Russia
Russia
“MULA sa sikatan ng araw hanggang sa lubugan nito ay magiging dakila ang aking pangalan sa gitna ng mga bansa.” (Mal. 1:11) Sa ngayon, ang napakagandang hulang ito na sinabi ni Jehova mga 2,450 taon na ang nakalilipas ay nagkakatotoo sa Russia. Habang nilulubugan ng araw ang tapat na mga lingkod ni Jehova sa lunsod ng Kaliningrad sa kanluran, sinisikatan naman ng araw ang mga mamamahayag sa Chukchi Peninsula sa silangan, na nasa kabilang ibayo lamang ng Bering Strait mula sa Alaska. Oo, tuluy-tuloy ang pangangaral ng Kaharian at paggawa ng alagad sa Russia. Saganang pinagpala ang walang-pagod na paggawa ng matatapang na kapatid noong panahong Sobyet. Gaya ng makikita natin, nalampasan nila ang malulupit na pag-uusig at, dahil dito, nabuksan ang daan sa mahigit 150,000 mamamahayag na naglilingkod sa Russia ngayon.
Ang Russia, na opisyal na tinaguriang “Russian Federation,” ay hindi isang bansa na may iisang lupain o iisang lahi. Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, isa itong pederasyon ng mga lupain, iba’t ibang tribo, wika, at lahi, na may kani-kaniyang kultura. Ang ating ulat ay magsisimula sa napakaraming iba’t ibang lahi, wika, at relihiyon, hindi ng demokratikong Russia ngayon, kundi ng Imperyo ng Russia mahigit sandaang taon na ang nakalilipas, na pinamamahalaan noon ng isang emperador.
BUONG-TAPANG NA NAGPAPATOTOO SA MGA KLERIGO SA MOSCOW
Noong nananauli na ang interes ng mga tao sa relihiyon, nakilala ni Semyon Kozlitsky, isang napakarelihiyosong tao at nagtapos sa seminaryo ng Ruso Ortodokso, si Charles Taze Russell, na nanguna sa gawain ng mga Estudyante ng Bibliya, na tawag noon sa mga Saksi ni Jehova. Ganito ang paliwanag ni Nina Luppo, apo ni Semyon: “Naglakbay ang lolo ko sa Estados
Unidos noong 1891 at nakilala niya roon si Brother Russell. Iningatan niya ang litrato nilang dalawa at palagi niyang ibinibida ang kaniyang brother na si Charles Taze Russell.” Noong mga huling taon ng ika-19 na siglo, pinangasiwaan ni Brother Russell at ng kaniyang mga kasama ang gawaing pagsasauli ng tunay na pagsamba sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga katotohanan sa Bibliya, na nagkaroon ng malaking epekto sa buhay ng mga tao. Inilantad din nila ang mga maling doktrina ng mga simbahan at klerigo ng Sangkakristiyanuhan. Dahil sa katotohanan sa Bibliya at sa sigasig sa dalisay na pagsamba na ipinakita ni Brother Russell at ng kaniyang mga kasama, napakilos si Semyon na buong-tapang na mangaral sa mga klerigo sa Moscow. Ano ang resulta?“Dahil sa diumano’y pang-iinsulto sa arsobispo ng Moscow, iginapos siya at ipinatapon sa Siberia nang hindi man lamang dumaan muna sa paglilitis,” ang isinulat ni Nina, “at sa ganiyang paraan nakarating sa Siberia ang mensahe ng Bibliya noong 1891.” Nang bandang huli, inilipat si Semyon Kozlitsky sa isang bahagi ng Siberia na sakop ngayon ng Kazakhstan.
Ipinagpatuloy niya roon ang masigasig na pangangaral ng mensahe ng Bibliya hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1935.‘WALANG POSIBILIDAD NA MAKAPASOK SA RUSSIA ANG KATOTOHANAN’
Noong taóng ipatapon si Semyon Kozlitsky, pumunta si Brother Russell sa Russia sa unang pagkakataon. Tungkol sa pagdalaw na iyon, naging bukambibig na ang kaniyang mga salitang “wala kaming makitang pagkakataon o posibilidad na makapasok sa Russia ang katotohanan.” Ibig ba niyang sabihin na ayaw makinig ng mga Ruso sa katotohanan? Hindi. Ayaw ng rehimeng diktadura na marinig ng mga tao ang katotohanan.
Para higit pang ilarawan ang situwasyon, isinulat ni Brother Russell sa Zion’s Watch Tower, isyu ng Marso 1, 1892: “Kontrolado ng pamahalaang Ruso ang bawat galaw ng lahat ng mamamayan ng imperyo, at pinagsususpetsahan nila ang sinumang estrangherong pumapasok sa kanilang bansa. Dapat muna nilang ipakita ang kanilang pasaporte sa bawat otel at istasyon ng tren bago sila makapasok o makalabas ng lunsod o bayan. Kukunin ng may-ari ng otel ang iyong pasaporte at ibibigay iyon sa Hepe ng Pulisya para itago hangga’t naroroon ka, para masubaybayan nila kung kailan ka talaga pumasok o lumabas ng bansa. Bagaman nagpapapasok ang mga opisyal at awtoridad, malamig naman ang pagtanggap nila at anumang aklat o papeles na dala mo ay maingat nilang sinusuri upang makatiyak silang hindi iyon kontra sa kanilang mga ideolohiya.”
Sa ganoong situwasyon, wari ngang mahihirapang sumulong ang pangangaral ng mabuting balita. Pero hindi talaga mapipigilan ang pagsibol ng binhi ng katotohanan sa Russia.
NAGSIMULA ANG “ARAW NG MALILIIT NA BAGAY”
Noon pa mang 1887, iniulat na sa Zion’s Watch Tower na nakapagpadala na ng paisa-isang isyu ng magasing iyon sa iba’t ibang lugar, “maging sa Russia.” Noong 1904, sinabi sa
isang liham ng isang maliit na grupo ng mga Estudyante ng Bibliya na nakatatanggap sila ng mga literatura sa Bibliya bagaman dumaraan ito sa butas ng karayom. Ganito ang sabi sa liham: “Madaling mapansin ang mga literatura at halos hindi ito makalusot” sa mga manunuri ng pamahalaan. Tuwang-tuwa ang maliit na grupong ito sa pagtanggap ng mga literatura anupat sinabi nila, “Gintung-ginto ito rito—napakahirap magkaroon nito.” Dahil alam nila ang layunin ng mga literatura, isinulat nila: “Pagpalain sana kami ngayon ng Panginoon at bigyan ng pagkakataong maipamahagi ang mga literaturang ito.”Oo, nagsimula na nga ang pangangaral ng mabuting balita sa Russia, at ang tunay na pagsamba ay nagkaroon na ng maliit pero mahalagang pasimula. Ito’y isang maliit na pasimula. Zac. 4:10.
Pero gaya ng isinulat ni propeta Zacarias, “sino ang humamak sa araw ng maliliit na bagay?”—Nang sumunod na mga taon, ang masisigasig na kapatid sa Alemanya ay nagpadala ng mga literatura sa Russia. Karamihan sa mga literaturang iyon ay nasa wikang Aleman, kung kaya maraming marunong magsalita ng Aleman ang tumanggap ng katotohanan. Noong 1907, tumanggap ng mga kopya ng serye ng aklat na Millennial Dawn mula sa koreo ang ilang miyembro ng isang Alemang simbahan ng Baptist sa Russia. Nang manindigan sa tunay na pagsamba ang 15 sa kanila, itiniwalag sila ng simbahan. Nang bandang huli, ang ministrong sumalansang sa kanila ay nakumbinsi na rin sa mga katotohanang inihaharap sa Millennial Dawn.
Noong 1911, sinuportahan ang gawain sa isang kakaibang paraan—sa pamamagitan ng isang paglalakbay sa panahon ng
honeymoon. Pagkatapos ng kasal, ang mag-asawang Herkendell na taga-Alemanya ay naglakbay patungong Russia para mangaral at makatulong sa mga taong marunong ng wikang Aleman. Tuwang-tuwa ang mag-asawang Herkendell nang makasumpong sila ng mga grupo ng mga mamamahayag ng Kaharian sa liblib na mga lugar at tinulungan nila sila sa espirituwal na paraan.Bago nito, isang mambabasa sa Russia ang sumulat: “Napakahalaga sa akin ng mga literatura mula sa Alemanya kung paanong para sa mga Israelita, napakahalaga ng manna mula sa langit. . . . Sayang na sayang at hindi nakalimbag ang mga literaturang ito sa wikang Ruso! Pinagsikapan kong isalin sa wikang Ruso ang iba’t ibang artikulo.” Sa ganito nagsimula ang pagsasalin; at susundan pa ito ng higit pang pagsasalin.
‘MARAMING KALULUWA ANG NAGHAHANAP SA DIYOS’
Noong 1911, isang kapatid na Polako, si R. H. Oleszynski na nakatira sa Warsaw, Poland, na ang isang bahagi ay sakop noon ng Imperyo ng Russia, ang nagsaayos na mailimbag sa wikang Ruso ang tract na Saan Naroroon ang mga Patay? Sumulat siya kay Brother Russell: “Naglakip ako ng isang kopya . . . Setenta’y tres ruble ang singil nila para sa sampung libong kopya . . . Marami ngang problema, pero marami ring kaluluwa ang naghahanap sa Diyos.” Ang mga tract na ito pati na ang iba pang literatura ay naipasakamay sa mga taong marunong ng wikang Ruso, at dinala nila ito sa Russia. Sa gayon ay nabuksan ang isang malaking pinto para sa wikang ito. Di-nagtagal, nagkaroon na rin ng iba pang literatura gaya ng mga tract, brosyur, at buklet. Sa paglipas ng panahon, mas malakihang proyekto sa pagsasalin ang gagawin.
Noong 1912, pumunta si Brother Russell sa Finland na bahagi noon ng Imperyo ng Russia. Binigyan si Kaarlo Harteva ng power of attorney para kumatawan sa Watch Tower Bible and Tract Society sa Finland. Noong Setyembre 25, 1913, ang nasabing power of attorney ay dinikitan ng selyo ng pamahalaan at pinirmahan ng kinatawan ng emperador, ang Russian Imperial Consul sa New York.
NAPAHABA ANG DALAWANG-BUWANG PAGLALAKBAY PARA MANGARAL
Ilang panahon bago sumiklab ang Digmaang Pandaigdig I, pinasimulan ni Joseph F. Rutherford ang paglalakbay mula sa Brooklyn tungo sa iba’t ibang bansa bilang kinatawan ng organisasyon. Sa paglalakbay na ito, nakilala niya ang isang Estudyante ng Bibliya na si Dojczman sa lunsod ng Lodz sa Poland. Di-nagtagal, pinasimulan ni Brother Dojczman at ng kaniyang pamilya ang dalawang-buwan sanang paglalakbay sa buong Russia para mangaral. Pero dahil sa pagsiklab ng digmaan, napahaba ang kanilang paglalakbay.
Matapos ang maraming paghihirap, napadpad ang mga Dojczman sa isang maliit na bayan sa may Ilog Volga. Pagsapit ng 1918, nagpasiya silang umuwi sa Poland, pero hindi ito natuloy dahil sa paglaganap ng sakit na bulutong. Pagkatapos nito, isinara ang mga hangganan dahil sa pagsiklab ng digmaang sibil. Tatlo sa kanilang mga anak ang namatay nang mga taong iyon—isa dahil sa bulutong, isa dahil sa pulmonya, at isa dahil sa iba pang sakit.
Laganap ang gutom at pagkakagulo. Namamatay na lamang sa mga lansangan ang mga tao dahil sa gutom. Dahil sa pagkakagulo, marami, lalo na sa mga dayuhan, ang pinagbintangang sumusuporta sa mga “kalaban” at basta na lamang ipinapapatay nang hindi dumaraan sa paglilitis. Isang araw, isang lalaking may kasamang armadong sundalo ang bigla na lamang pumasok sa bahay ni Brother Dojczman.
“Kalaban ’yan, hulihin ’yan!” ang sigaw ng lalaki.
“Bakit?” ang tanong ng sundalo. “Ano’ng ginawa niya?”
Gumagawa lamang pala ng paraan ang lalaki para makalibre sa pagbabayad kay Brother Dojczman sa pagkakarpinterong ginawa nito para sa kaniya. Matapos pakinggan ang magkabilang panig, nahalata ng sundalo ang masamang motibo ng lalaki at inihagis niya ito sa labas ng bahay. Saka sinabi ng sundalo kay Brother Dojczman na naalaala niya ang masayang pag-uusap nila tungkol sa Bibliya. Malamang na nakatulong ang pag-uusap na iyon sa pagkaligtas ng buhay ni Brother
Dojczman at ng kaniyang pamilya. Noong 1921, tinalo ng pamahalaang Komunista ang mga sundalong nasa oposisyon, at natapos ang digmaang sibil. Makauuwi na rin sa Poland ang mga Dojczman.MGA ESTUDYANTE NG BIBLIYA AT MGA BOLSHEVIK
Sa kasagsagan ng Digmaang Pandaigdig I, tuluyan nang naputol ang komunikasyon ng mga kapatid sa Russia sa mga kapatid sa ibang lugar. Gaya ng mga kapatid ni Kristo sa buong daigdig, ang mga nasa Russia ay malamang na hindi rin nakatitiyak noon sa ganap na kahulugan ng pagluluklok kay Kristo bilang Hari. Wala silang kamalay-malay na malapit nang maranasan ng kanilang bansa ang ilan sa pinakapambihirang pangyayaring magaganap sa ika-20 siglo, na marami sa mga ito ay katuparan ng mga hula sa Bibliya.
Noong huling bahagi ng 1917, nagwakas ang 370-taóng pamamahala ng mga emperador dahil sa Russian Revolution. Palibhasa’y wala silang nalalaman tungkol sa pagkanaririto ng Panginoong Jesu-Kristo, ang mga bagong pinuno ng Russia, ang mga Bolshevik, ay nangarap na magtatag ng isang bagong uri ng pamamahala ng tao, na naiiba sa lahat ng nagdaang pamahalaan. Kaya naman sa loob lamang ng ilang taon, nabuo ang Union of Soviet Socialist Republics, o USSR. Sa kalaunan, sasaklawin nito ang halos ikaanim na bahagi ng lupain sa buong mundo.
Kapansin-pansin na ilang taon bago ang Russian Revolution, ganito ang sinabi ni Vladimir Lenin, ang unang lider ng Unyong Sobyet: “Dapat na malayang-malaya ang lahat, hindi lamang sa pagpili ng relihiyong gusto niya, kundi maging sa pagpapalaganap o pagbabago ng kaniyang relihiyon. Walang sinumang opisyal ang may karapatang magtanong man lamang tungkol sa relihiyon ng isa: depende iyan sa konsiyensiya ng bawat tao at walang sinuman ang may karapatang kumontra.”
Sa ilang bahagi ng bansa, naibahagi ng taimtim na mga tao ang mga katotohanan ng Bibliya sa iba dahil sa opisyal na
mga simulaing ito na pinanghahawakan ng Social Democratic Party. Pero sa pangkalahatan, ang bagong Estado ay ateista na noon pa man at galit sa mga relihiyon, anupat binansagan itong “opyo ng lipunan.” Kabilang sa unang mga ginawa ng mga Bolshevik ay ang paglalabas ng utos na paghiwalayin ang Simbahan at ang Estado. Ginawang ilegal ang mga gawain ng mga relihiyon, at inangkin ng pamahalaan ang mga ari-arian ng mga simbahan.Ano naman kaya ang tingin ng bagong pamahalaang ito sa kalat-kalat na mga grupo ng mga Estudyante ng Bibliya, na ang katapatan ay nakaukol sa Kaharian ng Diyos? Nang sumulat mula sa Siberia ilang panahon pagkatapos ng rebolusyon noong 1917, inilarawan ng isang Estudyante ng Bibliya ang nakalulungkot na situwasyong ito: “Malamang na alam mo ang situwasyon dito sa Russia. Mayroon kaming pamahalaang Sobyet na ibinatay sa mga simulain ng mga Komunista. Bagaman mapapansin ang maliwanag na pagsisikap na pairalin ang katarungan, binabale-wala naman nila ang anumang bagay na may kinalaman sa Diyos.”
Pagsapit ng 1923, tumindi ang pagsalansang sa mga Estudyante ng Bibliya. Sumulat ang mga kapatid: “Ang liham na ito ay isinulat para ipabatid sa inyo ang nagaganap sa Russia. . . . Mayroon nga kaming pagkain, pananamit, . . . pero kulang na kulang kami sa espirituwal na pagkain. Kinukumpiska ng pamahalaan ang mga aklat na ipinadadala sa amin. Kaya nakikiusap kami sa inyo na padalhan n’yo sana kami ng mga sumaryo ng lahat ng literaturang nasa wikang Ruso sa anyong liham . . . Marami ang nagugutom sa Salita ng Katotohanan. Hindi pa natatagalan, lima ang nagpabautismo bilang sagisag ng kanilang pag-aalay, at labinlimang Baptist ang nakisama na rin sa atin.”
Ganito ang komento ng The Watch Tower ng Disyembre 15, 1923: “Sinisikap ng Samahan na makapagpadala ng mga literatura sa Russia at patuloy nila itong pagsisikapan, sa tulong ng di-sana nararapat na kabaitan ng Panginoon.” Pagsapit ng 1925, nagkaroon na ng The Watch Tower sa wikang Ruso.
Napakabilis ng naging epekto nito sa pagpapatotoo sa Russia. Halimbawa, hindi mapag-ugnay noon ng isang miyembro ng mga Ebanghelista ang doktrina ng maapoy na impiyerno at ang pag-ibig ng Diyos. Nang tanungin niya ang kaniyang mga kapananampalataya, nagdasal sila na alisin sana ng Diyos ang gayong kaisipan niya. Nang maglaon, tumanggap silang mag-asawa ng ilang isyu ng The Watch Tower at agad nilang nakilala ang katotohanan. Sumulat siya at humingi ng iba pang mga literatura, na sinasabi: “Naghihintay kami ng manna mula sa kabilang ibayo ng dagat.” Palagi ring sinasabi ng ibang mga kapatid sa Russia na tumatanggap sila ng gayong mga “manna,” at nagpapasalamat sila sa mga kapatid sa Estados Unidos dahil sa Kristiyanong pag-ibig na ipinakikita nila sa paggawa ng gayong mga literatura na nakapagpapatibay sa pananampalataya.“PADALHAN N’YO NAMAN PO AKO NG PAILAN-ILAN NG LAHAT NG LITERATURA”
Isang makabagbag-damdaming liham galing sa Siberia ang lumabas sa The Watch Tower ng Setyembre 1925. Isinalaysay roon ng isang titser mula sa pamilyang magbubukid na silang buong mag-anak ay umalis sa timugang Russia at lumipat sa Siberia noong 1909. Ayon sa kaniyang liham, tuwang-tuwa siya nang mabasa niya ang mga publikasyon, at idinagdag pa niya, “Pangarap kong matuto pa nang higit sa banal na mga katotohanan ng Diyos para magkaroon ako ng higit pang lakas at kakayahang makatakas sa kadiliman.” Tinapos niya ang liham sa paghiling ng iba pang mga literatura na sinasabi, “Padalhan n’yo naman po ako ng pailan-ilan ng lahat ng literatura.”
Inilathala naman ang sagot ng editor sa isyu ring iyon. “Sinubukan namin noon na magpadala ng mga literatura sa Russia, pero hinarang ito ng mga salansang mula sa pamahalaang Russia. Ang liham na ito, gaya rin ng iba pang mga liham, ay katulad din ng panawagan mula sa Macedonia: ‘Tumawid ka . . . at tulungan mo kami.’ (Gawa 16:9) Tutulong kami agad kapag nakakita kami ng pagkakataon at kung ito ang kalooban ng Panginoon.”
Oo, napakabisang tulong nga ng Ang Bantayan at iba pang mga publikasyon sa pangangaral ng mabuting balita “bilang patotoo” sa wikang Ruso! (Mat. 24:14) Noong 2006, ang bilang ng mga kopya ng publikasyong inilathala ng mga Saksi ni Jehova sa wikang Ruso ay umabot na nang 691,243,952, isang bilang na mas mataas kaysa sa anumang wika maliban sa Ingles, Kastila, at Portuges. Talagang saganang pinagpala ni Jehova ang pagsisikap ng kaniyang mga Saksi na maipahayag ang Kaharian.
NAGPATOTOO SA MGA RUSONG NASA IBANG BANSA
Nang mamahala ang mga Bolshevik at itatag ang Komunistang Estado, lumipat sa ibang bansa ang maraming Ruso. Ang The Watch Tower at iba pang mga publikasyon sa wikang Ruso ay inilimbag sa labas ng Unyong Sobyet. Kaya hindi na mahadlangan
ng pamahalaang Sobyet ang pagdaloy ng espirituwal na pagkain sa ibang mga lupain. Sa pagtatapos ng dekada ng 1920, ang mga publikasyon sa wikang Ruso ay nakarating sa mga tao sa buong daigdig, at nagdatingan ang mga liham ng pasasalamat ng mga Ruso na nasa mga lupaing gaya ng Australia, Estados Unidos, Finland, Latvia, Paraguay, Poland, Pransiya, at Uruguay.Nang maglaon, inorganisa ng mga kapatid na lalaki ang mga pulong Kristiyano at pangangaral sa wikang Ruso sa ilan sa mga lugar na iyon. Sa Estados Unidos, regular na isinahimpapawid sa radyo ang mga pahayag sa Bibliya sa wikang Ruso. Nagkaroon ng mga kongregasyon sa wikang Ruso, gaya ng nasa Brownsville, Pennsylvania, at nag-organisa sila ng mga kombensiyon. Halimbawa, noong Mayo 1925, nagdaos ang mga kapatid ng tatlong-araw na kombensiyon sa wikang Ruso sa Carnegie, Pennsylvania. Dinaluhan ito ng 250, at 29 ang nabautismuhan.
NAGBAGO ANG KALAGAYAN
Pagkamatay ni Lenin, pinatindi ng pamahalaan ang pag-atake nito sa mga relihiyon. Noong 1926, itinatag ang Liga ng mga Militanteng Walang Diyos—isang pangalang tamang-tama sa kanilang mga adhikain. Sinadya ang patuloy na pagpapalaganap ng ateismo para lubusang mawala sa isip at puso ng mga tao ang paniniwala sa Diyos. Di-nagtagal, lumaganap ang ateismo sa buong Unyong Sobyet. Sa isang liham sa pandaigdig na punong tanggapan, ganito ang sabi ng isang Estudyante ng Bibliya na taga-Russia: “Ang
mga kabataan ay hindi na rin naniniwala sa Diyos, at tiyak na malaking hadlang ito para sila matuto ng katotohanan.”Ang Liga ng mga Militanteng Walang Diyos ay naglathala ng mga literatura tungkol sa ateismo, pati na ng magasing Antireligioznik. Noong 1928, ganito ang sinabi ng magasing iyon: “Napakaraming sekta sa Distrito ng Voronezh.” Bukod sa iba pa, bumanggit ito ng 48 “Estudyante ng Banal na Kasulatan” na ang “mga lider ay sina Zinchenko at Mitrofan Bovin.” Kapansin-pansin na ang The Watch Tower ng Setyembre 1926 ay naglalaman ng liham ni Mikhail Zinchenko na taga-Russia. Isinulat niya: “Ang mga tao ay gutom sa espirituwal na pagkain. . . . Iilan lamang ang aming literatura. Isinasalin nina Brother Trumpi sa wikang Ruso ang mga literatura at gumagawa sila ng mga kopya nito, at sa ganiyang paraan kami kumakain sa espirituwal at nagtutulungan sa isa’t isa. Kami at ang lahat ng kapatid sa Russia ay nagpapaabot ng pagbati.”
Noong Setyembre 1926, isinulat ni Brother Trumpi na may pag-asa nang pahintulutan ng mga awtoridad ang mga kapatid na tumanggap ng mga literatura sa wikang Ruso. Pinakisuyuan niya ang mga kapatid sa Brooklyn Bethel na magpadala ng mga tract, buklet, aklat, at mga tomo ng Watch Tower sa tulong ng tanggapang pansangay sa Magdeburg, Alemanya. Dahil dito, pinapunta ni Brother Rutherford si George Young sa Moscow. Dumating siya roon noong Agosto 28, 1928. Sa isa sa kaniyang mga liham, isinulat ni Young: “Nagkaroon ako ng ilang kawili-wiling karanasan subalit hindi ko alam kung gaano katagal
ako pahihintulutang manatili.” Bagaman nakausap niya ang isang mataas na opisyal sa Moscow, binigyan lamang siya ng visa hanggang Oktubre 4, 1928.Samantala, hindi pa malinaw kung ano talaga ang pananaw ng bagong-tatag na Estado ng Sobyet sa relihiyon. Makikita sa mga dokumento ng pamahalaan na gusto nilang gawing mga manggagawa ng Sobyet ang mga grupo ng relihiyon. Nang sumunod na mga taon, ginawa na nilang patakaran ang kagustuhan nilang ito. Importanteng maunawaan na hindi naman gustong pagpapatayin ng pamahalaang Sobyet ang mga lingkod ni Jehova; pinipilit lamang nilang makakumbinsi at makaakit. Sinisikap nilang kumbinsihin ang bayan ng Diyos na tanging sa Estado lamang makiayon at mag-ukol ng katapatan. Ayaw nilang kay Jehova mag-ukol ng katapatan ang mga tao.
Pagkaalis ni Brother Young, patuloy pa rin ang mga kapatid na Ruso sa masigasig na pangangaral ng Kaharian ng Diyos. Inatasan si Danyil Starukhin na organisahin ang gawaing pangangaral ng Kaharian sa Russia. Para mapasulong at mapasigla ang mga kapatid sa gawaing ito, pumunta si Brother Starukhin sa Moscow, Kursk, Voronezh, at iba pang lunsod sa Russia at Ukraine. Kasama ang ibang mga kapatid, pumunta sila sa mga simbahan ng Baptist at nangaral sa mga naroroon, na ipinaliliwanag ang katotohanan tungkol kay Jesu-Kristo at sa Kaharian ng Diyos. Noong Enero 1929, minabuti ng mga kapatid sa Russia na umupa ng isang gusali sa Kursk sa halagang 200 dolyar isang taon para hayagan silang makapagpulong.
Nang maglaon noong taóng iyon, humingi ng pahintulot mula sa Departamento ng Mamamayan Para sa Kalakalan ng USSR ang mga kapatid sa Brooklyn Bethel na makapagpasok sa Unyong Sobyet ng isang maliit na kargamento ng mga literatura sa Bibliya. Ang laman ng kargamento ay tig-800 kopya ng mga aklat na The Harp of God at Deliverance at 2,400 buklet. Wala pang dalawang buwan, bumalik ang kargamento na may nakatatak: “Ibinalik Dahil sa Pagbabawal ng Administrasyon ng mga Lathalain.” Pero hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang mga
kapatid. Inisip ng ilan na baka kaya ito ibinalik ay sapagkat lumang alpabetong Ruso pa ang ginamit sa mga publikasyong iyon. Mula noon, tiniyak ng mga kapatid na lahat ng literatura sa wikang Ruso ay tumpak na maisalin at mailimbag ayon sa modernong mga salita.KINAILANGAN ANG MAGANDANG SALIN
Mula 1929, nagkaroon ng mga patalastas sa ilang isyu ng The Watch Tower tungkol sa pangangailangan para sa kuwalipikadong mga tagapagsalin na marunong sa wikang Ingles at Ruso. Halimbawa, ganito ang patalastas sa Watch Tower sa wikang-Ruso, isyu ng Marso 1930: “Naghahanap ng kuwalipikado at bautisadong kapatid na lalaki na marunong sa mga wikang Ingles at Ruso para isalin sa wikang Ruso ang mga lathalaing Ingles.”
Nakita ni Jehova ang pangangailangan, at nakakuha sila ng mga tagapagsalin mula sa iba’t ibang bansa. Isa na rito si Aleksandr Forstman, na noon pa mang 1931 ay nagpapadala na ng mga artikulong isinalin niya sa wikang Ruso sa pandaigdig na punong tanggapan, sa tulong ng tanggapang pansangay ng Denmark sa Copenhagen. Si Brother Forstman ay isang masigasig na tagapagsaling nakatira sa Latvia. Palibhasa’y edukado at mahusay sa mga wikang Ingles at Ruso, mabilis niyang naisasalin ang mga literatura sa Bibliya. Noong una, ilang oras lamang sa bawat linggo ang ginugugol niya sa pagsasalin dahil nagtatrabaho rin siya para naman sa kaniyang di-sumasampalatayang asawa at isang anak. Noong Disyembre 1932, naging buong-panahong tagapagsalin na si Brother Forstman. Nagsalin siya ng mga tract, buklet, at aklat. Namatay siya noong 1942.
Gustung-gusto ng mga kapatid na makagawa ng magagandang salin sa wikang Ruso, at naniniwala silang malapit nang gawing legal ang gawaing pang-Kaharian sa Russia. Sumulat kay Brother Rutherford si William Dey, tagapangasiwa ng Tanggapan sa Hilagang Europa: “Kapag wala nang pagbabawal sa Russia, na tiyak na malapit nang maganap, mabuting magkaroon na ng magagandang salin ng ating mga publikasyon na maiaalok sa 180 milyong mamamayan.”
PAGSASAHIMPAPAWID SA RADYO
Ang radyo ay isa pang paraan para mapalaganap ang mabuting balita sa napakalawak na teritoryo ng Russia. Ganito ang patalastas sa The Watch Tower ng Pebrero 1929: “Magkakaroon ng mga pahayag sa radyo sa wikang Ruso.” Ang mga programa sa Estonia ay isinasahimpapawid noon sa Unyong Sobyet tuwing ikalawa at ikaapat na Linggo ng buwan.
Nang maglaon ay nagunita ni Brother Wallace Baxter, tagapangasiwa ng sangay sa Estonia: “Pagkatapos ng mahabang debate, pinirmahan din ang isang-taóng kontrata noong 1929. Di-nagtagal mula nang magsimula ang mga pagsasahimpapawid sa wikang Ruso, nabalitaan naming nakikinig pala ang mga taga-Leningrad. Ang reaksiyon ng rehimeng Sobyet ay walang ipinagkaiba sa reaksiyon ng mga klerigo sa Estonia. Pareho
nilang binalaan ang mga tao na huwag pakinggan ang mensahe ng Kaharian.” Noong 1931, ang programa sa wikang Ruso ay isinahimpapawid sa radyo sa mga oras na kumbinyente sa mga tagapakinig, mula 5:30 hanggang 6:30 n.g. Pagkalipas ng tatlo at kalahating taon ng pagsasahimpapawid, ipinahinto ang programa noong Hunyo 1934. Sa isang liham mula sa tanggapang pansangay sa Estonia, ipinaliwanag ng mga kapatid kung bakit ipinagbawal ang programa: “Sinabi ng mga klerigo sa pamahalaan [ng Estonia] na ang ating mga pahayag sa radyo ay walang naidudulot na kabutihan sa Estado, dahil may bahid daw ito ng paghihimagsik at Komunismo.”NAGKAROON NG PAGBABAGO
Noong 1935, inatasan ng mga kapatid sa Brooklyn Bethel si Anton Koerber na pumunta sa Unyong Sobyet, na umaasang makapagbubukas siya roon ng tanggapang pansangay. Gusto sana nilang magpadala ng makina sa pag-iimprenta sa USSR mula sa Alemanya, kung saan kauupo lamang ni Adolf Hitler sa kapangyarihan. Bagaman hindi natuloy ang planong ito, nakausap naman ni Brother Koerber ang ilang kapatid sa Russia.
Sa loob ng ilang taon, tuluy-tuloy sa pagsulong ang pangangaral ng Kaharian sa Russia. Isinalin sa wikang Ruso ang mga literatura sa Bibliya sa pangangasiwa ng tanggapang pansangay sa Latvia. Pero napakahirap magpasok ng mga literatura sa bansa. Kaya napatambak lamang ang napakaraming literatura.
Noong 1939 bago magsimula ang Digmaang Pandaigdig II, iilan pa lamang ang mga Saksi. Dahil dito, hindi sila napapansin ng pamahalaang Sobyet. Pero malapit nang magbago ang lahat ng iyan. Di-nagtagal matapos lusubin ng Alemanya sa ilalim ng Nazi ang Poland noong 1939, idinagdag ng Unyong Sobyet ang huling 4 sa mga republika nito—Estonia, Latvia, Lithuania, at Moldova. Libu-libong Saksi ang bigla na lamang naging sakop ng mga hangganan ng Unyong Sobyet—isang bansang malapit nang masadlak sa malupit na digmaan dahil sa pagtatanggol sa sarili. Para sa milyun-milyon, mangangahulugan ito ng pagdurusa at paghihirap. Para naman sa
mga Saksi ni Jehova, panahon ito para patunayan ang kanilang katapatan sa Diyos sa ilalim ng malupit na paniniil.HANDANG MANINDIGAN
Noong Hunyo 1941, sinimulan ng Alemanya ang malawakang pagsalakay sa Unyong Sobyet, na lubhang ikinabigla ng lider ng Sobyet na si Joseph Stalin. Sa pagtatapos ng taon, nakarating na ang mga sundalong Aleman sa hangganan ng Moscow, at mukhang pabagsak na ang Unyong Sobyet.
