Isang Liham Mula sa Lupong Tagapamahala
Isang Liham Mula sa Lupong Tagapamahala
“MAGKAROON nawa kayo ng di-sana-nararapat na kabaitan at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Kristo.” Ito ang pagbating ginamit ni Pablo sa marami sa kaniyang mga liham sa mga kongregasyon. Ganitong-ganito ang hangarin namin para sa inyong lahat.—Efe. 1:2.
Kaylaki nga ng ating pasasalamat sa di-sana-nararapat na kabaitan mula kay Jehova sa pamamagitan ng haing pantubos ni Kristo Jesus! Sa pamamagitan ng pantubos, nagkaroon tayo ng sinang-ayunang katayuan sa harap ng Diyos. Hindi natin kailanman matatamo ito sa sarili nating mga pagsisikap, gaanuman tayo kasipag mag-aral ng Bibliya, mangaral ng mabuting balita, o magsagawa ng iba pang mabubuting gawain. Inilaan sa atin ang kapatawaran ng mga kasalanan at ang buhay na walang hanggan, hindi bilang kabayaran sa ating mga pagsisikap, kundi bilang regalo na nagpapakita sa di-sana-nararapat na kabaitan ni Jehova sa pamamagitan ni Jesu-Kristo.—Roma 11:6.
Sumulat si Pablo sa mga kapananampalataya: “Namamanhik . . . kami sa inyo na huwag tanggapin ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos at sumala sa layunin nito. Sapagkat sinasabi niya: ‘Sa isang kaayaayang panahon ay dininig kita, at sa isang araw ng kaligtasan ay tinulungan kita.’ Narito! Ngayon ang lalong kaayaayang panahon. Narito! Ngayon ang araw ng kaligtasan.” Bago ang pagkawasak ng Jerusalem noong unang siglo, nagkaroon ng “kaayaayang panahon.” Ang 2 Cor. 6:1, 2.
tapat-pusong mga tao na umiibig kay Jehova ay nagtamo ng espirituwal na kaligtasan. Nang dakong huli, naging dahilan din ito upang maligtas sa pisikal na paraan ang lahat ng tapat na indibiduwal na tumakas mula sa Jerusalem bago ang pagkawasak nito noong taóng 70 C.E.—Gayundin sa ngayon, nabubuhay tayo sa “kaayaayang panahon” at sa “araw ng kaligtasan.” Ang mga tinatanggap ni Jehova bilang kaniyang mga lingkod at mga nagtatamo ng espirituwal na kaligtasan ay may pag-asang maligtas sa pisikal na paraan sa “dakilang araw ni Jehova” na napakalapit na.—Zef. 1:14.
May mabigat tayong pananagutan dahil sa dumarating na araw ni Jehova. Dapat nating babalaan ang mga tao hinggil dito at tulungan ang tapat-pusong mga tao na makinabang sa di-sana-nararapat na kabaitan ni Jehova upang sila rin naman ay maligtas. Natanto ni Pablo kung gaano kaseryoso ang pananagutang ito. Sumulat siya: “Tunay nga, sa aba ko kung hindi ko ipinahayag ang mabuting balita!” Ipinahayag din niya ang kaniyang damdamin sa pamamagitan ng mga pananalitang ito: “Kapuwa sa marurunong at sa mga hangal ay may utang ako: kaya may pananabik sa ganang akin na ipahayag din ang mabuting balita.”—1 Cor. 9:16; Roma 1:14, 15.
Mananagot tayo kay Jehova kung ipagwawalang-bahala natin ang napakahalagang gawain na babalaan ang mga tao. Alam natin ang sinabi ni Jehova kay propeta Ezekiel: “Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sambahayan ng Israel, at makaririnig ka ng pananalita mula sa aking bibig at magbababala ka sa kanila mula sa akin. Kapag sinabi ko sa balakyot, ‘Ikaw ay tiyak na mamamatay,’ at hindi ka nga nagbabala sa kaniya at nagsalita upang babalaan ang balakyot sa kaniyang balakyot na lakad upang maingatan siyang buháy, palibhasa’y balakyot Ezek. 3:17, 18.
siya, sa kaniyang kamalian ay mamamatay siya, ngunit ang kaniyang dugo ay sisingilin ko sa iyong sariling kamay.”—Ang mga huling araw na ito ay mahirap pakitunguhan. Hindi biro ang pagsabayin ang pag-aasikaso sa pamilya, sekular na trabaho, gawain sa kongregasyon, at pangangaral. Bukod diyan, napapaharap ang marami sa inyo sa pagkakasakit, depresyon, pagtanda, at maging sa pagsalansang. Karamihan sa inyo ay “nabibigatan.” Nais naming ipahayag ang aming pagmamalasakit sa inyo, na kasuwato ng sinabi ni Jesus: “Pumarito kayo sa akin, lahat kayo na nagpapagal at nabibigatan, at pagiginhawahin ko kayo.” (Mat. 11:28) Malugod namin kayong pinapupurihang lahat na nagsisikap na patuloy na paglingkuran si Jehova nang buong katapatan sa kabila ng malalaki at maliliit na hamon.
Dahil sa inyong masigasig na pangangaral at pagtuturo at dahil sa pagpapala ni Jehova, may katamtamang bilang na 4,762 ang nababautismuhan bawat linggo sa buong daigdig. Noong nakalipas na taon ng paglilingkod, 1,375 bagong kongregasyon ang nabuo. Umaasa kami at nananalangin na ang bagong aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, na makukuha na sa mahigit na 120 wika, ay tutulong sa milyun-milyon na makinabang sa di-sana-nararapat na kabaitan at kapayapaan na nagmumula kay Jehova sa “araw [na ito] ng kaligtasan.”
Makatitiyak kayo na iniibig kayo ng Lupong Tagapamahala at na kasama kayo sa aming mga panalangin. Pinasasalamatan din namin kayo sa inyong mga panalangin para sa amin.
Ang inyong mga kapatid,
Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova