Réunion
Réunion
DI-SINASADYANG natuklasan ng unang mga taong nakakita sa isla ng Réunion—malamang na mga Arabeng mangangalakal—ang isang tropikal na paraiso. Tulad ng isang luntiang hiyas sa bughaw na Karagatang Indian, biniyayaan ang Réunion ng saganang likas na kagandahan at pagkakasari-sari na maihahambing sa taglay ng buong kontinente. Buhanging ibinuga ng mga bulkan sa dalampasigan, di-mabilang na mga talon, maulang kagubatan, pagkarami-raming ligáw na bulaklak, malalalim na libis, baku-bakong mga taluktok ng bulkan, malalawak na bunganga ng bulkang balot ng mga halaman, at isang aktibong bulkan—ilan lamang ang mga ito sa yaman ng isla.
Bagaman nakatira sila sa napakagandang islang ito, napahalagahan ng maraming tao sa Réunion ang isang bagay na mas maganda kaysa sa nakikita lamang ng mata. Napamahal sa kanila ang napakahalagang katotohanan ng Salita ng Diyos. Ang misyonerong si Robert Nisbet, na naatasan sa kalapit na Mauritius, ang unang tagapaghayag ng Kaharian na nakarating sa Réunion. Sa ilang araw lamang na pamamalagi roon ni Robert noong Setyembre 1955, marami ang nagkaroon ng interes sa Bibliya, anupat nakapagpasakamay siya ng maraming literatura at nakakuha ng ilang suskrisyon sa Gumising! Ipinagpatuloy niya ang pakikipag-ugnayan sa mga interesado sa pamamagitan ng sulat.
Sa pagitan ng 1955 at 1960, gumawa ng ilang maiikling pagdalaw sa isla si Robert at ang tagapangasiwa ng sona na si Harry Arnott. Noong 1959, hiniling ng sangay sa Pransiya kay Adam Lisiak na dalawin niya ang Réunion. Isa siyang Pranses na payunir at retiradong minero ng karbon na may lahing Polako at naglilingkod noon sa Madagascar. Ginugol ni Adam sa isla ang buong buwan ng Disyembre 1959. Sumulat siya: “Saradong Katoliko ang 90 porsiyento ng populasyon, ngunit marami ang nagnanais matuto pa tungkol sa Salita ng Diyos at sa bagong
sanlibutan. Sinisikap ng mga pari na pigilan ang paglaganap ng katotohanan. May nagsabi sa isang suskritor ng Gumising! na ibig hiramin ng pari doon ang ating aklat na ‘Hayaang ang Diyos ang Maging Tapat.’ ‘Kung personal siyang pupunta rito, ipahihiram ko sa kaniya,’ ang sabi ng suskritor. Hindi kailanman dumating ang pari.”DUMATING ANG TULONG MULA SA PRANSIYA
Ang sangay sa Pransiya na nangangasiwa sa gawain noong panahong iyon ay nag-anyaya sa kuwalipikadong mga mamamahayag na lumipat sa Réunion. Tinanggap ng pamilya Pégoud—sina André, Jeannine, at ang kanilang anim-na-taong-gulang na anak na lalaki, si Christian—at ni Noémie Duray, na isang kamag-anak, ang paanyaya. Dumaong ang barkong sinasakyan nila noong Enero 1961. Si Noémie, kilala bilang Mimi, ay naglingkod bilang special pioneer sa loob ng dalawang taon bago siya bumalik sa Pransiya.
Agad silang nakasumpong ng maraming interesado at nagdaos pa nga ng mga pulong sa kanilang silid sa otel sa kabiserang lunsod na Saint-Denis. Pagkalipat na pagkalipat ng pamilya sa isang bahay, nagdaos sila ng mga pulong doon. Pagkaraan ng mga isang taon, umupa ang bagong-tatag na grupo sa Saint-Denis ng isang maliit na bulwagan para sa mga 30 katao. Gusali iyon na yari sa kahoy, may bubong na yero, dalawang bintana, at isang pinto. Matapos makakuha ng permit, tinanggal ng mga kapatid ang mga dibisyon sa loob, gumawa sila ng isang maliit na entablado, at naglagay ng mga upuang walang sandalan at gawa sa kahoy.
Kapag maaliwalas ang Linggo ng umaga, nagmimistulang radyetor ang bubong na yero, anupat sandali pa lamang at lahat ng dumadalo ay pinagpapawisan na nang husto—lalo na ang mga nakatayo sa entablado dahil halos abot na ng kanilang ulo ang bubong. Bukod diyan, dahil laging puno ang bulwagan, marami ang nakatayo sa labas at nakikinig mula sa bintana at pinto, kaya naman lalo pang nagiging maalinsangan sa loob.
‘NAMANGHA KAMI!’
Sa kabila ng hirap, lahat ay malugod na tinatanggap sa mga pulong, at sa pagtatapos ng unang taon, mga 50 na ang dumadalo nang regular. Umabot na sa pito ang mga mamamahayag ng Kaharian, at may 47 nakikipag-aral ng Bibliya! Dalawang beses sa isang linggo idinaraos ang pag-aaral sa ilang baguhan. “Masayang-masaya kami, pero medyo namamangha,” ang isinulat ng mga kapatid.
Ang isa sa mga bagong estudyante ng Bibliya ay si Myriam Andrien, na nagsimulang mag-aral sa Madagascar noong 1961. Natatandaan pa niya na ang nabanggit na bulwagan ay nagsilbi ring pansamantalang Assembly Hall. Nagtayo lamang ang mga kapatid ng isang malilim na lugar sa labas gamit ang mga sanga ng palma. Umaabot sa 110 ang dumadalo sa malalaking pagtitipon noon.
Kabilang sa mga nabautismuhan sa isang asamblea sa Mauritius noong Oktubre 1961 sina David Souris, Marianne Lan-Ngoo, at Lucien Véchot, na pawang nakatulong nang malaki sa gawaing pangangaral. Umabot sa 32 ang mga mamamahayag noong
ikalawang taon, at halos 30 pag-aaral sa Bibliya ang idinaraos ng bawat payunir! Umabot na sa 100 katao ang dumadalo sa mga pulong kapag Linggo, at galing sila sa iba’t ibang grupong etniko.Marami sa mga Indian sa Réunion ang may pinaghalong relihiyon—Katolisismo at Hinduismo. Hirap na hirap ang ilan na talikuran ang kanilang dating kaugalian. Ngunit ang pagtitiyaga, kabaitan, at katatagan ng mga kapatid na itaguyod kung ano ang tama ay madalas na may mabubuting resulta. Halimbawa, isang babae na dalawang taon nang nakikipag-aral sa isang payunir ang patuloy na nagsasagawa ng huwad na relihiyon, nanghuhula, at may kinakasama. Ipinasiya ng payunir na ilipat ang pag-aaral sa isa pang sister na maaaring makatulong. “Pagkalipas ng ilang buwan,” ang isinulat ng sister, “sumulong ang kaunawaan ng babae, at tuwang-tuwa ako nang ihinto na niya ang pagsasagawa ng espiritismo. Pero hindi pa rin siya nagpapakasal. Ang sabi niya, ayaw raw magpakasal ng lalaki. Sa bandang huli, ipinasiya niyang patuloy na makisama sa lalaki kaya napilitan akong ihinto ang pag-aaral.
“Isang araw, nasalubong ko sa daan ang babae at hiniling niya na ipagpatuloy namin ang pag-aaral. Pumayag ako, sa kundisyong ikakapit niya ang kaniyang mga natutuhan upang maipakita ang kaniyang sinseridad. Pinayuhan ko siya na ipanalangin ito kay Jehova, na siya namang ginawa niya. Pagkatapos ay nagkalakas-loob siya na kausapin nang prangkahan ang kaniyang kinakasama. Tuwang-tuwa siya nang pumayag itong magpakasal. Hindi lamang iyan, nagsimula na rin itong dumalo sa mga pulong kasama niya.”
Nagkaroon ng 11 pinakamatataas na bilang ng mga mamamahayag ng Kaharian noong 1963 taon ng paglilingkod, na ang pinakahuli ay 93. Mayroon nang dalawang kongregasyon at isang grupo sa Réunion. Dalawampung baguhan ang nabautismuhan sa unang seremonya sa bautismo sa lugar na iyon na ginanap noong Disyembre 1962 sa dalampasigan ng St.-Gilles-les Bains. Tatlumpu’t walo naman ang nabautismuhan sa pangalawang seremonya sa bautismo na ginanap noong Hunyo 1963. Noong 1961, may 1 mamamahayag sa bawat 41,667 katao sa Réunion. Pagkaraan ng tatlong taon, ang proporsiyon ay 1 sa bawat 1 Cor. 3:6.
2,286. Oo, si Jehova ang “nagpapalago” ng binhi ng katotohanan sa islang ito na mabunga sa espirituwal.—DINADALA ANG MENSAHE NG KAHARIAN SA MALALAYONG TERITORYO
Pagsapit ng 1965—apat na taon lamang mula nang dumating ang unang pamilyang Saksi—mahigit na sa 110 ang mamamahayag sa kongregasyon sa Saint-Denis, at nakukubrehan na ang kanilang teritoryo tuwing ikatlong linggo! Pero may mga lugar na hindi pa napangangaralan. Ang solusyon? Umarkila ng mga bus ang mga kapatid at nangaral sa ibang mga nayon sa tabi ng dagat, pati na sa Saint-Leu, Saint-Philippe, at Saint-Pierre.
Maraming oras ang kailangan para marating ang ilang teritoryo, kaya magsisimula nang maaga ang mga kapatid at babagtas sa mga daan na kalimitan nang makikipot, matatarik, at paliku-liko. Noon, dalawang oras ang kailangang gugulin sa mahirap na paglalakbay papunta sa lunsod ng Le Port mula sa Saint-Denis, subalit ngayon ay 15 minuto lamang ang kailangan. “Kailangan ang pananampalataya para maglakbay sa daang iyon noon,” ang naaalala ng isang kapatid. Mapanganib kahit ang bagong kalsada dahil sa nahuhulog na mga bato. Matatarik ang mga bundok sa gilid ng daan, at dahil sa malalakas na ulan, natitibag kung minsan ang mga bato sa itaas, na ang ilan ay tone-tonelada ang bigat. Sa paglipas ng mga taon, maraming tao na ang namatay.
“Noong mga walong taóng gulang ako,” sabi ni Christian Pégoud, “ang aming grupo ay nakapagpapasakamay ng 400 hanggang 600 magasing Gumising! sa malalayong teritoryo. Ipinagbabawal Ang Bantayan. Dahil tuwang-tuwang mamasyal ang ilang di-sumasampalataya ngunit palakaibigang asawang lalaki, dumarating sila kasama ng kanilang kabiyak pero hindi sumasama sa pagpapatotoo. Pagkatapos maglingkod sa larangan, nagpipiknik kami, anupat tuwang-tuwa kaming mga bata. Totoo naman, malaki ang naging epekto ng mga espesyal na gawaing ito sa aking buhay.”
NAGPABILIS SA GAWAIN ANG MGA PAGBABAGO SA ORGANISASYON
Noong Mayo 1963, si Milton G. Henschel ang kauna-unahang kinatawan ng pandaigdig na punong-tanggapan na dumalaw sa Réunion. May 155 na nakinig sa kaniyang pantanging pahayag. Bunga ng kaniyang pagdalaw, apat ang inatasan bilang special pioneer upang tumulong sa pag-aasikaso sa mga kongregasyon at gumawa sa mga lugar na hindi pa nararating ng mabuting balita. Si David Souris ang naatasan sa Le Port, si Lucien Véchot sa lunsod ng Saint-André, at sina Marianne Lan-Ngoo at Noémie Duray (Tisserand ngayon) sa Saint-Pierre.
Noong Mayo 1, 1964, ang pangangasiwa sa gawain ay inilipat sa Mauritius mula sa Pransiya. Nagkaroon din ng depo ng mga literatura
sa Réunion. Samantala, inanyayahan ang mga mamamahayag na gumawa pa nang higit sa di-nakaatas na mga teritoryo, at pinasigla ang mga kapatid na umabót sa mga pananagutan sa kongregasyon upang maasikasong mabuti ang mga baguhang yumayakap sa katotohanan. Sa katunayan, 57 ang nabautismuhan sa 1964 taon ng paglilingkod—21 sa isang asamblea lamang!Sa naunang taon, nagsumite ng aplikasyon ang grupo sa Saint-André para maging isang kongregasyon. Ganito ang mababasa sa aplikasyon: “Sa pagtatapos ng Hunyo 1963, magkakaroon ng 12 bautisadong mamamahayag, at may posibilidad na magkaroon ng 5 o 6 na bagong mamamahayag sa susunod na dalawang buwan. Ang mga kapatid ay nagdaraos ng 30 pag-aaral sa Bibliya.” Inaprubahan ang aplikasyon, at dalawang kapatid ang nangasiwa sa kongregasyon—si Jean Nasseau bilang lingkod ng kongregasyon, o punong tagapangasiwa, at si Lucien Véchot bilang kaniyang katulong. Kapuwa sila wala pang dalawang taon sa katotohanan.
Ang mabait at matipunong si Jean, 38 taong gulang, ay dating guro sa isang paaralang teknikal at isang bihasang tagapagtayo. Nabautismuhan siya noong 1962 at may kasanayan at kakayahang isagawa ang mga bagay-bagay na makatutulong sa pagpapalawak ng gawaing pang-Kaharian. Sa katunayan, siya ang nagtayo ng ikalawang Kingdom Hall sa Réunion sa sarili niyang gastos at doon mismo sa lupa niya sa Saint-André. Mahigit sa 50 ang makauupo nang maalwan sa matibay at magandang bulwagang ito na yari sa kahoy. Mula noon, walong kongregasyon na ang nabuo sa teritoryo na sa pasimula ay sakop ng grupo sa Saint-André. Namatay si Jean nang tapat kay Jehova noong 1997.
Ang ikatlong grupo na nabuo noong mga unang taon ng dekada ng 1960 ay nasa Le Port, isang daungang lunsod, at kabilang doon ang mga interesado mula sa Saint-Paul, mga walong kilometro sa gawing timog. Ang mga bahay sa Le Port ay simple, yari sa kahoy, at napaliligiran ng suerda, isang halaman na tulad ng kaktus ngunit walang tinik. Umupa si David Souris ng isang bahay upang doon idaos ang mga pulong. Noong Disyembre 1963, nag-aplay ang grupo para maging isang kongregasyon. May 16
na mamamahayag ng Kaharian, 8 ang bautisado, at may katamtamang 22.5 oras bawat buwan sa paglilingkod sa larangan. Si David at ang kaniyang kasama pa lamang ay nagdaraos na ng 38 pag-aaral sa Bibliya! Nang dumalaw ang tagapangasiwa ng sirkito nang buwan ding iyon, 53 ang nakinig sa kaniyang pahayag pangmadla.Nadestino rin sa Le Port ang mga special pioneer na sina Christian at Josette Bonnecaze. Nabautismuhan si Christian sa French Guiana at nagpunta sa Réunion noong mga unang taon ng dekada ng 1960. Binata pa siya noon at siya lamang sa kaniyang pamilya ang nasa katotohanan. May-kabaitang lumipat si Brother Souris sa ibang bahay upang magkaroon ng lugar sina Christian at Josette sa bahay na pinagdarausan ng mga pulong. Ngunit di-nagtagal, lumago nang husto ang kongregasyon anupat kinailangan na ring lumipat ang mag-asawang iyon!
Samantala, sa lugar na ito na pangunahin nang Katoliko, sinulsulan ng klero ang mga tao na salansangin ang mga Saksi. Kadalasang binabato ng mga bata at mga kabataan ang mga mamamahayag sa araw at ang bubong ng bahay ng mga kapatid naman sa gabi.
Kilala ng baguhang estudyante ng Bibliya na si Raphaëlla Hoarau ang ilan sa mga kabataang iyon. Pagkatapos ng isang insidente ng pambabato, sinundan niya ang mga nambato hanggang
sa bahay ng mga ito. “Kapag binato pa ninyo uli ang kapatid ko,” ang sabi niya, “ako ang haharap sa inyo.”“Pasensiya na po kayo, Mrs. Hoarau,” ang sagot nila. “Hindi namin alam na kapatid pala ninyo siya.”