Palibhasa’y desperado na, inihanda ni Stalin ang bansa para sa tinatawag ng mga Ruso na Malaking Digmaan Para sa Bayan. Nakita ni Stalin na kailangan niyang pagbigyan ang mga simbahan para makuha niya ang suporta ng mga tao sa pakikidigma, yamang relihiyoso pa rin ang milyun-milyon. Noong Setyembre 1943 sa Kremlin, hayagang tinanggap ni Stalin ang tatlong matataas na opisyal ng Simbahang Ruso Ortodokso. Naging simula ito ng magandang ugnayan ng Simbahan at Estado at nabuksan sa publiko ang daan-daang simbahan.
Gaya ng mga Saksi ni Jehova sa Alemanya, nanatiling neutral ang mga kapatid sa Russia sa panahon ng digmaan. Handa nilang tanggapin ang anumang resulta nito, at matatag sila sa kanilang determinasyong sundin ang utos ng kanilang Panginoon. (Mat. 22:37-39) Dahil sa pananatiling neutral, mahigit isang libong Saksi mula sa Ukraine, Moldova, at mga republika ng Baltic ang inilipat mula 1940 hanggang 1945 sa mga kampo ng puwersahang pagtatrabaho na nasa sentro ng Russia.
Nagugunita pa ni Vasily Savchuk: “Nabautismuhan ako sa Ukraine noong 1941 sa edad na 14. Sa panahon ng digmaan, halos lahat ng aktibong kapatid na lalaki ay itinapon sa bilangguan at mga kampo na nasa sentro ng Russia. Pero tuloy pa rin ang gawain ni Jehova. Ang tapat na mga sister at mga tin-edyer na tulad ko ang bumalikat ng mga pananagutan sa kongregasyon at sa ministeryo. Sa aming nayon, may isang baldadong brother na malaya pa rin. Sinabi niya sa akin: ‘Vasily, kailangan namin ang tulong mo. May importanteng gawain kaming dapat isagawa, at kulang kami ng manggagawa.’ Napaiyak ako nang makita ko kung gaano kahalaga sa sakiting kapatid na ito
ang gawain ni Jehova. Malugod kong tinanggap ang anumang gawaing dapat isagawa. Mayroon kaming sariling-gawang mga makina sa pag-iimprenta sa mga silong ng bahay kung saan kinokopya namin ang aming mahahalagang espirituwal na pagkain, at ipinapasa ito para ipamahagi sa mga kapatid, lalo na sa mga nakabilanggo.”Sa kabila ng sakripisyo at maibiging paggawa ng mga sister at mga tin-edyer na iyon, hindi pa rin sapat ang espirituwal na pagkaing nagagawa nila. May mga kapatid na Polakong nandayuhan sa Russia na pauwi na ng Poland, at nagawan nila ng paraan na makapagdala ng mga report sa tanggapang pansangay sa Poland. Ang mga kapatid naman na Ruso at mga taga-Ukraine na pauwi sa Russia ang nagpasok ng espirituwal na pagkain, istensil, tinta, at iba pang kasangkapan para gamitin sa Russia.
“PAYAUNIN MO NA SILA BAWAT ISA SA KANI-KANIYANG DAKO”
Noong 1946, napilitan ang ilang kapatid sa Poland na lumipat sa Soviet Ukraine. Nagugunita pa ni Ivan Pashkovsky: “Nagtanong ang mga kapatid sa tanggapang pansangay sa Lodz kung ano ang dapat nilang gawin sa ganitong situwasyon. Ang sagot na tinanggap nila ay sumipi sa Hukom 7:7, na nagsasabi: ‘Payaunin mo na sila bawat isa sa kani-kaniyang dako.’ Makalipas ang maraming taon, nakita ko ang karunungan ni Jehova sa pagpatnubay niya sa gawaing pangangaral sa mahihirap na teritoryong ito. Para sa amin, ang ‘dako’ namin ay kung saan kami papuntahin ni Jehova. Naunawaan namin na mahalagang sumunod sa utos ng mga awtoridad. Kaya inihanda namin ang paglipat sa isang ateistikong bansa.
“Nakipagkita muna kami sa 18 kandidato sa bautismo na dinala namin sa bahay ng isang kapatid at inihanda sila para sa bautismo. Tinipon din namin ang mga literatura sa wikang Ruso at Ukrainiano at inimpake itong mabuti para hindi makita ng mag-iinspeksiyon. Di-nagtagal nang magbubukang-liwayway na, nakapalibot na sa aming nayon ang mga sundalong Polako at inutusan kaming maghanda na sa pag-alis. Pinayagan nila kaming magdala ng pagkain para sa isang buwan at ng mahahalagang gamit sa bahay. Inihatid nila kami sa
istasyon ng tren. Sa ganitong paraan naging ‘dako’ namin ang Soviet Ukraine.“Pagdating na pagdating namin sa aming destinasyon, pinalibutan kami ng mga tao at mga awtoridad sa lugar na iyon. Dahil gusto naming makapagpatotoo agad, buong-tapang kaming nagpakilala na kami ay mga Saksi ni Jehova. Nagulat kami nang biglang dumalaw sa amin ang kalihim ng komite ng agrikultura sa lugar na iyon. Sinabi niyang sa Amerika na nakatira ang kaniyang ama at palagi siya nitong pinadadalhan ng mga literaturang inilalathala ng mga Saksi ni Jehova. Tuwang-tuwa kami nang marinig namin iyon! Lalo kaming natuwa nang bigyan niya kami ng mga literatura. Nang dumalo siya sa aming mga pulong kasama ang kaniyang buong pamilya, nakita namin na marami palang ‘mga kanais-nais na bagay’ ni Jehova sa bansang ito. (Hag. 2:7) Di-nagtagal, naging mga Saksi ni Jehova ang buong mag-anak at naglingkod sila nang tapat sa loob ng maraming taon.”
MARAMI PANG GAWAIN
Sa panahon ng Digmaang Pandaigdig II at pagkatapos nito, nagpatuloy ang gawain sa Russia sa kabila ng napakahirap na kalagayan. Sa isang liham na may petsang Abril 10, 1947 na ipinadala sa punong tanggapan mula sa tanggapang pansangay sa Poland, ganito ang iniulat: “Tinatakot ng mga lider ng relihiyon ang kanilang mga miyembro na sisentensiyahan sila ng sampung-taóng puwersahang pagtatrabaho at ipatatapon sila kapag kumuha sila ng Bantayan o ng pulyeto ng mga Saksi ni Jehova. Dahil dito, sinaklot ng takot at pangamba ang mga tagaroon, at pinanabikan nila ang liwanag.”
Ganito ang sinabi ng 1947 Taunang Aklat: “Walang mga literatura at walang hawak na magagandang limbag na Bantayan ang mga saksi. . . . Kadalasan nang manu-mano pa ring kinokopya ang mga ito kahit mahirap at saka ipinapasa sa iba . . . Kung minsan ay dinadampot at ibinibilanggo ang aming mga tagapagdala ng Ang Bantayan kapag nahulihan sila nito.”
Ganito ang sabi ni Regina Krivokulskaya: “Pakiramdam ko’y nababalot ng mga barbed wire ang buong bansa, at para Isa. 30:21) Tiyak na ginagamit ni Satanas ang situwasyong ito para mapahinto ang pangangaral ng Kaharian. Pero hindi pinabayaan ni Jehova ang kaniyang bayan—kitang-kita ang kaniyang pagtulong.
kaming mga bilanggo kahit wala kami sa bilangguan. Ang aming mga asawa, na masigasig na naglilingkod sa Diyos, ay matagal na nabilanggo sa mga piitan at mga kampo. Maraming pahirap ang dinanas naming mga kababaihan: Bawat isa sa amin ay dumanas ng di-pagkakatulog, pagmamanman at panggigipit ng Komiteng Panseguridad ng Estado ng Sobyet (KGB), pagkasesante sa trabaho, at iba pang mga pagsubok. Gumawa ang mga awtoridad ng iba’t ibang paraan upang lumihis kami sa daan ng katotohanan. (“Ang mga literatura sa Bibliya na ipinuslit papasok sa bansa sa kabila ng panganib ay nagbigay sa amin ng ‘lakas na higit sa karaniwan.’ (2 Cor. 4:7) Si Jehova ang umaakay sa kaniyang bayan, at sa kabila ng matinding pagsalansang ng Estado, patuloy pa rin ang mga baguhan sa pagsama sa kaniyang organisasyon. Nakagugulat na sa simula pa lamang, handa na silang magbata ng mga paghihirap kasama ng bayan ni Jehova. Tanging espiritu lamang ni Jehova ang makagagawa nito.”
MGA LIHAM NA INIHAGIS SA KABILANG BAKOD
Noong 1944, si Pyotr, na siyang mapapangasawa ni Regina, ay ibinilanggo sa isang kampo sa Distrito ng Gorki dahil sa paninindigan niya sa Kristiyanong neutralidad. Hinding-hindi ito nagpahina sa kaniyang sigasig sa pangangaral. Gumawa si Pyotr ng mga liham, na bawat isa’y naglalaman ng maikling paliwanag sa isang turo sa Bibliya. Saka niya ito isa-isang inilagay sa sobre, itinali sa bato, at inihagis sa kabila ng mataas na bakod na barbed wire. Umasa si Pyotr na may makababasa ng mga liham, at may isa ngang nakabasa nito—isang batang babaing nagngangalang Lidia Bulatova. Nakita siya ni Pyotr at sinutsutan siyang lumapit sa kaniya. Tinanong siya ni Pyotr kung gusto niyang matuto pa tungkol sa Bibliya. Gusto naman ni Lidia, at napagkasunduan nilang magkita ulit. Pagkatapos nito, palagi nang pumupunta roon si Lidia para pulutin ang mahahalagang liham na iyon.
Si Lidia ay naging masigasig na kapatid at mángangarál ng mabuting balita, at di-nagtagal ay nagdaos naman siya ng pag-aaral sa Bibliya kina Maria Smirnova at Olga Sevryugina. Sila rin ay nagsimulang maglingkod kay Jehova. Para matulungan sa espirituwal ang mga sister na ito, ang mga brother ay patuloy na naglaan sa maliit na grupong ito ng espirituwal na pagkain mula mismo sa kampo. Gumawa si Pyotr ng isang maliit na maletang may dobleng sapin sa ilalim na puwedeng paglagyan ng mga magasin. Naisaayos niya na madala ng malalayang di-Saksi ang maletang ito papasok at palabas ng kampo. Dinadala nila ito sa adres ng isa sa mga sister.
Di-nagtagal, nakapag-organisa na ang mga sister ng pangangaral sa kanilang lugar. Napansin ito ng mga pulis at nagpadala ang mga ito ng espiya para manmanan sila, na karaniwan nang nangyayari noon. Ang espiya, isang titser sa paaralan, ay nagkunwang interesado sa katotohanan at nagtiwala naman sa kaniya ang mga sister. Palibhasa’y wala silang
karanasan tungkol dito, masaya nilang ibinahagi ang mga katotohanan sa Bibliya sa kanilang bagong “sister” at nang maglaon ay nabanggit dito kung paano nakararating sa kanila ang mga literatura. Nang ilalabas ulit sa kampo ang maleta, dinampot si Pyotr at sinentensiyahan ng karagdagang 25 taóng pagkabilanggo. Nasentensiyahan din ang tatlong sister ng tig-25-taóng pagkabilanggo.‘KAILANGANG MABIGYAN NG IMPORMASYON’
Sa panahon ng digmaan at pagkatapos nito, patuloy pa rin ang pamahalaang Sobyet sa matinding pagsalansang nito sa mga gawain ng mga Saksi ni Jehova. Noong Marso 1947, iniulat ng mga kapatid sa Poland na idineklara ng isang mataas na opisyal sa isa sa kanluraning mga rehiyon ng Unyong Sobyet na sa pagtatapos ng tagsibol na iyon, mauubos nang lahat ang mga Saksi ni Jehova roon. Ganito ang mababasa sa liham: “Habang isinusulat namin ang liham na ito, nabalitaan naming 100 kapatid agad ang inaresto sa isang araw lamang.” Ganito ang sinabi ng isa pang liham tungkol naman sa mga kapatid na nasa mga kampo: “Kahanga-hanga ang kanilang pananatiling tapat kay Jehova. Marami na ang pinatay, at ang mga kapatid ay naghihintay ng pagliligtas ni Jehova gaya rin ng paghihintay ng mga nasa kampong piitan.”
Inaresto rin ang mga Saksi dahil sa kanilang pangangaral at pagtangging bumoto. Ganito ang isinulat ng mga nangangasiwang kapatid noong 1947: “Sa palagay namin, walang gaanong nalalaman ang pinakamatataas na awtoridad sa Russia sa nangyayari sa ating mga kapatid at hindi naman nila gustong patayin ang mga kapatid. Kailangan lamang mabigyan ng paliwanag at impormasyon [ang mga awtoridad].”
SINUBUKANG MAIPAREHISTRO
Di-nagtagal, iminungkahi ng tanggapang pansangay sa Poland na maghanda ng kinakailangang dokumento ang dalawang kapatid na Ruso at isang makaranasang abogado para maiparehistro sa Unyong Sobyet ang mga gawain ng mga Saksi ni Jehova. Tumanggap ng liham mula sa Poland ang mga kapatid Mar. 13:10)” Tinapos ang liham sa ganitong mga salita: “Maging matiisin. Papalitan ni Jehova ng tuwa ang inyong mga luha.—Awit 126:2-6.”
sa Russia: “Dapat marinig ang mabuting balita ng Kaharian sa lahat ng dako, pati na sa Russia. (Noong Agosto 1949, isinumite nina Mykola Pyatokha, Mykhailo Chumak, at Ilya Babijchuk ang aplikasyon para sa pagpaparehistro. Pumayag naman ang pamahalaan na kilalanin ang mga Saksi ni Jehova pero may ilang kondisyon. Isa na rito ang paghiling nila na ibigay ng mga kapatid ang mga pangalan ng lahat ng Saksi ni Jehova na nakatira sa teritoryo ng Unyong Sobyet. Hindi sila pumayag. Bagaman patuloy ang gawain at parami nang parami ang mga mamamahayag, marami pa ring mga kapatid ang ibinibilanggo.
‘HINDI KA MAILALABAS DITO NG JEHOVA MO’
Nagugunita pa ni Pyotr Krivokulsky ang tag-araw noong 1945 at sinabi: “Matapos litisin ang mga kapatid, ipinadala sila
sa iba’t ibang kampo. Sa kampong pinagdalhan sa akin, maraming bilanggo ang nagpakita ng taimtim na interes sa katotohanan. Agad naunawaan ng isang bilanggong klerigo na ang kaniyang narinig ay katotohanan, at nanindigan siya sa panig ni Jehova.“Subalit napakahirap ng kalagayan. Minsan ay ikinulong ako sa isang napakakipot na selda na halos sapat lamang para makatayo ako. Bahay ng mga surot ang tawag dito dahil pinamumugaran ito ng mga surot—napakarami nito anupat sa tingin ko’y kayang sipsipin ng mga ito ang lahat ng dugo ng isang tao. Habang nakatayo ang inspektor sa harap ng selda, sinabi niya sa akin: ‘Hindi ka mailalabas dito ng Jehova mo.’ Ang rasyon ko araw-araw ay kapirasong tinapay lamang at isang tasang tubig. Walang hangin sa loob, kaya sumasandig ako sa maliit na pinto para langhapin ang kaunting hanging nanggagaling sa napakaliit na siwang nito. Nararamdaman kong sinisipsip ng mga surot ang aking dugo. Sa loob ng sampung araw ko sa bahay ng mga surot, paulit-ulit kong hiniling kay Jehova na bigyan sana ako ng lakas para makapagbata. (Jer. 15:15) Nang buksan ang pinto, nawalan ako ng malay at nang matauhan ako, nasa ibang selda na ako.
“Pagkatapos nito, sinentensiyahan ako ng mga hukom sa kampo ng puwersahang pagtatrabaho na mabilanggo nang sampung taon sa isang kampong piitang napakahigpit ng seguridad sa salang ‘panunulsol at propaganda laban sa awtoridad ng Sobyet.’ Imposible nang magpadala o tumanggap ng liham sa kampong iyon. Ang mga nakabilanggo roon ay karaniwan nang nagkasala ng mararahas na krimen, gaya ng pagpatay. Sinabihan nila ako na kung hindi ko tatalikuran ang aking pananampalataya, gagawin ng mga bilanggong iyon ang lahat ng iutos nilang gawin sa akin. Ang timbang ko noon ay 36 na kilo lamang at halos hindi ko na maihakbang ang aking mga paa. Pero nakakita pa rin ako roon ng taimtim na mga taong may pusong nakahilig sa katotohanan.
“Minsan, habang nakahiga ako sa may halamanan at nananalangin, nilapitan ako ng isang may-edad nang lalaki. Nagtanong
siya, ‘Paano ka napunta sa impiyernong lugar na ito?’ Nang marinig niyang Saksi ni Jehova ako, naupo siya, niyakap ako, at hinalikan ako. Saka niya sinabi: ‘Anak, napakatagal ko nang gustong matutuhan ang Bibliya! Puwede mo ba akong tulungan?’ Halos himatayin ako sa tuwa. May itinahi akong mga lumang piraso ng mga pahina mula sa mga Ebanghelyo sa aking sira-sirang damit, kaya agad kong inilabas ang mga iyon. Napaluha siya. Napakatagal naming nag-usap nang gabing iyon. Sinabi niyang isa siya sa mga naghahanda ng pagkain sa kampo kaya mabibigyan niya ako ng pagkain. Naging magkaibigan kami mula noon. Sumulong siya sa espirituwal, at lumakas naman ako sa pisikal. Natitiyak kong si Jehova ang nasa likod nito. Pagkalipas ng ilang buwan, pinalaya na siya, at ako naman ay inilipat sa ibang kampo sa Distrito ng Gorki.“Mas maganda ang kalagayan doon. Pero ang mahalaga sa lahat, masaya ako dahil nagdaraos ako ng pag-aaral sa Bibliya sa apat na bilanggo. Noong 1952, natuklasan ng mga nangangasiwa sa kampo na mayroon kaming mga literatura. Sa panahon ng interogasyon bago ang paglilitis, ipinasok ako sa isang kahon at isinara nila itong mabuti para walang makapasok na hangin, at kapag halos hindi na ako makahinga, binubuksan nila sandali ang kahon at pagkatapos ay isinasara ulit. Gusto nilang talikuran ko ang aking pananampalataya. Kaming lahat ay hinatulang nagkasala. Nang basahin ang sentensiya sa amin, tuwang-tuwa ako dahil walang isa man sa aking mga estudyante sa Bibliya ang nasindak. Silang apat ay sinentensiyahang magdusa nang tig-25 taon sa mga kampo. Mas mabigat ang sentensiya sa akin, pero pinalitan na lamang ito ng karagdagang 25 taóng pagkakabilanggo sa kampong napakahigpit ng seguridad at 10 taóng pagkatapon. Paglabas namin ng kuwarto, huminto kami para magpasalamat kay Jehova dahil sa pag-alalay niya sa amin. Takang-taka ang mga guwardiya kung bakit masasaya pa rin kami. Pinaghiwa-hiwalay kami at ipinadala sa iba’t ibang kampo. Ipinadala ako sa isang kampo sa Vorkuta na napakahigpit ng seguridad.”
INILIGTAS NG KRISTIYANONG NEUTRALIDAD
Napakahirap ng buhay sa mga kampo ng puwersahang pagtatrabaho. Maraming bilanggong di-Saksi ang nagpapakamatay. Naaalaala pa ni Ivan Krylov: “Nang alisin ako sa seldang napakahigpit ng seguridad, pumunta ako sa iba’t ibang minahan ng karbon na pinagdalhan sa ating mga kapatid kung saan puwersahan silang pinagtatrabaho. Nakipag-ugnayan kami sa isa’t isa at kapag may sinumang makakopya ng ilan sa ating mga magasin, ipinapasa nila ang mga iyon sa iba. Nangaral ang mga Saksi sa bawat kampo, at marami ang nagpakita ng interes. Nang palayain sila, marami sa kanila ang nagpabautismo sa Ilog Vorkuta.
“Palaging nasusubok ang aming pananampalataya kay Jehova at sa kaniyang Kaharian. Minsan, noong 1948, nag-alsa ang ilang bilanggo sa isang kampo sa Vorkuta. Sinabihan ng mga rebelde ang ibang bilanggo na tiyak na magtatagumpay ang pag-aalsa kung magpapangkat-pangkat sila ayon sa nasyonalidad o relihiyon. May 15 Saksi noon sa kampo. Sinabi namin sa mga rebelde na kaming mga Saksi ni Jehova ay mga Kristiyano at hindi nakikisali sa gayong mga bagay. Ipinaliwanag namin na hindi nakisali ang mga sinaunang Kristiyano sa mga pag-aalsa laban sa mga Romano. Mangyari pa, ikinagulat ito ng marami, pero nanindigan kami.”
Malagim ang naging resulta ng pag-aalsa. Nadaig ng mga armadong sundalo ang mga rebelde at dinala sila sa ibang baraks. Pagkatapos ay binuhusan nila ng gasolina ang baraks at saka nila iyon sinilaban. Halos lahat ng naroroon ay namatay. Hindi naman sinaktan ng mga sundalo ang mga kapatid.
“Noong Disyembre 1948, nakilala ko sa isang kampo ang walong kapatid na sinentensiyahan ng tig-25-taóng pagkabilanggo,”
ang patuloy ni Ivan. “Sobrang lamig noon, at mahirap magtrabaho sa mga minahan. Pero nababakas ko sa mga mata ng mga kapatid na iyon ang tiwala at malaking pag-asa. Ang kanilang positibong pangmalas ay nagpalakas kahit sa mga bilanggong hindi mga Saksi ni Jehova.”IPINATAPON SA SIBERIA
Sa kabila ng malupit na pagsalansang ng mga awtoridad, patuloy pa rin ang mga Saksi sa masigasig na pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ni Jehova. Ikinainis ito ng sentro ng pamahalaan sa Moscow lalo na ng KGB. Ganito ang sinasabi sa memorandum na may petsang Pebrero 19, 1951 na ipinadala ng KGB kay Stalin: “Para masugpo ang anumang binabalak pang gawin ng palihim na samahan ng mga tagasunod ni Jehova laban sa Sobyet, inisip ng MGB [Ministri Para sa Seguridad ng Estado, na nang maglaon ay naging KGB] ng
USSR na kailangang ipatapon sa mga distrito ng Irkutsk at Tomsk ang mga tagasunod ni Jehova kasama ang kani-kanilang pamilya.” Alam ng KGB kung sinu-sino ang mga Saksi, at humingi sila ng pahintulot kay Stalin na ipatapon sa Siberia ang 8,576 katao mula sa anim na republika ng Unyong Sobyet. At pinayagan naman sila.Nagugunita pa ni Magdalina Beloshitskaya: “Alas dos ng madaling araw ng Linggo, Abril 8, 1951, ginising kami ng malalakas na kalampag sa pinto. Napabalikwas si Inay at patakbong binuksan ang pinto. Bumungad sa harap namin ang isang opisyal. ‘Ipatatapon kayo sa Siberia dahil naniniwala kayo sa Diyos,’ ang pormal niyang sinabi. ‘Bibigyan ko kayo ng dalawang oras para mag-impake. Puwede ninyong dalhin ang lahat ng nasa kuwartong ito. Pero bawal magdala ng harina at binutil. Hindi rin puwedeng magdala ng mga muwebles, mga gamit na gawa sa kahoy, at mga makinang panahi. Wala kayong dadalhing anuman mula sa inyong bakuran. Magdala kayo ng mga kumot, damit, at mga bag, at lumabas na kayo.’
“Bago pa noon, nabasa na namin sa ating mga publikasyon na napakaraming dapat gawin sa silangan. Naunawaan namin ngayon na ito na ang panahon para gawin iyon.
“Walang umiyak o humagulhol sa amin. Nagtaka ang opisyal at sinabi, ‘Wala man lamang akong nakita ni isang patak na luha sa inyong mga mata.’ Sinabi namin sa kaniya na noon pang 1948 namin ito hinihintay. Nakiusap kami na makapagbaon man lamang sana kami kahit isang buháy na manok sa paglalakbay, pero hindi siya pumayag. Pinaghati-hatian ng
mga opisyal ang aming mga alagang hayop. Kitang-kita namin nang ipamigay nila ang mga manok—may kumuha ng lima, may kumuha ng anim, may kumuha ng tatlo o apat. Nang may matirang dalawang manok sa kulungan, ipinakatay ito ng pulis at ibinigay sa amin.“Ang aking walong-buwang-gulang na anak na babae ay nakahiga sa kunang gawa sa kahoy. Itinanong namin kung puwede naming dalhin ang kuna, pero ipinabaklas muna ito ng opisyal saka niya ibinigay sa amin ang bahaging mahihigan ng bata.
“Nalaman ng aming mga kapitbahay na ipatatapon kami. May nagdala ng isang maliit na supot ng biskotso, at nang paalis na ang sinasakyan namin, inihagis niya sa amin ang supot. Napansin ito ng sundalong nagbabantay sa amin at itinapon ito. Anim kaming lahat—ako, si Inay, ang aking dalawang kapatid na lalaki, ang aking asawa, at ang aming walong-buwang-gulang na anak. Pagkalampas ng nayon, dali-dali kaming isinakay sa isang kotse at dinala sa sentro ng rehiyon, para punan namin ang aming mga dokumento. Saka kami isinakay sa trak papuntang istasyon ng tren.
“Araw ng Linggo noon at napakaganda ng sikat ng araw. Napakaraming tao sa istasyon—ang mga ipatatapon at ang mga nag-uusyoso. Huminto ang aming trak sa tapat ng isang bagon ng tren kung saan nakasakay na ang ating mga kapatid. Nang mapunô na ang tren, isa-isang tinawag ng mga sundalo ang apelyido ng lahat ng pasahero. Limampu’t dalawa kami sa aming bagon. Nang paalis na kami, ang mga naroroon ay nag-iyakan at humagulhol pa nga. Nagulat kami dahil ni hindi man lamang namin kilala ang ilan sa kanila. Pero alam nilang mga Saksi ni Jehova kami at ipatatapon sa Siberia. Tumunog na ang napakalakas na sirena ng tren. Nagsimulang umawit ang ating mga kapatid ng isang awiting Ukrainiano: ‘Pag-ibig ni Kristo, nawa’y sumaiyo. Magbigay-luwalhati kay Jesu-Kristo, sa kaniyang Kaharian, magkikita-kita tayo.’ Punung-puno kami ng pag-asa at
pananampalatayang hindi kami pababayaan ni Jehova. Umawit kami ng ilang saknong. Makabagbag-damdamin ang eksenang iyon kung kaya napaiyak na rin pati ang ilang sundalo. At umandar na ang tren.”“KABALIGTARAN NG INAASAHAN”
Inilarawan ni Dr. N. S. Gordienko, propesor sa Herzen University sa St. Petersburg, sa kaniyang aklat ang naging resulta ng ginawa ng mga mang-uusig. Isinulat niya: “Kabaligtaran ng inaasahan ang nangyari; gusto sana nilang pahinain ang organisasyon ng mga Saksi ni Jehova sa USSR, pero lalo lamang nila itong pinalakas. Sa mga bagong pamayanan na hindi pa nakaririnig tungkol sa kanilang relihiyon, ‘nahawahan’ ng mga Saksi ni Jehova ang mga tagaroon ng kanilang pananampalataya at katapatan.”
Nakasanayan agad ng maraming Saksi ang kanilang bagong kalagayan. Nakapag-organisa sila ng maliliit na kongregasyon, at nakapag-atas ng mga teritoryo. Sinabi ni Nikolai Kalibaba: “May pagkakataon sa Siberia na nagbabahay-bahay kami o, sa totoo lamang, mula sa isang bahay tungo sa susunod, na nilalampasan ang dalawa o tatlong bahay. Pero mapanganib ito. Paano namin ito nagawa? Pagkatapos ng unang pagdalaw, binabalikan namin ito pagkalipas ng mga isang buwan. Sa simula, tinatanong namin ang mga tao, ‘May ipinagbibili po ba kayong manok, kambing, o baka?’ Saka namin unti-unting inaakay ang usapan tungkol sa Kaharian. Di-nagtagal, nalaman ito ng KGB, at nagpalabas agad sila ng isang lathalain sa pahayagan na nagbabawal sa mga tagaroon na makipag-usap sa mga Saksi ni Jehova. Ayon sa pahayagan, ang mga Saksi ay nagbabahay-bahay at naghahanap ng mga kambing, baka, at manok—pero ang talagang gusto namin ay mga tupa!”
Ganito naman ang kuwento ni Gavriil Livy: “Nagsisikap ang mga kapatid na makibahagi sa ministeryo kahit na mahigpit silang minamanmanan ng KGB. Kapag nahalata ng mga taga-Sobyet na tungkol na sa relihiyon ang ipinakikipag-usap
sa kanila, nagsusumbong agad sila sa pulis. Sa kabila nito, patuloy pa rin kami sa pagpapatotoo, kahit parang wala naman kaming nakikitang resulta. Pero pagkalipas ng ilang panahon, nagsimula nang magkabisa ang katotohanan at napagbago nito ang ilang tagaroon. Kabilang dito ang isang lasenggong taga-Russia. Nang malaman niya ang katotohanan, iniayon niya ang kaniyang buhay sa mga simulain ng Bibliya at siya’y naging aktibong Saksi. Nang maglaon, ipinatawag siya ng isang opisyal ng KGB at tinanong: ‘Sinu-sino ba ang palagi mong kasama? Puro Ukrainiano ang mga Saksing iyon.’“Sumagot ang brother: ‘Noong lasenggo pa ako at pahapay-hapay sa kalye, hindi ninyo ako pinapansin. Ngayong matino na ako, saka kayo magrereklamo. Maraming Ukrainiano ang umaalis sa Siberia, pero maiiwan ang mga tagarito na tinuturuan ng Diyos kung paano dapat mabuhay.’”
Pagkalipas ng ilang taon, isang opisyal mula sa Irkutsk ang sumulat sa Moscow: “Sinabi ng ilang manggagawang tagarito na ang lahat ng ito [na mga Saksi ni Jehova] ay dapat ipadala sa isang lugar sa hilaga para maibukod at turuang magbago.” Hindi na malaman ng Siberia at Moscow ang kanilang gagawin para mapatahimik ang mga Saksi ni Jehova.
“PINAGBABARIL NA SANA NAMIN KAYO”
Noong unang mga buwan ng 1957, gumawa na naman ang mga awtoridad ng bagong pakana laban sa mga Saksi ni Jehova. Sinusubaybayan nila ang mga kapatid, at hinahalughog ang mga bahay. Nagugunita pa ni Viktor Gutshmidt: “Minsan pag-uwi ko galing sa ministeryo, nadatnan kong nagkalat ang aking mga gamit sa apartment. Hinahanap ng KGB ang mga literatura. Inaresto nila ako at pinagtatanong sa loob ng dalawang buwan. Si Yulia, ang aming bunsong anak, ay 11 buwan noon, at 2 taon naman ang aming panganay na babae.
“Sa panahon ng imbestigasyon, tinanong ako ng inspektor, ‘Hindi ba’t Aleman ka?’ Para sa marami noon, ang salitang
‘Aleman’ ay katumbas ng ‘Pasista.’ Galit sila sa mga Aleman.“‘Hindi po ako makabayan,’ ang sabi ko, ‘pero kung ang ibig ninyong sabihin ay ang mga Alemang ikinulong ng mga Nazi sa mga kampong piitan, aba, ipinagmamalaki ko po sila! Bibelforscher po ang tawag sa kanila noon, pero ngayon, mga Saksi ni Jehova na. Ipinagmamalaki ko po na walang isa mang Saksi ang nagpaputok ng másinggán o kanyon. Ikinararangal ko po ang mga Alemang iyon!’
“Hindi umimik ang inspektor, kaya nagpatuloy ako: ‘Nakatitiyak ako na walang isa mang Saksi ni Jehova ang nakikisali sa anumang rebelyon o pag-aalsa. Kahit bawal ang gawain ng mga Saksi ni Jehova, pilit pa rin nilang sinasamba ang Diyos. Pero kinikilala naman at sinusunod ng mga Saksi ang mga utos ng awtoridad kung hindi ito labag sa mas nakatataas na mga utos ng ating Maylalang.’
“Biglang pinutol ng inspektor ang aking pagsasalita at sinabi niya: ‘Sa lahat ng grupo, ang mga Saksi lamang at ang kanilang gawain ang sinubaybayan namin nang husto. Kung may nakita kami sa rekord na masamang ginawa ninyo, kahit isang maliit na pagkakamali lamang, pinagbabaril na sana namin kayo.’
