Pumunta sa nilalaman

DISYEMBRE 9, 2015
UNITED STATES

Tapos na ang Kasagsagan ng Trabaho sa Itinatayong Pandaigdig na Punong-Tanggapan ng mga Saksi

Tapos na ang Kasagsagan ng Trabaho sa Itinatayong Pandaigdig na Punong-Tanggapan ng mga Saksi

NEW YORK—Mula Agosto hanggang Oktubre 2015, kasagsagan ng trabaho sa itinatayong bagong pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Warwick, New York; sa panahong iyon, 3,800 boluntaryo ang nagtrabaho sa proyekto bawat araw.

Noong kasagsagan ng pagtatayo, humigit-kumulang 40 bus ang naghatid-sundo sa mga 3,800 boluntaryo araw-araw.

Walong silid-kainan ang pansamantalang ginamit sa pagpapakain sa mga boluntaryo.

Mula nang umpisahan ang proyekto noong Hulyo 2013, mahigit 18,000 Saksi mula sa iba’t ibang estado kasama ang Alaska at Hawaii ang dumayo para magtrabaho sa proyekto. Mga 400-500 manggagawa ang dumarating bawat dulo ng sanlinggo, bagaman umabot ito ng mahigit 700 noong kasagsagan ng trabaho. Karamihan sa kanila ay nagtrabaho sa mga atas na tumagal nang isa hanggang apat na linggo.

Ganito ang paliwanag ni Richard Devine, chairman ng Warwick Construction Project Committee (CPC) ng mga Saksi: “Dahil libo-libo ang nagtatrabaho araw-araw, malamang na magkagulo sa site. Kaya para mapanatiling organisado at maayos ang sitwasyon, kinuha namin ang mga 400 na nagtatrabaho sa araw at inatasan silang magtrabaho mula alas-3 n.h. hanggang alas-2 n.u.” Tumagal ang kaayusang iyan mula Mayo hanggang Setyembre.

Tanawing kinuhanan paglubog ng araw ng magiging main entrance ng bagong pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi.

Iniulat ng CPC na ang dalawa sa apat na residence building ay matatapos nang Enero 2016, gaya ng orihinal na plano. Pero ayon kay Mr. Devine, “ang proyekto sa kabuoan ay nauna sa iskedyul nang apat na buwan—at dahil ’yan sa organisadong pagtutulungan.” Ang natitirang mga residence, office, at maintenance building ay nakaiskedyul na ngayong matapos sa Setyembre 1, 2016.

Larawan ng bagong pandaigdig na punong-tanggapan mula sa himpapawid.

Media Contact(s):

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000