siya sa enlistment office at pansamantalang ikinulong. Pagkatapos ng dalawang araw, sapilitan siyang pinasakay ng tren at dinala sa military training center sa Lenin District. At inilipat siya sa military unit No. 45075 kung saan pinilit siyang magsuot ng uniporme ng sundalo at sabihin ang panata ng mga sundalo. Noong Enero 28, 2020, sinampahan siya ng kasong kriminal.

Ang mga magulang ni Jovidon, na mga Saksi ni Jehova rin, ay nagsumite ng reklamo sa maraming opisyal sa Tajikistan, pati na sa Presidential Administration at sa Ombudsman Office. Sinabi ng mga awtoridad na dahil wala pang batas tungkol sa pagkakaroon ng alternatibong serbisyo, maituturing na krimen ang ginawa ni Brother Bobojonov kaya hindi paglabag sa batas ang pagdakip sa kaniya.

Alam nating pagpapalain ni Jehova ang lakas-loob na paninindigan ni Brother Bobojonov at bibigyan siya at ang pamilya niya ng lakas at kapayapaan ng isip.​—Awit 29:11.