Napasakatotohanan si Raphaëlla, at gayundin ang kaniyang tatlong anak na babae, at ang isa sa kanila, si Yolaine, ay napangasawa ni Lucien Véchot.
Sa kabila ng maling paratang na udyok ng klero, ang sigasig ng mga kapatid at ang pagpapala ng Diyos ay nagbunga ng isang masiglang kongregasyon sa Le Port, at di-nagtagal ay siksikan na ang bulwagan. Sa katunayan, kadalasang mas marami sa mga nakikinig ang nasa labas kaysa sa nasa loob. Naglalagay ng mga upuan sa lahat halos ng lugar, kahit sa entablado, at may isang hilera ng mga bata na nakaupo sa gilid ng entablado paharap sa mga tagapakinig. Nang maglaon, nagtayo ang mga kapatid ng magandang Kingdom Hall, at ngayon, mayroon nang anim na kongregasyon sa lugar na iyon.
NANGUNA ANG MGA PAYUNIR
Isa sa mga unang payunir sa Réunion si Annick Lapierre. “Si Annick ang nakipag-aral sa amin ni Inay,” nagunita ni Myriam Thomas. “Pinasigla niya ako na maging masipag sa ministeryo, at sinabi ko sa kaniya na gusto kong magpayunir. Nabautismuhan
ako pagkaraan ng anim na buwan. Noon, teritoryo namin ang buong isla, at kadalasang naglalakad kami dahil walang mga bus at iilan lamang ang mga kotse. Subalit may kotse si Brother Nasseau at isinasama niya kami sa paglilingkod kailanma’t posible. Isang kagalakan ang maglingkod, at kaming lahat ay lubhang napasigla.”Ganito ang naalaala ng padre-de-pamilyang si Henri-Lucien Grodin: “Lagi naming pinasisigla ang mga bata na magpayunir. Idiniin sa amin ng mga tagapangasiwa ng sirkito ang kahalagahan ng paghahandog kay Jehova ng aming buong makakaya. Si Henri-Fred, ang panganay namin, ay 40 anyos na at naging buhay niya ang buong panahong paglilingkod.”
“May malaking grupo ng masisigasig na kabataan sa aming kongregasyon,” nagunita ni Henri-Fred. “Bautisado ang ilan, pero may iba na tulad kong hindi bautisado. Kapag bakasyon sa eskuwela, kaming lahat ay gumugugol din ng 60 oras sa ministeryo. Hindi namin nakaligtaan kailanman ang aming espirituwal na mga tunguhin, at ngayon, kasama ko ang aking kabiyak na si Evelyne sa gawaing pansirkito.”
PAGSALANSANG NG DEMONYO
Laganap ang espiritismo sa Réunion. “Sa nayon ng La Montagne,” natatandaan pa ni Jeannine Corino (dating Pégoud), “nakilala ko ang isang lalaki na nagsabing kukulamin niya ako sa pamamagitan ng pagtusok ng aspili sa isang manika. Hindi ko naiintindihan noon ang sinasabi niya, kaya nagtanong ako sa aking estudyante sa Bibliya. ‘Doktor-kulam ang lalaking iyon,’ ang sabi niya, ‘at mananawagan siya sa mga espiritu para saktan ka.’ Tiniyak ko sa kaniya na ipinagsasanggalang ni Jehova ang mga lubusang nagtitiwala sa Kaniya. Siyempre pa, walang anumang masamang nangyari sa akin.”
Natatandaan ng isang kapatid na noong bata pa siya, ang kaniyang pamilya ay nakikipag-ugnayan sa mga espiritu. Nakilala niya ang mga Saksi ni Jehova noong 1969 at nagsimulang mag-aral ng Bibliya. Subalit tinangka ng mga demonyo na pigilan siya anupat nabibingi siya kapag dumadalo sa pulong. Gayuman, hindi lamang siya patuloy na dumalo kundi ipinarekord pa niya ang mga pahayag upang mapakinggan niya iyon sa bahay. Hindi nagtagal, Sant. 4:7.
tinantanan din siya ng mga demonyo, at nagsimula siya agad na maglingkod sa larangan.—Noong 1996, nagsimulang makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi si Roséda Caro na isang babaing Pentecostal. Bago nito, nabulag siya dahil sinunod niya ang payo ng kaniyang mga kaibigan sa simbahan na ihinto ang pag-inom ng gamot para sa kaniyang diyabetis. Ang asawa niyang si Cledo, na miyembro ng partido Komunista, ay kinatatakutan sa lugar nila dahil sa pagiging magagalitin. Nangkukulam din siya, sumasali sa mga seremonyang Hindu, at naging Pentecostal nang maglaon.
Nang mag-aral si Roséda, sinalansang siya ni Cledo at pinagbantaan pa nga ang mga elder sa kongregasyon. Pero hindi natakot si Roséda. Pagkaraan ng ilang buwan, dinala sa ospital si Cledo at nakoma. Nang magkamalay siya, dalawang Saksi ang nagdala sa kaniya ng sopas, na inakala niyang para sa kaniyang asawa.
“Hindi po, Mr. Caro, para po sa inyo ang sopas na ito!” ang sabi ng mga sister.
“Naantig talaga ako,” ang natandaan ni Cledo. “Walang bumisita sa akin na Pentecostal, pero dalawang Saksi ni Jehova—ang mismong mga tao na mahigpit kong sinasalansang—ang
nagdala sa akin ng pagkain. ‘Talaga ngang may Jehova, ang Diyos ng aking asawa,’ ang sabi ko sa sarili ko. Saka ako nanalangin nang tahimik, anupat hiniling ko na magkaisa sana kami ni Roséda sa aming paniniwala.”Hindi naman biglaan ang mapagpakumbabang paghiling na ito ni Cledo. Bago siya nagkasakit, medyo lumambot na ang kaniyang kalooban at pinayagan na niyang mag-aral ang kaniyang asawa sa tahanan ng isang kapitbahay. Isang araw, sinabi niya kay Roséda at sa sister na nakikipag-aral dito: “Hindi mabuti na doon kayo nag-aaral. Dito kayo sa ating bahay.” Ganoon nga ang ginawa ng mga babae. Pero ang hindi nila alam, nakikinig pala si Cledo sa kabilang silid at nagugustuhan ang naririnig niya. Bagaman hindi marunong bumasa’t sumulat si Cledo, dalawang beses sa isang linggo siyang nakipag-aral nang gumaling na siya, at nabautismuhan noong 1998. Sa kabila ng mga sakit na kaakibat ng pagtanda, patuloy na naging matapat sina Cledo at Roséda sa paglilingkod sa Diyos.
PANGANGARAL SA GITNA NG ISLA
Isang maliit na bahagi ng populasyon ng Réunion ang nakatira malayo sa dalampasigan sa malalalim na libis na napalilibutan ng matatarik na bundok na 1,200 metro o higit pa ang taas. Ang iba naman ay nakatira sa malalawak at luntiang bunganga ng isang malaki ngunit patay nang bulkan. Ang ilan sa mga taong ito ay bihira o hindi pa nga nakakakita ng karagatan. Halimbawa, ang bunganga ng bulkan ng Cirque de Mafate ay nararating lamang sa pamamagitan ng paglalakad o pagsakay sa helikopter.
Lumaki sa Cirque de Mafate si Louis Nelaupe, isang inapo ng mga aliping Aprikano. Noong kabataan niya, tumutulong siya sa pagbubuhat sa paring Katoliko sa upuan nito. Pagkaraan ay lumipat si Louis sa Saint-Denis kung saan siya nakaalam ng katotohanan. Natural lamang na gusto niyang ibahagi sa kaniyang mga kamag-anak ang kaniyang bagong-tuklas na paniniwala. Kaya isang araw noong 1968, naglakbay si Louis at ang kaniyang asawang si Anne, at dalawa pang sister na ang edad ay 15 at 67, patungo sa gitnang bahagi ng isla. Nagdala sila ng napsak, maleta, at portpolyong punô ng literatura.