“Kaya naisip ko: ‘Matatag sa paglilingkod kay Jehova ang mga kapatid sa buong daigdig, at dahil sa halimbawang ito, nailigtas ang aming buhay dito sa Unyong Sobyet. Kaya posible ring makatulong sa mga kapatid sa ibang lugar ang aming paglilingkod sa Diyos.’ Lalo akong napatibay nito na manatili sa daan ni Jehova.”
MGA SAKSI SA MAHIGIT 50 KAMPO
Ang masigasig na paglilingkod at pagiging neutral ng mga Saksi ni Jehova sa Unyong Sobyet ay patuloy na ikinainis ng pamahalaan. (Mar. 13:10; Juan 17:16) Ang paninindigang ito ng ating mga kapatid ang madalas na nagiging dahilan ng kanilang matagal at di-makatarungang pagkabilanggo.
Sa buong daigdig sa 199 na kombensiyong ginanap mula Hunyo 1956 hanggang Pebrero 1957, mga 462,936 na delegado ang nagkaisang gumawa ng petisyon, at ipinadala ang mga kopya nito sa Konseho ng mga Ministro ng Unyong Sobyet sa Moscow. Bukod sa iba pa, ganito ang nakasaad sa petisyon: “May mga Saksi ni Jehova na nakakulong sa mahigit 50 kampo na nakakalat sa European Russia, sa Siberia, hanggang sa gawing hilaga patungong Karagatang Artiko, at maging sa isla ng Novaya Zemlya sa Artiko . . . Ang tawag sa mga Saksi ni Jehova sa Amerika at iba pang lupain sa kanluran ay Komunista, at sa mga bansa namang sakop ng Komunista, ang tawag sa kanila ay imperyalista . . . Pinaratangan sila at nilitis ng mga pamahalaang Komunista bilang ‘mga espiyang imperyalista’ at sinentensiyahan sila nang hanggang 20 taóng pagkabilanggo. Pero hindi sila kailanman nakisangkot sa anumang paghihimagsik.” Nakalulungkot, wala ring nagawa ang petisyon para mabago ang pagtrato sa mga Saksi ni Jehova sa Unyong Sobyet.
Napakahirap para sa mga pamilyang Saksi ni Jehova sa Russia ang magpalaki ng mga anak. Ang taga-Moscow na si Vladimir Sosnin na may tatlong anak na lalaki ay nagsabi: “Obligadong pumasok ang mga bata sa paaralang Sobyet. Pinipilit ng mga guro at iba pang estudyante ang aming mga anak na sumali sa mga organisasyong pambata na nagtataguyod ng ideolohiya ng Komunismo. Gusto naming makapag-aral ang aming mga anak, at tinutulungan namin sila sa kanilang pag-aaral. Hirap na hirap kaming mga magulang na malinang sa puso ng aming mga anak ang pag-ibig kay Jehova. Laganap sa mga paaralan ang mga ideyang nagtataguyod ng sosyalismo at Komunismo. Kaya kailangang magtiis at magtiyaga ang mga magulang.”
PINARATANGANG TUMAGPAS SA TAINGA NG KANILANG ANAK
Sina Semyon at Daria Kostylyev na taga-Siberia ay may tatlong anak. Nagugunita pa ni Semyon: “Ang mga Saksi ni Jehova noon ay itinuturing na mga panatiko. Noong 1961, nasa unang grado ang aming pangalawang anak na babaing si Alla. Isang araw, habang nakikipaglaro siya sa ibang mga bata, aksidenteng nasugatan ng isa sa kanila ang tainga ni Alla. Kinabukasan, nang itanong ng titser kung ano ang nangyari, hindi umimik si Alla dahil ayaw niyang isumbong ang kaniyang kaeskuwela. Alam ng titser na mga Saksi ang mga magulang ni Alla kung kaya inisip agad niya na binubugbog namin si Alla para mapilitang sumunod sa mga simulain ng Bibliya. Inireport ito ng paaralan sa isang abogado ng gobyerno. Nakisangkot na rin ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Umabot nang halos isang taon ang imbestigasyon hanggang sa makatanggap kami ng subpena noong Oktubre 1962.
“Sa loob ng dalawang linggo bago ang paglilitis, nakasabit sa gusali ng Palace of Culture na paggaganapan ng paglilitis ang isang paskil na kababasahan ng ganito, ‘Malapit nang simulan ang paglilitis sa mapanganib na sekta ng mga tagasunod ni Jehova.’ Inakusahan kaming mag-asawa dahil pinalalaki namin ang aming mga anak ayon sa Bibliya. Inakusahan din kami ng pagmamalupit. Ayon sa korte, pinipilit daw naming magdasal ang aming anak at nang ayaw niyang sumunod, tinagpas namin ang tainga niya sa pamamagitan ng matalas na gilid ng timba! Si Alla lamang ang makapagpapatunay sa nangyari, pero ipinadala siya sa isang bahay-ampunan sa Kirensk, isang lunsod na mga 700 kilometro ang layo sa lugar na tinitirhan namin sa gawing hilaga ng Irkutsk.
“Napuno ng mga kabataang aktibista ang bulwagan. Nang itigil muna ang sesyon para makapagpulong ang mga hukom, nagkaingay ang mga tao. Pinagtulakan kami at pinagmumura, at may isang nag-utos na hubarin namin ang aming kasuutang ‘Sobyet.’ Isinisigaw ng lahat na dapat kaming patayin, at may isa pa ngang gusto nang pumatay sa amin noon din. Patindi nang patindi ang galit ng mga tao, pero hindi pa rin
lumalabas ang mga hukom. Tumagal nang isang oras ang kanilang pag-uusap. Nang susugurin na kami ng mga tao, humarang ang isang sister at ang kaniyang di-Saksing asawa at nakiusap na huwag kaming saktan. Habang nagpapaliwanag na hindi totoo ang lahat ng ibinibintang sa amin, hinatak nila kaming palayo sa mga tao.“Sa wakas, lumabas na rin ang isang hukom kasama ang mga asesor ng hukumang bayan at binasa sa amin ang hatol: alisan ng karapatan bilang mga magulang. Inaresto ako at dinala sa kampo ng puwersahang pagtatrabaho para magdusa sa loob ng dalawang taon. Dinala rin ang aming panganay na anak sa isang bahay-ampunan matapos sabihin sa kaniya na kaming mga magulang niya ay mga miyembro ng isang mapanganib na sekta at masamang impluwensiya sa kaniya.
“Ang aming anak na lalaki naman ay naiwan kay Daria, dahil tatlong taóng gulang pa lamang siya noon. Nakauwi rin ako matapos kong pagdusahan ang sentensiya sa akin. Tulad ng dati, sa impormal na paraan lamang kami nakapagpapatotoo.”
“IPINAGMAMALAKI NAMIN ANG AMING MGA ANAK”
“Nang 13 anyos na si Alla, pinauwi na siya sa amin. Tuwang-tuwa kami nang mag-alay siya ng kaniyang sarili kay Jehova at magpabautismo noong 1969! Nang panahong iyon, sunud-sunod na lektyur tungkol sa relihiyon ang ginaganap sa Palace of Culture sa aming lunsod. Ipinasiya naming pumunta roon para marinig kung ano naman ang sinasabi nila ngayon. Tulad ng dati, halos palaging mga Saksi ni Jehova ang paksa
nila. Itinaas ng isa sa mga tagapagsalita ang isang isyu ng Ang Bantayan at sinabi, ‘Ang magasing ito ay masama at mapanganib dahil sinisira nito ang pagkakaisa ng ating Estado.’ Pagkatapos ay nagbigay siya ng isang halimbawa: ‘Pinipilit ng mga miyembro ng sektang ito ang kanilang mga anak na magdasal at magbasa ng mga magasing ito. Sa isang pamilya, tinagpas ng ama ang tainga ng kaniyang anak na babae dahil ayaw nitong basahin ang magasin.’ Nagulat si Alla, dahil kumpleto naman ang dalawang tainga niya. Pero sa takot na baka mapawalay siyang muli sa kaniyang mga magulang, nanahimik na lamang siya.“Nang 13 anyos na ang aming anak na si Boris, nag-alay na rin siya ng kaniyang sarili kay Jehova at nagpabautismo. Minsan, bagaman bawal pa rin ang ating gawain noon, siya at ang ilang Saksing kaedad niya ay nagpatotoo sa lansangan. Hindi sila nagdala ng Bibliya at mga publikasyon sa Bibliya. Walang anu-ano, may humintong sasakyan sa tapat nila at dinala silang lahat sa istasyon ng milisya. Pinagtatanong sila at kinapkapan ng mga miyembro ng milisya ngunit wala silang nakita kundi mga dalawang teksto lamang sa Bibliya na nakasulat sa papel. Kaya pinauwi na ang mga batang lalaki. Pagdating ni Boris sa bahay, buong-pagmamalaki niyang ikinuwento sa amin kung paano sila inusig dahil sa pangalan ni Jehova. Ipinagmamalaki namin ang aming mga anak dahil tinutulungan sila ni Jehova sa panahon ng pagsubok. Pagkatapos ng pangyayaring ito, kaming mag-asawa ay ilang beses na ipinatawag ng KGB. Ganito ang sabi ng isang opisyal: ‘Dapat sana’y makulong ang mga batang ito. Kaya lang, wala pa silang 14 anyos.’ Pinagmulta kami dahil sa pangangaral ng aming anak.
Gawa 13:48) Umaasa akong napakalapit nang ipagkaloob ni Jehova ang naisin ng bawat isa sa atin, gaya ng nakasulat sa Isaias 65:23.”
“Sa kasalukuyan, kapisan ako ng aking anak na lalaki at mga apo na lumalakad din sa katotohanan. Ang aming panganay na anak na babae ay naninirahan sa Uzbekistan, at bagaman hindi pa siya naglilingkod kay Jehova, nirerespeto naman niya kami at ang Bibliya at madalas niya kaming dalawin. Noong 2001, si Daria ay namatay nang tapat kay Jehova. Hangga’t kaya ng katawan ko, sumasama ako sa mga kapatid sa kongregasyon para mangaral sa mga liblib na teritoryo at maghanap ng mga taong ‘nakaayon ukol sa buhay na walang hanggan.’ (NAGPAKITA NG MAGANDANG HALIMBAWA ANG MGA MAGULANG
Si Vladislav Apanyuk ay naglilingkod sa tahanang Bethel sa Russia. Nagugunita pa niya kung paano ikinintal ng kanilang mga magulang sa kanilang magkakapatid ang pag-ibig sa Diyos mula sa kanilang pagkabata: “Noong 1951, ang aming mga magulang na nakatira noon sa Ukraine ay ipinatapon sa Siberia. Tinuruan nila kaming gumawa ng sariling desisyon habang nagsisikap na paluguran si Jehova. Natutuwa ako dahil hindi sila nahihiyang aminin sa amin ang kanilang mga pagkukulang. Kapag nagkakamali sila, hindi nila ito itinatago. Kitang-kita namin kung gaano nila kamahal si Jehova. Palaging masaya ang aking mga magulang, lalo na kapag ipinakikipag-usap nila sa amin ang espirituwal na mga bagay. Nakita namin na talagang gustung-gusto nilang magbulay-bulay at pag-usapan ang tungkol kay Jehova. Dahil dito, nakahiligan din namin ang pagbubulay-bulay sa katotohanan tungkol kay Jehova. Nakikini-kinita namin ang magiging buhay ng mga tao sa bagong sanlibutan kapag maayos na ang lahat at wala nang sakit o digmaan.
“Noong nasa ikatlong grado ako, inanyayahan ang aming buong klase na sumali sa organisasyon ng mga kabataang Sobyet na tinatawag na Pioneers. Para sa halos lahat ng bata sa Unyong Sobyet, isang malaking karangalan ang mapabilang sa Pioneers. Matagal nang hinihintay ng aking mga kaeskuwela Kaw. 27:11) Pag-uwi ko sa amin, ikinuwento ko sa aking mga magulang ang nangyari. Masayang-masaya sila at sinabi ni Itay sa akin, ‘Tama ang ginawa mo, anak!’”
ang pagkakataong iyon. Bawat isa sa amin ay inutusang sumulat ng isang panunumpa na handa siyang mapabilang sa grupo ng Soviet Pioneers, ang magiging haligi ng Komunismo. Tumanggi ako. Dahil dito, ikinulong ako ng titser sa aming silid-aralan bilang parusa. ‘Huwag kang lalabas diyan hangga’t hindi ka gumagawa ng panunumpa,’ ang sabi niya. Pagkalipas ng ilang oras, kumatok sa bintana ang ilang kaeskuwela ko at niyaya nila akong lumabas para makipaglaro sa kanila. Hindi ako lumabas sa silid-aralan, dahil ayoko talagang gumawa ng panunumpa. Nang malapit nang gumabi, may dumating na ibang titser. Nang makita niya ako sa silid-aralan, pinauwi niya ako. Ito ang kauna-unahan kong tagumpay. Tuwang-tuwa ako dahil kaya ko palang mapasaya ang puso ni Jehova. (LABAN DAW SA SOBYET ANG BIBLIYA
Kung minsan, inihahabla ang mga kapatid dahil lamang sa may Bibliya sila. Sinabi ni Nadezhda Vishnyak: “Kaming mag-asawa ay hindi pa mga Saksi ni Jehova noon, pero labis nang naantig ng katotohanan ang aming puso. Isang araw, may dumating na pulis sa aking pinagtatrabahuhan at bigla na lamang akong dinampot. Dinampot din ang aking asawang si Pyotr sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Bago nito, hinalughog na pala ang aming bahay, at nakita ng mga pulis ang isang Bibliya at ang buklet na Pagkaraan ng Armagedon—Ang Bagong Sanlibutan ng Diyos. Hindi akalain ni Pyotr na aarestuhin ako dahil buntis ako at pitong buwan na ang tiyan ko.
“Kami raw ay laban sa mga awtoridad ng Sobyet. Sinabi naming naniniwala kami sa Bibliya dahil di-hamak na mas nakatataas ang awtoridad nito kaysa sa Sobyet.
“‘Ang Bibliya ay Salita ng Diyos, at iyan ang dahilan kung bakit gusto naming sundin ang mga simulain nito,’ ang sabi ko.
“Nang sumapit ang araw ng paglilitis, dalawang linggo na lamang at manganganak na ako. Sa panahon ng pagdinig, pansamantalang itinitigil ng hukom ang pag-uusap para makapaglakad-lakad naman ako sa labas habang binabantayan ng isang armadong sundalo. Minsan sa aming paglalakad, tinanong niya ako kung ano ba ang nagawa ko. Nagkaroon ako ng magandang pagkakataon na magpatotoo sa kaniya.
“Ipinahayag ng hukom na ‘laban sa Sobyet’ ang Bibliya at ang literaturang nakumpiska sa amin. Gumaan ang loob ko
dahil hindi lamang pala kaming mag-asawa ang laban sa Sobyet kundi pati ang ating literatura at maging ang Bibliya mismo! Tinanong kami kung saan namin nakilala ang mga Saksi ni Jehova. Nang sabihin naming sa isang kampo ng puwersahang pagtatrabaho sa Vorkuta, pagalit na sumigaw ang hukom, ‘Ano’t nangyayari ito sa ating mga kampo!’ Nahatulan kami, at pareho kaming sinentensiyahan ng sampung taon sa kampo ng puwersahang pagtatrabaho.“Si Pyotr ay dinala sa isang kampo sa Mordvinia, sa sentro ng Russia. Ikinulong naman ako sa nakahiwalay na selda. Noong Marso 1958, isinilang ko ang aming anak na lalaki. Sa napakahirap na panahong iyon, si Jehova ang naging katulong ko at matalik na kaibigan. Iniuwi ni Inay ang aming anak at inaruga ito. Dinala naman ako sa Kemerovo, Siberia, at ipiniit sa isang kampo ng puwersahang pagtatrabaho.
“Pagkalipas ng walong taon, pinalaya na ako kahit hindi ko pa natatapos ang sentensiya sa akin. Natatandaan ko pa nang isigaw ng babaing nangangasiwa sa amin sa loob ng baraks na ako’y walang sinasabing anuman ‘laban sa Sobyet’ at na pawang tungkol sa relihiyon lamang ang mababasa sa ating literatura. Nabautismuhan ako noong 1966 matapos akong lumaya.”
Napakahalaga ng Bibliya at mga literatura sa Bibliya sa loob ng mga kampo at bilangguan. Noong 1958 sa isang kampo sa Mordvinia, regular na nagpupulong doon ang mga kapatid. Para hindi sila mahuli ng nangangasiwa sa kampo, nag-atas sila ng ilang kapatid bilang mga bantay at pinapuwesto sa mga lugar na magkakarinigan sila, habang nag-aaral naman ng Ang Bantayan ang isang grupo. Kapag may paparating na nangangasiwa sa kampo, sasabihin ng pinakamalapit na bantay sa susunod na bantay, “may dumarating,” at sasabihin naman ito sa susunod hanggang sa makarating sa grupong nagpupulong. Maghihiwa-hiwalay sila at itatago nila ang magasin. Pero madalas na bigla na lamang sumusulpot ang mga nangangasiwa.
Minsan nang makalingat ang mga bantay na kapatid, naisip ni Boris Kryltsov na kunin ang pansin ng mga nangangasiwa
para hindi makita ng mga ito ang magasin. Bigla niyang dinampot ang isang aklat at tumakbong palabas ng baraks. Matagal siyang nagpahabol sa mga nangangasiwa, pero nang sa wakas ay maabutan siya, nakita nilang tomo pala ni Lenin ang aklat na hawak niya. Bagaman pitong araw siya sa loob ng nakahiwalay na selda, masaya pa rin siya dahil nailigtas niya ang magasin.INIHASIK SA MOSCOW ANG BINHI NG KATOTOHANAN
Ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian sa Moscow ay nagsimula sa isang maliit na grupo. Isa si Boris Kryltsov sa ilang nauna sa masigasig na pangangaral sa kabisera ng bansa. Ikinuwento niya: “Kapatas ako noon sa isang konstruksiyon. Kasama ang isang grupo ng mga kapatid, sinikap kong mangaral sa impormal na paraan. Nang malaman ng KGB ang aking ginagawa, hinalughog nila ang tinitirhan kong apartment noong Abril 1957 at nang makakita sila ng literatura sa Bibliya, agad akong inaresto. Sa panahon ng interogasyon, sinabi ng inspektor na ang mga Saksi ni Jehova ang pinakamapanganib na mga tao sa Estado. Ang sabi niya: ‘Kung palalayain namin kayo, maraming mamamayang Sobyet ang sasama sa inyo. Kaya nga para sa amin, isa kayong napakalaking banta sa aming Estado.’
“‘Tinuturuan po kami ng Bibliya na maging masunurin sa batas,’ ang sabi ko. ‘Sinasabi rin nito na dapat muna naming hanapin ang Kaharian at katuwiran ng Diyos. Hindi kailanman tinangka ng mga tunay na Kristiyano na agawan ng kapangyarihan ang anumang bansa.’
“‘Saan galing ang literaturang nakita namin nang maghalughog kami?’ ang tanong ng imbestigador.
“‘Ano po ang masama sa literaturang ’yon?’ ang tanong ko. ‘Tungkol lang po naman ’yon sa mga hula ng Bibliya at walang kinalaman sa anumang isyu sa pulitika.’
“‘Oo nga, pero sa ibang bansa ’yon inilalathala,’ ang sagot niya.
“Ikinulong ako sa seldang napakahigpit ng seguridad sa lunsod ng Vladimir. Halos dumaan ako sa butas ng karayom kung kaya hindi ko akalaing maipupuslit ko sa loob ng kampo ang apat na isyu ng Ang Bantayan, na sulat-kamay sa manipis na papel. Kitang-kitang tinulungan ako noon ni Jehova. Sa loob ng aking selda, kinopya ko nang kinopya ang lahat ng apat na isyung iyon. Alam kong may iba pang mga Saksi roon, at pitong taon na silang hindi nakatitikim ng espirituwal na pagkain. Ipinasa ko ang mga kopyang ito sa tulong ng isang sister na tagalampaso ng hagdan.
“Wala kaming kamalay-malay na may isang espiya pala na nakikisama sa mga kapatid, at isinumbong nito sa mga warden ng bilangguan na may nagpapasa ng literatura sa Bibliya. Agad nilang siniyasat ang bawat isa at kinumpiska ang lahat ng literatura. Maya-maya, ako naman ang nilapitan at nakita nila sa kutson ko ang literatura. Ikinulong nila ako nang 85 araw sa nakahiwalay na selda. Gayunman, patuloy pa rin si Jehova sa pagtulong sa amin.”
NATUTUHAN NG ILAN ANG KATOTOHANAN DAHIL SA MGA LEKTYUR
Naglelektyur sila para palaganapin ang ideolohiya laban sa mga Saksi ni Jehova sa Unyong Sobyet. Ganito ang sabi ni Viktor Gutshmidt: “Palaging may dumarating na mga tagapagsalita sa aming kampo para maglektyur tungkol sa kagalingan ng ateismo. Palagi namang nagtatanong ang mga kapatid. Kung minsan, hindi masagot ng mga lektyurer kahit ang pinakasimpleng mga tanong. Madalas na punung-puno ang bulwagan, at matamang nakikinig ang lahat. Kusang pumupunta ang mga tao dahil interesado silang malaman kung ano ang sasabihin ng mga Saksi ni Jehova pagkatapos ng lektyur.
“Minsan, may dumating na lektyurer na dating pari ng Simbahang Ruso Ortodokso. Alam naming lahat na tinalikuran niya ang kaniyang relihiyon noong nakabilanggo siya sa isang kampo at ateista na siya ngayon.
“‘Kailan po kayo naging ateista? Bago pa man kayo mabilanggo, o noong nakabilanggo na kayo?’ ang tanong ng isa sa mga kapatid matapos ang lektyur.
“‘Pag-isipan ninyo ito,’ ang sagot ng lektyurer. ‘May isang taong nagpunta sa kalawakan, pero wala siyang nakitang Diyos doon.’
“‘Noong kayo po ay pari pa, talaga po bang inisip ninyo noon na nagmamasid ang Diyos sa mga tao mula sa distansiyang mahigit lamang 200 kilometro [120 milya] mula sa ibabaw ng lupa?’ ang tanong ng brother. Hindi umimik ang lektyurer. Dahil sa pag-uusap na ito, maraming bilanggo ang nakapag-isip-isip at di-naglaon, ang ilan ay nakipag-aral na sa amin ng Bibliya.
“Sa isa sa mga lektyur na iyon, humingi ng pahintulot ang isang sister kung puwede siyang magsalita. ‘Sige; malamang na Saksi ni Jehova ka,’ ang sabi ng lektyurer.
“‘Ano po ang masasabi ninyo sa isang taong nakatayo sa gitna ng bukid at nagsisisigaw, “Papatayin kita!” gayong wala namang tao roon?’ ang sabi ng sister.
“‘Aba, may diperensiya ang taong iyon,’ ang sagot ng lektyurer.
“‘Kung wala pong Diyos, e bakit po may nakikipaglaban sa kaniya? Kung hindi po siya umiiral, walang dapat kalabanin.’ Nagtawanan ang mga naroroon.”
MAGPAPABALIK-BALIK ANG MÁNGANGARÁL
Mangyari pa, hindi lamang sa mga kampo ginaganap ang mga lektyur tungkol sa ideolohiyang Sobyet. Karaniwan na itong inoorganisa para sa mga residente ng malalaking lunsod.
Pinupuntahan ng magagaling na lektyurer ang mga bayan at lunsod, lalo na ang mga lugar na maraming Saksi, gaya ng Vorkuta, Inta, Ukhta, at Syktyvkar. Ganito ang sabi ni Brother Gutshmidt: “Minsan noong 1957, may dumating na lektyurer sa Palace of Culture para maglektyur sa mga minero ng Inta, at 300 katao ang naroroon. Ipinaliwanag niya ang mga paniniwala ng mga Saksi ni Jehova at kung paano sila nangangaral. Pagkatapos ng eksaktong paliwanag niya sa ating paraan ng pangangaral, na binubuo ng mga presentasyon sa 15 pagdalaw, nagpatuloy siya: ‘Kapag hindi ka nagpakita ng pagtutol, magpapabalik-balik ang mángangarál. Sa ikalawang pagdalaw, kapag hindi ka pa rin tumutol, susundan naman ito ng ikatlo.’“Sa loob ng dalawang oras, sinabi niya ang anim na pagdalaw na iyon letra por letra ayon sa ating paraan, at mula sa kaniyang kodigo, binasa niya ang lahat ng tekstong ginagamit natin. Isinulat sa akin ng aking asawang si Polina ang tungkol dito habang nakapiit ako sa kampo at ikinuwento niya kung paanong hindi makapaniwala ang mga kapatid sa kanilang narinig sa lektyur. Pagkatapos ng lektyur na iyon, naglathala ang pahayagan ng mga negatibong komento tungkol sa mga Saksi, pero inilagay rin doon ang kumpletong paliwanag tungkol sa Kaharian. Bukod dito, isinahimpapawid din sa radyo ang buong lektyur. Dahil dito, libu-libong residente ng lunsod ang nakarinig kung paano nangangaral ang mga Saksi ni Jehova at kung ano ang kanilang ipinangangaral.
“Noong 1962, dumating ang isang tagapagsalita mula sa Moscow para maglektyur tungkol sa mga Saksi ni Jehova. Matapos talakayin ang ating modernong kasaysayan, sinabi niya: ‘Buwan-buwan, milyun-milyong dolyar ang dumarating sa Brooklyn bilang boluntaryong donasyon para mapasulong ang gawain ng mga Saksi sa iba’t ibang lupain. Pero wala ni isa man sa mga lider nito ang may lalagyan man lamang ng kaniyang mga damit. Sama-sama silang kumakain, kapuwa ang tagapaglinis at ang presidente, at pantay-pantay ang tingin nila sa isa’t isa. Ang tawagan nila ay brother at sister, gaya rin natin na ang tawagan naman ay kasama.’
“Saglit na naghari ang katahimikan sa loob ng bulwagan. Saka niya idinagdag, ‘Pero hindi natin tutularan ang kanilang ideolohiya, kahit mukhang maganda ito, dahil gusto nating pairalin ang lahat ng ito hindi sa tulong ng Diyos kundi sa pamamagitan ng ating sariling lakas at isip.’
“Nagpatibay ito sa amin nang husto dahil sa kauna-unahang pagkakataon, narinig namin mula mismo sa bibig ng mga awtoridad ang katotohanan tungkol sa mga Saksi ni Jehova. Dahil sa mga lektyur na iyon, marami pang iba ang nabigyan din ng pagkakataong marinig mula sa mga awtoridad ang katotohanan tungkol sa mga Saksi ni Jehova. Pero kailangan pa ring maranasan mismo ng mga tao kung paano
makatutulong ang mga turo ng Bibliya para mapabuti ang kanilang buhay.”HINDI LAGING TAGUMPAY ANG PAGMAMANMAN
Maraming taon nang ginagawa ng KGB ang lihim na pakikinig sa mga usapan sa telepono, pagharang sa mga sulat, at paggamit ng iba pang paraan ng pagmamanman. Kung minsan, ang KGB ay palihim na nagkakabit ng mga aparato sa mga bahay ng mga kapatid na nangunguna sa kongregasyon para mapakinggan ang kanilang usapan. Nagugunita pa ni Grigory Sivulsky, 25 taóng tagapangasiwa ng distrito noong panahon ng pagbabawal, kung paano niya natuklasan ang gayong aparato sa kanilang atik noong 1958: “Nakatira kami noon sa Tulun, Siberia, sa ikalawang palapag ng dalawahang-palapag na apartment sa labas ng bayan. Minsan pag-uwi ko ng bahay, nakarinig ako na parang may nagbabarena sa atik ng aming apartment. Naisip kong nagkakabit ang KGB ng aparato sa atik para marinig nila ang aming usapan—isang paraang hindi na lingid sa marami. Halos lahat ng aming literatura ay nakatago sa atik at sa kisame.
“Kinagabihan habang nagkakatipon ang aming pamilya, sinabi ko sa kanila ang aking hinala, at napagkaisahan naming huwag munang pag-usapan sa bahay ang tungkol sa kongregasyon. Binuksan namin ang radyo, nilakasan ito, at hinayaang bukás nang isang linggo. Nang magtatapos na ang linggong iyon, ako at ang isang brother ay gumapang sa atik at nakita namin ang isang kableng nakakabit sa aparato. Ang kableng ito ay mula sa kisame, palabas ng lunsod hanggang sa mga opisina ng KGB. Tiyak na inirerekord nila ang lahat, pero wala silang nakuha kundi mga programa lamang sa radyo.”
NAKAPASOK ANG KGB SA ORGANISASYON
Nakita ng KGB na hindi kayang pahinain ng tuwirang pag-uusig ang sigasig ng mga Saksi. Kaya sa pamamagitan ng katusuhan at panlilinlang, naghasik sila ng pag-aalinlangan para pagdudahan ng mga kapatid ang mga inatasang tagapangasiwa at ang buong organisasyon. Ang isa sa mga estratehiya ng
KGB ay ang magpasok ng magagaling na espiya sa mga kongregasyon.Nagtagumpay ang ilang espiya na magkaroon ng atas ng pangangasiwa sa organisasyon. Ginawa ng mga huwad na kapatid na ito ang lahat ng paraan upang mapabagal ang gawaing pangangaral sa pamamagitan ng paghahasik ng takot at pag-aalinlangan na lilikha ng pagdududa sa mga kapatid na nangunguna. Bukod diyan, sa halip na ipamahagi sa mga kapatid ang mga literatura sa Bibliya, ibinibigay nila ito sa KGB. Ayon sa isang report, sa dalawang espiya lamang na nagtrabaho mula 1957 hanggang 1959, mahigit nang 500 kopya ng Ang Bantayan at iba pang literatura ang naibigay sa KGB.
Noong kalagitnaan ng dekada ng 1950, unti-unti nang nawalan ng tiwala sa Komite ng Bansa ang ilang kapatid. Kumalat ang usap-usapan na may ilang miyembro ng Komite ng Bansa na nakikipagsabuwatan sa KGB at inirereport ang mga kapatid, pati na yaong mga patagong gumagawa ng mga kopya ng ating literatura. Nagugunita pa ni Ivan Pashkovsky: “Noong Abril 1959, may binuong bagong Komite ng Bansa, at isa ako sa mga miyembro nito. Buong-buo ang aming determinasyon na ipagtanggol ang katotohanan, anumang pagsisikap ang gawin ng Diyablo para sirain ang ating kapatiran. Dito na nagsimula ang pinakamahirap na yugto sa kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova sa USSR.”
Habang patindi nang patindi ang paghihinala,
may ilang kapatid na hindi na nagpapadala ng ulat ng kongregasyon sa Komite ng Bansa. Patuloy ang mga mamamahayag sa kanilang aktibong pangangaral sa ministeryo at regular na pagbibigay ng kanilang mga ulat, pero marami ang hindi nakaaalam na hindi na pala ipinadadala sa Komite ng Bansa ang kanilang mga ulat. Pagsapit ng 1958, libu-libo na ang naihiwalay ng grupo ng mga kapatid na ito sa Komite ng Bansa. Sa Irkutsk at Tomsk at nang dakong huli sa iba pang mga lunsod sa Russia, dumami nang dumami ang grupo ng mga kapatid na ito na humiwalay sa organisasyon. Noong Marso 1958, ang mga humiwalay na ito ay nag-organisa ng sarili nilang “komite ng bansa” sa pag-asang kikilalanin ito ng lahat ng kongregasyon.Sinikap ng Lupong Tagapamahala na tulungan ang mga kapatid sa Unyong Sobyet upang manumbalik ang kanilang pagkakaisa sa pagsamba kay Jehova. Si Alfred Rütimann, na taga-Switzerland, ang tagapangasiwa ng Tanggapan sa Hilagang Europa, na siyang nangangasiwa noon sa gawain sa Unyong Sobyet. Noong 1959, nagpadala siya ng isang liham sa mga kapatid sa Russia na nagsasabing ang pagpapalain ni Jehova ay yaon lamang mga nagsisikap magkaisa at nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian. Sumang-ayon dito ang ilang humiwalay na kapatid kaya unti-unti silang nagsikap na maisauli ang kanilang pananalig sa Komite ng Bansa. Gayunman, matagal-tagal na panahon din ang lumipas bago lubusang maibalik ang kanilang pagtitiwala. Sa loob ng panahong ito, ang Komite ng Bansa ay nagsusuplay ng mga literatura sa Bibliya sa pamamagitan ng mga tagapaghatid. Bagaman pinag-aaralan ng mga humiwalay na kapatid ang mga literatura, hindi pa rin sila nagpapadala ng kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan.
Patuloy ang KGB sa paghahasik ng pag-aalinlangan sa gitna ng mga kapatid. Ang ilan ay hindi talaga inaaresto, samantalang ang iba naman ay ibinibilanggo. Dahil dito, iniisip ng karamihan ng mga kapatid na kaya hindi hinuhuli ang ibang mga Saksi ay dahil kasabuwat sila ng KGB. Marami ang talagang nagsususpetsa at nawawalan ng tiwala sa mga nangangasiwang kapatid na ito.
