Pumunta sa nilalaman

Si Brother Oleksandr Tretiak

DISYEMBRE 28, 2020
UKRAINE

Desisyon ng ECHR, Pabor kay Brother Oleksandr Tretiak, na Binugbog Dahil sa Pananampalataya Niya

Desisyon ng ECHR, Pabor kay Brother Oleksandr Tretiak, na Binugbog Dahil sa Pananampalataya Niya

Noong Disyembre 17, 2020, araw ng Huwebes, naglabas ng desisyon sa kasong Tretiak v. Ukraine ang European Court of Human Rights (ECHR) pabor kay Brother Oleksandr Tretiak. Binugbog si Brother Tretiak ng tatlong salarin noong Nobyembre 26, 2013, habang pauwi siya galing sa pangangaral. Sinabi ng ECHR na hindi inimbestigahang mabuti ng mga awtoridad sa Ukraine ang nangyari. Iniutos ng Korte na magbigay ng danyos na 7,500 euro ($9,100 U.S.).

Bugbog-sarado si Brother Tretiak kaya halos isang buwan siya sa ospital. Lumipas pa ang tatlong buwan bago ininspeksiyon ng mga pulis ang pinangyarihan ng krimen. Itinanggi rin nilang pag-atake ito dahil sa relihiyon, at minaliit nila ang pinsalang inabot ni Brother Tretiak. Nang maglaon, sinabi ng mga pulis na hindi ito isang mabigat na krimen. Pagkatapos, isa lang sa mga salarin ang kinasuhan nila—at ginawa lang nila ito matapos itong makaalis ng bansa. Ang dalawa pang salarin, na ang isa ay pulis, ay itinuring lang na mga saksi sa krimen. Walang naparusahan sa kanila. Dahil sa kawalang-katarungang ito, nagsampa ng kaso sa ECHR si Brother Tretiak noong 2015.

Sa desisyon ng ECHR, sinabi nito na “hindi inimbestigahang mabuti ng mga awtoridad [sa Ukraine] ang ginawang pang-aabuso sa biktima,” na isang paglabag sa European Convention on Human Rights.

Umaasa tayong makakatulong ang hatol na ito para maprotektahan ang karapatang sumamba ng mga kapatid natin sa Ukraine at sa iba pang bansa. Higit sa lahat, nagpapasalamat tayo kay Jehova, ang Diyos na nagbibigay ng katarungan.—Panaghoy 3:59.