Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 26, 2018
UNITED STATES

Update sa Pagtulong sa mga Biktima ng Bagyong Harvey

Update sa Pagtulong sa mga Biktima ng Bagyong Harvey

NEW YORK—Unti-unti nang nakaka-recover ang mga taga-Texas, U.S.A. mula sa epekto ng Bagyong Harvey, na nag-landfall malapit sa Corpus Christi noong Agosto 25, 2017. Dalawang Disaster Relief Committee ang nagsasagawa ng relief work para sa libo-libong kapatid na naapektuhan ng bagyo.

Hinahanap ng isang brother ang mga Saksi ni Jehova sa isang relief center sa Houston, Texas.

Mahigit 7,000 boluntaryo ang tumulong sa paglilinis ng 2,300 bahay ng mga kapatid. Humigit-kumulang 1,000 ang nagboboluntaryo sa gawaing pagtatayo linggo-linggo. Sa ngayon, natapos na ang pagkukumpuni sa 48 Kingdom Hall, at mahigit 545 bahay ang nakaplanong kumpunihin sa mga susunod na buwan. Tinatayang aabutin ng 8.5 milyong dolyar ang gagastusin sa pagkukumpuni sa lugar lang na ito, at nakatakda itong matapos sa Hunyo 30, 2018.

Mula noong katapusan ng Agosto 2017, may 22 kinatawan ng sangay, kasama ang 7 miyembro ng Komite ng Sangay, na bumisita sa mga lugar na nasalanta para magbigay ng espirituwal na pampatibay sa mga kapatid doon. Idinadalangin namin na maging ‘malakas ang kamay’ ng lahat ng kabilang sa gawaing pagtulong.—Nehemias 6:9.

Mga nakikibahagi sa pagtulong sa Aransas Pass, Texas.

Media Contact:

David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000