IPINAMALITANG PAGLILITIS
Ganito ang report na ipinadala sa Moscow ng isang opisyal ng pamahalaan sa Irkutsk: “Laganap na ang palihim na gawain [ng mga Saksi ni Jehova sa Distrito ng Irkutsk]. Noong kalahatian ng 1959, nakadiskubre ang KGB ng limang lihim na palimbagan sa ilalim ng lupa.” Ang mga palimbagang ito ay nasa mga bayan ng Zima at Tulun sa Siberia, at sa mga nayon ng Kitoy, Oktyabr’skiy, at Zalari. Pagkatapos nito, inaresto ang mga sangkot sa paglilimbag.
Ang apat na kapatid na unang inaresto ay nagbigay ng nakasulat na pahayag kung paano nila isinasagawa ang paglilimbag. Napilit ng mga imbestigador ang mga kapatid na ito na gumawa ng ganitong pahayag. Binago ng KGB ang mga testimonyong iyon at saka ito inilathala sa lokal na mga pahayagan.
Pinalaya ang apat na kapatid na ito, pero inaresto naman ang walong iba pang kapatid. Abril 1960 ang iskedyul ng paglilitis sa kanila sa Tulun. Sinabihan ng KGB ang media na tutukan ang paglilitis. Plano nilang gamitin ang apat na pinalayang kapatid bilang mga saksi sa panig ng tagausig. Inisip ng maraming kapatid sa mga kongregasyon na kumampi na ang mga ito sa KGB.Balak din ng KGB na gamitin ang palabas na paglilitis na ito para sirain ang pananampalataya ng mga Saksing pupunta roon at para magalit ang mga tao sa mga Saksi. Dahil sa balak na ito, nag-organisa muna ang KGB ng mga tour sa isang basement na ilang taóng ginamit ng mga kapatid sa paglilimbag ng mga literatura. Kumalat agad ang mga usap-usapan tungkol sa lihim na mga ginagawa ng “sektang” ito. Nang sumapit ang araw ng paglilitis, mahigit 300 ang dumating, kasama na ang mga reporter ng mga pahayagan at TV, na ang ilan ay galing pa sa Moscow. Marami ring dumating na mga Saksi ni Jehova.
NABIGLA ANG KORTE
Pero biglang gumuho ang mga plano ng KGB. Napag-isip-isip ng mga kapatid na nagbigay ng testimonyo na sila’y nagkamali. Nang araw na iyon bago ang paglilitis, silang lahat ay mariing nagpasiya na gagawin nila ang lahat ng kanilang magagawa para luwalhatiin si Jehova. Sa panahon ng paglilitis, sinabi nilang sila’y nilinlang at binago ng KGB ang kanilang testimonyo. Saka nila ipinahayag: “Handa kaming sumama sa mga kapatid naming inaakusahan.” Nabigla ang korte.
Bukod dito, nang sumailalim sa sunud-sunod na mga tanong ang nililitis na mga kapatid, nakasagot sila nang hindi isinasangkot ang iba. Halimbawa, nang tanungin ng hukom si Grigory Timchuk kung sino ang gumawa ng imprentahan sa kanilang bahay, ang sagot niya, “Ako po.” Nang tanungin kung sino ang nag-imprenta ng mga literatura, ang sagot niya, “Ako po.” Nang tanungin kung sino ang namahagi ng mga literatura, ang sagot niya, “Ako po.” Nang tanungin kung sino ang bumili at nagdeliber ng mga papel, ang sagot niya ulit,
“Ako rin po.” Itinanong tuloy ng tagausig: “E, sino ka ba talaga? Ikaw na ang manedyer, ikaw pa ang tagasuplay, at ikaw pa rin ang trabahador?”“PINASIGLA KAMI NG LIHAM NA ’YON!”
Nang wala nang maiharap na mga saksi ang tagausig, inakusahan nito ang mga kapatid na nakikipagsabuwatan daw sila sa mga dayuhan. Bilang katibayan, inilabas niya ang isang liham mula kay Nathan H. Knorr ng Brooklyn Bethel. Ganito ang sabi ni Mikhail Savitsky, isa sa mga kapatid na pumunta sa paglilitis: “Sa harap ng korte, binasa ng tagausig ang liham ni Brother Knorr na para sana sa mga kapatid sa Unyong Sobyet pero hinarang noon ng KGB. Para sa aming lahat na mga Saksing nasa bulwagan, isa itong napakagandang regalo mula kay Jehova. Pinasigla kami ng liham na ’yon! Narinig namin ang matatalinong payo mula sa Bibliya at napasigla kaming paglingkuran at ibigin ang aming mga kapananampalataya at manatiling tapat kahit inuusig. Bukod diyan, hinimok din ang mga Saksi ni Jehova na magtiwala sa Diyos sa lahat ng bagay, humiling sa kaniya ng karunungan at patnubay, at makipagtulungan sa mga inatasang kapatid. Binasa ng tagausig ang liham mula sa simula hanggang katapusan. Nakinig kaming mabuti. Para kaming dumalo sa kombensiyon!” Bagaman binigyan ng kani-kaniyang sentensiya ng pagkabilanggo ang mga kapatid, ang ibang Saksing naroroon ay matatag pa rin sa kanilang determinasyon na maglingkod kay Jehova.
MASAYANG NAGKASAMA-SAMANG MULI SA PAGSAMBA
Inakala ng KGB na nakontrol na nila ang gawain ng mga Saksi ni Jehova sa Unyong Sobyet, kaya binalak nilang isagawa ang huling pag-atake. Noong 1960, mahigit 450 brother ang biglang ibinilanggong sama-sama sa isang kampo sa Mordvinia. Kabilang dito ang mga nangunguna sa dalawang grupo ng mga kapatid—ang mga humiwalay sa organisasyon at ang mga nanatili. Inisip ng KGB na tuluyan nang mabubuwag ang organisasyon. Isang mapanirang artikulo ang inilathala sa pahayagan sa kampo na nagsasabi kung sinu-sino ang inaasahang
mag-aaway-away. Pero nagawa ng mga kapatid na sila’y magkaisa, at sinamantala nila ang pagkakataong ito na sila’y magkakasama.Nagugunita pa ni Iov Andronic: “Isa-isang hinimok ng mga nangungunang kapatid ang bawat Saksi, pati na ang mga humiwalay, na gawing tunguhin ang pagkakaisa. Pinagtuunan nila ng pansin ang isang artikulo sa isyu ng Setyembre 1, 1961, sa edisyong Ruso ng Ang Bantayan na pinamagatang ‘Ipinangako ang Pagkakaisa ng Lahat ng mga Taong May Mabubuting Loob.’ Mababasa sa artikulong ito ang mga simulain at halimbawa na nagpapakita kung paano pinatnubayan ni Jehova ang kaniyang bayan noong sinaunang panahon. Tinalakay rin dito na kailangang magsikap ang bawat isa na gawing tunguhin ang kapayapaan at pagkakaisa sa loob ng kongregasyong Kristiyano. Nang pag-aralan nilang mabuti ang artikulo, marami ang nakapag-isip-isip tungkol sa kahalagahan ng teokratikong pagkakaisa at kumilos sila ayon dito.”
NAGAMOT NG ESPIRITUWAL NA PAGKAIN
Ang artikulong iyon sa Ang Bantayan ay tumulong din sa mga Saksing nasa labas ng bilangguan para magkaisang muli. Ang mga kapatid na inatasang manguna ay nanalangin at sama-sama nila itong binasa. Binanggit ng artikulo na dahil sa isang karamdaman, ibinigay ni Brother Rutherford ang kaniyang huling pahayag sa isang kombensiyon noong Agosto 1941. Upang mapasigla ang mga kapatid na manghawakang mahigpit sa organisasyon ni Jehova at hindi sa sinumang lider na tao, sinabi niya: ‘Sa tuwing may lumilitaw at dumarami, sinasabi nilang may isang taong lider na may napakaraming tagasunod. Kung kayong naririto ay naniniwalang isa lamang ako sa mga lingkod ng Panginoon at tayo’y balikatan at nagkakaisa sa paggawa, na naglilingkod sa Diyos at naglilingkod kay Kristo, magsabi ng Oo.’ Ang masigla’t malakas na sagot ng lahat ay “Oo!”
Nagugunita pa ni Mikhail Savitsky: “Kailangang-kailangan ng mga Saksi sa Unyong Sobyet ang gayong pagkakaisa nang panahong iyon. Laking pasasalamat namin kay Jehova sa kaniyang maibigin at matiyagang paglalaan ng espirituwal na tulong. Isang brother na humiwalay sa organisasyon ang agad lumapit sa akin at nagsabi, ‘Puwede ko bang hingin ang magasing ’yan para mabasa namin sa mga kapatid sa Bratsk at sa iba pang lugar?’ Sinabi kong wala na kaming ibang kopya kundi iyon lamang. Pero tiniyak niyang ibabalik niya iyon pagkaraan ng isang linggo. Ibinalik nga niya ang magasin kasama
ang mga ulat sa paglilingkod na matagal na naipon ng maraming kongregasyon. Daan-daang kapatid ang bumalik sa nagkakaisang pamilya ng mga mananamba ni Jehova.”Natatandaan pa ni Ivan Pashkovsky, miyembro ng Komite ng Bansa sa loob ng mahigit tatlong dekada: “Sa tulong ng isang brother na galing sa ibang bansa, ipinakiusap namin kay Brother Knorr na hilingin sa lahat ng mga kapatid sa aming bansa na kami’y magkaisa at magpasakop sa teokratikong kaayusan. Pumayag si Brother Knorr, kaya noong 1962, tumanggap kami ng 25 kopya ng kaniyang liham sa wikang Ingles at Ruso. Malaking tulong ang liham na ito para makapag-isip-isip ang marami.”
NARIRINIG NG MGA TUPA ANG TINIG NG KANILANG PASTOL
Nagsikap ang Komite ng Bansa na pagkaisahin ang mga kapatid. Hindi ito madaling gawin nang panahong iyon. Pagsapit ng tag-araw ng 1962, isang buong distrito ang nakiisang muli sa organisasyon. Nag-atas sila ng maygulang na mga kapatid para bumuo ng isang pantanging komite. Pinagpala ni Jehova ang pagsisikap ng mga kapatid na ito, anupat binigyan sila ng “karunungan mula sa itaas.” (Sant. 3:17) Naaalaala pa ni Aleksey Gaburyak, tagapangasiwa ng sirkito mula 1986 hanggang 1995: “Noong 1965, nakipagpulong kami sa Komite ng Bansa sa Usol’ye-Sibirskoye. Hiniling sa amin ng komite na hanapin ang lahat ng mga kapatid na nangalat dahil sa pagkatapon, pagkabilanggo, at pagkakabaha-bahagi upang makasama silang muli ng kongregasyon. Binigyan kami ng ilang adres bilang pasimula ng aming paghahanap. Kabilang sa teritoryo ko ang Tomsk at mga distrito ng Kemerovo at ang mga lunsod ng Novokuznetsk at Novosibirsk. Ibang teritoryo naman ang ibinigay sa ibang mga kapatid. Dapat kaming mag-organisa ng mga kongregasyon at mga grupo, at mag-atas at magsanay ng responsableng mga kapatid sa mga kongregasyon. Bukod dito, kailangan naming gumawa ng isang ruta sa pagpapadala ng mga literatura at mag-organisa ng mga pulong ng kongregasyon kahit mahirap ang kalagayan dahil sa pagbabawal. Sa loob ng maikling panahon, nadalaw namin ang 84 na kapatid na humiwalay sa organisasyon. Tuwang-tuwa kami dahil muling narinig ng ‘mga tupa’ ni Jehova ang tinig ng Mabuting Pastol at muli silang naglingkod sa kaniya kasama ng kaniyang bayan!”—Juan 10:16.
Di-nagtagal, muling nakiisa sa Komite ng Bansa ang maraming humiwalay at nagsimula nang magpadala ng kanilang mga ulat ng paglilingkod. Pagsapit ng 1971, mahigit 4,500 mamamahayag ang muling nakiisa sa organisasyon ni Jehova. Pagsapit ng kalagitnaan ng dekada ng 1980, sa kabila ng pagbabawal, patuloy pa rin ang gawaing pangangaral, at patuloy na nadaragdagan ng mga baguhan ang mga kongregasyon.
MAHAHALAGANG PIRASO NG FILM
Para makakopya ng espirituwal na pagkain, kailangan ang matinding pagsisikap ng maiingat ngunit malalakas-ang-loob na kapatid na nakatira sa Unyong Sobyet. Paano nga ba nakararating sa kanila ang espirituwal na pagkain?
Ang isa sa karaniwang mga paraan ay sa pamamagitan ng microfilm. Kinukunan ng mga kapatid na nagtatrabaho sa kalapit na bansa ang ating mga magasin, aklat, at brosyur na pangunahing nakalathala sa mga wikang Ruso at Ukrainiano at pati na rin ang ibang mga wika. Matiyagang kinukunan ang bawat pahina ng mga ito gamit ang isang kamera na may mga rolyo ng microfilm na 30 metro ang haba. Maraming ulit na kinukunan ang bawat artikulo upang makagawa ng maraming kopya para mas madali ang pagpapadala. Sa paglipas ng mga taon, kilu-kilometrong microfilm ang nagamit sa pagkuha ng mga litrato ng espirituwal na pagkain. Matapos gupitin ang microfilm nang tig-20 sentimetro, madali na itong nadadala ng mga tagapaghatid ng literatura sa Unyong Sobyet.
LIHIM NA MGA IMPRENTAHAN SA SIBERIA
Napakahirap gumawa ng kopya ng mga literatura sa Bibliya, pero pinagpala ni Jehova ang gawaing ito. Sa pagitan lamang ng 1949 at 1950, nasa 47,165 kopya na ng iba’t ibang publikasyon
ang nagawa at naipadala ng mga kapatid sa mga kongregasyon. Bukod dito, sa kabila ng matinding pagsalansang, iniulat ng Komite ng Bansa na sa panahong iyon, 31,488 pulong ang idinaos sa bansa.Patuloy na lumalaki ang pangangailangan sa mga literatura, kung kaya dapat nang magdagdag ng mga bagong imprentahan. Ganito ang sabi ni Stakh Savitsky: “Noong 1955, gumawa kami ng lihim na imprentahan sa aming bahay. Kailangan muna naming magpaalam kay Itay dahil hindi siya Saksi ni Jehova. Mga dalawang buwan kaming naghukay sa ilalim ng aming beranda, at umabot ito nang mga dos metro por kuwatro metro. Nakahukay kami ng mga 30 metro kubiko ng lupa. Kailangan namin itong alisin at itago para walang makapansin. Nang isa’t kalahating metro na ang nahuhukay namin, may permafrost na pala roon. Kaya habang nasa sekular na trabaho kami, nagsisiga naman si Inay gamit ang mga tuyong kahoy para tunawin ang yelo. Ingat na ingat siya upang hindi ito mapansin ng mga kapitbahay. Saka namin tinapalan ng tabla ang sahig at kisame nito. Nang maayos na ang lugar, lumipat agad dito ang isang mag-asawa. Sa maliit na basement na ito sila titira at magtatrabaho. Si Inay ang magluluto, maglalaba, at mag-aasikaso sa kanila. Nagamit ang imprentahang ito hanggang 1959.
“Noong 1957, tinanong ako ng brother na nangangasiwa sa pagkopya ng mga literatura: ‘Puwede ka bang magtrabaho sa imprentahan? Kailangan kasi nating makagawa ng di-kukulangin sa 200 magasin buwan-buwan.’ Noong una, 200 ang ginawa ko, sumunod, 500 magasin na. Gayunpaman, patuloy pa ring lumalaki ang pangangailangan sa mga literatura. Kaming mga tapon ay may superbisor na nagbabantay sa aming trabahong dapat tapusin sa maghapon at isang araw lamang sa isang linggo ang aming bakante, kung kaya sa gabi kami gumagawa sa imprentahan.
“Pagkagaling sa trabaho, bumababa ako sa imprentahan. Halos hindi ako natutulog dahil kapag sinimulan na ang pag-iimprenta, kailangang tuluy-tuloy ito hanggang matapos.
Hindi dapat mapatigil ang trabaho dahil matutuyo ang tinta. Kung minsan, kailangan kong mag-imprenta ng 500 pahina at saka ko babalikang isa-isa ang mga ito upang ayusin ang malalabong letra gamit ang isang karayom. Hindi maganda ang bentilasyon dito, kaya napakatagal matuyo ng mga pahinang inimprenta.“Sa gabi ko dinadala ang mga inimprentang magasin sa bayan ng Tulun, na 20 kilometro ang layo mula sa aming bahay. Hindi ko tiyak kung saan pa nakararating ang mga ito mula roon, basta ang alam ko, ang mga literaturang ito ay ginagamit ng mga Saksi sa Krasnoyarsk, Bratsk, Usol’ye-Sibirskoye, at iba pang mga lunsod at bayan.
“Noong 1959, hinilingan ako ng mga nangangasiwang kapatid na tumulong ako sa paggawa ng bagong imprentahan sa Tulun, malapit sa istasyon ng tren. Naghukay ulit ako at naglagay ng mga ilaw, gaya ng ginawa ko noon sa unang imprentahan. Binigyan kami ni Jehova ng karunungan. Pagkatapos, lumipat na ang isang pamilya at nagtrabaho roon nang halos isang taon. Nang maglaon, nadiskubre ng KGB ang imprentahan. Iniulat sa lokal na pahayagan na ‘hindi mapagwari kahit ng mahuhusay na elektrisyan kung paano naikabit ang mga ilaw nito.’
“Bukod sa aming pamilya, iilang kapatid lamang ang nakaaalam sa aking trabaho sa imprentahan. Nababahala sa aking espirituwalidad ang mga kapatid sa aming kongregasyon dahil hindi nila ako nakikita sa gabi. Dinadalaw nila ako sa aming bahay para patibayin, pero hindi nila ako nadaratnan. Oo, sa mga panahong iyon na mahigpit ang pagmamanman, hinding-hindi dapat malaman ng iba na may mga lihim na imprentahan.”
PAGGAWA NG MGA KOPYA NG LITERATURA SA MOSCOW
Alam na alam ng mga awtoridad na kailangang-kailangan ng mga Saksi ang mga Bibliya at mga literatura sa Bibliya. Paulit-ulit na humiling ang Lupong Tagapamahala na pahintulutan ang mga Saksi na mag-imprenta o umangkat ng mga
literatura sa Bibliya pero paulit-ulit din itong tinanggihan o binale-wala. Dahil sa kakulangang ito ng mga literatura, palaging umiisip ng paraan ang mga kapatid na makagawa ng mga kopya ng literatura sa iba’t ibang lugar sa bansa, pati na sa Moscow, upang mabigyan ng espirituwal na pagkain ang mga kongregasyon at mga grupo.Noong 1957, nasentensiyahan si Stepan Levitsky ng sampung-taóng pagkabilanggo dahil sa nakitang isang isyu ng Ang Bantayan sa ilalim ng mantel ng kanilang hapag-kainan. Ikinuwento ni Stepan: “Pagkaraan ng tatlo at kalahating taon, kinansela ng Korte Suprema ang sentensiya sa akin. Bago ako makalaya, iminungkahi ng mga kapatid na lumipat ako sa isang lugar na malapit sa Moscow para mangaral at magsagawa ng iba pang espirituwal na mga gawain. Nakakita ako ng matitirhan sa isang lugar na dalawang oras ang layo mula Moscow at unti-unti na akong nangaral sa iba’t ibang distrito ng kabisera. Pinagpala ni Jehova ang mga pagsisikap na ito, at pagkalipas lamang ng ilang taon, nakapag-organisa na kami ng isang grupo ng mga kapatid sa Moscow. Noong 1970, inatasan ako sa isang sirkito na sumasakop sa Moscow, Leningrad (ngayo’y St. Petersburg), Gorki (ngayo’y Nizhniy Novgorod), Orel, at Tula. Ako ang magsusuplay ng mga literatura sa mga kongregasyon.
“Natitiyak kong kalooban ni Jehova na mabigyan ng sapat na dami ng mga literatura sa Bibliya ang Moscow at iba pang lugar sa Russia. Sinabi ko kay Jehova sa panalangin na nakahanda akong gumawa nang higit pa may kaugnayan sa atas na ito. Di-nagtagal, may nakilala akong isang propesyonal at eksperto sa pag-iimprenta na may koneksiyon sa ilang imprentahan sa Moscow. Sa mataktikang paraan, tinanong ko siya kung puwede akong magpaimprenta ng isang maliit na edisyon ng aklat sa isang imprentahan sa Moscow.
“‘Anong aklat?’ ang tanong niya.
“Mula sa Nawalang Paraiso Hanggang sa Natamo-Muling Paraiso,” ang sagot ko habang kumakalabog ang dibdib ko.
“May matalik siyang kaibigan na nagtatrabaho sa isang imprentahan. Ang kaibigan niyang ito ay Komunista at lider ng isang partido. Sa napagkasunduang halaga, pumayag itong mag-imprenta ng ilang aklat. Tuwang-tuwa ang mga kapatid nang mahawakan nila mismo ang pantulong na ito sa pag-aaral ng Bibliya!
“Ang pag-iimprentang ito ay lubhang mapanganib para sa akin at sa nag-iimprenta. Sa tuwing may matatapos na mga aklat, na karaniwa’y sa gabi, kailangan itong mailabas agad sa imprentahan nang walang nakapapansin. Pinagpala ni Jehova ang kaayusang ito, at marami pang literatura sa Bibliya ang nailimbag sa imprentahan, kasama na rito ang mga aklat na “Ang Katotohanan ang Magpapalaya sa Inyo,” Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan, at maging ang aklat-awitan! Pagkain nga ito sa tamang panahon. (Mat. ) Siyam na taon naming pinakinabangan ang imprentahang ito. 24:45
“Pero isang araw, biglang dumating ang superbisor ng imprentahan habang iniimprenta ang isa sa ating mga publikasyon. Agad itong pinalitan ng nag-iimprenta at isinalang niya ang tungkol sa magasing pangkalusugan. Pero dahil sa pagmamadali, naisama niya sa magasin ang anim na pahina ng ating publikasyon, at kumuha ang superbisor ng isang kaiimprentang kopya at dinala ito sa kaniyang opisina. Habang binabasa niya ang magasin, gulat na gulat siya nang makita niya ang mga pahinang wala namang kinalaman sa magasin. Ipinatawag niya ang nag-iimprenta at tinanong kung paano napasama ang mga pahinang iyon sa magasin. Pagkatapos nito, inimbestigahan ng KGB ang pangyayari. Nang takutin ang nag-iimprenta na sesentensiyahan siya ng mahabang pagkabilanggo, ipinagtapat niya ang lahat ng kaniyang nalalaman. Kaya dinakip ako ng KGB, dahil ang alam nila, ako lamang ang Saksi ni Jehova sa Moscow. Sinentensiyahan ako ng lima’t kalahating-taóng pagkabilanggo.” Ang nag-imprenta ay sinentensiyahan ng tatlong-taóng pagkabilanggo.
“DUMATING NA SANA ANG ARMAGEDON!”
Maraming kapatid ang nagdusa nang mahabang panahon sa bilangguan. Si Grigory Gatilov ay nabilanggo nang 15 taon. Nagugunita pa niya: “Maganda ang pangalan ng huling bilangguang pinagdalhan sa akin: Tinatawag itong Ang Puting Swan. Matatagpuan ito sa isang napakagandang lugar sa Caucasus sa taluktok ng isa sa limang bundok sa bayan ng Pyatigorsk na ginagawang bakasyunan ng mga tao. Sa bilangguang ito, nagkaroon ako ng pagkakataong maibahagi ang katotohanan sa mga tao sa loob ng isang taon. Ang aking selda ay isang napakagandang ‘teritoryo’ sa pangangaral, kung kaya hindi ko na kailangang pumunta pa kung saan-saan. Palaging nagpapasok ng mga bagong bilanggo ang mga warden ng bilangguan at pagkalipas ng ilang araw ay inilalabas ang mga ito, pero palagi akong naiiwan doon. Bihira nila akong ilipat ng ibang selda. Sinikap
kong magpatotoo sa lahat tungkol sa Kaharian ni Jehova. Marami ang nagtatanong tungkol sa Armagedon. May ilang bilanggong nagtataka kung bakit may mga taong pumapayag mabilanggo dahil lamang sa relihiyon. ‘Bakit hindi mo na lang talikuran ang relihiyon mo para makauwi ka na?’ ang tanong ng mga kasamahan kong bilanggo at kung minsan kahit ng mga warden. Natutuwa ako kapag may nagpapakita ng interes sa katotohanan. Minsan, may nakita akong nakasulat sa pader ng isang selda, ‘Dumating na sana ang Armagedon!’ Bagaman mahirap ang kalagayan sa bilangguan, masaya pa rin ako dahil nagagawa kong ipakipag-usap ang katotohanan.”“MAY MGA JONADAB BA SA INYO?”
Marami ring sister ang nabilanggo sa mga kampo dahil sa kanilang masigasig na paglilingkod kay Jehova. (Awit 68:11) Nagugunita pa ni Zinaida Kozyreva kung paano ipinakita ng mga sister na ito ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa at sa mga di-Saksi: “Noong 1959, wala pang isang taon akong nababautismuhan, kami nina Vera Mikhailova at Lyudmila Yevstafyeva ay dinala sa isang kampo sa Kemerovo, Siberia. May 550 bilanggo noon sa kampo. Nang dumating kami, nadatnan namin ang ilang babaing nakatayo sa may pasukan.
“‘May mga Jonadab ba sa inyo?’ ang tanong nila.
“Sila pala’y mga mahal nating kapatid. Agad nila kaming pinakain at marami silang tanong sa amin. Damang-dama namin ang kanilang pananabik at taimtim na pag-ibig, na hindi Mat. 28:20) Di-nagtagal, nakita namin dito ang napakaorganisadong pagpapakain sa espirituwal.
ko kailanman nadama sa aking sariling pamilya. Palibhasa’y baguhan kami sa kampo, tinulungan kami ng mga sister na ito. (“Para kaming isang tunay na pamilya. Kapag tag-araw, nagtitipon kami ng mga dayami at gustung-gusto namin ang trabahong ito. Alam ng administrador ng kampo na hindi kami tatakas o lalabag sa mga tuntunin ng kampo. Isang sundalo lamang ang nagbabantay sa 20 o 25 sister, pero ang totoo, kami ang nagbabantay sa kaniya! Kapag may dumarating, ginigising namin siya para hindi siya mahuling natutulog sa panahon ng trabaho at maparusahan. Habang tulog siya, pinag-uusapan namin ang ilang paksa sa Bibliya sa oras ng pahinga. Tamang-tama ang kaayusang iyon para sa amin at sa guwardiya.
“Nang huling mga buwan ng 1959, ako at ang ilang sister ay ipinadala sa isang kampong may mahigpit na seguridad. Ikinulong kami sa isang malamig na seldang may bintana nga pero wala namang salamin. Maghapon kaming nagtatrabaho at sa gabi, sa mga tabla kami natutulog. Inutusan kami ng mga awtoridad na pagbukud-bukurin ang mga gulay, at binantayan nila ang aming mga kilos. Di-nagtagal, nang kumbinsido na silang hindi kami katulad ng ibang bilanggo na nagnanakaw, dinalhan nila kami ng mga dayami para mahigan at nilagyan nila ng salamin ang aming bintana. Isang taon kami roon, at pagkatapos ay ipinadala ang lahat ng sister sa isang kampo sa Irkutsk na di-gaanong mahigpit ang seguridad.
“Mga 120 sister ang nasa kampong iyon. Isang taon at tatlong buwan kami roon. Ang unang taglamig namin ay napakaginaw at napakakapal ng yelo. Napakahirap ng trabaho namin sa planta ng pagtotroso. Madalas kaming kapkapan ng mga nangangasiwa sa kampo para hanapin ang mga literatura. Parang ginagawa na lamang nila itong pampalipas-oras. Napakahusay na naming magtago ng aming mga literatura, na kung minsan ay sumosobra naman. Minsan, sobrang higpit ang pagkakatago namin ni Vera ng mga piraso ng papel na may nakasulat na pang-araw-araw na teksto anupat ni hindi
na namin ito makita sa aming diyaket. Pero nakita ito ng nangangasiwa sa kampo, kung kaya ipinadala kami ni Vera sa isang nakahiwalay na selda sa loob ng limang araw. Nasa -40 digri Celsius ang temperatura sa labas, at nabalutan na ng yelo ang mga pader ng seldang wala man lamang pampainit.“May maliliit na kongkretong patungan sa selda na sapat lamang para maupuan. Kapag ginaw na ginaw na kami, nauupo kami roon nang magkadikit ang likod at nakasiksik ang mga binti namin sa pader. Nakakatulugan na namin ang ganoong puwesto. Kapag naaalimpungatan kami, bigla kaming bumabalikwas ng tayô sa takot na baka manigas kami sa ginaw habang natutulog. Binibigyan kami ng isang basong mainit na tubig at kapirasong itim na tinapay araw-araw. Sa kabila nito, masaya pa rin kami dahil binibigyan kami ni Jehova ng ‘lakas na higit sa karaniwan.’ (2 Cor. 4:7) Pagbalik namin sa baraks, asikasung-asikaso kami ng mga sister. Pinaghandaan nila kami ng mainit na pagkain at mainit na tubig na panlinis sa katawan.”
“MARUNONG MAKISAMA”
Ganito pa ang sabi ni Zinaida: “Napakahirap mangaral sa kampong ito dahil iilan lamang ang bilanggo at kilala ng lahat ang mga Saksi. Tamang-tama sa ganitong kalagayan ang simulain sa 1 Pedro 3:1. Pangangaral nang walang salita ang tawag natin dito. Tinitiyak naming palaging malinis at maayos ang aming baraks at palaging maganda ang aming pagsasamahan. (Juan 13:34, 35) Bukod diyan, pinakikisamahan din namin ang mga di-Saksi. Sinisikap naming gumawi ayon sa itinuturo ng Salita ng Diyos at alisto kami sa pangangailangan ng iba. Kung minsan tinutulungan namin ang mga di-Saksi sa iba’t ibang paraan. Halimbawa, tinulungan ng isang sister ang ibang bilanggo sa pagkukuwenta. Nakita ng marami na ibang-iba ang mga Saksi ni Jehova kung ihahambing sa mga di-Saksi.
“Noong 1962, inalis kami sa Irkutsk at inilipat sa isang kampo sa Mordvinia. Doon, sinikap din naming maging maayos at malinis sa pangangatawan. Palagi ring malinis at maayos ang aming higaan. Mga 50 kaming nakakulong sa aming
baraks, karamihan ay mga sister. Kami lamang ang naglilinis ng baraks dahil ayaw itong gawin ng ibang bilanggo. Palaging hinuhugasan at kinukuskos ng buhangin ang sahig ng baraks, kung kaya binibigyan kami ng administrasyon ng kampo ng mga kinakailangang suplay. Ang mga madre at mga edukadong kasama namin sa baraks ay ayaw maglinis, kaya naman halos kami lamang ang bumabalikat ng trabaho para maging malinis ang baraks. Kapag may pinalalayang sister, nakalagay sa report tungkol sa kaniyang personalidad na siya’y ‘marunong makibagay at marunong makisama.’”MAGANDANG PANTABING ANG MATATAAS NA HALAMANG NAMUMULAKLAK
“Minsan,” ang sabi ni Zinaida, “may ilang sister na sumulat sa kanilang pamilya na padalhan sila ng mga buto ng halamang namumulaklak nang malalaki. Sinabi namin sa administrador ng kampo na gusto sana naming magtanim ng magagandang halamang namumulaklak at nagtanong kami kung puwede kaming maghakot ng matatabang lupa para mapagtamnan. Nagulat kami nang masaya silang pumayag. Hile-hilera ang itinanim naming mga halaman sa gilid ng baraks at gumawa kami ng mahahabang daanan na may nakahilerang mga bulaklak. Di-nagtagal, ang kampo ay napalilibutan na ng kumpul-kumpol na mga rosas na mahahaba ang tangkay, mga bulaklak na sweet Williams, at iba pang magaganda at, higit sa lahat, matataas na halamang namumulaklak. Nasa gitna ng hile-hilerang bulaklak ang magagandang dalya at makakapal na kumpol ng matataas na daisy na iba’t iba ang kulay. Doon kami naglalakad-lakad, sa likod ng mga bulaklak kami nag-aaral ng Bibliya, at sa malalagong palumpong ng mga rosas namin itinatago ang mga literatura.
