NOBYEMBRE 8, 2017
UNITED STATES
Ibinenta ng mga Saksi ang Natitirang mga Gusali sa Dumbo, Brooklyn
Noong Martes, Nobyembre 7, naibenta na ng mga Saksi ni Jehova ang pag-aari sa 74 Adams Street, sa makasaysayang pamayanan ng Dumbo sa Brooklyn, New York. Isa ito sa natitirang mga lupang mapagtatayuan ng gusali sa pamayanan ng Dumbo.
Nabili ng mga Saksi ang mga gusali noong 1975 at nagtayo ng garahe rito noong 1976 para mantinihin ang kanilang mga sasakyan. Nagdagdag sila ng extension sa gusali noong 1990, kaya halos nadoble ang laki ng gusali. Ang kasalukuyang gusali ay 2,236 na metro kuwadrado (24,072 piye kuwadrado) at may 13,462 metro kuwadrado (144,913 piye kuwadrado) na magagamit sa hinaharap. Ang pag-aari ay aprobadong mapagtayuan ng parking, tirahan, at iba pang gusaling pangkomersiyo.
Media Contact:
David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000