Dumaan muna sila sa sahig ng ilog bago umakyat sa isang makipot at paliku-likong daanan sa bundok. May mga lugar na
matarik na batong dalisdis ang nasa isang panig at bangin naman sa kabila. Nangaral sila sa lahat ng bahay na nadaanan nila. “Nang gabing iyon,” sabi ni Louis, “pinaglaanan kami ni Jehova sa pamamagitan ng nag-iisang tindero sa distrito. Pinatuloy niya kami sa isang dampa na may dalawang silid, mga higaan, at kusina. Kinaumagahan, lumakad na naman kami, anupat tinahak ang gilid ng isang bundok na 1,400 metro ang taas patungo sa bunganga ng bulkan, isang malawak at likas na ampiteatro.“Sa dakong huli, narating namin ang tahanan ng isang matagal nang kaibigan na nagpatuloy sa amin. Kinabukasan, iniwan namin sa kaniya ang ilang bagahe at nagpatuloy kami sa aming paglalakbay, anupat nagkasiya na lamang sa pagkain ng maliliit at ligáw na mga bayabas at nangaral sa mapagpakumbabang mga tagaroon na hindi pa kailanman nakarinig ng mensahe ng Kaharian. Dumating kami sa bahay ng isang kamag-anak bandang ala 6:00 n.g. Tuwang-tuwa siyang makita kami, saka naghanda ng isang masarap na putahe ng manok para sa hapunan, anupat naalaala namin sina Abraham at Sara na nagpakain sa mga anghel ng Diyos. (Gen. 18:1-8) Siyempre pa, nagpatotoo kami sa kaniya habang nagluluto siya. Sa wakas, nakakain kami bandang alas 11:00 n.g.
“Kinabukasan, Huwebes, nilibot namin ang bunganga ng bulkan, habang dinadalaw ang lahat ng tahanang masusumpungan namin at kumakain ng bayabas habang nasa daan. Isang mabait na lalaki ang nag-alok sa amin ng kape, at nakapagpahinga kami nang kaunti—ang aming mga paa, pero hindi ang aming bibig! Sa katunayan, lubhang nasiyahan ang lalaking ito sa pag-uusap namin tungkol sa Bibliya kaya sumama siya sa amin sa pagdalaw sa lahat ng tahanang matatagpuan sa loob ng isang kilometro mula sa kaniyang bahay, anupat tumutugtog ng harmonika habang naglalakad kami.
“Sa wakas, binalikan namin ang aming bagahe at doon kami nagpalipas ng magdamag. Pag-uwi namin noong Biyernes nang dapit-hapon, kaming apat—kasali na ang aming minamahal na 67 anyos na sister—ay nakapaglakad nang mga 150 kilometro,
nakadalaw sa 60 tahahan, at nakapagpasakamay ng mahigit sa 100 piraso ng literatura. Totoo, pagod kami sa pisikal, pero naginhawahan naman sa espirituwal. Sabihin pa, ang paglalakbay sa Cirque de Mafate ay pag-uwi sa aking tinubuang lupa.”DALAWANG MAMAMAHAYAG NA NAGING LIMANG KONGREGASYON
Noong 1974, lumipat si Christian Pégoud at ang kaniyang ina sa timugang bayan ng La Rivière na wala pang kongregasyon noon. “Ginamit namin ang aming garahe para sa mga pulong, at di-nagtagal, 30 katao na ang dumadalo,” sabi ni Christian, na noo’y 20 anyos. “Nakipag-aral ako sa isang babae at sa kaniyang anak na babaing si Céline, na katipan ni Ulysse Grondin. Ayaw ng militante at Komunistang si Ulysse na makipag-aral sa amin ang kaniyang katipan. Ngunit kinumbinsi ni Céline si Ulysse na makinig sa amin, kaya siya at ang kaniyang mga magulang ay dinalaw ni Inay. Tuwang-tuwa kami nang makinig sila kay Inay at magustuhan ang kanilang narinig. Nagsimulang makipag-aral ang buong pamilya, at noong 1975, sina Ulysse at Céline ay nabautismuhan at nagpakasal. Nahirang na elder si Ulysse nang dakong huli.”
Sabi pa ni Christian: “Bukod sa La Rivière, teritoryo rin namin ang mga pamayanan ng Cilaos, Les Avirons, Les Makes, at L’Étang-Salé na pawang nasa gitna ng isla. Marami kaming nasumpungang interesado sa Les Makes. Nasa itaas ng nayon ang Le Cap na bahagi ng bunganga ng isang patay na bulkan. Sa isang maaliwalas na umaga, matatanaw mula roon ang isang malawak at luntiang ampiteatro na 300 metro ang lalim.”
Nakatira sa isang maliit na lote malapit sa paanan ng Le Cap ang pamilya Poudroux. Natatandaan pa ng panganay na si Jean-Claude: “Ako at ang aking apat na kapatid na lalaki at limang kapatid na babae ay tumulong kay Itay na magtanim ng gulay para ibenta sa palengke. Nagtatanim at kumukuha rin siya ng langis mula sa mga geranium upang magamit sa paggawa ng pabango. Limang kilometro ang nilalakad namin patungo sa paaralan sa aming nayon, kalimitang dala-dala ang mga inaning tanim. Pag-uwi namin, sunung-sunong naman namin kung minsan ang mga sampung kilo ng groseri.
“Masipag si Itay kaya iginagalang namin siya. Pero tulad ng marami, malakas siyang uminom ng alak, at nagiging marahas siya kapag lasing na. Madalas naming masaksihang magkakapatid ang di-kanais-nais na mga eksena sa bahay, at nangangamba kami sa kinabukasan ng aming pamilya.”
Sinabi pa ni Jean-Claude: “May nakilala akong isang payunir noong 1974. Nagtatrabaho ako noon bilang titser sa La Rivière. Dahil sa pagpapaimbabaw at pang-aaping nasaksihan ko sa mga simbahan, halos naging ateista ako. Gayunman, humanga ako nang gamitin ng brother ang Bibliya upang sagutin ang lahat ng aking tanong. Nagsimula kaming mag-aral ng asawa kong si Nicole. Dinalaw rin namin ang aking pamilya upang ibahagi sa kanila ang katotohanan ng Bibliya, anupat madalas na inaabot ako ng hatinggabi sa pakikipag-usap sa aking mga kapatid. Nakikinig kung minsan ang aking mga magulang.
“Di-nagtagal, regular nang dumadalaw sa aming bahay ang mga kapatid kong sina Jean-Marie, Jean-Michel, at Roseline upang sumali sa aming pag-aaral. Sumulong kaming lahat sa espirituwal, naging mamamahayag, at sabay-sabay na nabautismuhan noong 1976. Nakalulungkot, pinaratangan ako ni Itay ng pang-iimpluwensiya sa aking mga kapatid at hindi na niya ako kinausap. Sobra ang galit niya sa akin kaya kinailangang iwasan kong magkita kami sa publiko!
“Nagsimulang makipag-aral si Inay kahit na hindi siya marunong bumasa’t sumulat. At natutuwa akong sabihin na lumambot din ang kalooban ni Itay noong bandang huli. Sa katunayan, nagsimula siyang mag-aral ng Bibliya noong 2002. Ngayon, bautisado na ang 26 na miyembro ng aming pamilya. Kasali na ako rito, ang aking siyam na kapatid, ang aming kani-kaniyang asawa, at ang aming ina, na masigasig pa rin sa kabila ng katandaan. Naglingkod bilang mga tagapangasiwa ng sirkito sina Jean-Michel at Jean-Yves, pero kinailangan nilang huminto dahil sa sakit. Kapuwa sila mga elder sa kongregasyon, at payunir din si Jean-Yves pati na ang kaniyang kabiyak na si Roséda. Ako at ang aking panganay ay mga elder din.”
Nang dumating si Christian Pégoud at ang kaniyang ina noong 1974, walang kongregasyon sa La Rivière at sa karatig na mga
bayan, pero ngayon, may lima na. Ang isa ay nasa bayan ng Cilaos, sa mataas na Cirque de Cilaos na bantog dahil sa mga bukal at maiinit na spa sa bundok. Paano ba nabuo ang Kongregasyon ng Cilaos? Tuwing Huwebes mula 1975 hanggang 1976, nilalakbay ng mga mamamahayag mula sa La Rivière ang 37 kilometrong makipot at paliku-likong daan—kilala dahil sa natitibag na mga bato—patungo sa Cilaos at nangangaral sila hanggang mga ala 5:00 n.h. Nagbunga naman ang kanilang pagsisikap sapagkat mayroon na ngayong mga 30 mamamahayag sa bayan, at mayroon silang sariling Kingdom Hall.ESPIRITUWAL NA PAGSULONG SA KATIMUGAN
May dahilan kung bakit tinawag ng mga tagaroon na “masungit na katimugan” ang timugang bahagi ng Réunion. Ubod-lakas na humahampas ang naglalakihang mga alon na lumilikha ng puting bula at saboy ng tubig sa kahabaan ng mabatong baybayin na kinaroroonan ng aktibong bulkan ng Réunion, ang Piton de la Fournaise (Taluktok ng Pugon). Saint-Pierre ang pinakamalaking bayan sa lugar. Nadestino roon ang mga special pioneer na sina Denise Mellot at Lilliane Pieprzyk noong mga huling taon ng dekada ng 1960. Nang maglaon, habang dumarami ang interesado, ang dalawang sister ay sinamahan ng special pioneer na si Michel Rivière at ng asawa nitong si Renée.
Ang unang estudyante ng Bibliya sa lugar ay si Cléo Lapierre, isang tagapagtayo na tumanggap ng katotohanan noong 1968. “Idinaos sa ilalim ng malaking punungkahoy ang unang pulong na dinaluhan ko,” sabi ni Cléo. “Ang ‘Kingdom Hall’—tres metro por tres metrong silong—ay giniba upang magtayo ng mas malaking gusali, at tumulong ako sa pagtatayo.”
Si Cléo, na kabilang sa reserbang hukbo, ay ipinatawag noong taon ding iyon upang magsundalo. “Kaunti man ang aking kaalaman sa Bibliya,” ang paglalahad ni Cléo, “sumulat ako sa mga awtoridad upang ipaliwanag ang aking neutral na paninindigan ngayon. Hindi sila tumugon, kaya pumunta ako sa himpilan ng hukbo sa Saint-Denis na nasa kabilang panig ng isla
upang alamin ang tungkol doon. Pinauwi ako ng isang opisyal pero sinabihan akong maghandang mabilanggo. Kaya naman dinalasan ko ang pananalangin at nag-aral ako nang husto. Di-nagtagal, ipinatawag nga ako sa himpilan. Pagdating doon, nakiusap ako sa brother na sumama sa akin na hintayin ako sa loob ng isang oras. ‘Kapag wala pa ako,’ ang sabi ko, ‘malamang na hindi na ako babalik. Kapag nangyari iyon, pakisuyong ibenta mo ang aking kotse at ibigay ang pera sa aking asawa.’“Pagpasok ko sa loob, napansin kong nagtatalo ang mga opisyal kung ano ang gagawin sa akin. Pagkalipas ng mga 45 minuto, lumapit sa akin ang isang sarhento.
“‘Umalis ka na!’ ang sabi niya. ‘Umuwi ka na.’
“Wala pang 45 metro ang nalalakad ko nang ipatawag na naman niya ako. Sa mas mahinahong tinig, ganito ang sabi niya: ‘Hanga ako sa inyo. Nabalitaan ko na ang tungkol sa mga Saksi ni Jehova sa Pransiya, pero ikaw ang kauna-unahang Saksing nakilala ko.’
“Ako lamang ang brother sa Saint-Pierre noon, kaya ako ang nangangasiwa sa lahat ng pulong ng kongregasyon. Gayunman, may dumarating na tulong paminsan-minsan, at noong 1979, dumating ang mag-asawang misyonero na sina Antoine at Gilberte Branca.”
PAGTATAYO NG KINGDOM HALL
Sa simula, karaniwang nagtitipon ang mga kongregasyon at mga grupo sa pribadong tahanan at mga bahay na inayos. Pero dahil madalas ang mga buhawi, kailangan ang mas matitibay na gusali. Subalit mahal ang mga gusaling kongkreto, at mas matagal itayo ang mga ito. Gayunman, hindi maikli ang kamay Isa. 59:1.
ni Jehova kaya nang maglaon, nakapagtayo rin ng gayong mga Kingdom Hall sa Réunion.—Halimbawa, sa bayan ng Saint-Louis, isang kabataang brother ang nag-aaral ng masoneriya nang matanggap ng kongregasyon ang mga plano para sa kanilang bagong Kingdom Hall. Nagpatotoo ang brother sa kaniyang instruktor, ikinuwento ang tungkol sa bulwagan, at ipinaliwanag na itatayo ito ng mga boluntaryo. Paano tumugon ang titser? Dinala niya ang klase sa lugar na pagtatayuan para sa praktikal na pagsasanay! Tumulong ang klase sa paghukay ng pagbubuhusan ng pundasyon, at nagbigay naman ang titser ng bakal para sa pundasyon.
Isinaayos ng mga kapatid na sa araw ng pista opisyal magbubuhos ng semento para sa 190-metro-kuwadradong sahig, kaya dumating nang maaga ang mahigit sa sandaang masisigasig na boluntaryo para magtrabaho. Subalit sa ilang kadahilanan, pinutol ng pamahalaan ang suplay ng tubig! Isang kapatid na nakakakilala sa hepe ng kagawaran ng pamatay-sunog ang nagkusang ipaliwanag ang problema sa mabait na taong ito, na agad namang nagpadala ng trak ng bombero na may sapat na tubig para sa trabaho.
Nang matapos ang Kingdom Hall, humanga sa mga kapatid at sa nagawa nila ang isang baguhang interesado anupat naglabas ito ng tseke at nag-abuloy ng halagang halos sapat para sa isang bagong sound system. Habang dumadalaw sa Mauritius noong Disyembre 1988, pumunta sa Réunion si Carey Barber ng Lupong Tagapamahala upang ibigay ang pahayag sa pag-aalay. Nakumpleto
noong 1996 sa St.-Gilles-les-Bains ang kauna-unahang Kingdom Hall na itinayo sa mabilis na paraan. Ngayon, may 17 Kingdom Hall sa isla na ginagamit ng 34 na kongregasyon.SAAN IDARAOS ANG MGA ASAMBLEA?
Mabunga ang simula ng gawain sa Réunion anupat isang hamon ang makasumpong ng mga lugar na sapat ang laki para sa mga asamblea. Noong 1964, nagplano ang mga kapatid para sa kanilang unang pansirkitong asamblea roon. Pero pagkatapos ng ilang buwang paghahanap, isang lugar lamang ang nakita nila
—isang restawran sa Saint-Denis na nasa itaas na palapag. Ang gusali ay luma, mataas ang upa, at yari sa kahoy. Ayon sa mga may-ari, makakaya nito ang bigat ng mahigit sa 200 katao, ang bilang na inaasahang dadalo.Yamang walang ibang mapagpipilian, inupahan ng mga kapatid ang restawran, at isang mabait na tao ang nagbigay ng laud-ispiker. Pagsapit ng araw ng asamblea at nang magsimulang mapuno ng mga kapatid ang gusali, lumangitngit nang husto ang sahig pero hindi naman ito bumigay. Ang dumalo noong Linggo ay 230, at 21 naman ang nabautismuhan.
Di-nagtagal, may-kabaitang inialok ni Brother Louis Nelaupe, na lumaki sa Cirque de Mafate, ang isang bahagi ng kaniyang lupa sa Saint-Denis para mapagtayuan ng isang pansamantalang Assembly Hall. Ang itinayo ay isang simpleng istraktura na may kahoy na balangkas, bubong na yero, at dingding na gawa sa pinagsala-salang dahon ng palma.
Tatlong araw na pandistritong kombensiyon ang unang asambleang idinaos doon. “Sa unang umaga,” ang natatandaan ng delegadong si Myriam Andrien, “lumabas kami sa larangan at bumalik upang kumain ng mainit na tanghalian—tipikal na pagkaing Creole na kanin, balatong, at manok na sinangkapan ng sili. Sa mga hindi sanay kumain ng maanghang, naghanda naman ang mga tagapagluto ng rougail marmaille, o banayad na atsara.”
Pinaluwang ang Assembly Hall yamang dumarami ang dumadalo, at ginamit din iyon bilang Kingdom Hall. Dumating ang panahon na umalis na ang mga pamilyang nangungupahan sa mga bahay na nasa loteng iyon kaya may-kabaitang ibinigay ni Louis ang buong lote sa kongregasyon. Mayroon na ngayong maganda at kongkretong Kingdom Hall doon na ginagamit ng dalawang kongregasyon sa Saint-Denis.
Noong 1997, naitayo ang isang Assembly Hall sa bayan ng La Possession sa isang lote na nabili limang taon na noon ang nakalilipas. Walang dingding ang gusali at may baptismal pool sa entablado. Nagkakasya sa bulwagan ang 1,600 katao at ginagamit ito nang hindi kukulangin sa 12 beses sa isang taon para sa mga asamblea at kombensiyon. Katabi nito ang tahanan ng mga misyonero na maaaring tuluyan ng siyam katao. Mayroon ding
depo ng literatura at tanggapan ng mga nangangasiwa sa teritoryo ng Réunion.SAAN MAGDARAOS NG MGA KOMBENSIYON?
Bago nagkaroon ang mga kapatid ng sariling Assembly Hall, inaarkila nila ang Olympic Stadium sa Saint-Paul para sa mga pandistritong kombensiyon. Gayunman, madalas na kinakailangan nilang lumipat sa ibang lugar ilang araw bago ang kombensiyon dahil inuuna ang mga palaro at programang pangkultura. Pagkaraan, hiniling ng munisipyo sa mga kapatid na gamitin ang bakuran sa tabi ng istadyum. Palibhasa’y nakalaan ang lugar na ito para sa mga eksibisyon, wala itong mga upuan o bubong, kaya nagdadala ang mga delegado ng sarili nilang upuan at payong. Dahil dito, ang nakikita ng mga nasa entablado ay hindi ang mukha ng mga matamang tagapakinig kundi ang kanilang mga payong na may sari-saring kulay.
“Minsan, dalawang grupo ang pinayagan ng munisipyo na gumamit ng lugar na iyon,” ang isinulat ng tanggapan sa Réunion. “Ang isang grupo ay isang banda mula sa Martinique na tumutugtog ng musikang zouk—pinaghalong Aprikanong ritmo, reggae, at calypso. Yamang pabor sila sa grupong zouk, inialok sa amin ng mga opisyal ang pasyalang tinatawag na The Cave of the First Frenchmen, ang lugar kung saan unang tumapak ang mga nandayuhang Pranses. Maganda ang lugar, anupat matatanaw sa likuran ang matataas na dalisdis at maraming malilim na punungkahoy, pero walang mga upuan, iilan lamang ang palikuran, at walang entablado.
“Pero mabuti na lamang at doon kami napuwesto, dahil noong Sabado ng gabi ng kombensiyon, bumagyo at sinira ng kidlat ang buong sistema ng kuryente sa istadyum, anupat tinapos ang
konsiyertong zouk. Yamang limang kilometro ang layo namin, hindi kami naapektuhan. Naging usap-usapan pa nga ng mga tagaroon na ‘hatol daw ng Diyos’ ang nangyari sa konsiyerto.”PAGSULONG SA ORGANISASYON
Noong Hunyo 22, 1967, itinatag ang legal na instrumentong Association Les Témoins de Jéhovah (Samahan ng mga Saksi ni Jehova). Malugod na tinanggap naman ng isla noong Pebrero 1969 ang una nitong tagapangasiwa ng sirkito, si Henri Zamit, na isinilang sa Algeria at lumaki sa Pransiya. Kasali sa kaniyang sirkito ang anim na kongregasyon sa Réunion at apat sa Mauritius pati na ang ilang nakabukod na grupo. Mayroon na ngayong dalawang sirkito sa Réunion.
Noong 1975, inalis sa Pransiya ang 22-taóng pagbabawal sa Ang Bantayan, at ginamit kaagad ng mga kapatid ang magasing ito sa larangan sa Réunion. Dati nilang ginagamit ang publikasyong Bulletin intérieur. Inililimbag ito sa Pransiya at nilalaman nito ang parehong impormasyon na inilalathala sa Ang Bantayan pero hindi ito ipinamamahagi sa publiko. Noong Enero 1980, nagsimulang maglimbag ang sangay sa Pransiya ng isang edisyon ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa wikang Pranses na dinisenyo sa pangangailangan ng Réunion at ng iba pang mga isla sa lugar na iyon. At para sa kapakinabangan ng mga taong nagsasalita ng Creole ng Réunion, may ilang publikasyon—kasali na ang mga tract, brosyur, at mga aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan at Sambahin ang Tanging Tunay na Diyos—na isinalin sa wikang ito. Ang maiinam na espirituwal na mga paglalaang ito ay nakatulong sa pagpapalawak ng mabuting balita sa malayong bahaging ito ng daigdig.
Oo, sa napakalawak na Karagatang Indian, tila isa lamang tuldok ang Réunion. Ngunit napakalakas na sigaw ng papuri ang pumapailanlang patungo sa Diyos mula roon! Ipinaaalaala nito ang mga salita ni propeta Isaias: “Sa mga pulo ay ihayag nila ang . . . kapurihan [ni Jehova]”! (Isa. 42:10, 12) Sa paghahayag ng kapurihang iyan, patuloy sanang maging matatag at palagian ang mga Saksi ni Jehova sa Réunion kagaya ng naglalakihang bughaw na mga alon na walang-tigil na humahampas sa mga bulkanikong baybayin ng isla.
[Kahon/Mga Mapa sa pahina 228, 229]
MAIKLING IMPORMASYON—Réunion
Lupain
Ang Réunion, na mga 65 kilometro ang haba at 50 kilometro ang lapad, ang siyang pinakamalaki sa Mascarene Islands—Mauritius, Réunion, at Rodrigues. Malapit sa gitna ng isla ang tatlong tinitirhan at natatanimang bunganga ng bulkan na tinatawag na mga cirque, o mga lunas na matatarik ang gilid, na nabuo dahil sa pagguho ng isang malaki at sinaunang bulkan.
Mamamayan
Ang 785,200 mamamayan ay pangunahin nang mga inapo ng mga haluang Aprikano, Tsino, Pranses, Indian, at taga-Timog-Silangang Asia. Mga 90 porsiyento ay Katoliko.
Wika
Pranses ang opisyal na wika, pero ang Creole ng Réunion ang karaniwang sinasalita.
Kabuhayan
Pangunahin nang nakasalalay ang ekonomiya sa tubó at sa mga produkto nito, gaya ng pulót at rum, pati na sa turismo.
Pagkain
Ang pangunahing pagkain ay bigas, karne, isda, balatong, at lentehas. Bukod sa tubó, itinatanim din ang niyog, litsiyas, papaya, pinya, repolyo, letsugas, kamatis, at banilya.
Klima
Dahil bahagyang nasa itaas ng Tropic of Capricorn, tropikal at maumido sa Réunion at iba-iba ang pag-ulan at temperatura sa bawat rehiyon. Pangkaraniwan na ang buhawi.