“Nagdaraos kami ng mga pulong habang naglalakad-lakad. Nagpangkat-pangkat kami nang tiglilima. Bawat isa sa amin ay patiunang nagsasaulo ng isa sa limang parapo ng isang publikasyon sa Bibliya. Pagkatapos ng pambukas na panalangin, sunud-sunod kami sa pagbigkas ng aming parapo at tinatalakay namin ito. Pagkatapos ng pansarang panalangin, itinutuloy namin
ang paglalakad. Ang ating magasing Bantayan ay ginawang pagkaliliit na mga buklet [gaya ng makikita sa larawan sa pahina 161]. May pinag-aaralan kami araw-araw, lalo na ang pang-araw-araw na teksto, at binibigkas namin ang mga parapo sa aming mga pulong, na ginaganap namin tatlong beses sa isang linggo. Hindi lamang iyan, sinisikap naming masaulo ang buong mga kabanata ng Bibliya at inuulit ito sa isa’t isa para magpatibayan. Kaya hindi kami masyadong nababahala sakali mang kumpiskahin ng mga awtoridad ang aming literatura.“Bagaman tinangkang alamin ng administrador ng kampo mula sa ibang mga bilanggo kung paano namin inoorganisa ang aming gawain sa kampo, maraming bilanggo ang nakisimpatiya sa Sant. 3:17.
amin. Kasama namin sa baraks si Olga Ivinskaya, kasamahan ng bantog na makata at manunulat na si Boris Pasternak, na tumanggap ng Nobel Prize for Literature. Isa siyang manunulat na nababaitan sa amin, anupat tuwang-tuwa siya sa pagiging organisado ng mga Saksi. Binigyan kami ni Jehova ng karunungan, lalo na upang magkaroon kami ng espirituwal na pagkaing pagsasalu-saluhan namin.”—“AY NAKU, TAMA NA NGA!”
“Dumarating sa amin ang mga literatura sa iba’t ibang paraan,” patuloy pa ni Zinaida. “Madalas na kitang-kitang si Jehova mismo ang nangangasiwa nito, gaya ng ipinangako niya sa atin: ‘Hindi kita sa anumang paraan iiwan ni sa anumang paraan ay pababayaan.’ (Heb. 13:5) Kung minsan, binubulag na lamang niya ang mga guwardiya. Isang taglamig noon nang pumasok ang aming grupo sa kampo, ininspeksiyon na naman kami ng mga guwardiya tulad ng dati at ipinahubad sa amin ang lahat ng suot namin. Ako ang pinakahuling pumasok at nakasingit sa ilalim ng aking magkapatong na pantalon ang bagong literatura.
“Dahil napakalamig noon, patung-patong ang damit ko! Una, ininspeksiyon ng nangangasiwang babae ang aking pantaglamig na amerikana, pagkatapos ay ang nasa ilalim nitong makapal na diyaket na walang manggas. Sinadya kong bagalan ang paghuhubad para mainip siya. Dahan-dahan kong hinubad ang isa kong pangginaw at pagkatapos ay isa pa. Habang iniinspeksiyon niyang mabuti ang mga ito, dahan-dahan at paisa-isa kong inalis ang aking mga bandana, pagkatapos ay ang aking tsaleko, saka ang aking kamiseta, at isa pang kamiseta. Dalawang pantalon ko na lamang at sapatos na gamusa ang natitira. Dahan-dahan kong hinubad ang isa kong sapatos at ang isa pa at ngayon ay dahan-dahan ko nang hinuhubad ang pang-ibabaw kong pantalon. Naisip ko: ‘Paano na kaya ito? Kapag ipinahubad niya ang panloob kong pantalon, tatakbo na lang ako at ihahagis ang literatura sa mga sister.’ Pagkahubad na pagkahubad ko ng unang pantalon, inis na inis na sumigaw ang nangangasiwang babae: ‘Ay naku,
tama na nga! Umalis ka na diyan!’ Dali-dali akong nagbihis at tumakbong papasok sa kampo.“Saan namin kinukuha ang literatura? Iniiwan ito ng mga brother sa isang napagkasunduang lugar, at nagsasalitan kami sa pagkuha at pagdadala nito sa kampo. Kapag naipasok na sa kampo ang literatura, itinatago namin ito sa isang ligtas na lugar, na binabagu-bago namin. Palagi rin naming kinokopya ang literatura sa pamamagitan ng sulat-kamay at itinatago ang mga ito. Nakatalukbong kami ng kumot habang ginagawa ito sa tulong ng liwanag ng ilaw mula sa kalye na pumapasok sa bintana; pinadaraan namin ang liwanag sa isang maliit na butas ng kumot. Palagi kaming abala upang wala kaming maaksayang oras kahit isang minuto. Kahit papunta kami sa kainán, bawat isa sa amin ay may dalang isang pirasong papel na may nakasulat na teksto.”
“DUMATING NA ANG PINAKAHIHINTAY N’YO”
Noong 1965, ang pamahalaang Sobyet ay biglang nagpalabas ng pantanging utos na palayain ang lahat ng Saksi na ipinatapon sa Siberia mula 1949 hanggang 1951. Pero hindi pinayagang makauwi sa kanilang sariling bayan ang karamihan sa mga kapatid. Ang mga kapatid na ayaw manatili sa Siberia ay nagpasiyang lumipat sa lugar na mas malaki ang pangangailangan sa ministeryo.
Ganito ang sabi ni Magdalina Beloshitskaya: “Halos 15 taon kaming tapon sa Siberia. Kung taglamig, umaabot ang temperatura nang hanggang -60 digri Celsius, at kung tag-araw naman, napupuwing kami sa dami ng mga langaw na nangangagat at mga lamok. Nalampasan namin ang lahat ng ito sa tulong ni Jehova. Pero ang nakatutuwa, naihahasik namin ang mga binhi ng katotohanan sa malalamig na teritoryong iyon sa Siberia! Buwan-buwan sa loob ng 15 taon, pumupunta kami sa opisina ng superbisor para pirmahan ang isang deklarasyon na nagsasaad na hindi kami magtatangkang tumakas. Kung minsan, dumarating ang superbisor at nagpapalipas ng gabi sa aming bahay. Kapag nasa amin siya, napakabait niya, at nagtatanong pa nga tungkol sa Bibliya at kung ano ang kailangan para makapamuhay ayon sa mga turo nito. Itinatanong niya kung bakit namin ginusto ang ganitong buhay gayong alam naming pag-uusigin kami dahil dito.
Minsan, itinanong namin sa kaniya kung may pag-asa pa kaming mapalaya sa kampo. Ibinuka niya ang kaniyang palad at nagtanong, ‘May pag-asa bang tubuan ito ng balahibo?’“‘Wala po,’ ang sagot ko.
“‘Ganiyan kaimposible ang pag-asa ninyong makalaya,’ ang patuloy niya. Matapos makapag-isip-isip, idinagdag niya, ‘Iyon ay kung hindi kikilos o hindi maghihimala ang inyong Diyos para sa inyo.’
“Isang araw ng tag-init noong 1965, pumunta ako sa istasyon ng tren para maghulog ng sulat. Nang matanaw ako ng superbisor, sumigaw siya: ‘Hoy, Magdalina, saan ka pupunta? Bakit hindi ka nagpapaalam?’
“‘Dito lang po ako,’ ang sabi ko, ‘maghuhulog lang po ako ng sulat.’ Saka niya ako nilapitan at sinabi: ‘Palalayain na kayo ngayon. Dumating na ang pinakahihintay n’yo.’ Pagkatapos ay tiningnan niya ako na parang sinasabi, ‘Pinalaya kayo ng Diyos!’ Hindi ako lubos makapaniwala!
“Puwede kaming pumunta kahit saan sa Unyong Sobyet pero hindi sa aming sariling bayan. Para bang naririnig naming sinasabi ni Jehova: ‘Mangalat kayo, at mangaral. Ito na ang panahon, at huwag na kayong magpatumpik-tumpik pa, kaya mangalat kayo.’ Kung pinayagan kaming makauwi, tiyak na gugustuhin ng marami sa amin na bumalik sa aming sariling bayan. Pero dahil binawalan kaming umuwi, nagkani-kaniya na kaming pili ng lugar. Ipinasiya ng aming pamilya na manirahan sa Caucasus.”
Nangalat ang libu-libong Saksi sa buong Unyong Sobyet. Nang taon ding iyon sa isang komperensiya ng gobyerno, isang opisyal ang takang-takang nagtanong: “Paano nakapanirahan ang sektang ito ng mga tagasunod ni Jehova sa ating bagong lunsod na katatatag lamang ng mga boluntaryong kabataan? Isang bago at malinis na lunsod at ngayon ay biglang lumitaw ang sektang ito ng mga tagasunod ni Jehova!” Wala nang malay-gawin sa mga Saksi ang mga awtoridad. Talagang walang puwedeng humadlang sa pangako ng Diyos na punuin ang lupa ng “kaalaman kay Jehova.”—Isa. 11:9.
“MAYROON KAYONG ‘BANAL NA TUBIG’”
Ang mga Saksi ay ibinilanggo sa mga kampong piitan dahil sa kanilang pangangaral. Nagugunita pa ni Nikolai Kalibaba, na maraming taóng nagdusa sa gayong mga kampo: “Apat kaming ipinadala sa isang kampong piitan sa nayon ng Vikhorevka, sa Distrito ng Irkutsk, na kinapipiitan ng mga 70 brother. Walang malinis na tubig na maiinom doon; ang nag-iisang tubo ng tubig ay nakakonekta sa poso-negro, kung kaya delikado itong inumin. Marumi rin ang pagkain, pero tinulungan kami ni Jehova. Sa kampong ito, walang gustong magtrabaho kundi mga Saksi lamang. Mahuhusay kaming trabahador. Di-nagtagal, napansin ito ng administrasyon, kung kaya ipinadala kami sa ibang kampo para magtrabaho. Nakapag-uuwi kami ng maiinom na tubig na nakalagay sa mga timba. Lumalapit sa amin ang maraming bilanggo at sinasabi: ‘Nabalitaan naming mayroon kayong “banal na tubig.” Pahingi naman kahit kalahating baso lang.’ Mangyari pa, binibigyan namin sila.
“Kabilang sa mga bilanggo ang mga taong may mabuting puso. Ang ilan sa kanila ay dating magnanakaw at mga kriminal. Nalaman nila ang katotohanan at sila’y naging mga Saksi ni Jehova. Ang iba naman ay ayaw ng katotohanan at tahasang sumasalansang. Pero nang minsang may dumating na tagapagsalita sa aming kampo para maglektyur laban sa mga Saksi ni Jehova, ipinagtanggol kami ng mga taong ito at sinabing paninirang-puri iyon sa mga Saksi.”
“PUPUNTAHAN NAMIN KAYO NANG GRUPU-GRUPO”
Ang mga kapatid ay palaging humihiling kay Jehova na bigyan sana sila ng karunungan para makaisip sila ng paraan kung paano nila mapasusulong ang kapakanan ng Kaharian kahit gayon ang kanilang kalagayan. Ganito pa ang sabi ni Nikolai: “Nabalitaan naming ililipat kami sa isang kampo sa Mordvinia, di-kalayuan sa Moscow. Bago kami umalis, isang kakaibang bagay ang nangyari. Nagulat kami nang lumapit sa amin ang ilang opisyal at mga nangangasiwa sa kampo na ilang taon nang nagbabantay sa mga Saksi ni Jehova at
nagsabi: ‘Gusto sana naming ipaawit sa inyo ang inyong mga awitin at makarinig pa ng tungkol sa inyong mga paniniwala. Pupuntahan namin kayo nang grupu-grupo na tig-10 hanggang tig-20, o baka higit pa.’“Dahil nag-aalala sa maaaring mangyari sa amin at sa kanila, sinabi nilang maglalagay sila ng mga bantay sa lugar na pagpupulungan namin. Sinabi naming maglalagay rin kami ng sarili naming mga bantay yamang mas sanay kaming gawin iyon. Katulad din ng sa atin ang ginawa ng kanilang mga bantay: Nakatayo ang mga sundalo sa kani-kaniyang puwesto sa pagitan ng himpilan ng guwardiya at ng aming dakong-pulungan. Naguguniguni mo ba ito? Isang grupo ng mga Saksing umaawit sa harap ng isang grupo ng mga opisyal at ng mga nangangasiwa sa kampo, at pagkatapos ay isang brother ang nagbibigay ng maikling pahayag tungkol sa isang paksa sa Bibliya. Para kaming nasa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova!
Ganiyan kami kung magdaos ng mga pulong kasama ang mga grupo ng mga interesado. Nakita namin kung paano nangangalaga si Jehova hindi lamang sa amin kundi pati sa mga taimtim na taong ito.“Nagdala kami ng maraming magasin mula sa kampong ito patungo sa kampo sa Mordvinia,” ang sabi ni Nikolai. “Maraming Saksing nakabilanggo roon. Binigyan ako ng mga kapatid ng isang maletang may doblihang sapin sa gilid na puwedeng pagtaguan ng mga literatura. Ginawa namin ang lahat para hindi makatawag ng pansin ang maleta habang iniinspeksiyon ng mga nangangasiwa sa kampo. Ininspeksiyon kaming mabuti sa kampo sa Mordvinia. Binuhat ng isang nangangasiwa sa kampo ang aking maleta at sinabi: ‘Napakabigat naman nito! Siguro may kayamanan dito!’ Nagulat ako nang ilapag niya sa isang tabi ang aking maleta at iba ko pang dala-dalahan at ang ininspeksiyon niya ay yaong mga bagahe ng iba. Nang matapos ang pag-iinspeksiyon, sinabi ng isa pang nangangasiwa sa kampo, ‘Kunin mo na ang mga dala-dalahan mo, puwede ka nang umalis!’ Hindi na nainspeksiyon ang aking maleta, kaya naipasok ko sa baraks ang suplay ng mga bagong espirituwal na pagkain, na kailangang-kailangan namin.
“Hindi lamang iyan, ilang beses na rin akong nakapagsingit ng sulat-kamay na mga tract sa aking sapatos. Nakapaglalagay ako ng maraming pirasong papel sa aking sapatos dahil malaki ang paa ko. Isinisingit ko ang mga iyon sa ilalim ng panloob na sapin at pagkatapos ay kinukulapulan ko ng maraming grasa ang aking sapatos. Napakadulas at napakabaho ng grasang ito, kaya iniiwasan ng nangangasiwa sa kampo ang aking sapatos.”
“BINABANTAYAN KAMI NG MGA NANGANGASIWA SA KAMPO, PERO BINABANTAYAN KO RIN SILA”
Ganito pa ang sabi ni Nikolai: “Sa kampo sa Mordvinia, ako ang inatasan ng mga kapatid na mangasiwa sa pagkopya ng mga literatura sa Bibliya. Ang isa sa aking pananagutan ay ang bantayan ang mga nangangasiwa sa kampo upang mabigyan
ng panahong maitago ng mga kumokopya ng literatura ang kanilang ginagawa. Binabantayan kami ng mga nangangasiwa sa kampo, pero binabantayan ko rin sila. Ang ilang nangangasiwa, na pursigidong mahuli kami, ay madalas na bigla na lamang pumapasok sa baraks. Sila ang pinakamahirap bantayan sa lahat. Ang iba kasi ay minsan lamang sa isang araw dumarating sa baraks. Hindi sila gaanong mahigpit at wala kaming problema sa kanila.“Nang mga panahong iyon, kinokopya namin ang mga orihinal na literatura, na nakatago sa ligtas na mga lugar. Ang ilang orihinal ay nakatago sa kalan, maging sa kalan na nasa opisina ng administrador ng kampo. Ang mga brother na tagalinis niya ay gumawa ng isang disimuladong taguan sa kalan, at doon namin inilalagay ang mahahalagang orihinal na kopya ng maraming magasing Bantayan. Gaanuman kahigpit ang pag-iinspeksiyon sa amin, palaging ligtas ang mga orihinal na kopya sa opisina ng administrador.”
Sanay na sanay na ang mga kapatid sa pagtatago ng literatura. Ang paborito nilang lugar ay sa ilalim ng pasimano ng bintana. Natutuhan din ng mga kapatid na pagtaguan ng literatura ang mga basyo ng toothpaste. Mga dalawa o tatlong brother lamang ang nakaaalam sa pinagtataguan ng mga orihinal na kopya. Kapag kailangan, kukunin ng isa sa kanila ang orihinal at ibabalik ito matapos kopyahin. Sa ganitong paraan, palaging nasa ligtas na lugar ang mga orihinal na kopya. Para sa maraming kapatid, isang pribilehiyo ang pagkopya ng literatura, kahit ikulong pa sila sa nakahiwalay na selda sa loob ng 15 araw. Nagugunita pa ni Viktor Gutshmidt: “Sa loob ng sampung taon ko sa mga kampo, mga tatlong taon ako sa nakahiwalay na selda.”
SAPOT-NG-GAGAMBANG MGA BANTAYAN
Napansin ng mga kapatid na gumawa ang administrasyon ng kampo ng isang naiibang sistema ng pag-iinspeksiyon at pagkumpiska ng mga literatura sa Bibliya mula sa mga Saksi. May ilang opisyal na walang-pagod sa paggawa nito. Ikinuwento ni Ivan Klimko: “Minsan sa Kampo 19 sa Mordvinia, inilabas
ng mga sundalong may dalang mga aso ang mga kapatid mula sa teritoryo ng kampo at mahigpit silang ininspeksiyon. Silang lahat ay pinaghubad, pati na ng mga basahang panapin nila sa paa. Pero naidikit na ng mga kapatid sa kanilang talampakan ang sulat-kamay na mga pahina, at hindi iyon nakita. Nakagawa na rin sila ng pagkaliliit na buklet na puwede nilang isingit sa pagitan ng kanilang mga daliri. Nang ipataas ng mga guwardiya ang kanilang mga kamay, nakasingit ang mga buklet sa kanilang mga daliri at hindi rin iyon nakita.”May iba pang paraan upang maprotektahan ang espirituwal na pagkain. Ganito ang sabi ni Aleksey Nepochatov: “Nakagawa ang ilang kapatid ng tinatawag na sapot-ng-gagambang paraan ng pagsulat. Tinátasahán nang pinung-pino ang panulat, at bawat pagitan ng mga guhit sa notbuk ay nasusulatan nang hanggang tatlo o apat na linya. Kasya sa isang bahay ng posporo ang lima o anim na kopya ng Ang Bantayan na kinopya sa ganitong paraan. Para makasulat nang ganito, kailangan ang tiyaga at talas ng mata. Kapag patay nang lahat ang ilaw at tulog na ang lahat, nagsisimula nang magsulat ang mga kapatid na ito habang nakatalukbong ng kumot. Ang tanging ilaw nila ay isang malabong bombilyang nasa pasukan ng baraks. Kapag tuluy-tuloy itong ginawa sa loob ng ilang buwan, sisirain nito ang iyong mata. Napapansin ito minsan ng guwardiya, at kung mabait ito sa amin, sinasabi lamang niya, ‘Sulat kayo nang sulat—hindi pa ba kayo matutulog?’”
Nagugunita pa ni Brother Klimko: “Minsan, nawalan kami ng maraming literatura at pati ng Bibliya. Nakatago itong lahat noon sa artipisyal na binti ng isang brother. Pilit na ipinatanggal ng mga guwardiya ang binting ito, at pagkatapos ay winasak iyon. Kinunan nila ng larawan ang mga nagkalat na pahina at inilathala ito sa pahayagan ng kampo. Pero may naitulong pa rin ito dahil minsan pang naipakita nito sa marami na pawang relihiyosong gawain lamang ang pinagkakaabalahan ng mga Saksi ni Jehova. Pagkatapos ng natuklasang ito, sinabi ng tuwang-tuwang administrador ng kampo sa mga kapatid, ‘Ito na ang sinasabi ninyong Armagedon!’ Pero kinabukasan, may nagreport sa kaniya na ang mga Saksi ni Jehova ay nagpupulong, nag-aawitan, at nagbabasa na naman gaya nang dati.”
PAKIKIPAG-USAP SA PUNONG TAGAUSIG
Nang mga huling buwan ng 1961, nag-inspeksiyon ang punong tagausig ng Russian Soviet Federative Socialist Republic sa kampo sa Mordvinia. Pumasok siya sa baraks na kinaroroonan ng mga Saksi. Pinayagan ng punong tagausig na magtanong ang mga kapatid. Nagugunita pa ni Viktor Gutshmidt, “Nagtanong ako, ‘Sa palagay po ninyo, panganib po ba ang mga Saksi ni Jehova sa mga taga-Sobyet?’
“‘Hindi naman,’ ang sabi ng punong tagausig. Pero sa kanilang pag-uusap, wala-sa-loob nitong nabanggit: ‘Noong 1959 lamang, limang milyong ruble na ang pondong ibinigay sa Distrito ng Irkutsk para tutukan ang gawain ng mga Saksi.’
“Nangangahulugan ito na alam na alam na ng mga awtoridad kung sino kami, dahil limang milyong ruble ang ginugol mula sa pondo ng Estado para liwanagin kung sino talaga ang mga Saksi ni Jehova. Napakalaking halaga nito. Noong panahong iyon, kung mayroon kang limang libong ruble, makabibili ka na ng isang magandang kotse o isang maalwang bahay. Tiyak na nalaman na ng mga awtoridad sa Moscow na hindi mapanganib ang mga Saksi ni Jehova.
“Nagpatuloy ang punong tagausig sa pagsasabi, ‘Kung papayagan namin ang mamamayan ng Sobyet sa gusto nilang gawin sa mga Saksi, ubos na sana kayo.’ Ang ibig niyang sabihin, galit sa mga Saksi ang mga taga-Sobyet. Mahahalata sa mga salitang ito na milyun-milyon na ang naimpluwensiyahan ng ateistiko at ideolohikal na propaganda.
“Ganito naman ang sagot namin, ‘Makikita po ninyo ang tunay na kalagayan kapag nagdaraos ang mga Saksi ng mga kombensiyon mula Moscow hanggang Vladivostok.’
“‘Siguro nga makaaakay kayo ng kalahating milyon, pero sa amin pa rin ang iba,’ ang sabi niya.
“Doon natapos ang aming pakikipag-usap sa punong tagausig. Tama rin naman siya. Sa ngayon, mahigit 700,000 ang dumadalo sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova sa buong teritoryo ng mga bansa sa dating Unyong Sobyet. Doon, ang mga
tao ay nakikinig sa dalisay na mga salita ng katotohanan sa Bibliya sa halip na sa mga propaganda.”“GINAWAN NINYO NG BAKASYUNAN ANG MGA SAKSI”
Ganito pa ang sabi ni Viktor: “Ipinakita ng administrador ng kampo sa punong tagausig ang mga bulaklak at punungkahoy na itinanim ng mga Saksi gayundin ang mga padalang tinatanggap nila na nakatago sa kanilang baraks pero walang sinumang nagnanakaw sa mga iyon. Hindi maitago ang kaniyang paghanga sa kaniyang nakita. Pero napag-alaman namin na pinag-utusan pala ng tagausig na ito ang administrasyon ng kampo na siraing lahat ang mga bulaklak at pagpuputulin ang mga punungkahoy. Sinabihan niya ang administrador ng kampo, ‘Ginawan ninyo ng bakasyunan ang mga Saksi sa halip na isang kampo para sa puwersahang pagtatrabaho.’ Pinagbawalan din niyang tumanggap ng mga padala ang mga Saksi at ipinasara ang maliit na tindahang nabibilhan nila ng karagdagang pagkain.
“Pero, laking tuwa ng mga kapatid nang hindi sinunod ng administrador ang lahat ng iniutos sa kaniya. Halimbawa, tuloy pa rin ang mga sister sa pag-aalaga ng mga bulaklak. Tuwing taglagas, namimitas sila ng mga bulaklak at ginagawang malalaking pumpon na ibinibigay nila sa mga empleado ng kampo at sa mga anak ng mga ito. Nakatutuwang pagmasdan ang mga batang lumalapit sa kanilang mga magulang na nag-aabang sa may pasukan, kinukuha ang kanilang mga bulaklak, at saka patakbong tutuloy sa paaralan nang nakangiti. Mahal na mahal nila ang mga Saksi.”
Nagugunita pa ni Viktor: “Isang araw, noong mga unang buwan ng 1964, isa sa mga nangangasiwa sa kampo na may kapatid na nagtatrabaho sa KGB ang nakapagsabi sa amin na may inoorganisa ang Estado na isang malawakang kampanya laban sa mga Saksi ni Jehova. Pero nang huling mga buwan ng taon ding iyon, biglang inalisan ng karapatan si Nikita Khrushchev bilang pinuno ng Estado, kung kaya humupa ang pag-uusig.”
AWITING PANGKAHARIAN SA KAMPONG NAPAKAHIGPIT NG SEGURIDAD
Noong dekada ng 1960, ang isang kampo sa Mordvinia na napakahigpit ng seguridad ay nagpapahintulot sa mga bilanggo nito na tumanggap ng mga padala minsan sa isang taon, pero iyon ay ‘pampalubag-loob’ lamang. Palagi pa rin silang nag-iinspeksiyon. Sinumang mahulihan ng isang teksto sa Bibliya na nakasulat sa kapirasong papel ay ipinakukulong nila sa nakahiwalay na selda sa loob ng sampung araw. Bukod diyan, ang ibinibigay na pagkain sa mga bilanggo sa kampong iyon ay mas kaunti kaysa sa ibang kampo. Mas mahirap din ang trabaho sa mga kampong napakahigpit ng seguridad; ipinahuhukay sa mga Saksi ang mga tuod ng malalaking punungkahoy. Sinabi ni Aleksey Nepochatov: “Madalas na halos lupaypay na ang aming katawan dahil sa pagod. Pero alisto pa rin kami at hindi sumusuko. Para manatili kaming masigla, umaawit kami ng mga awiting pang-Kaharian. Nag-organisa kami ng isang koro na may iba’t ibang tono, anupat talagang napakaganda nito kahit walang kasaliw na tinig ng mga babae. Napasigla ng mga awiting ito hindi lamang ang mga Saksi kundi pati ang mga opisyal, na humihiling sa mga kapatid na umawit habang nagtatrabaho. Minsan habang namumutol kami ng mga punungkahoy, lumapit sa amin ang lider ng pangkat ng mga sundalo at sinabi: ‘Kumanta raw kayo. Ipinasasabi ng pinuno namin mismo!’
“Madalas nang marinig ng pinunong iyon ang pag-awit ng mga kapatid ng mga awiting pang-Kaharian. Tamang-tama ang tiyempo ng paghiling na ito dahil halos hindi na kami makagulapay sa pagod. Tuwang-tuwa kami sa pagluwalhati kay Jehova sa pamamagitan ng aming tinig. Kapag kami’y umaawit, karaniwan nang lumalabas ng bahay, na nasa paligid lamang ng kampo, ang asa-asawa ng mga opisyal at matagal silang nakatayo sa beranda habang nakikinig sa amin. Gustung-gusto nila ang liriko ng awit bilang 6, ‘Hayaang Magbigay ng Kaluwalhatian ang Lupa,’ mula sa lumang aklat-awitan. Ang awit ay ginamitan ng maririkit na salita at may napakagandang himig.”
NASA “IBANG BANSA” SIYA
Kahit sa pinakadi-inaasahang situwasyon, nakikita kung anong uri talaga ng mga tao ang mga Saksi ni Jehova. Nagugunita pa ni Viktor Gutshmidt: “Pagkatapos ng isang linggong pagtatrabaho, nagpapahinga kami noon sa may hardin nang may idineliber na mga mamahaling kasangkapang de-kuryente sa loob ng kampo namin. Ang drayber na nagdedeliber ay hindi brother, kundi kasamahan naming bilanggo sa aming kampo, at ang kasama niyang tagapangasiwa sa pamimili ay tagaibang kampo. Dahil sarado na ang bodega at nasa bakasyon ang namamahala roon, sa amin ipinatanggap at ipinababa ang mga kasangkapan.
“Ibinaba namin ang mga kasangkapan at inilagay sa tabi ng bodega na di-kalayuan sa baraks ng mga brother. Kabadung-kabado ang tagapangasiwa sa pamimili dahil walang pipirma sa resibo bilang katunayang tinanggap namin ang mga kasangkapan. Pero tiniyak sa kaniya ng drayber: ‘Huwag kang mag-alala. Walang gagalaw niyan. Nasa “ibang bansa” ka. Iba rito kaysa sa labas ng kampo. Dito, puwede mong hubarin ang relo mo at iwan kahit saan, at kapag binalikan mo kinabukasan, nandoon pa rin iyon.’ Iginiit ng tagapangasiwa sa pamimili na hindi niya puwedeng iwan nang ganoon na lamang ang mga kasangkapang kalahating milyong ruble ang halaga.
“Maya-maya, dumating ang mga tauhan ng administrasyon ng kampo at pinaaalis na ang trak. Sinabi ng isa sa mga ito na iwan na ang resibo at balikan na lamang kinabukasan. Wala siyang nagawa kundi ang umalis. Kinabukasan, bumalik siya para kunin ang resibo, pero sa may pasukan pa lamang, iniabot na ito ng guwardiya sa kaniya at pirmado na.
“Pagkaraan, sinabi sa amin ng guwardiya na natigilan daw ang tagapangasiwa sa pamimili. Sa loob ng kalahating oras, nakatayo lamang siya roon habang nakatitig sa may pasukan at sa resibo, tatalikod para umalis, pero haharap ulit at tititig na naman. Malamang na ngayon lamang ito nangyari sa buong buhay niya. Naideliber niya ang mga mamahaling kasangkapan,
napirmahan ang resibo kahit wala siya, at natapos ang lahat nang walang problema. Pero ang kapansin-pansin sa lahat, nangyari ito sa isang kampo ng puwersahang pagtatrabaho na may napakahigpit na seguridad kung saan ang mga bilanggo ay binansagang ‘mapanganib na mga kriminal.’ Oo, anumang propaganda ang ibato sa mga Saksi, kapag nauulit ang ganitong mga insidente, napakaliwanag sa lahat ng nakakakita kung anong uri talaga ng mga tao ang mga Saksi ni Jehova.”“HETO AT NANGANGARAL NA NAMAN SILA”
Noong 1960, ilang araw matapos magkasama-sama ang mga brother sa kampo sa Mordvinia, mahigit na isandaang Saksi ang napiling ilipat sa Kampo 10, isang kakaibang bilangguan sa kalapít na nayon ng Udarnyy. Isa itong “eksperimentong” bilangguan para turuang magbago ang mga Saksi. Ang mga bilanggo roon ay nakaguhitang uniporme na gaya ng suot ng mga bilanggo sa mga kampong piitan ng mga Nazi. Bukod sa iba pang trabaho, ang mga Saksi ay pinaghuhukay rin ng napakalalaking tuod sa kagubatan. Ang pinakamababang kota nila sa araw-araw ay 11-12 tuod bawat tao. Pero kung minsan, kahit tulung-tulong na sila sa maghapon, hindi pa rin mahukay-hukay ng buong grupo ng mga kapatid ang isang napakalaking tuod ng puno ng ensina. Madalas silang umawit ng mga awiting pang-Kaharian para mapasigla ang isa’t isa. Minsan, nang marinig ng administrador ng kampo ang kanilang awitan, sumigaw ito: “Kayong mga Saksi, wala kayong hapunan ngayong gabi para matigil na kayo sa kakakanta. Puro trabaho lang ang gagawin n’yo!” Naaalaala pa ng isang brother sa kampong ito: “Pero tinulungan kami ni Jehova. Sa kabila ng mahirap na kalagayang ito, naging matatag pa rin kami sa aming pananampalataya. Palagi naming pinalalakas ang aming loob dahil iniisip naming nasa panig kami ni Jehova sa isyu ng pansansinukob na soberanya.”—Kaw. 27:11.
Bukod sa ilang “tagapagturo” sa kampo, bawat selda ay may nakaatas na tagapagturo, isang opisyal ng militar na hindi
bababa sa ranggo ng kapitan. Layunin ng mga opisyal na ito na baguhin ang paniniwala ng mga Saksi. Sinumang magtakwil sa kaniyang relihiyon ay palalayain. Buwan-buwan, ang bawat Saksi ay ginagawan ng mga tagapagturo ng report, na pirmado ng ilang empleado sa bilangguan. Pero palaging ganito ang nakasulat sa report, “Walang epekto ang pagtuturo; matigas pa rin sa kaniyang paninindigan.” Sinabi ni Ivan Klimko: “Sa sampung taon kong pagkabilanggo, anim na taon ako sa bilangguang ito at bukod sa iba pang mga brother, itinuring akong ‘isang mapanganib at pusakal na kriminal.’ Gaya ng sinabi sa amin ng mga opisyal, sinasadya talaga ng mga awtoridad na pahirapan nang husto ang mga Saksi upang makita kung paano kami gagawi.”Si Iov Andronic, limang taon sa bilangguang ito, ay nagtanong minsan sa kumander ng kampo, “Hanggang kailan po kaya kami sa bilangguang ito?” Habang nakaturo sa kagubatan, sumagot ang kumander, “Hanggang mapalibing kayong lahat doon.” Ikinuwento ni Iov: “Inihiwalay kami sa iba para hindi kami makapangaral. Binantayan nila kaming mabuti. Kung kailangang pumunta sa ibang lugar sa kampo ang kahit isa sa amin, palagi itong may kasunod na bantay. Pagkalipas ng ilang taon, inilipat kami sa isang kampong di-gaanong mahigpit ang seguridad, at ganito ang sabi ng mga di-Saksing bilanggo sa administrasyon ng kampo: ‘Panalo ang mga Saksi ni Jehova. Inihiwalay ninyo sila, pero heto at nangangaral na naman sila.’”
