Pumunta sa nilalaman

HULYO 18, 2014
UKRAINE

Report Tungkol sa mga Saksi sa Ukraine at Crimea

Report Tungkol sa mga Saksi sa Ukraine at Crimea

LVIV, Ukraine—Inireport ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Ukraine na noong Hunyo 17, 2014, isang Saksi sa lunsod ng Kramatorsk sa silangang Ukraine ang namatay nang sumabog ang isang bomba sa tabi ng sasakyan niya. Walang ibang Saksi ang namatay o malubhang nasugatan dulot ng kaguluhang sibil sa bansa na nagsimula nitong nakalipas na mga buwan. Pero daan-daang Saksi ang inilikas mula sa apektadong mga lugar sa silangang Ukraine. Sila ay kinupkop ng mga kapananampalataya nila.

Kahit may nagaganap na karahasan, patuloy pa ring ibinabahagi ng mga Saksi sa Ukraine ang nakaaaliw na mensahe ng Bibliya. Noong unang dalawang linggo ng Hunyo 2014, ang mga Saksi ay nagdaos ng ilang malalaki at mapayapang pagtitipon sa silangang Ukraine. Nagkaroon doon ng mga salig-Bibliyang pahayag at mga demonstrasyon kung paano ikakapit ang payo ng Bibliya sa pang-araw-araw na mga kalagayan ng buhay. Mahigit 5,200 ang dumalo roon. Ang mga Saksi ay magdaraos ng mga 40 panrehiyong kombensiyon sa Ukraine at Crimea, kung saan itatampok ang mensahe ng Bibliya tungkol sa isang mapayapang kinabukasan sa ilalim ng Kaharian ng Diyos. Mahigit 165,000 ang inaasahang dadalo sa mga okasyong ito, kasama na ang 7,500 sa Crimea.

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Ukraine: Vasyl Kobel, tel. +38 032 240 9323