[Mga mapa]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Madagascar
Rodrigues
Mauritius
Réunion
RÉUNION
SAINT-DENIS
La Montagne
La Possession
Le Port
Saint-Paul
St.-Gilles-les Bains
CIRQUE DE MAFATE
CIRQUE DE SALAZIE
Cilaos
CIRQUE DE CILAOS
Saint-Leu
Le Cap
Les Makes
Les Avirons
L’Étang-Salé
La Rivière
Saint-Louis
Saint-Pierre
Saint-Philippe
Piton de la Fournaise
Saint-Benoît
Saint-André
[Mga larawan]
Kuha mula sa kalawakan
Daloy ng lava
Saint-Denis
[Kahon sa pahina 232, 233]
Maikling Kasaysayan ng Réunion
Dina Morgabin (Kanluraning Isla) ang tawag ng mga unang magdaragat na Arabe sa islang ito. Nang matuklasan ng mga nabiganteng Portuges ang di-pa-tinitirhang isla noong unang mga taon ng ika-16 na siglo, Santa Apollonia ang ipinangalan nila rito. Inangkin ng Pranses na si Jacques Pronis ang Santa Apollonia para sa Pransiya noong 1642 nang ipatapon niya roon ang 12 rebelde mula sa Madagascar. Noong 1649, Île Bourbon naman ang ipinangalan dito mula sa maharlikang angkan ng Pransiya. Nang mawalan ng kapangyarihan ang Angkang Bourbon noong 1793 sa Himagsikang Pranses, ang isla ay pinanganlang Réunion, bilang pag-alaala sa alyansa ng Paris National Guard at ng mga rebolusyonaryo mula sa Marseille. Pagkatapos ng ilan pang pagbabago, muling pinagtibay ang Réunion bilang pangalan ng isla noong 1848. Noong 1946, ang isla ay naging administratibong distrito ng Pransiya sa ibayong-dagat.
Noong unang mga taon ng dekada ng 1660, binuo ng Pransiya ang isang kolonya sa isla at nagtatag ng mga plantasyon ng kape at tubó, na ang mga manggagawa ay mga alipin galing sa Silangang Aprika. Nang buwagin ang pang-aalipin noong 1848, dinala roon ng Pransiya ang upahan at sapilitang mga manggagawa na karamihan ay galing sa India at Timog-Silangang Asia. Galing sa mga grupong ito ang karamihan sa kasalukuyang haluang populasyon ng isla. Noong unang mga taon ng ika-19 na siglo, humina ang pagtatanim ng kape at ang tubó naman ang naging pangunahing iniluluwas na pananim.
[Kahon/Mga Larawan sa pahina 236, 237]
Bodybuilder na Naging Special Pioneer
LUCIEN VÉCHOT
ISINILANG 1937
NABAUTISMUHAN 1961
MAIKLING TALAMBUHAY Dating kilalang bodybuilder, naglingkod bilang special pioneer mula 1963 hanggang 1968 at bilang elder mula 1975.
ISANG di-malilimutang araw noong 1961 nang pumunta ako sa tahanan ng aking kaibigang si Jean upang “sagipin” siya mula sa mga Saksi ni Jehova. Hiniling ng asawa ni Jean na pumunta ako roon dahil nangangamba siyang baka maging mapilit ang mga bulaang propeta, na siyang tawag niya sa mga Saksi, at saktan ang kaniyang asawa!
‘Kapag sinaktan nila siya,’ ang sabi ko sa sarili ko, ‘bubugbugin ko sila.’ Pero mababait pala sila, makatuwiran, at napakahinahon. Di-nagtagal, nabuhos ang pansin ko sa isang pag-uusap tungkol sa krus, kung saan malinaw na ipinakita ng mga Saksi mula sa Bibliya na si Jesus ay namatay sa isang simpleng poste, o tulos.
Pagkaraan, tinanong ko kung ano ang ibig sabihin ni propeta Daniel nang banggitin niyang si Miguel na arkanghel ay “nakatayo” alang-alang sa bayan ng Diyos. (Dan. 12:1) Ipinaliwanag ng mga Saksi mula sa Kasulatan na, sa katunayan, si Miguel ay si Jesu-Kristo at “nakatayo,” o namamahala bilang Hari sa Kaharian ng Diyos mula pa noong taóng 1914. (Mat. 24:3-7; Apoc. 12:7-10) Humanga ako sa mga sagot na ito at sa kaalaman ng mga Saksi sa Bibliya. Mula noon, kapag nasa lugar namin ang mga Saksi, sinasamantala ko ang pagkakataong makipag-usap sa kanila tungkol sa Salita ng Diyos. Sinundan ko pa nga sila sa kanilang pagbabahay-bahay at sumali sa kanilang mga pakikipagtalakayan. Di-nagtagal, nakisama na ako sa nabubukod na grupong nagtitipon sa Saint-André.
Sa unang pulong na dinaluhan ko, bagaman hindi ako gaanong marunong bumasa, binasa ko ang ilang parapo sa Bulletin intérieur, na ginagamit namin noon sa halip na Ang Bantayan. Nang mabautismuhan ako, hinilingan kaagad ako na mangasiwa ng pag-aaral sa aklat dahil walang ibang brother na gagawa nito. ‘Pero paano ko mapangangasiwaan ang pag-aaral sa aklat?’ ang naisip ko. Dahil alam niyang nag-aalala at nag-aatubili ako, may-kabaitang iminungkahi ni Jeannine Pégoud na siya ang babasa ng mga parapo at ako naman ang babasa ng nakalimbag na mga tanong sa pag-aaral. Gayon nga ang ginawa namin, at naidaos nang maayos ang pag-aaral.
Nang dumalaw si Milton Henschel sa Réunion noong 1963, hinimok niya ang mga kuwalipikado na pag-isipan ang paglilingkod bilang special pioneer. Gusto kong ibigay kay Jehova ang buong makakaya ko, kaya pinunan ko ang aplikasyon at tinanggap naman iyon. Inatasan ako sa lunsod ng Saint-André, kung saan nakapagdaos ako ng siyam na pag-aaral sa Bibliya nang mag- laon.
Sa tahanan ni Jean Nasseau nagtitipon ang bagong kongregasyon. Nang mabalian ng baywang si Jean sa isang aksidente sa kotse, ako ang nag-asikaso sa kongregasyon sa loob ng anim na buwan. Kinailangan kong magpahayag, mangasiwa sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo at sa Pulong sa Paglilingkod, at maghanda ng mga ulat para sa tanggapang pansangay—na pawang nagbigay sa akin ng karagdagan at mahalagang karanasan.
Sa teritoryo, kinailangan naming makipagpunyagi sa mga pamahiin, na nag-ugat sa nakalilitong paghahalo ng Katolisismo at Hinduismo. Ngunit tumugon naman ang mga tao sa mabuting balita. Sa katunayan, di-kukulangin sa 20 miyembro ng isang pamilya ang tumanggap ng katotohanan. Sa ngayon, may limang kongregasyon sa lugar ng Saint-André.
[Kahon/Mga Larawan sa pahina 238]
Sinubok ng Panunuya ang Aking Pananampalataya
MYRIAM THOMAS
ISINILANG 1937
NABAUTISMUHAN 1965
MAIKLING TALAMBUHAY Payunir mula 1966.
NANG magsimula kaming mangaral ng aking pinsang si Louis Nelaupe noong 1962, pinatutuloy kami sa halos lahat ng bahay. Inaalok kami ng kape, lemonada, at maging ng rum! Pero di-nagtagal, nagbago ang saloobin ng marami dahil sa impluwensiya ng klero. Tinutuya kami kung minsan ng ilang may-bahay, anupat sinasadyang hamakin ang pangalan ng Diyos. Sa isang bayan, pinagbabato kami ng mga tao.
Dahil dito, hindi na ginamit ng ilan sa amin ang pangalan ng Diyos sa ministeryo. Napansin ito ng tagapangasiwa ng sirkito kaya nagtanong siya. Nang ipaliwanag namin sa kaniya ang aming dahilan, medyo napahiya kami. Subalit may-kabaitan niyang pinayuhan at pinasigla kami na lakasan pa ang aming loob. Lubha namin itong ipinagpapasalamat, anupat itinuring na disiplina mula kay Jehova ang kaniyang sinabi. (Heb. 12:6) Ang totoo, kung hindi dahil sa pagkamatiisin, awa, at banal na espiritu ng Diyos, baka matagal na akong huminto sa pagpapayunir. Sa halip, nakapag-ukol ako ng mahigit sa 40 makabuluhang taon sa paglilingkod bilang payunir.
[Kahon/Larawan sa pahina 246, 247]
Inalalayan Ako ni Jehova sa mga Pagsubok
SULLY ESPARON
ISINILANG 1947
NABAUTISMUHAN 1964
MAIKLING TALAMBUHAY Isa sa mga unang nabautismuhan sa Réunion. Tatlong taon siyang nabilanggo dahil tumanggi siyang magsundalo.