NAKILALA NG OPISYAL ANG BIBLIYA NIYA
Napakahirap magpasok ng literatura sa Kampo 10, lalo na ng Bibliya. Nakita ng mga kapatid na parang imposible ngang makapagpasok ng Salita ng Diyos sa loob ng bilangguan. Isang brother na ilang taon na rin sa bilangguang ito ang nagsabi: “Walang imposible kay Jehova. Dininig ng Diyos ang mga panalangin namin. Hiniling naming magkaroon sana kami kahit isang Bibliya lamang para sa isandaang Saksing nakabilanggo, pero dalawa ang ibinigay sa amin!” (Mat. 19:26) Paano ito nangyari?
Isang koronel ang ipinatawag para magturo sa bilangguan. Pero paano “magtuturo” sa mga Saksi ang isang taong wala namang kaalam-alam sa Bibliya? Sa paanuman, nakakuha siya ng isang sira-sirang Bibliya, at bago siya magbakasyon, ipinaayos niya ito sa isang matanda nang bilanggong Baptist, matapos bilinan ang mga nangangasiwa na huwag itong kukumpiskahin sa kaniya. Ipinagmalaki ng Baptist na ito sa mga Saksi na may Bibliya na siya, at ipinahiram niya ito para masuri nila. Nang mahawakan ng mga brother ang napakahalagang kayamanang ito, dali-dali nilang pinagtatanggal ang mga pahina nito at ipinamahagi sa lahat ng mga bilanggong Saksi para kopyahin. Sa loob ng sumunod na ilang araw, ang lahat ng seldang kinaroroonan ng mga Saksi ay naging parang opisina at lahat ay abalang nagsusulat. Dalawang kopya ang ginawa nila sa bawat pahina. Nagugunita pa ng isang brother: “Nang pagsama-samahin ang lahat ng pahina, tatlo na ang Bibliya! Napasauli na sa koronel ang kaniyang bagong-ayos na kopya, at nasa amin na rin ang dalawang kopya. Ginamit namin sa pagbabasa ang isang kopya, at ang isa naman ay itinago namin sa ‘kaha de yero,’ mga tubong pinaglalagyan ng mga kable ng kuryenteng matataas ang boltahe. Gumawa kami ng disimuladong taguan sa mga tubong ito. Palibhasa’y ni hindi man lamang makalapit sa mga ito ang mga nangangasiwa, walang sinuman ang nagtangkang mag-inspeksiyon doon. Ang mataas na boltahe ng kuryente ang naging mahigpit na bantay namin sa aming aklatan.”
Pero minsan habang nag-iinspeksiyon, nakita ng koronel ang isang pahina ng kinopyang Bibliya. Nang mapag-isip-isip niya ang nangyari, inis na inis siyang napabulalas, “Naku, galing ito sa Bibliya na ako mismo ang nagpasok sa kampo!”
PAGDIRIWANG NG MEMORYAL
Taun-taon, sinisikap ng mga brother na maipagdiwang ang Memoryal sa mga kampo. Sa lahat ng taóng inilagi nila sa isang kampo sa Mordvinia, walang brother na lumiban sa okasyong ito. Mangyari pa, tinangka ng administrasyon ng kampo na pigilin ang pagdiriwang. Alam nila ang petsa ng Memoryal,
at kapag dumarating ang araw na iyon, inuutusan nila ang lahat ng bantay na maging alisto. Pero kapag gumagabi na, karamihan sa mga bantay ay pagod na sa pagmamatyag sa mga kapatid, dahil hindi naman nila alam kung saan o kung anong oras talaga gaganapin ang Memoryal.Palaging nakakakuha ng alak at tinapay na walang lebadura ang mga brother. Minsan, nakita ng isang grupo ng mga bantay ang mga emblema sa loob ng drower noong araw mismo ng Memoryal at kinumpiska nila iyon. Pagkaraan, panibagong grupo naman ang nagbantay, kung kaya nakuhang muli ng isang brother na naglinis ng opisina ng kumander ang mga emblema at lihim itong ipinasa sa mga brother. Nang gabing iyon, ipinagdiwang ng mga brother ang Memoryal at kumpleto ang kanilang emblema habang walang kamalay-malay ang ikatlong grupo ng mga bantay. Kailangang-kailangan nila ang mga emblemang iyon dahil may isang brother na nakikibahagi.
PAGDIRIWANG NG MEMORYAL SA KAMPO NG MGA BABAE
Ganiyan din ang problema sa ibang mga kampo. Naaalaala pa ni Valentina Garnovskaya kung gaano talaga kahirap magdiwang ng Memoryal sa isang kampo ng mga babae sa Kemerovo. Sinabi niya: “Mga 180 sister ang nakakulong sa kampong ito. Pinagbawalan kaming magpulong. Sa loob ng sampung taon, dalawang beses lang kami nakapagdiwang ng Memoryal. Minsan, napagkaisahan naming idaos ang Memoryal sa isa sa mga opisinang nililinis ko. Unti-unti nang naipon ang mga sister doon, na paisa-isang pumasok nang palihim bago magsimula ang Memoryal. Mga 80 sister ang nakarating. Ipinatong namin sa mesa ang tinapay na walang lebadura at ang mapulang alak.
“Napagkaisahan naming huwag nang umawit bago magsimula, kaya nanalangin na ang isang sister, at nagsimula na kami sa marangal at masiglang paraan. Pero bigla kaming nakarinig ng ingay at sigawan dahil hinahanap na pala kami ng mga nangangasiwa sa kampo. Nakita naming sumilip sa bintana ang kumander mismo, bagaman mataas ang bintanang
iyon. Kasabay nito, nakarinig kami ng malalakas na katok sa pinto, at pilit itong pinabubuksan. Nang makapasok sila, biglang sinunggaban ang sister na nagpapahayag at dinala sa nakahiwalay na selda. Buong-tapang namang humalili ang isa pang sister para ituloy ang pahayag, pero sinunggaban din siya. Pagkatapos niya, isa na namang sister ang nagsikap na ituloy ang pahayag, kaya sama-sama na nila kaming dinala sa ibang kuwarto, sabay banta sa amin na ikukulong kami sa nakahiwalay na selda. Doon na namin tinapos ang pagdiriwang ng Memoryal sa pamamagitan ng pag-awit at pansarang panalangin.“Pagbalik namin sa baraks, ganito ang salubong sa amin ng ibang mga bilanggo, ‘Nang bigla kayong mawalang lahat, naisip naming Armagedon na at dinala na kayo ng Diyos sa langit at naiwan kami rito para mapuksa!’ Ang mga bilanggong ito ay ilang taon na naming kasama ngunit ayaw tumanggap ng katotohanan. Pero pagkatapos ng pangyayaring iyon, nakinig na rin ang ilan.”
“NAGSISIKSIKAN NAMAN KAMI”
May isang kampo sa Vorkuta na kinapipiitan ng maraming Saksi mula Ukraine, Moldova, mga lupain ng Baltic, at iba pang republika ng Unyong Sobyet. Nagugunita pa ni Ivan Klimko: “Noon ay taglamig ng 1948. Dahil wala kaming literatura sa Bibliya, isinusulat namin sa maliliit na piraso ng papel ang anumang maalaala namin mula sa mga lumang magasin at itinatago namin ito para hindi makita ng mga nangangasiwa sa kampo. Pero alam nilang mayroon kaming mga pirasong ito ng papel. Inaasahan na namin ang matatagal at nakapapagod na pag-iinspeksiyon. Sa panahon ng taglamig, dinala kaming lahat sa labas at pinahilera nang tiglilima. Paulit-ulit kaming binilang. Parang inaasahan nilang ibibigay na namin ang mga papel sa halip na manigas kami roon sa ginaw. Habang paulit-ulit nila kaming binibilang, nagsisiksikan naman kami at nag-uusap tungkol sa Bibliya. Palaging abala ang isip namin sa espirituwal na mga bagay. Tinulungan kami ni Jehova na makapanatiling tapat sa kaniya. Nang maglaon, nakapagpasok pa
nga ng Bibliya sa kampo ang mga brother. Hinati-hati namin ito para hindi makumpiska ang buong Bibliya kapag nagkaroon ng inspeksiyon.“May ilan din namang guwardiya na nakauunawang hindi dapat makulong ang mga Saksi ni Jehova. Tinutulungan kami ng mababait na guwardiyang ito kapag may pagkakataon. Ang ilan sa kanila ay ‘nagpipikit [na lamang] ng mata’ kapag may isa sa aming tumanggap ng padala. Karaniwan nang may nakasingit na isa o dalawang pahina ng Ang Bantayan ang bawat padalang iyon. Ang mga pahinang iyon na ilang gramo lamang ang timbang ay higit na mahalaga kaysa sa ilang kilo ng pagkain. Sa bawat kampo, palaging pinagkakaitan sa pisikal ang mga Saksi, pero sa espirituwal, saganang-sagana kami.”—Isa. 65:13, 14.
“PAGHAHATI-HATIIN NIYA IYON SA 50 PIRASO!”
Linggu-linggo, ang mga brother ay nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya sa mga nagpapakita ng interes sa katotohanan. Alam ng ilang bilanggo—kahit yaong mga hindi interesado sa Bibliya—na pagkalipas ng alas 7:00 n.g., mayroon nang pag-aaral ng Bibliya sa baraks, kung kaya sinisikap nilang huwag mag-ingay. Nagugunita pa ni Iov Andronic: “Maliwanag na pinangangalagaan kami ni Jehova at pinasusulong niya ang gawain. Bukod diyan, sinisikap naming magpakita ng Kristiyanong pag-ibig sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagkakapit ng mga simulain sa Bibliya. Halimbawa, pinaghahati-hatian namin ang pagkaing ipinadadala sa amin, na bihirang-bihirang gawin ng ibang mga bilanggo sa kampo.
“Sa isang kampo, si Mykola Pyatokha ang naatasang mamahagi ng pagkain sa mga kapatid. Minsan ay sinabi ng isang opisyal ng KGB, ‘Bigyan mo ng isang kendi si Mykola at paghahati-hatiin niya iyon sa 50 piraso!’ Ganiyan kaming magkakapatid. Pinaghahati-hatian namin ang anumang tinatanggap namin sa kampo, ito man ay pisikal o espirituwal na pagkain. Bukod sa natutulungan kami nito, nagsisilbi rin itong mainam na patotoong umaakit sa mga taong may taimtim na puso.”—Mat. 28:19, 20; Juan 13:34, 35.
BONUS PARA SA MAGANDANG PAGGAWI
Ang mga empleado ng kampo na tuwirang nakikitungo sa mga Saksi ni Jehova ay tumanggap ng bonus na hanggang 30 porsiyento ng kanilang suweldo. Bakit? Ganito ang paliwanag ni Viktor Gutshmidt: “Sinabi ito sa akin ng dating kahera sa kampo. Ayon sa kaniya, sa mga kampong kinapipiitan ng marami sa ating mga kapatid, pinagbilinan ang mga empleado ng kampo na huwag magagalit o magmumura at palaging maging magalang. Kung magagawa nila ito, tatanggap sila ng dagdag na suweldo. Sinadya nila itong gawin para ipakitang hindi lamang mga Saksi ni Jehova ang mababait at wala silang ipinagkaiba. Kaya naging mababait ang mga empleado dahil sa bayad. Maraming nagtatrabaho sa kampo—mga doktor at nars, trabahador, akawntant, at mga tagapangasiwa—mga isandaan silang lahat. Walang may gustong palampasin ang ekstrang suweldong iyon.
“Isang araw, narinig ng isang brother na nagtatrabaho sa labas ng kampo ang isang nangangasiwa sa grupo na malakas na nagmumura. Kinabukasan, nasalubong ito ng brother sa loob ng kampo at sinabi niya: ‘Malamang na may guwardiyang uminis sa inyo nang husto kahapon. Ang lakas po kasi ng pagmumura ninyo sa labas!’ Inamin nito: ‘Ah, wala naman. Para lang kasing sasabog na ang dibdib ko sa maghapong pagpipigil. Kaya lumabas muna ako ng kampo at naglabas ng galit.’ Talagang hirap na hirap silang tularan ang paggawi ng mga Saksi ni Jehova.”
PANGANGARAL SA LIKOD NG SALAMIN
Sinasamantala ng mga brother ang mga pagkakataong makapagpatotoo sa iba, at kung minsan ay ginagantimpalaan ang kanilang pagsisikap. Nagugunita pa ni Nikolai Gutsulyak: “Madalas kaming bumili ng pagkain sa maliit na tindahan sa kampo. Sa tuwing ako na ang bibili ng pagkain, sinisikap kong makapagpatotoo tungkol sa Bibliya. Palagi namang interesadong makinig ang tindera at minsan ay siya pa ang humiling na basahan ko siya ng kahit ano. Pagkalipas ng tatlong araw, pinapunta ako ng isang opisyal sa may pasukan. Sinabi niya sa akin
at sa isa pang Saksi na magkakabit daw kami ng salamin sa bintana ng bahay ng kumander sa kampo.“Kami ng brother ay pumunta sa lunsod na may eskort na mga sundalo. Pagdating namin sa bahay, ang tinderang iyon ang nagbukas ng pinto. Siya pala ang asawa ng kumander! Ang isang sundalo ay pumuwesto sa loob ng bahay, at ang dalawa naman ay sa labas, sa may bintana. Binigyan kami ng babae ng maiinom na tsa at humiling na kuwentuhan namin siya ng tungkol sa Bibliya. Nang araw na iyon, nakabitan namin ng salamin ang kanilang bintana at nakapagpatotoo sa kaniya nang husto. Pagkatapos ng kuwentuhan namin, sinabi niya: ‘Huwag kayong mag-alala sa akin. Katulad ninyo, may-takot din sa Diyos ang mga magulang ko.’ Lihim niyang binabasa ang ating mga literatura, dahil galit ang asawa niya sa mga Saksi.”
“MAGSIBALIK KAYO SA MGA TRABAHO N’YO”
May ilang awtoridad din naman na nakikisimpatiya sa mga Saksi at nagtatanggol sa kanila. Noong dekada ng 1970 sa Bratsk, Distrito ng Irkutsk, ipinasiya ng opisina ng partidong
Komunista ng lokal na planta ng pagtotroso na patalsikin ang lahat ng empleado nilang Saksi ni Jehova. Sinabihan ang mga brother: “Yamang ayaw ninyong pasakop sa awtoridad ng Sobyet, wala nang dahilan para tangkilikin kayo nito. Yamang si Jehova ang gusto ninyo, puwes, siya ang dapat tumangkilik sa inyo.” Nagkaisa ang mga pinatalsik na brother na ang pinakamabuti nilang gawin ay mangaral nang hayagan, kaya nagbahay-bahay sila. Sa isang bahay, nang buksan ng isang babae ang pinto, nagpakilala ang mga brother at ipinaliwanag nila ang layunin ng kanilang pagdalaw. Nakarinig sila ng boses ng lalaki mula sa kusina: “Sino ang kausap mo? Bakit hindi mo papasukin?” Pagpasok ng mga brother sa bahay, tinanong sila ng lalaki: “Ano’ng ginagawa n’yo rito? Bakit wala kayo sa trabaho n’yo?” Ipinaliwanag ng mga brother kung bakit.Ang lalaki palang iyon ay abogado ng gobyerno na umuwi lamang para mananghali. Pagalit niyang kinuha ang telepono at tinawagan ang planta para usisain kung totoo ngang pinatalsik ng opisina ang lahat ng Saksi ni Jehova. Nang sabihin sa kaniya na totoo nga, nagpatuloy ang abogado: “Bakit? Hindi n’yo ba alam na lumabag kayo sa batas? Wala kayong karapatang gawin iyon! Pabalikin ninyo ang lahat ng mga Saksi sa kanilang trabaho at bayaran sila sa tatlong buwan nilang hindi pagtatrabaho dahil sa ginawa n’yo.” Ibinaba ng abogado ang telepono at kinausap ang mga brother, “Bukas, magsibalik kayo sa mga trabaho n’yo, at patuloy kayong magtrabaho roon.”
“NOON PANG 1947 AKO NAGTATAGO NG MGA LITERATURA”
Pagsapit ng dekada ng 1970, sanáy na sanáy na ang mga brother sa pagkopya, pamamahagi, at pagtatago ng mga literatura. Bagaman kung minsan, may mga situwasyong kailangang mabilis ang isip. Nagugunita pa ni Grigory Sivulsky: “Isang gabi noong 1976, basta ko na lamang nailagay ang ilang report at adres ng mga kapatid sa drower. Kinabukasan, biglang ininspeksiyon ang aming bahay. Habang
nag-iinspeksiyon, tukoy na tukoy ng mga KGB ang kanilang ginagawa, na para bang alam na alam nila kung saan sila maghahanap at kung ano ang kanilang hahanapin. Sinabi sa akin ng isa sa kanila: ‘Pahiram ng plais at disturnilyador—babaklasin namin ang sopang ito.’ Nanalangin muna ako at matatag na sumagot:“‘Kung bigla sana kayong sumulpot gaya ng ginagawa ninyo sa bahay ng ibang mga Saksi, may makikita kayo rito. Pero huli na kayo. Wala na kayong makikita.’
“‘At ano naman ang makikita namin, aber?’ ang tanong ng KGB.
“‘Eh di, Bantayan at Gumising! Pero wala na kayong makikita ngayon.’
“Habang iniaabot ko sa kanila ang mga kagamitan, sinabi ko, ‘Pagkatapos ng inspeksiyon, tiyakin lang ninyong maibabalik n’yo iyan sa dating ayos.’
“Natigilan sila. Nang mahalata kong urong-sulong sila, kinausap ko ang isa sa kanila, isang kabataan, at sinabi: ‘Siguro mga tatlong taon ka pa lamang naghahanap ng mga literatura ng mga Saksi ni Jehova, ano? Alam mo, noon pang 1947 ako nagtatago ng mga literatura. Kaya huwag na kayong mag-aksaya ng panahon dito; mahigpit nang nakatago ang mga literatura.’
“Nagulat ako nang magsialis sila. Kung nagkataon, makikita agad nila ang mga report at adres ng mga kapatid.”
PERESTROIKA—PANAHON NG PAGBABAGO
Ang perestroika na idineklara noong 1985 ay hindi agad nagbunga gaya ng inaasahan. Sa ilang rehiyon, hinahatulan pa rin at ibinibilanggo ang mga Saksi. Pero noong 1988, sumulat ang tanggapang pansangay ng Alemanya sa pandaigdig na punong-tanggapan: “Sa pagsisimula ng taon ng paglilingkod, may mga indikasyon mula sa mga awtoridad na papayag na silang pagkalooban ng higit na kalayaan ang [mga kapatid sa USSR] may kinalaman sa mga pulong at marahil sa mga literatura, kung magpaparehistro sila roon. Nakapagdaos sila ng
Memoryal sa maraming lugar nang walang problema. Nahalata nila ang malaking pagbabago sa saloobin ng mga awtoridad.”Nang maglaon, ang mga inatasang brother ay nagbigay sa sangay ng Alemanya ng mga adres ng mga kapatid na handang tumanggap ng mga ipadadalang espirituwal na pagkain. Ibibigay naman nila ito sa mga elder at titiyakin naman ng mga elder na pakikinabangan ito ng lahat. Pagsapit ng Pebrero 1990, mayroon nang mga 1,600 adres na pinadadalhan ng espirituwal na pagkain minsan sa isang buwan.
Noong 1989, ilang libong Saksi mula sa Unyong Sobyet ang nakadalo sa pantanging kombensiyon sa Poland. Nagugunita pa ni Yevdokia, isang Saksi mula sa lunsod ng Naberezhnye Chelny: “Marubdob naming hiniling kay Jehova na makadalo sana kami sa aming kauna-unahan at tunay na kombensiyon. Nang marinig ng direktor ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko na lalabas ako ng bansa, napabulalas siya: ‘Ano! Hindi ka ba nanonood ng telebisyon? Sarado ang border, at wala silang pinadadaan doon!’
“Buong-pagtitiwala akong sumagot, ‘Mabubuksan po ang border.’ At ganoon nga ang nangyari. Sa checkpoint ng adwana sa Brest, mga Saksi ni Jehova lamang ang pinayagang dumaan. Ni hindi kami ininspeksiyon, at napakagalang nila sa amin. Isang di-Saksi ang nagkunwang delegado sa kombensiyon at nakisabay sa amin. Pero nahalata agad siya ng mga opisyal ng adwana at pinigil siya. Paano nila nalaman? Matatamis ang ngiti ng lahat ng mga delegado sa kombensiyon at maliliit na bag lamang ang bitbit nila.”
MAINIT NA PAGTANGGAP SA MOSCOW
Apatnapung taon na ang lumipas mula nang mag-aplay sa Moscow noong 1949 ang mga Saksi ni Jehova para mairehistro ang kanilang gawain. Nang panahong iyon, hindi maatim ng mga kapatid ang mga hinihiling ng gobyerno ni Stalin. Pero noong Pebrero 26, 1990, nakipagpulong ang tsirman ng Komite Para sa Usaping Panrelihiyon sa Moscow sa isang
delegasyon ng mga Saksi ni Jehova. Dumalo rin sa miting na iyon ang dalawang bise-tsirman at tatlo pang miyembro ng komite. Ang delegasyon naman ng mga Saksi ni Jehova ay binubuo ng 15 brother: 11 mula sa Russia at iba pang mga republika ng Unyong Sobyet, sina Milton Henschel at Theodore Jaracz mula sa Brooklyn, gayundin sina Willi Pohl at Nikita Karlstroem mula sa sangay ng Alemanya.Binuksan ng tsirman ang miting na iyon sa mga salitang ito: “Tuwang-tuwa kami sa pagkakataong ito na makapulong kayong mga Saksi ni Jehova. Marami na akong nabalitaan tungkol sa inyo, pero ngayon ko lamang kayo nakaharap nang personal. Pakikinggan natin ang sasabihin ng bawat isa ayon sa patakaran ng glasnost (pagiging bukás).” Inihayag ng mga brother ang hangarin nilang iparehistro ang mga gawain ng mga Saksi ni Jehova sa Unyong Sobyet. Nagpatuloy ang tsirman: “Nakatutuwang marinig iyan, at tamang-tama ang panahon ngayon. Malapit na ang tagsibol, panahon na naman ng pagtatanim. Kaya makaaasa tayo ng mabubuting resulta at magagandang bunga.”
Nang hilingin ng tsirman na magpakilala ang mga brother, maliwanag na nakita nilang kalat na ang mga Saksi ni Jehova sa buong bansa mula Kaliningrad hanggang Malayong Silangan. Ganito ang sinabi ng isang tagapangasiwa ng sirkito: “Kumakatawan po ako sa apat na kongregasyon sa Distrito ng Irkutsk. Pero ako rin po ang nangangasiwa sa Malayong Silangan, sa mga probinsiya ng Khabarovsk at Krasnoyarsk, at sa mga distrito ng Novosibirsk at Omsk.” Napabulalas ang tsirman, “Napakalaki naman ng teritoryo mo; mas malaki pa sa nasasakupan ng maraming bansa!”
Ganito naman ang sinabi ng isang bise-tsirman: “Kailangan pa naming malaman ang inyong mga paniniwala dahil hindi namin maunawaan ang ilan dito. Halimbawa, ayon sa isa sa inyong mga aklat, lilinisin ng Diyos ang lupa at aalisin ang kasalukuyang mga gobyerno. Hindi namin ito maintindihan.” Sumagot si Brother Pohl: “Hindi po nakikibahagi ang mga Saksi ni Jehova sa anumang uri ng karahasan. Kung iyon po ang
sinasabi sa aklat, tumutukoy po iyon sa partikular na mga hula sa Bibliya. Ipinangangaral ng mga Saksi ni Jehova ang tungkol sa Kaharian ng Diyos at sa walang-hanggang buhay sa isang paraisong lupa.”“Wala namang masama riyan,” ang sabi ng bise-tsirman.
Sa pagtatapos ng pag-uusap, sinabi ng tsirman: “Tuwang-tuwa kami sa pakikipagpulong na ito sa inyo. Dapat na kayong irehistro sa lalong madaling panahon.”
Noong Marso 1991, opisyal nang kinilala ang mga Saksi ni Jehova sa Russia. Noong panahong iyon, ang Russia na may populasyong mahigit 150 milyon ay nag-ulat ng 15,987 mamamahayag ng Kaharian. Sa ngayon, higit pang tagubilin mula kay Jehova ang kailangan ng mga kapatid sa Russia.—Mat. 24:45; 28:19, 20.
“MASAYANG-MASAYA KAMI AT MALAYANG-MALAYA!”
Yamang malapit lamang ang Finland sa Russia, hiniling ng Lupong Tagapamahala sa sangay ng Finland na tumulong ito sa pag-oorganisa ng internasyonal na kombensiyon sa St. Petersburg, Russia, na nakaiskedyul nang Hunyo 26-28, 1992. Ano kaya ang nadama ng mga kapatid tungkol sa isang kombensiyon na malaya nilang madadaluhan ngayon pagkatapos ng mahigit limang dekadang pagbabawal? Ganito ang naalaala ng isang brother: “Libu-libo kaming naroroon sa istadyum. Walang-patid ang pag-agos ng luha. Masayang-masaya kami at malayang-malaya! Ni sa pangarap ay hindi namin inaasahang magiging ganito kami kalaya sa sistemang ito ng mga bagay. Pero si Jehova ang nagpangyari nito. Naalaala namin kung paanong kaming lima ay nakahiga sa isang nakahiwalay na selda sa isang kampong napalilibutan ng matataas na bakod, at salit-salit na nagsasama-sama ang apat para painitin ang panlima upang matagalan namin ang ginaw. Ang istadyum ay napalilibutan din ng matataas na pader. Pero halos ayaw naming umalis dito. Hindi namin maipaliwanag ang aming nadarama.
“Nangingilid ang aming luha sa buong panahon ng kombensiyon. Naiiyak kami sa tuwa sa nakikita naming himala. Bagaman mahigit 70 anyos na kami, para kaming masisiglang paru-parong padapu-dapo sa lahat ng mga kapatid para makipagkuwentuhan. Limampung taon naming hinintay ang kalayaang ito. Hinayaan muna ni Jehova na mapatapon kami sa Siberia, pagkatapos ay humantong kami sa mga bilangguan at mga kampo. Pero ngayon, narito kami sa istadyum! Talaga ngang si Jehova ang makapangyarihan sa lahat! Tiningnan namin ang isa’t isa at napahagulhol kami. Hindi kami makapaniwalang nangyayari nga ito. Nilapitan kami ng ilang kabataang brother at nagtanong: ‘Bakit po kayo umiiyak? May nanakit po ba sa inyo?’ Pero hindi kami makasagot dahil sa paghagulhol. Gayunman, habang umiiyak, isa sa amin ang nagsalita, ‘Umiiyak kami sa tuwa!’ Ikinuwento namin sa kanila kung paano kami naglingkod kay Jehova sa loob ng maraming taon sa panahong bawal ang gawain. At ngayon, hindi
kami makapaniwalang biglang babaguhin ni Jehova ang lahat.”Pagkatapos ng di-malilimot na kombensiyong iyon, hinilingan ang sangay ng Finland na magpadala ng 15 special pioneer sa Russia. Noong Hulyo 1, 1992, ang masigasig na mag-asawang taga-Finland na sina Hannu at Eija Tanninen ay dumating sa kanilang atas sa St. Petersburg. Ang una at pinakamalaking hamon sa kanila ay ang wika. Pagkatapos ng kanilang unang leksiyon sa wika, lumabas na sila sa larangan at nag-alok ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Nagugunita pa ni Hannu: “Sa pagsisimula ng dekada ng 1990, halos lahat sa lunsod ay gustong mag-aral ng Bibliya. Sa aming pagpapatotoo sa lansangan, kusang ibinibigay sa amin ng mga tao ang kanilang mga adres. Lahat ay gustong magkaroon ng literatura. Sa lansangan, kapag nagbigay ka ng magasin o tract sa isang tao, sampu pang tao na nakakita nito ang lalapit at hihingi rin ng literatura. Hindi lamang tinatanggap ng mga tao ang literatura kundi binabasa agad ito habang nasa lansangan o nasa subwey.”
Mula Oktubre 1992, marami pang special pioneer ang dumating mula sa Poland. Ang unang grupo ay kinabibilangan ng mga dalagang sister. Di-nagtagal, dumating ang ikalawang grupo mula sa Poland at ipinadala sa St. Petersburg. Pagkalipas ng isang taon, isang grupo naman ng mga Polakong payunir ang ipinadala sa Moscow. Nitong nakalipas na mga taon, mahigit 170 boluntaryo mula sa Poland, karamihan ay mga nagtapos sa Ministerial Training School (MTS), ang inatasang maglingkod sa Russia.
ISANG MALAKING PINTO NA UMAAKAY SA GAWAIN
Pagkatapos ng internasyonal na kombensiyong iyon sa St. Petersburg, pinahintulutan ng Lupong Tagapamahala ang mga kapatid na bilhin ang isang angkop na lote (pitong ektarya) na kinatatayuan ng mga lumang gusali sa nayon ng Solnechnoye, malapit sa lunsod. Dumating na ang panahon para magtayo ng tahanang Bethel sa Russia. Hinilingan ang sangay ng Finland na tumulong sa proyekto ng pagtatayo.
Noong Setyembre 1992, dumating sa Solnechnoye ang unang grupo ng mga boluntaryo mula sa Finland. Ganito ang sinabi ni Aulis Bergdahl, kabilang sa grupo na nang maglaon ay naging miyembro ng Komite ng Sangay: “Malugod naming tinanggap ng asawa kong si Eva Lisa ang paanyayang tumulong sa pagtatayo ng tahanang Bethel sa Russia. Kitang-kita namin kung paano pinatnubayan ni Jehova ang gawain. Sinuportahan ng mga kapatid sa buong daigdig ang proyekto.”Si Alf Cederlöf, tagapangasiwa ng konstruksiyon mula sa Finland, at ang kaniyang asawang si Marja-Leena ay naging inspirasyon sa lahat ng mga kapatid sa lugar ng konstruksiyon. Lubos ding nakapagpatibay ang mga miyembro ng
Komite ng Sangay sa Finland. Sa panahon ng konstruksiyon, dumalaw sa Solnechnoye ang mga kapatid mula sa punong tanggapan sa Brooklyn. Nagugunita pa ni Aulis: “Noong 1993, dinalaw kami ni Milton Henschel pagkatapos ng internasyonal na kombensiyon sa Moscow. Lubos niyang napatibay ang mga boluntaryo sa konstruksiyon sa pamamagitan ng kaniyang mga pahayag at pakikipagkuwentuhan sa kanila.”Mga 700 boluntaryo—mula sa Scandinavia, Europa, Amerika, Australia, Russia, at iba pang republika ng dating Sobyet—ang nagtulung-tulong sa pagtatayo ng tahanang Bethel. Iba-iba ang kanilang kultura, pinagmulan, at paraan ng pagtatrabaho. Pero natapos ang gawain, gaya ng sinabi sa Zacarias 4:6, “‘hindi sa pamamagitan ng hukbong militar, ni sa pamamagitan man ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking espiritu,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.” Si Jehova nga ang nagtayo ng “bahay” na ito. (Awit 127:1) Kusang inihandog ng mga kapatid na Ruso ang kanilang sarili para sa gawaing pang-Kaharian. Karamihan ay mga kabataan at baguhan sa katotohanan, pero marami sa kanila ang nagsimula nang magpayunir. Gustung-gusto nilang matutuhan ang mabilis at de-kalidad na konstruksiyon, at kung paano isasagawa ang mga bagay-bagay may kinalaman sa organisasyong teokratiko.
PAG-OORGANISA NG GAWAIN
Sa pagtatapos ng 1993, ang mga miyembro ng Komite ng Bansa sa Russia ay dumating sa Solnechnoye. Inanyayahan sina Ivan Pashkovsky, Dmitry Livy, Vasily Kalin, Aleksey Verzhbitsky, Anatoly Pribitkov at Dmitry Fedunishin. Pagkalipas ng mga isang taon, dumating din si Mikhail Savitsky. Inatasan ng Lupong Tagapamahala si Horst Henschel mula sa
sangay sa Alemanya para tumulong sa mga kapatid sa pag-oorganisa ng gawain.Ang isa sa una nilang inorganisa ay ang gawaing paglalakbay. Sa simula, nagtatag sila ng limang sirkito sa bansa, dalawa sa St. Petersburg at tatlo sa Moscow at karatig na mga lugar. Ang unang limang buong-panahong tagapangasiwa ng sirkito ay sina Artur Bauer, Pavel Bugaisky, at Roy Öster sa Moscow at sina Kzyztov Poplawski at Hannu Tanninen sa St. Petersburg. Nang maglaon, inatasan din si Roman Skiba bilang tagapangasiwa ng sirkito. Si Matthew Kelly, taga-Estados Unidos na nagtapos sa MTS noong 1992, ay inatasan naman bilang part-time na tagapangasiwa ng distrito.
Naaalaala pa ni Hannu Tanninen kung paano isinasagawa ang mga unang pagdalaw ng tagapangasiwa ng sirkito noong pasimula ng dekada ng 1990: “Nagpadala ako ng liham tungkol sa nalalapit na pagdalaw sa isang kongregasyon sa Petrozavodsk,
Karelia. Binalangkas sa liham kung paano idaraos ang mga pulong sa linggong iyon ng dalaw. Nang dumating kaming mag-asawa, sinalubong kami ng isang elder sa istasyon ng tren, at dumeretso kami sa kanilang bahay. Ipinakita niya sa akin ang liham at sinabi, ‘Natanggap po namin itong liham ninyo, pero hindi namin maintindihan kaya wala po kaming ginawang kaayusan at ipinasiya naming hintayin na lang kayo.’“Noong unang pagdalaw ng tagapangasiwa ng sirkito sa Murmansk, 385 mamamahayag ang nagdaraos ng mahigit 1,000 pag-aaral sa Bibliya. Pero mas marami pa rito ang aktuwal na bilang ng nakikipag-aral ng Bibliya dahil ang maraming pag-aaral ay idinaraos sa grupu-grupong interesado. Halimbawa, isang sister na payunir ang may 13 pag-aaral sa Bibliya, pero mahigit 50 ang aktuwal na nakikipag-aral sa kaniya!
“Ang sumunod naming atas ay sa mga distrito ng Volgograd at Rostov. Sa Volgograd, apat lamang ang kongregasyon para sa mahigit isang milyon katao. Gustung-gustong matutuhan ng mga kapatid kung paano magdaos ng mga pulong at pag-aaral sa Bibliya at kung paano mangaral sa bahay-bahay. Sa tuwing dadalaw kami, nakapagtatatag kami ng mga bagong kongregasyon. Kapag kaming mga tagapangasiwa ng sirkito ay gumagawa ng report, binibilang namin kung ilan lahat ang nabautismuhan mula noong huling dalaw. Bawat kongregasyon ay may 50, 60, o 80 nababautismuhan sa tuwing dalaw, at may isa pa ngang mahigit 100! Bilang resulta, 16 na bagong kongregasyon ang naitatag sa lunsod sa loob lamang ng tatlong taon.”
Noong Enero 1996, nag-atas na ng Komite ng Sangay sa Russia. Kasabay nito, nag-atas din ng kauna-unahang buong-panahong mga tagapangasiwa ng distrito. Kabilang sa mga ito sina Roman Skiba (sa Siberia at Malayong Silangan), Roy Öster (sa Belarus, Moscow, at St. Petersburg hanggang Kabundukan ng Ural), Hannu Tanninen (sa Caucasia hanggang Volga), at Artur Bauer (sa Kazakhstan at Sentral Asia). Noong
panahong iyon, lahat ng tagapangasiwa ng distrito ay naglilingkod din sa isang maliit na sirkito bukod pa sa kanilang distrito.MALALAYONG BIYAHE
Si Roman Skiba ang isa sa unang mga special pioneer na dumating sa Russia mula sa Poland noong mga unang buwan ng 1993. Nagugunita pa niya: “Noong Oktubre 1993, tumanggap ako ng atas na maglingkod bilang tagapangasiwa ng sirkito. Kabilang sa una kong sirkito ang mga kongregasyon sa gawing timog ng St. Petersburg, Distrito ng Pskov, at buong Belarus. Gayunman, hindi pa rin ito ang pinakamalaking sirkito sa Russia. Pero di-nagtagal, kinailangan kong masanay sa malalayong pagbibiyahe. Noong Nobyembre 1995, inatasan ako sa isang sirkito sa Kabundukan ng Ural at hinirang na kahaliling tagapangasiwa ng distrito. Sakop ng teritoryong pinaglilingkuran
ko ang Kabundukan ng Ural, buong Siberia, at ang Malayong Silangan. Ayon sa kalkulasyon ng isang brother, ang distritong iyon ay kasinlawak ng 38 bansang kasinlaki ng Poland! Mayroon itong walong sona ng oras! Pagkalipas ng mga dalawang taon, pinadalaw ako ng sangay sa isang grupo sa Ulaanbaatar, ang kabisera ng Mongolia.”Patuloy pa ni Brother Skiba: “Minsan, para makarating sa Yekaterinburg mula Noril’sk, gawing hilaga ng Arctic Circle, kinailangan kong mag-eroplano nang dalawang beses, mula Noril’sk patungong Novosibirsk at pagkatapos ay patungong Yekaterinburg. Hindi ko malilimot ang biyaheng iyon dahil parang wala nang katapusan iyon. Lumipad ang eroplano namin mula Noril’sk pagkatapos maantala nang 12 oras, kaya pumapatak na kami ng asawa kong si Lyudmila ay inabot nang isang araw sa paliparan. Mabuti na lamang at nakagawian na naming mag-aral sa biyahe.
“Kung minsan kahit ginawa na namin ang lahat ng pagsisikap, nahuhuli pa rin kami sa pagdalaw sa kongregasyon. Minsan, para makarating sa Altai, sa isang kongregasyon sa nayon ng Ust’-Kan na nasa bundok, kinailangan naming maglakbay sa mga di-sementadong daan sakay ng kotse. Nagkataon naman, nasiraan pa kami sa daan, at hindi lamang sa pagsusuri ng mga rekord ng kongregasyon kami nahuli kundi dalawang oras na rin kaming huli sa pulong. Lungkot na lungkot kami at inisip naming malamang na nag-uwian na silang lahat. Nagulat kami nang madatnan namin ang 175 kataong naghihintay sa inupahang bulwagan, bagaman wala pang 40 ang mga mamamahayag! Dahil nahuli kami, nakaabot sa pulong ang maraming interesado mula sa ibang nayon sa bundok.” a
DI-MALILIMOT NA MGA KOMBENSIYON
Sa kauna-unahang pagkakataon, ginanap ang mga pandistritong kombensiyon sa ilang malalaking lunsod, kung saan wala pang karanasan ang mga kapatid sa paghahanda sa
kombensiyon. Noong 1996 sa Yekaterinburg, pumili ang mga brother ng isang angkop na istadyum para pagdausan ng pandistritong kombensiyon. Nagugunita pa ni Roman Skiba: “Tinubuan na ng damo ang mga upuan, at sa loob ng istadyum, mayroon nang mga punong birch na dalawang metro ang taas. Tatlong linggo na lamang at kombensiyon na, at tatatlo lamang ang kongregasyon sa lunsod at sa mga karatig-pook nito. Mabuti na lamang at nakipagtulungan sa amin ang direktor ng istadyum bagaman hindi niya mapagwari kung paano maidaraos ang kombensiyon sa istadyum na iyon. Sinimulan ng mga kapatid ang trabaho, at nang dumating ang petsa ng kombensiyon, napakalinis na ng istadyum. Hindi makapaniwala ang direktor sa kaniyang nakita!” Bilang pasasalamat, pinayagan ng direktor ang mga kapatid na gamitin ang isa sa mga gusali ng istadyum para sa Pioneer Service School. Nagugunita pa ng isang brother, “Pagkatapos ng kombensiyon, puwede na muling pagdausan ng mga palaro ang istadyum, na pinagkakakitaan ng lunsod.”Kung minsan, kailangan ng pagbabago at pagbabata para makapagdaos ng mga asamblea at kombensiyon. Sa Vladikavkaz noong 1999, hindi nakuha ng mga kapatid ang isang istadyum na pagdarausan sana ng pansirkitong asamblea na inaasahang 5,000 ang dadalo. Kaya umisip ang mga kapatid ng isa pang opsyon sa programa ng asamblea. Ginawa nilang isang araw ang programa at idinaos ito nang limang beses sa Vladikavkaz sa isang inupahang sinehan. Pagkatapos, nang dulong sanlinggong iyon, ang buong dalawang-araw na pansirkitong asamblea ay ginanap naman sa lunsod ng Nal’chik, sa dalawang lugar na mga dalawang kilometro ang layo sa isa’t isa. Iniurong nang dalawang oras ang simula ng asamblea sa isang bulwagan para mabigyan ng panahong makarating sa ikalawang asamblea ang mga tagapagsalitang manggagaling sa unang asamblea. May ilang tagapangasiwa ng sirkito na parang mawawalan na raw sila ng boses bago matapos ang mga asamblea. Kinalkula ng isang brother na nakapagbigay siya ng 35 pahayag nang linggong iyon! Naging
maayos naman ang lahat maliban noong Sabado ng tanghali, nang biglang patigilin ang programa sa isang bulwagan. Pumasok ang mga nakaunipormeng lalaki na may dalang aso at dali-daling pinalabas ang lahat dahil daw sa teknikal na mga kadahilanan. Nanatiling kalmado ang mga kapatid habang lumalabas ng bulwagan, at nang nasa labas na sila, nagkuwentuhan muna sila habang nanananghalian. Napag-alaman na may isa palang panatiko sa relihiyon na tumelepono sa mga awtoridad at sinabing may bomba sa gusali. Ininspeksiyon ang bulwagan at nang wala silang makita, pinayagan na ang mga kapatid na ituloy ang asamblea. Bagaman gumawa ng ilang maliliit na pagbabago sa programa, matagumpay na natapos ang asamblea at nakinabang ang lahat.MGA BATO, KALASAG, AT ESPADA
Mabilis na naihasik sa buong bansa ang mga binhi ng katotohanan. Nagugunita pa ni Eija Tanninen: “Noong 1998, naghahanda kami para sa 15-oras na biyahe sa tren mula sa isang pandistritong kombensiyon tungo sa susunod. Nakisuyo ang mga kapatid na dalhin namin ang napakaraming gamit para sa drama sa kombensiyon. Medyo mahirap ito dahil alam naming galit ang mga konduktor ng tren sa mga pasaherong maraming bagahe. Pero sa tulong ng mga kapatid, naglakas-loob na rin kaming isakay sa pang-apatang seksiyon ng tren ang mga bato, kalasag, espada, at mga bag na punung-puno ng mga kostiyum. Naupo kami roon sa tabi ng lahat ng bagahe namin kasama ang dalawa pang pasahero.
“Nang hingin ng konduktora ang aming tiket, itinanong niya kung bakit napakarami naming bagahe. Ipinaliwanag namin na mga gamit iyon sa drama na ipalalabas sa pandistritong kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Napakabait niya at sinabi sa amin na nakadalo na rin siya noon sa isang pahayag pangmadla na ibinigay ng aking asawa nang dumalaw kami sa isang kongregasyon sa lugar nila. Nadama namin ang tulong ni Jehova.”
NAGMAMASID SA PAG-AARAL
Maraming natututuhan ang mga sister sa isa’t isa. Nagugunita pa ni Eija: “Nang pasimulan namin ang aming ministeryo sa Russia, hindi ko maubos-maisip ang tiyaga at kababaang-loob na kinailangan ng mga sister dahil hindi pa naman ako masyadong marunong noon ng wika nila. Naantig ako nang makita ko ang pananabik ng mga sister na matutuhan kung paano idaraos ang mga pag-aaral sa Bibliya. Baguhan pa lamang sa katotohanan ang marami sa kanila, at ang ilan ay naglingkod sa panahon ng pagbabawal kung kaya halos hindi makarating sa kanila ang mga tagubilin ng organisasyon ni Jehova.
“Naglingkod kami sa bayan ng Volzhskiy mula 1995 hanggang 1996. Madalas na kapag nagpapasama sa akin ang isang sister sa kaniyang pinagdarausan ng pag-aaral sa Bibliya, nakikiusap ang ibang sister kung puwede rin silang sumama. Noong una, hindi ko maintindihan kung bakit, pero ipinaliwanag nilang gusto lamang nilang makita at matutuhan kung paano magdaos ng mga pag-aaral sa Bibliya. Sinabi ko sa kanila na kung hindi tututol at hindi mahihiya sa kanila ang estudyante sa Bibliya, puwede naman silang sumama. Karaniwan nang anim hanggang sampung sister ang sumasama, dahil alam nilang hindi magrereklamo ang estudyante sa Bibliya at hindi nga naman ito nagrereklamo. Pagkalipas ng ilang buwan, nakita ko ang maraming estudyante sa Bibliya na nagdaraos na rin ng sarili nilang pag-aaral sa Bibliya sa mga interesado. Noon ay dalawa pa lamang ang kongregasyon sa Volzhskiy. Pagkalipas ng sampung taon, nakapagtatag na sila ng 11 kongregasyon.”
SINAGOT ANG KANIYANG PANALANGIN
Maliwanag na nakatulong nang malaki ang mga teokratikong tagubilin hindi lamang sa mga kapatid na baguhan pa lamang sa katotohanan kundi pati sa mga kapatid na naglingkod kay Jehova nang maraming taon sa panahon ng pagbabawal. Nagugunita pa ni Hannu Tanninen: “Sa iba’t ibang kalagayan, madalas naming madama ang patnubay ng mga anghel
at masaksihan ang mga pangyayaring nagpahanga nang husto sa amin. Noong 1994, dumating kami sa isang bagong kongregasyon sa Novgorod, na tinatawag din ngayong Veliky Novgorod, at inihatid kami ng mga kapatid sa apartment na tutuluyan namin sa linggong iyon. Nadatnan namin sa apartment si Sister Maria, isang matanda nang kapatid na nagbiyahe nang mga 50 kilometro para lamang sa dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito. Limampung taon na siya sa katotohanan at pangarap niyang makilala ang isa sa mga unang tagapangasiwa ng sirkitong maglilingkod pagkatapos ng pagbabawal. Tinanong namin kung paano niya nalaman ang katotohanan. Ikinuwento niya na noong 17 anyos siya, nabilanggo siya sa isang kampong piitan sa Alemanya at doon niya nakilala ang mga Saksi ni Jehova. Tinanggap niya ang katotohanan at binautismuhan siya ng pinahirang sister sa kampo. Nang maglaon, pinalaya si Sister Maria, at umuwi siya sa Russia para mangaral ng mabuting balita ng Kaharian. Nang maglaon, inaresto siya at ibinilanggo dahil sa kaniyang pangangaral. Matagal siyang nabilanggo sa mga kampo ng puwersahang pagtatrabaho sa Sobyet.“Sa pagtatapos ng kuwento niya, naantig kami nang sabihin ng mapagpakumbabang sister na ito na ilang linggo na siyang nananalangin kay Jehova na ipakita sana sa kaniya kung may mali sa kaniyang pagsamba. Nang gabing iyon, binanggit ko sa kaniya na noong araw, may isang paksang tinalakay sa artikulong “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” ng Ang Bantayan. Sinabi roon na para magkabisa ang bautismo, dapat na isang Kristiyanong brother ang nagsagawa nito. Laking pasalamat ni Sister Maria. Nadama niyang sinagot ang kaniyang mga panalangin. Kaya natuwa siya nang bautismuhan siya sa bathtub. Limampung taon na ang nakalilipas mula nang mag-alay siya noong 1944.”
INIHATID ANG ESPIRITUWAL NA PAGKAIN SA 11 SONA NG ORAS
Sa pasimula ng 1991, ang mga literaturang nakaimpake sa maliliit na karton ay ipinadadala sa Russia mula sa Alemanya o Finland sa pamamagitan ng koreo. Noong Hulyo 1993,
dumating sa Solnechnoye ang unang trak mula sa Alemanya na may kargang 20 toneladang literatura. Nagsimula nang magdeliber sa Moscow, Belarus, at Kazakhstan ang mga trak mula sa sangay sa Russia. May kaakibat na mga hamon ito. Halimbawa, para maideliber ang mga literatura sa Kazakhstan, ang mga kapatid ay nagbibiyahe nang 5,000 kilometro papunta roon. Napakatagal bago sila makatawid sa mga border, at kung taglamig naman, nababalahaw sa niyebe ang kanilang mga trak.Sa ngayon, tumatanggap ang Solnechnoye ng mga 200 toneladang literatura buwan-buwan. Sinasamantala ng mga drayber ng Bethel ang bawat pagkakataon para makapagpatotoo sa mga guwardiya o sa mga opisyal ng adwana sa border. Gustung-gusto namang basahin ng ilan sa kanila ang mga literatura sa Bibliya. Sa isang inspeksiyon, nang malaman ng isang
pulis na ang trak ng Bethel ay pag-aari ng isang relihiyon, nagsisigaw siya at binatikos ang mga relihiyon. Ikinuwento niya kung paano siya pinagmumura ng isang pari na hinuli niya dahil sa mabigat na paglabag sa tuntunin ng trapiko. Ipinaliwanag sa kaniya ng mga brother kung paano nakikitungo ang Diyos sa mga tao at kung ano ang layunin Niya sa lupa at sa mga tao. Bumaba ang boses ng pulis at naging mabait. Nagsimula pa nga siyang magtanong kung kaya kinuha ng mga brother ang kanilang Bibliya at itinuloy ang nakapagpapatibay na pakikipag-usap sa kaniya. Naantig nang husto ang pulis anupat sinabi niya, “Maghahanap ako ng mga Saksi para ituloy ang ganitong pag-uusap.”Mula 1995 hanggang 2001, ang sangay sa Hapon ang nagdedeliber ng mga literatura sa mga kongregasyon sa Vladivostok, sa Malayong Silangan. Mula roon, isinasakay ng mga kapatid ang mga literatura sa barko para dalhin naman sa mga kongregasyon sa Kamchatka. Nakapalagayang-loob na ng mga kapatid na taga-Vladivostok ang mga kapitan ng ilang barko na naglalayag patungong Kamchatka. Isang kapitan ang pumayag na ilagay sa cabin niya ang mga literatura nang walang bayad at tumulong pa nga itong magbuhat ng mga literatura para isakay sa barko niya. “Bagaman hindi ako mananampalataya,” paliwanag niya sa mga kapatid, “gusto ko namang makagawa ng mabuti sa kapuwa. Natutuwa ako sa inyo, at gusto ko ang inyong pagiging organisado. Kapag dumadaong ako sa lugar ng paghahatiran, hindi ko na kailangang maghintay nang matagal bago maibaba ang mga literatura. Parang mga ibon ang inyong mga tauhan; dinadagit nila ang mga karton ng literatura at mabilis na inililipad palayo.”
KASUNOD NG PAGSULONG ANG MARAMING GAWAIN
Sa loob ng maraming taon, ang edisyong Ruso ng Ang Bantayan ay isang 16-na-pahinang magasin na lumalabas nang
minsan sa isang buwan, at inililimbag sa mas malaki-laking papel kaysa sa ginagamit ngayon. Lahat ng artikulong pinag-aaralan ay isinasalin sa wikang Ruso at ipinadadala sa mga kapatid sa Unyong Sobyet, pero napakatagal pa nitong lumabas pagkatapos mailathala ang Ingles. Ang mga artikulong pag-aaralan ay naaantala nang mula anim na buwan hanggang dalawang taon, at ang mga pangalawahing artikulo ay mas matagal bago lumabas. Simula noong 1981, ang edisyong Ruso ng Ang Bantayan ay inilalathala na bilang 24-na-pahinang magasin, at mula noong 1985, lumalabas na ito nang dalawang beses sa isang buwan. Ang unang apatang-kulay na 32-pahinang magasing inilimbag kasabay ng Ingles ay ang isyu ng Hunyo 1, 1990.Nagugunita pa ni Tanja, isa sa mga tagapagsalin: “Kung babalikan ang nakaraan, alam naming hindi nakaabot sa mga kahilingan para sa isang natural at madaling-maunawaang salin ang karamihan sa aming mga isinalin at inilimbag. Pero
iyon na ang pinakamahusay naming magagawa ayon sa mga kalagayan noon. At iyon ang pagkaing kailangan ng mga taong nagugutom noon sa espirituwal.”Matapos buksan ang gawain sa mga lupain ng dating Unyong Sobyet, puwede nang palaganapin ang ating mga literatura. Nasasabik nang tumanggap ng tulong ang mga Rusong tagapagsalin sa Alemanya. Dalawang bagong kaayusan ang nakatulong para mas gumanda ang kalidad ng pagsasalin. Una, tuwang-tuwa sila nang papuntahin sa sangay ng Alemanya ang ilang kapatid mula sa Russia at Ukraine para sanayin bilang mga tagapagsalin. Lima muna ang dumating noong Setyembre 27, 1991, at may iba pang sumunod. Kaya nagkaroon ng pagbabago sa grupo ng pagsasalin sa wikang Ruso. Hindi ito naging madali. Hindi agad naging “ginto” ang kanilang ‘kahoy at bato’ kundi dumaan muna ito sa sunud-sunod na yugtong binabanggit sa Isaias 60:17.
Ikalawa, nagsimula nang makinabang ang mga Rusong tagapagsalin mula sa mga nagawa ng katatatag na Translation Services Department. Isang seminar para sa mga tagapagsalin ang ginanap sa sangay sa Alemanya noong panahong naroroon sa Selters, Alemanya ang mga kapatid na taga-Russia.
Mas maganda kung gagawin ang pagsasalin sa mismong bansang gumagamit ng wikang isinasalin. Kaya magkahalong lungkot at pananabik ang nadama ng lahat nang umalis sa sangay sa Alemanya noong Enero 1994 ang grupo ng mga tagapagsalin sa wikang Ruso para lumipat sa Bethel na kasalukuyang itinatayo noon sa Solnechnoye.
Sa ilang kadahilanan, ang mga tagapagsalin na ilang dekada nang palihim na nagsasalin para sa kanilang mga kapatid na nakatira sa Unyong Sobyet ay hindi makakasama sa grupo ng mga Rusong tagapagsalin na babalik sa Russia. Mangyari pa, naging mahirap para sa grupo na iwan sila. Noong Linggo, Enero 23, 1994, hindi matapus-tapos ang iyakan at yakapan nang umalis sa Selters ang grupo ng 17 kapatid, kasama ang 2 pang brother na maglilingkod naman bilang special pioneer.
“AKO ANG DIYOS NG AKING PASYENTE”
Sa loob ng mga dekada sa Russia, ang pangmalas ng mga doktor at iba pang nagtatrabaho sa ospital sa relihiyon ng kanilang pasyente ay nakasalig sa kanilang ateistikong paniniwala at sa laganap na pagsasalin ng dugo sa mga ospital sa Sobyet. Kaya kapag hinihiling ng mga Saksi na gamutin sila nang walang pagsasalin ng dugo, ang kanilang mga doktor ay nagtataka o naiinis pa nga.
Madalas pa ngang sabihin ng mga doktor, “Dito, ako ang Diyos ng aking pasyente!” Kapag hindi siya pumayag sa gustong mangyari ng doktor, pinalalabas agad sa ospital ang pasyente. Bukod diyan, ang salig-Bibliyang paninindigang ito ng mga Saksi tungkol sa pagsasalin ng dugo ay madalas gamitin ng mga salansang para ipagbawal ang ating gawain sa Russia.
Noong 1995 sa sangay sa Russia, itinatag ang Hospital Information Desk para magbigay ng tumpak na impormasyon tungkol sa paninindigan ng mga Saksi ni Jehova sa mga propesyonal sa larangan ng medisina. Idinaos ang ilang seminar kung saan natutuhan ng mga elder mula sa mahigit 60 Hospital Liaison Committee kung paano magbibigay ng kinakailangang impormasyon sa mga doktor at iba pang propesyonal sa larangan ng medisina at kung paano makahahanap ng mga doktor na gagamot sa mga pasyenteng Saksi nang walang pagsasalin ng dugo.
Noong 1998 sa Moscow, idinaos ng mga Rusong doktor at ng mga kasamahan nila mula sa ibang bansa ang kauna-unahang internasyonal na komperensiya sa Russia na pinamagatang “Alternatibo sa Pagsasalin Kapag Nag-oopera.” Mahigit 500 doktor mula sa maraming rehiyon sa Russia ang dumalo sa komperensiya. Sa pagitan ng 1998 at 2002, nagkaroon ang mga Rusong doktor ng sapat na karanasan para magdaos ng maraming ganitong komperensiya sa ilang pangunahing lunsod sa Russia. Maganda ang naging resulta ng mga komperensiyang ito.
Sa kaniyang opisyal na liham, si Dr. A. I. Vorobyov, dating ministro ng kalusugan at head ng mga espesyalista sa dugo sa
Russian Federation, ay nagsabi sa mga abogadong nagtatanggol sa mga karapatan ng mga pasyenteng Saksi na dahil binago na ng mga doktor ang kanilang pananaw sa pagsasalin ng dugo, “ang bilang ng namamatay sa mga nagsisilang ng sanggol sa ating bansa ay nabawasan ng 34 na porsiyento.” Saka sinabi ni Dr. Vorobyov: “Bago nito, iniulat na walong ulit na mas maraming nagsisilang ng sanggol ang namamatay rito kaysa sa Europa dahil ang mga komadrona sa atin ay nagsasagawa ng di-kinakailangang pagsasalin ng dugo sa mga ina.”Noong 2001, ang ministri ng kalusugan ng Russian Federation ay naglabas ng tagubilin sa lahat ng ospital sa buong bansa. Isinasaad sa tagubilin na dapat igalang ng doktor ang pasyente kapag tumanggi itong magpasalin ng dugo dahil sa relihiyosong paniniwala. Noong 2002, inilabas ng ministri ng kalusugan sa Russia ang Tagubilin sa Paggamit ng mga Sangkap ng Dugo. Binabanggit ng mga regulasyong ito na magsasalin lamang sila ng dugo kapag nagbigay ng nakasulat na pahintulot ang pasyente. Sinasabi rin doon na kapag ang pasyente ay tumangging magpasalin ng mga sangkap ng dugo dahil sa relihiyosong paniniwala, dapat siyang gamitan ng alternatibong paraan ng paggamot.
Maraming doktor ang nagbago ng kanilang saloobin sa paggamit ng dugo matapos makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng Hospital Information Desk. Sinabi sa kanila ng isang siruhano: “Narinig ko mula sa mga [Saksing] pasyente at sa inyo na ang pagtanggi ninyong magpasalin ng dugo ay hindi lamang dahil sa ayaw ninyo kundi dahil utos ito ng Bibliya. Naisip kong suriin ito. Kaya binasa kong lahat ang mga teksto sa Bibliya na binanggit sa materyal na ibinigay ninyo sa akin. Pagkatapos kong magbulay-bulay, nakumbinsi akong salig nga sa Bibliya ang inyong paninindigan. Pero bakit kaya walang binabanggit ang aming mga pari tungkol dito? Sa ngayon, kapag napag-uusapan ang paksang ito, sinasabi ko sa ibang mga doktor na ang mga Saksi ay mga taong sumusunod sa Bibliya.” Sa kasalukuyan, mahigit 2,000 doktor sa Russia ang gumagamot nang walang dugo sa mga pasyenteng Saksi.
MASAYANG NAGLILINGKOD SA KANILANG ATAS
Sina Arno at Sonja Tüngler, nagtapos sa Gilead Extension School sa Alemanya, ay naglilingkod na sa iba’t ibang lunsod sa Russia mula pa noong Oktubre 1993. Kumusta kaya ang pagsulong ng gawain ni Jehova sa mga teritoryong pinaglingkuran nila? Pakinggan natin sila habang ikinukuwento ang kanilang mga karanasan.
Arno: “Dumating kami sa aming atas sa Moscow. Pagkaraan lamang ng ilang linggo, nagbigay na kami ng aming unang mga pahayag sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Pagkalipas ng anim na linggo sa Russia, nagbigay na ako ng aking unang pahayag sa asamblea. Inatasan kami sa isang kongregasyong may mga 140 bautisadong mamamahayag, at may teritoryong kasinlaki ng isang sirkito sa Alemanya! Malapit lang sa tinutuluyan namin ang una naming teritoryo.
Dahil kami ang kauna-unahang Saksi roon, sabik na sabik kaming mangaral sa bahay-bahay!”Sonja: “Bagaman wala pa kaming kaalam-alam sa wikang Ruso, nagpapatotoo na kami sa lansangan kahit kaming dalawa lamang, na nakikipag-usap sa mga tao at namimigay ng mga tract at literatura. Tinulungan kami nang husto ng mga kapatid, at madaling makipag-iskedyul sa kanila sa paglabas sa larangan. Napakababait nila at matitiyaga, at hinahayaan lang nila kaming magsalita sa wikang Ruso kahit mali-mali ang nasasabi namin. Matitiyaga rin ang mga may-bahay. Palibhasa’y bumagsak na ang Unyong Sobyet, interesadung-interesado ngayon ang mga tao sa relihiyon.”
Arno: “Napakalaking tulong sa pag-aaral ng wikang Ruso ang ministeryo sa bahay-bahay at pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya. Nang ikaapat na buwan na namin sa Russia, Enero 1994, nagdaraos na kami ng 22 pag-aaral sa Bibliya, kaya marami kaming pagkakataong makarinig at makapagsalita ng mga salitang ginagamit nila sa araw-araw.
“Noong panahong iyon, napakaraming nababautismuhan sa mga asamblea at mga kombensiyon; mga 10 porsiyento ng mga dumadalo o higit pa. Hindi lahat ng kongregasyon ay may sapat na kuwalipikadong brother para gawing elder at ministeryal na lingkod. May isang elder pa nga roon na naglilingkod bilang punong tagapangasiwa sa limang kongregasyon! Inanyayahan niya akong magpahayag sa Memoryal sa isa sa mga kongregasyong iyon. Ang dumalo ay 804, at kailangang umalis agad sila sa bulwagan pagkatapos na pagkatapos ng pahayag dahil gagamitin din iyon ng ibang kongregasyon. Nagkataon naman, nagkaroon ng aberya sa daan ang tagapagsalita nila kung kaya mahuhuli siya ng dating, kaya ako na naman ang nagpahayag. Ang dumalo sa kanila ay 796! Kaya sa dalawang kongregasyon lamang, 1,600 na ang dumalo sa Memoryal, na katunayan kung gaano kalaki ang interes ng mga tao sa katotohanan nang panahong iyon.”
‘PINABIBILIS’ NI JEHOVA ANG PAG-AANI
Sa kaniyang Salita, nangako si Jehova na ‘pabibilisin’ niya ang pagtipon sa “mga kanais-nais na bagay.” (Isa. 60:22; Hag. 2:7) Noong 1980, may 65 mamamahayag sa St. Petersburg na bagaman mahigpit na minamanmanan ng mga KGB ay nagagawa pa ring makipag-usap sa mga residente ng lunsod tungkol sa Bibliya. Pagsapit ng 1990, mahigit nang 170 Saksi ang nagsasagawa ng di-pormal na pagpapatotoo sa lansangan sa iba’t ibang lugar ng lunsod. Noong Marso 1991, nairehistro ang gawain ng mga Saksi sa Russia, at di-nagtagal, mayroon nang limang aktibong kongregasyon sa lunsod. Naging mabilis ang pagsulong dahil sa internasyonal na kombensiyon sa St. Petersburg noong 1992, at sa iba pang mga teokratikong okasyon. Noong 2006, mahigit 70 na ang aktibong kongregasyon sa St. Petersburg.
Noong 1995, iisa pa lamang ang kongregasyon sa Astrakhan, di-kalayuan sa border ng Kazakhstan. Wala itong elder o ministeryal na lingkod. Pero nakapagdaos pa rin sila ng pansirkitong
asamblea at araw ng pantanging asamblea. Ang mga pahayag sa programa ay ibinigay ng mga elder na naglakbay pa ng mahigit 700 kilometro mula sa Kabardino-Balkaria. Hindi pa alam ng mga kapatid na ito kung ilan ang mababautismuhan sa mga asambleang iyon. Nagugunita pa ni Roman Skiba: “Ako at ang isa pang elder ay dumating dalawang linggo bago ang asamblea para makasama kami ng kongregasyon sa paglabas sa larangan at para marepaso ang mga gustong magpabautismo. Pero hindi na kami nakalabas sa larangan. Naubos ang aming panahon sa pagrerepaso sa 20 kandidato sa bautismo!”Noong 1999 sa Yekaterinburg, inanyayahan ng mga kapatid ang mga negosyante sa palengke na dumalo sa Memoryal. Nagtanong ang mga negosyante kung puwede rin nilang isama ang mga kaibigan nila. Gulat na gulat ang mga Saksi nang mga 100 ang dumating sa bulwagan! Bagaman malaki ang inupahang bulwagan, mayroon pa ring nakatayo.
MGA PAG-AARAL SA BIBLIYA NA 50 ANG ESTUDYANTE
Nagsimula ang pangangaral sa Distrito ng Ivanovo, di-kalayuan sa Moscow, noong magtatapos ang 1991 nang lumipat doon sina Pavel at Anastasia Dimov. Napakalaki ng magiging trabaho nila—pangangaral sa isang teritoryong mahigit isang milyon ang residente. Paano kaya nila ito pasisimulan? Napagkaisahan nilang pasimulan ito sa simple at epektibong paraan: isang maliit na puwesto ng literatura. Naglagay sila ng isang puwesto sa pinakamalaking plasa sa lunsod at nagdispley ng mga brosyur, magasin, at mga aklat. Nilapitan ito ng mga nagdaraan at marami ang nagpakita ng interes. Lahat ng interesado sa katotohanan ay inanyayahang dumalo sa isang pulong para sa pag-aaral sa Bibliya. Ang mga pulong na ito ay hindi matatawag na pantahanang pag-aaral sa Bibliya dahil idinaraos ito sa mga upahang bulwagan at hanggang 50 ang dumadalo. Itinulad nila sa mga pulong ang pag-aaral na ito at hinati sa dalawang bahagi. Isinasaalang-alang muna nila ang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, at isinusunod ang pag-aaral sa isang artikulo mula sa Ang Bantayan. Tatlong beses sa isang linggo idinaraos ang pag-aaral na tumatagal nang tatlong oras bawat isa. May ganitong mga pag-aaral na idinaraos sa tatlong iba’t ibang lugar sa lunsod. Sa kaniyang ulat, palaging inilalagay ni Pavel na mayroon siyang tatlong pag-aaral sa Bibliya. Nang tanungin siya kung bakit kakaunti lamang ang kaniyang pinagdarausan ng pag-aaral samantalang ang karamihan sa mga mamamahayag ay may 10 hanggang 20, lumalabas na mga 50 pala ang mga interesadong dumadalo sa bawat pag-aaral! Maliwanag na pinagpala ni Jehova ang kaayusang iyon dahil di-nagtagal, marami sa mga interesadong iyon ang gusto nang makibahagi sa pangangaral ng mabuting balita. Minsan, pagkatapos ng pag-aaral, pinaiwan ni Pavel ang lahat ng gustong maging mamamahayag. Walang umalis, kung kaya silang lahat ay naging mamamahayag. Dumami ang mga puwesto ng literatura sa lunsod, at di-nagtagal, marami nang maliliit na puwestong punô ng mga literatura ang makikita sa mga plasa sa lunsod at parke.