NANG tanggapin ko ang katotohanan sa edad na 15, pinalayas ako ng aking mga magulang. Ngunit hindi iyan nakapagpahina sa aking pasiya na maglingkod kay Jehova. Naging regular pioneer ako noong 1964 at special pioneer noong 1965. Nagkapribilehiyo rin ako na tumulong sa pangangasiwa ng mga kongregasyon sa Saint-André at sa Saint-Benoît. Regular kaming nagbibisikleta ni Jean-Claude Furcy paroo’t parito sa dalawang kongregasyong ito, na may 12 at 6 na mamamahayag.
Noong 1967, ipinatawag ako para magsundalo. Ipinaliwanag kong hindi ako maaaring humawak ng sandata dahil Kristiyano ako. Gayunman, dahil ako ang kauna-unahang may ganitong kaso sa Réunion, hindi naunawaan ni tinanggap man ng mga awtoridad ang aking paninindigan. Sa katunayan, binugbog ako ng isang opisyal sa harap ng mga 400 kinalap magsundalo at saka ako dinala na iika-ika sa kaniyang opisina. Inilatag niya ang isang uniporme sa kaniyang mesa at sinabihan akong isuot iyon, at kung hindi ay bubugbugin niya akong muli. Nanliliit ako sa harap niya na halos anim na talampakan ang taas at may matipunong katawan. Sa kabila nito, nakapag-ipon ako ng lakas ng loob at nagsabi, “Kapag sinaktan mo akong muli, magsasampa ako ng kaso dahil ginagarantiyahan ng Pransiya ang kalayaan sa relihiyon.” Nagpupuyos sa galit na lumapit siya sa akin pero pinigil ang kaniyang sarili. Pagkatapos ay dinala niya ako sa kumandanteng opisyal, na nagsabing gugugol ako ng tatlong taon ng sapilitang pagtatrabaho sa Pransiya.
Binuno ko nga ang tatlong taóng sentensiya, pero sa Réunion, hindi sa Pransiya. At hindi iyon sapilitang pagtatrabaho. Matapos akong sentensiyahan, inanyayahan ako ng hukom sa loob ng kaniyang opisina. Nakangiti siya nang kamayan ako at nakisimpatiya sa akin, anupat ipinaliwanag na kinailangan niyang ilapat ang batas bilang isang hukom. Naging palakaibigan din sa akin ang katulong na direktor sa bilangguan at isinaayos niya na magtrabaho ako sa hukuman. Sinamahan pa niya ako sa lugar ng mga bisita upang makita ang aking mga magulang at isang kakongregasyon.
Sa simula, may kasama akong 20 hanggang 30 iba pa sa isang selda. Subalit pagkaraan, inilagay ako sa isang selda para sa 2 katao anupat nagbigay ito sa akin ng higit na kalayaan. Humiling ako ng ilaw at nakapagtatakang pinagbigyan ako. Karaniwan nang ipinagbabawal ang anumang bagay na de-kuryente dahil baka tangkain ng mga bilanggo na kuryentehin ang kanilang sarili. Dahil sa aking ilaw, nakapag-aaral ako ng Bibliya at nakumpleto ko rin ang isang kurso sa accounting sa pamamagitan ng koreo. Nang makalaya ako noong 1970, may-kabaitang inihanap ako ng trabaho ng isang hukom.
[Kahon sa pahina 249]
Banta ng Buhawi
Noong Pebrero 1962, sinalanta ng Buhawing Jenny ang Réunion at Mauritius, anupat nagmistulang bumubulang halimaw ang nakapalibot na Karagatang Indian na naging sanhi ng pagbaha sa mga lugar na malapit sa baybayin, lalo na sa Réunion. Sa Saint-Denis, nasira ang mga gusali, nakalbo ang mga punungkahoy, at nagkalat sa kalsada ang nabaling mga sanga. Halos matumba na ang mapanganib na mga poste ng kuryente at naglaylayan ang mga kable. Nakapagtatakang hindi napinsala ang maliit na Kingdom Hall. Dahil sa buhawing ito, 37 ang nasawi, 250 ang nasaktan, at libu-libo ang nawalan ng masisilungan. Nang panahong iyon, ang mga kapatid ay nagdaraos ng asamblea sa Mauritius, na hindi gaanong natamaan ng buhawi. Bagaman hindi sila nakauwi nang ilang araw, kahit paano’y ligtas sila at hindi nasaktan.
Noong 2002 naman, ang Buhawing Dina ay naging sanhi ng pagguho ng lupa na humarang nang tatlong linggo sa daang patungo sa Cilaos. Agad na isinaayos ng tanggapan sa Réunion na magpadala ng sasakyang four wheel drive na may kargang panustos para sa 30 kapatid doon. Kabilang ang sasakyan sa konboy ng 15 iba pa na pinangungunahan ng mga pulis. Ang mga bahagi ng sementadong daan ay naanod sa ilog, at kinailangang dumaan ang konboy sa pinakasahig ng ilog at bumalik sa kalsada. Tuwang-tuwa ang mga kapatid sa Cilaos nang makarating ang sasakyan!
[Chart/Graph sa pahina 252, 253]
TALÂ NG MAHAHALAGANG PANGYAYARI—Réunion
1955 Dumalaw si Robert Nisbet noong Setyembre.
1960
1961 Dumating ang isang pamilyang Saksi mula sa Pransiya at nakasumpong ng maraming interesado.
1963 Nagpahayag sa 155 tagapakinig si M. G. Henschel mula sa pandaigdig na punong-tanggapan.
1964 Mula sa Pransiya, inilipat sa Mauritius ang pangangasiwa sa gawain; 230 ang dumalo sa unang lokal na pansirkitong asamblea.
1967 Inirehistro ang legal na instrumentong Association Les Témoins de Jéhovah.
1970
1975 Inalis ang pagbabawal sa Ang Bantayan sa Pransiya.
1980
1985 Mahigit nang 1,000 ang bilang ng mga mamamahayag.
1990
1992 Mahigit nang 2,000 ang bilang ng mga mamamahayag. Ang sangay ay bumili ng lote sa La Possession para sa tanggapan sa Réunion, isang Assembly Hall, at tahanan ng mga misyonero.
1996 Natapos ang unang Kingdom Hall na itinayo sa mabilis na paraan.
1998 Idinaos ang unang asamblea sa bagong Assembly Hall sa La Possession.
2000
2006 Mga 2,590 mamamahayag ang aktibo sa Réunion.
[Graph]
(Tingnan ang publikasyon)
Kabuuang Bilang ng mga Mamamahayag
Kabuuang Bilang ng mga Payunir
3,000
2,000
1,000
1960 1970 1980 1990 2000
[Buong-pahinang larawan sa pahina 223]
[Larawan sa pahina 224]
Nangaral si Adam Lisiak sa Réunion sa loob ng isang buwan, 1959
[Larawan sa pahina 224]
Patungo sa Réunion sina Noémie Duray, Jeannine Pégoud, at ang kaniyang anak na si Christian, 1961
[Larawan sa pahina 227]
Kingdom Hall sa Le Port, 1965
[Larawan sa pahina 230]
Umarkila ng mga bus para sa pangangaral, 1965
[Larawan sa pahina 230]
Josette Bonnecaze
[Larawan sa pahina 235]
Jeannine Corino
[Larawan sa pahina 235]
Pangangaral sa Saint-Paul, 1965
[Larawan sa pahina 243]
Cléo Lapierre
[Mga larawan sa pahina 244]
Nagpatotoo sina Louis at Anne Nelaupe sa malalayong nayon at kumain ng bayabas habang nasa daan
Cirque de Mafate
[Larawan sa pahina 248]
Ang naitayong Kingdom Hall sa Saint-Louis, 1988
[Mga larawan sa pahina 251]
Mga Asamblea at Kombensiyon
Idinaos ang unang lokal na pansirkitong asamblea sa isang restawran na nasa itaas na palapag, 1964
“The Cave of the First Frenchmen,” nagdaos ng pandistritong kombensiyon sa lugar na ito
Pansamantalang dakong pulungan, Saint-Denis, 1965