Panahon na para baguhin ang paraan ng paglilingkod at pasimulan naman ang ministeryo sa bahay-bahay. Pero paano kaya ito magagawa gayong wala pa ni isa sa mga mamamahayag ang marunong magbahay-bahay? Ang lahat ng gustong matuto kung paano mangaral sa bahay-bahay ay sumama sa mag-asawang Dimov. Madalas na maraming mamamahayag ang gustong sumama. Kung minsan, sampu ang kasama ni Pavel sa isang bahay! Mabuti na lamang at hindi naman naaasiwa ang mga may-bahay, at natutuwa pa nga silang makipag-usap sa buong grupo. May ilan pa nga na pinapapasok ang buong grupo sa kanilang apartment.
Di-nagtagal, gusto nang mangaral ng mga bagong mamamahayag sa labas naman ng lunsod ng Ivanovo, kaya nag-organisa sila ng mga pagbibiyahe sa ibang lunsod sa Distrito ng Ivanovo. Lima-limampu silang bumibiyahe sa tren, at nagsisimula nang mangaral ang mga mamamahayag habang nagbibiyahe at pagkatapos ay naghihiwa-hiwalay na sila nang dala-dalawa. Habang iniisa-isa ang mga apartment, inaanyayahan nila ang mga tao na dumalo sa isang pulong na gaganapin nang gabing iyon. Sa pulong na iyon, nagpalabas ang mga brother ng mga video na ginawa ng mga Saksi ni Jehova. Nagbigay rin sila ng pahayag. Pagkatapos ng pulong, lahat ng naroroon ay inalok ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, at lahat ng gustong makipag-aral ay nagbigay ng kanilang adres sa mga brother. Dahil sa mga gawaing ito, nakapagtatag nang hanggang limang kongregasyon sa ilang lunsod ng Distrito ng Ivanovo.
Noong 1994, sa Ivanovo lamang, mayroon nang 125 mamamahayag, at 1,008 ang dumalo sa Memoryal. Nang taon ding iyon, 62 taga-Ivanovo ang nabautismuhan sa pandistritong kombensiyon. Isang kongregasyon sa loob lamang ng isang araw! Sa ngayon sa Distrito ng Ivanovo, 1,800 mamamahayag ng Kaharian ang abala sa gawain ng Panginoon.
NAGPUPULONG KAHIT SINASALANSANG
Sa ilang lunsod, hindi madaling makakuha ng pahintulot para makagamit ng mga istadyum para sa mga kombensiyon.
Halimbawa, sa Novosibirsk, sinulsulan ng klero ang mga salansang na magbarikada sa harap ng pasukan ng istadyum na pinagdarausan ng kombensiyon bilang protesta. Ganito ang mababasa sa isa sa mga karatula ng mga salansang na iyon: “Mag-ingat sa mga Saksi ni Jehova.” Pero hindi napansin ng mga nagpoprotesta na nabura na pala ang huling dalawang letra ng unang salita ng karatula, kaya ganito na ang mababasa: “Ingatan ang mga Saksi ni Jehova.”Noong 1998, nagkaproblema ang mga kapatid sa kanilang idaraos na pansirkitong asamblea sa Omsk. Dahil sa panggigipit ng mga salansang, sa araw mismo ng kombensiyon ay pinilit ng lokal na mga awtoridad ang direktor ng bulwagan na bawiin ang pahintulot niya sa mga Saksi na upahan ang bulwagan. Daan-daang delegado sa asamblea ang natipon sa labas ng bulwagan. Natakot ang direktor na baka saktan siya at sirain ang bulwagan kaya nakiusap siya sa mga brother na sabihin sa mga kapatid na huwag silang gagawa ng anumang karahasan. Kinalma siya ng mga brother, at sinabing walang sinuman sa kanila ang magbubuhat ng kamay laban sa kaninuman. Tahimik na nagkuhanan ng litrato ang mga delegado bilang alaala sa okasyon at nagsialis na sila. Napatunayan ng direktor na talaga ngang mapagpayapa ang mga Saksi ni Jehova. Pagkalipas ng dalawang linggo, idinaos ang asamblea sa ibang bulwagan. Huli na nang mabalitaan ng mga salansang ang tungkol sa asamblea kaya patapos na ang programa nang dumating sila para pigilin iyon.
ISANG KOMBENSIYONG “TINATANGLAWAN NG MGA BITUIN”
Mula Agosto 22 hanggang 24, 2003, isa sa ilang pandistritong kombensiyon sa wikang pasenyas ang nakaiskedyul sa lunsod ng Stavropol’ sa Caucasia. Dumating ang mga delegado mula sa 70 lunsod sa Russia. Pero nanganganib na kanselahin ang kombensiyon dahil sa matinding pagsalansang ng administrasyon ng lunsod na iyon. Isang araw bago ang kombensiyon, kinansela nga ng direktor ng bulwagan ang kontrata sa pag-upa. Pero noong Biyernes, Agosto 22, kinontrata ng mga brother ang administrasyon na nagpapalabas ng sirko para magamit nila ang kanilang arena.
Nagsimula ang programa sa ganap na alas 3:00 n.h., pero maya-maya pagkatapos ng intermisyon, biglang nawalan ng kuryente sa gusali. Matiyagang naghintay ang mga delegado sa kanilang kinauupuan, at nagsimula ulit ang programa pagkalipas ng isang oras nang magkakuryente na, anupat natapos sila nang alas 9:30 n.g.
Wala pa ring kuryente nang magsimula ang ikalawang araw ng kombensiyon sa ganap na alas 9:30 n.u. Maya-maya, nawalan naman ng tubig. Paano kaya maitutuloy ng mga kapatid ang kombensiyon nang walang tubig at kuryente? Pagtuntong ng alas 10:50 n.u., nagkaisa ang Komite ng Kombensiyon na buksan ang lahat ng pinto ng arena dahil maliwanag naman ang sikat ng araw sa labas. Nakaisip ng paraan ang mga kapatid. Inilabas ng mga brother ang malalaking salamin para pasinagan ng liwanag mula sa araw ang bulwagan at ang tagapagsalita. Pero nang maliwanag na sa lugar ng tagapagsalita, halos hindi naman niya makita ang kaniyang mga nota dahil nasisilaw siya sa sobrang liwanag! Kaya gamit ang ibang mga salamin, itinutok ng mga brother ang sinag ng araw sa isang malaking bolang nababalutan ng maliliit na salamin na nakabitin sa gitna ng arena. Napuno ng makikislap na liwanag ang arena kung kaya nakatuon na ngayon ang pansin ng tagapagsalita at ng mga tagapakinig sa programa. Ito ay naging isang pambihirang kombensiyon na “tinatanglawan ng mga bituin.” Sa ganiyan inilarawan ng mga delegado ang makikislap na liwanag sa madilim na arenang iyon na ginagamit sa sirko.
Maya-maya, nagdatingan sa arena ang alkalde at ilang opisyal ng lunsod. Nagulat sila nang makitang patuloy pa rin ang mga Saksi sa kanilang kombensiyon. Higit sa lahat, humanga sila sa paggawi ng mga delegado sa kombensiyon. Walang nagpoprotesta o nagrereklamo, at lahat ay nakatingin sa entablado. Ang hepe ng pulisya na sa umpisa’y galit na galit sa mga Saksi ay naantig sa kaniyang nakita anupat sinabi niya, “Sa totoo lang, gustung-gusto ko kayo, pero wala akong magawa dahil ayaw ng mga tao sa inyo.”
Umalis na ang mga opisyal at maya-maya’y nagkakuryente na rin sa arena. Bagaman gabi na nang matapos ang unang dalawang araw ng kombensiyon, nanatili pa rin ang mga delegado sa kanilang upuan hanggang sa pangwakas na panalangin. Sa kabila ng pagsalansang, pataas pa rin ang bilang ng mga dumalo. Nagsimula sa 494 noong Biyernes, naging 535 noong Sabado, at 611 naman noong Linggo! Sa pangwakas na panalangin, pinasalamatan si Jehova dahil sa pagpapahintulot niyang maidaos ang pambihirang kombensiyong iyon. Masayang nag-uwian ang mga delegado, na lalo pang tumatag sa kanilang paninindigang paglingkuran ang kanilang makalangit na Ama at purihin ang kaniyang pangalan.
PINUPURI NG MGA BINGI SI JEHOVA
Kabilang ang ilang bingi sa libu-libong delegado mula sa Unyong Sobyet na dumalo sa pantanging kombensiyon sa Poland noong 1990. Dahil napasigla sila sa kombensiyon, ang unang mga “manghahasik” na ito ay lalong naging masigasig sa pangangaral. Noon pa mang 1992, masasabing hinog na rin ang bahaging ito ng bukirin at na ang “aanihin ay marami.” (Mat. 9:37) Noong 1997, itinatag ang kauna-unahang kongregasyon sa wikang pasenyas, at di-mabilang na mga grupo sa wikang ito ang nakakalat sa bansa. Noong 2002, naitatag ang isang sirkito para sa wikang pasenyas—ang pinakamalaking sirkito sa buong daigdig pagdating sa lawak ng nasasakupan. Noong 2006, ang proporsiyon ng mga bingi sa bansa kung ihahambing sa mga mamamahayag ay 1 sa 300, samantalang sa mga hindi bingi ay 1 sa 1000.
Kailangang maisalin nang mahusay sa wikang pasenyas ang ating mga publikasyon. Noong 1997, nagsimula nang magsalin sa wikang pasenyas ang sangay sa Russia. Si Yevdokia, isa sa mga sister na bingi na kabilang sa pangkat ng pagsasalin sa wikang pasenyas, ay nagsabi: “Para sa akin, isang malaking pribilehiyo na makapaglingkod sa Bethel at makapagsalin ng ating mga publikasyon sa wikang pasenyas. Sa sanlibutan, walang tiwala ang mga tao sa mga bingi at mababa ang tingin sa kanila. Pero ibang-iba naman sa organisasyon ng Diyos. Una,
nakikita kong si Jehova mismo ay may tiwala sa aming mga bingi na maitawid ang katotohanan sa aming wika. Ikalawa, hindi kami naiilang kapag kasama ang mga lingkod ni Jehova at masayang-masaya kami sa pagiging bahagi ng malaking pamilyang ito.”ANG MABUTING BALITA SA BAWAT WIKA
Bagaman Ruso ang pangunahing wikang ginagamit sa komersiyo at edukasyon sa Unyong Sobyet, mga 150 iba pang wika ang ginagamit doon. Noong 1991, matapos mahati ang Unyong Sobyet sa 15 bansa, ang mga taong nagsasalita ng mga wikang iyon ay nagkainteres sa katotohanan, lalo na yaong mga nasa bago pa lamang nagsasariling mga bansa. Kasuwato ng Apocalipsis 14:6, gumawa ng sama-samang pagsisikap para maabot ang mga tao “sa bawat bansa at tribo at wika at bayan” sa napakalawak na teritoryong iyon. Dahil dito, kinailangang maglabas ng Ang Bantayan sa 14 na bagong wika sa teritoryo ng sangay sa Russia upang mapaglaanan ng espirituwal na pagkain ang sampu-sampung libong bagong mga alagad. Para mapadali ang pagpapalaganap ng mabuting balita, pinangasiwaan ng tanggapang pansangay sa Russia ang pagsasalin ng mga literatura sa mahigit 40 wika upang mas mabilis na makatagos at mapatimo sa puso ng mga tao ang katotohanan mula sa Bibliya.
Karamihan sa mga wikang ito ay ginagamit sa Russian Federation. Halimbawa, maririnig ang wikang Ossetiano sa mga lansangan sa Beslan at Vladikavkaz; ang wikang Buryat, na may koneksiyon sa wikang Mongolian, sa mga lugar sa paligid ng Lawa ng Baikal; ang Yakut, wikang Altaic-Turkic, na ginagamit ng mga tagapastol ng usang reno at ng iba pang naninirahan sa Malayong Silangan; at mga 30 pang ibang wika sa Caucasia. Ang Tatar ang sumunod sa Ruso na may pinakamalaking grupo sa Russia, anupat mahigit limang milyon ang nagsasalita nito, lalo na sa lugar na tinatawag na Tatarstan.
Karaniwan nang mas gusto ng mga nagsasalita ng Tatar na basahin ang mga literatura sa wikang Tatar, bagaman may ilan pa ring tumatanggap ng literatura sa wikang Ruso. Noong kampanya ng pamamahagi ng Kingdom News Blg. 35,
isang babaing nakatira sa liblib na lugar ang nakatanggap ng isang kopya ng Kingdom News at sumulat siya na padalhan siya ng brosyur na Hinihiling sa wikang Tatar. Isang sister ang nagpadala sa kaniya ng brosyur na may kalakip na liham, at sa tuwa ng babae, inabot nang walong pahina ang sagot niya. Di-nagtagal, nag-aral na siya ng Bibliya, gamit ang mga publikasyon sa wikang Tatar. Isang lalaking nakatanggap ng brosyur na Minamahal ba ng Diyos sa wikang Tatar ang nagsabing nabago ang pangmalas niya sa kalagayan ng daigdig dahil sa brosyur na iyon. Hindi mangyayari ang mga ito kung walang mga literatura sa wikang Tatar.Isang babaing nagsasalita naman ng wikang Mari ang nakatanggap ng Kingdom News Blg. 35. Pagkabasa niya nito, nagkaroon siya ng pagnanais na makaalam nang higit pa, pero wala namang nakatirang Saksi sa liblib na lugar nila. May nakilala siyang Saksi ni Jehova nang minsang pumunta siya sa lunsod, at nakatanggap siya ng aklat na Kaalaman at iba pang literatura sa wikang
Ruso. Matapos niya itong pag-aralang mag-isa, nagsimula na siyang mangaral sa kanilang lugar, at di-nagtagal nagtuturo na siya sa isang grupo ng mga interesado. Nang mabalitaan niyang magdaraos ng araw ng pantanging asamblea sa Izhevsk, nagbiyahe siya patungo roon sa pag-asang mababautismuhan siya. Pero pagdating niya sa asamblea, napag-alaman niya na dapat pala munang pag-aralan nang husto ang Bibliya bago ang bautismo, kaya gumawa ng kaayusan ang mga brother para mapagdausan siya ng pag-aaral sa Bibliya. Ang lahat ng ito ay dahil sa pagbabasa ng Kingdom News sa kaniyang sariling wika.Sa Vladikavkaz, iisa lamang ang kongregasyong gumagamit ng wikang Ossetiano, at sa panahon ng mga pansirkitong asamblea at pandistritong kombensiyon, hindi isinasalin sa wikang ito ang mga pahayag. Pero noong 2002, sa wakas ay isinalin din sa wikang ito ang mga pahayag. Tuwang-tuwa ang mga kapatid na nagsasalita ng Ossetiano! Kahit yaong mahuhusay sa wikang Ruso ay nagsabing naantig ang kanilang puso nang marinig nila sa kanilang sariling wika ang mensahe ng Bibliya. Nakatulong ito sa pagsulong ng kongregasyon at nakaakit ng maraming taga-Ossetia na alamin ang katotohanan. Noong 2006, naitatag ang isang sirkito sa Ossetia, at nagdaos ng mga pansirkitong asamblea sa wikang Ossetiano sa kauna-unahang pagkakataon.
Sa isang pagdalaw ng mga naglalakbay na tagapangasiwa sa isang grupo sa liblib na nayon ng Aktash, Altai, mga 30 katao ang nagkatipon sa isang apartment, bagaman iilan lamang sa kanila ang mamamahayag. Nakinig ang lahat sa pahayag pangmadla, pero nang magpapahayag na ang tagapangasiwa ng distrito, halos kalahati ng naroroon ay umalis. Pagkatapos ng pulong, tinanong ng tagapangasiwa ng distrito ang mga kapatid na tagaroon kung bakit maraming umalis. Isang may-edad nang babaing Altaic ang sumagot sa putul-putol na wikang Ruso, “Importante nga ang ginagawa ninyo, pero halos wala akong maintindihan!” Nang muling dumalaw ang tagapangasiwa ng sirkito, mayroon nang nagsalin sa wikang
Ossetiano ng kaniyang mga pahayag, at lahat ay nanatiling nakaupo at nasiyahan sa buong programa.Malaki ang populasyon ng mga dayuhang estudyante sa lunsod ng Voronezh. Noong 2000, isang ministeryal na lingkod na marunong ng wikang Tsino ang nag-organisa ng ilang kurso sa wikang-Tsino. Maraming Saksi ang tumugon sa pangangailangang ito at unti-unti na silang nangaral sa mga estudyanteng Tsino. Napakahirap ng wikang Tsino, pero hindi sumuko ang mga kapatid. Noong Pebrero 2004, inorganisa sa lunsod ang kauna-unahang pag-aaral sa aklat sa wikang Tsino. Pagdating ng Abril, nabautismuhan ang kauna-unahang Tsinong estudyante sa Bibliya, at pagkalipas ng dalawang buwan, sinundan ito ng isa pa. Sa ngayon, ang pag-aaral sa aklat ay regular na dinadaluhan ng mga grupo ng mga interesado, at mga 15 pag-aaral sa Bibliya ang idinaraos sa wikang Tsino. Habang nakararating ang mabuting balita sa lahat ng lugar sa napakalawak na teritoryong ito, patuloy ang sangay sa Russia sa pagsusuplay ng mas maraming literatura sa mas maraming wika.
SINASANAY ANG MGA PAYUNIR
Ilang taon na ring idinaraos ang Pioneer Service School sa Russia. Ang bawat klase ay binubuo ng 20 hanggang 30 na karamiha’y mga tagaroong payunir na hindi na kailangang magbiyahe nang napakalayo para makadalo sa paaralan. Pero hindi pa ganito noong unang idaos ang paaralan sa Russia. Nagugunita pa ni Roman Skiba: “Ang Pioneer Service School na hinding-hindi ko malilimot ay yaong idinaos sa Yekaterinburg noong 1996. Mahigit 40 payunir ang dumalo roon. Para makadalo sa paaralan, marami ang nagbiyahe nang daan-daang kilometro at ang ilan ay mga 1,000 kilometro.”
Mula pa noong 1997, regular pioneer na si Svetlana sa teritoryo ng wikang pasenyas. Noong Enero 2000, dumalo siya sa paaralan para sa mga payunir sa wikang pasenyas. Pagkatapos ng pag-aaral, ikinuwento ni Svetlana kung paano siya natulungan ng paaralan na pasulungin ang kalidad ng kaniyang ministeryo at maunawaan kung paano dapat gumawi ang isang Kristiyano sa loob ng pamilya at sa kongregasyon. Sinabi niya:
“Unti-unti akong nakadama ng higit na pagmamahal sa kapuwa. Nakita ko ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa mga kapatid, at tinatanggap ko na ngayon ang payo nang maluwag sa kalooban. Malaki rin ang isinulong ng kalidad ng aking pagtuturo sa Bibliya dahil gumagamit na ako ngayon ng mga ilustrasyon.”Si Alyona na tumutulong sa mga bingi upang makaalam ng katotohanan ay isang payunir sa Khabarovsk, isang lunsod sa Malayong Silangan. Para maging mas mabisa sa paggawa nito, gusto sanang makadalo ni Alyona sa Pioneer Service School sa wikang pasenyas. Ano kayang problema ang napaharap sa kaniya? Ang sabi ni Alyona: “Ang pinakamalapit na paaralan para sa mga payunir sa wikang pasenyas ay idinaos sa Moscow, na 9,000 kilometro ang layo mula sa Khabarovsk. Para makadalo sa paaralan, kinailangan kong magtren nang walong araw papunta at walong araw din pauwi.” Pero ni bahagya man, hindi niya iyon pinagsisihan!
Bukod sa mga paaralang tumutulong sa wikang pasenyas, daan-daan pang Pioneer Service School ang idinaos sa Russia mula 1996 hanggang 2006. Ang pagsasanay na ito sa mga payunir ay malaking tulong sa pagsulong ng gawaing pangangaral at ng mga kongregasyon. Nagugunita pa ni Marcin, kasalukuyang naglilingkod bilang tagapangasiwa ng sirkito: “Noong 1995, inatasan ako bilang special pioneer sa Kongregasyon ng Kuntsëvo sa Moscow. Nang dumalo ako sa pahayag pangmadla at sa Pag-aaral sa Bantayan, aba, para itong isang asamblea! Mga 400 ang naroroon sa bulwagan. Ang kongregasyon noon ay may 300 mamamahayag. Wala pang sampung taon ang nakalipas, sampung bagong kongregasyon ang naitatag mula sa orihinal na kongregasyong iyon!
“Sa aking paglilingkod bilang tagapangasiwa ng sirkito noong 1996 at 1997, nasaksihan ko ang kahanga-hangang pagsulong ng sirkito. Dumalaw ako sa isang kongregasyon sa bayan ng Volzhskiy, Distrito ng Volgograd, at bumalik ako roon pagkalipas ng anim na buwan. Sa pagbalik kong iyon, 75 ang bagong mamamahayag sa kongregasyong iyon. Para itong isang
bagong kongregasyon! Mahirap ipaliwanag ang espiritung ipinakikita ng mga baguhan at masisigasig na mamamahayag na ito. Ang mga pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan, na ginaganap sa isang apartment na nasa mataas na gusali, ay regular na dinadaluhan ng hanggang 80 indibiduwal. Nasa hagdan na lamang ang marami dahil hindi na sila kasya sa loob ng apartment.”NILULUWALHATI NG MGA KABATAAN SI JEHOVA
Maraming kabataan ang nagpapakita ng interes sa mensahe ng Kaharian kahit sinasalansang sila ng kanilang mga magulang. Ganito ang kuwento ng isang 20-anyos na sister: “Noong 1995 nang siyam na taóng gulang ako, nangaral ang mga Saksi ni Jehova sa aking mga magulang, pero ayaw nilang tanggapin ang katotohanan. Interesado akong matuto nang higit pa tungkol sa Diyos. Mabuti na lamang, nagsimulang makipag-aral ng Bibliya ang isa kong kaibigan at kaeskuwela, at nakisali ako sa kanilang pag-aaral. Nang malaman ito ng aking mga magulang, pinagbawalan nila akong makisama sa mga Saksi. Kung minsan, ikinukulong nila akong mag-isa sa apartment para hindi ako makasama sa pag-aaral. Nagpatuloy ito hanggang sa sumapit ako sa hustong gulang. Umalis ako sa amin para mag-aral sa ibang lunsod at may nakilala akong mga Saksi roon. Tuwang-tuwa ako nang makapag-aral ulit ako ng Bibliya! Unti-unti akong nakadama ng taimtim na pag-ibig kay Jehova kung kaya nagpabautismo ako sa isang pandistritong kombensiyon noong 2005. Pagkatapos ng bautismo, agad akong nag-auxiliary pioneer. Sa ngayon, hindi na ako hinahadlangan ng aking mga magulang sa paggawa ng isang bagay na napakahalaga sa akin mula pa sa aking pagkabata.”
Ganito naman ang nagugunita ng isa pang sister: “Noong 1997 nang 15 anyos ako, inalok ako ng mga Saksi ng isang kopya ng Gumising! Gustung-gusto ko ang titulo ng magasin at ang nilalaman nito, at gusto kong makatanggap nito nang regular. Nang malaman ni Itay na nagbabasa ako ng magasing ito, pinagbawalan niya ang mga Saksi na pumunta sa bahay namin. Nang maglaon, nagsimulang makipag-aral ng Bibliya sa mga
Saksi ni Jehova ang aking pinsan, at noong mga unang buwan ng 2002, sumama na ako sa kaniya sa pagdalo sa mga pulong sa Kingdom Hall. Narinig ko roon na ang mga Saksi ni Jehova pala ay naglilingkod bilang mga misyonera, at nagkaroon ako ng masidhing hangaring makatulong sa iba na makaalam tungkol sa Diyos. Pero ipinaliwanag sa akin ng aking pinsan na dapat ko munang itigil ang paninigarilyo, iayon ang aking buhay sa kalooban ng Diyos, at maging lingkod ng Diyos. Sinunod ko ang payo niya, at pagkalipas ng anim na buwan, nagpabautismo ako at agad na nag-auxiliary pioneer. Natutuwa ako’t nagkaroon ng tunay na layunin ang aking buhay.”PAGHAHANAP NG MGA “KANAIS-NAIS NA BAGAY” SA SAKHA
Kasama sa isang sirkito ang Distrito ng Amur at ang buong teritoryo ng Sakha. Noong 2005 taon ng paglilingkod, idinaos
sa kauna-unahang pagkakataon ang pansirkitong asamblea at araw ng pantanging asamblea sa Yakutsk, kabisera ng Sakha. Nakatutuwang makita ang mga katutubong dumalo sa mga asambleang ito.Para hindi mahirapan ang mga kapatid, ang sirkito ay hinati sa lima, na bawat isa’y nagdaos ng sarili nitong asamblea. Ang biyahe ng mga naglalakbay na tagapangasiwa mula sa isang asamblea papunta sa susunod na asamblea ay umaabot nang 24 na oras sa tren, pagkatapos ay 15 oras sa kotse, at 3 oras sa eroplano.
Napakaginaw ng taglamig sa teritoryong iyon, anupat ang temperatura ay umaabot nang -50 digri Celsius o mas mababa pa. Gayunman, nangangaral pa rin ang mga mamamahayag doon hindi lamang sa napakatataas na apartment kundi pati sa bahay-bahay.
Noong unang mga buwan ng 2005, nakabuo sila ng dalawang grupo ng mga mamamahayag. Ang isang grupo ay nasa nayon ng Khayyr, 80 kilometro papasok mula sa dalampasigan ng Dagat Laptev sa gawing itaas ng Arctic Circle. Nasa 500 ang populasyon sa nayong iyon, at 4 dito ay mga Saksi. Noong 2004, ang dumalo sa Memoryal na ginanap sa nayong iyon ay 76. Para madalaw ang grupo roon, ang tagapangasiwa ng sirkito ay nagbibiyahe muna nang mga 900 kilometro sakay ng eroplano, pagkatapos ay mahigit 450 kilometro sakay ng kotse sa mga kalsadang nababalot ng niyebe.
Ang isang grupo naman ay itinatag sa liblib na nayon ng Ust’-Nera, 100 kilometro mula sa nayon ng Oymyakon. Ang temperatura sa rehiyong ito ay umaabot kung minsan nang -60 digri Celsius kung taglamig. Para makadalo sa pansirkitong asamblea noong nakaraang taon, ang mga mamamahayag sa grupong ito ay nagbiyahe lulan ng dalawang sasakyan. Kinailangan nilang magbiyahe nang mga tig-2,000 kilometro papunta’t pabalik, sa halos liblib, walang-taong mga daan sa temperaturang -50 digri Celsius.
Iniulat ng isang tagapangasiwa ng sirkito ang isang magandang karanasang nangyari sa taas na 4,000 metro. “Noong
kampanya ng pamamahagi ng brosyur na Patuloy na Magbantay!, sunud-sunod na asamblea ang idinaraos sa aming sirkito. Ako at ang tagapangasiwa ng distrito ay nasa eroplano noon patungo sa susunod na asamblea. Sayang at naubusan na kami ng itinatampok nating brosyur, kaya ang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? ang inialok namin sa stewardess. Sinabi niyang may nagbigay na sa kaniya ng ilang literatura sa Bibliya at nagulat kami nang ipakita niya sa amin ang isang kopya ng brosyur na Patuloy na Magbantay! Tuwang-tuwa kami sa sipag ng mga kapatid! Habang nag-uusap kami, napadaan ang katulong na piloto. Dahil nagustuhan niya ang aming pinag-uusapan, nakisali siya, at halos buong biyahe kaming nag-usap-usap. Natuwa siya sa aming pag-uusap kaya kumuha siya ng ilang magasin para ipamigay sa mga kasamahan niyang piloto.”ANG MABUTING BALITA SA SAKHALIN
Noong mga huling buwan ng dekada ng 1970, ang mga Saksi ay dumating sa Sakhalin, isang isla sa gawing itaas ng Hokkaido, ang pinakadulong hilaga ng Hapon. Hinimok ng mga brother na taga-Vladivostok na nangangasiwa sa gawaing pangangaral sa rehiyon si Sergey Sagin na palawakin ang kaniyang ministeryo at lumipat sa isla para mangaral sa mga naninirahan doon. Habang nagtatrabaho sa daungan, sinikap ni Sergey na kausapin ang ibang trabahador tungkol sa Bibliya. Di-nagtagal, nagdaraos na siya ng ilang pag-aaral sa Bibliya. Bagaman napilitan si Sergey na umalis sa isla, nang maglaon ay namunga roon ang binhi ng katotohanan.
Ang mga kombensiyon sa Poland noong 1989 at 1990 ay nagpakilos sa maraming Saksi sa Russia na palawakin ang kanilang ministeryo at lumipat kung saan mas malaki ang pangangailangan. Noong 1990, umalis sina Sergey at Galina Averin sa Khabarovsk, sa Malayong Silangan at lumipat sa Korsakov, sa Sakhalin. Pagkalipas ng ilang buwan, dalawang payunir at ilang mamamahayag ang lumipat sa Yuzhno-Sakhalinsk, kung saan iisa pa lamang ang Saksi.
Si Pavel Sivulsky, isa sa dalawang payunir na limipat at anak ni Pavel Sivulsky na naunang binanggit, ay naglilingkod
ngayon sa Bethel. Nagugunita pa niya: “Nang dumating kami sa Yuzhno-Sakhalinsk, ako at ang isang brother ay tumuloy muna sa otel, dahil wala pa kaming nakikitang matutuluyan. Sinimulan naming magbahay-bahay sa palibot ng otel at sa aming pakikipag-usap, nagtatanung-tanong na rin kami kung may alam silang matutuluyan namin na puwedeng upahan. May mga nakakausap kaming nagtatanong naman sa amin kung saan puwedeng ipagpatuloy ang pag-uusap tungkol sa Bibliya, pero sinasabi namin sa kanila na nasa otel pa kami at kapag nakakita na kami ng matutuluyan saka namin sila aanyayahan. Marubdob kaming nanalangin kay Jehova na tulungan sana kaming makakita ng trabaho at tuluyan. Sinagot naman ni Jehova ang aming panalangin. Di-nagtagal, nakakita rin kami ng trabaho at apartment. Inanyayahan kami ng isang may-bahay na doon na tumira sa kaniyang apartment. Hindi na niya kami pinagbayad at ipinagluluto pa nga niya kami ng pagkain, na nakatulong sa amin para magkaroon ng mas maraming panahon sa pangangaral. Pinatunayan sa amin ni Jehova na hindi niya kami pinababayaan. Di-nagtagal, nakapagdaraos na kami ng mga pag-aaral sa Bibliya at nakapag-oorganisa na rin ng mga grupo sa pag-aaral sa aklat. Pagkalipas ng dalawang buwan, umupa kami ng isang bahay at doon kami nagdaos ng mga pulong.”Habang lumalaki ang kongregasyon, maraming baguhang mamamahayag ang nagpayunir. Nagpamalas sila ng espiritu ng pagpapayunir at lumipat sa ibang lugar sa isla para palaganapin ang katotohanan sa mga naninirahan doon. Saganang pinagpala ni Jehova ang masigasig na paglilingkod ng mabungang kongregasyong iyon, at pagkalipas ng tatlong taon, noong 1993, walong kongregasyon ang itinatag mula sa orihinal na kongregasyon!
Nang maglaon, maraming mamamahayag ang umalis sa isla dahil sa problema sa kabuhayan at para na rin mapalawak ang kanilang ministeryo. Tulad ng dati, palaging may kasunod na pagsulong ang gayong mga pagsisikap. Sa ngayon, isang magandang Kingdom Hall ang nakatayo sa sentro ng bayan ng
Yuzhno-Sakhalinsk, at mayroon nang siyam na kongregasyon at apat na grupo sa islang iyon, na bumubuo ng isang sirkito.BAGAMAN MARAMING SUMASALANSANG, NABUBUKSAN PA RIN ANG PINTO
Noong unang siglo, sinabi ni apostol Pablo: “Isang malaking pinto na umaakay sa gawain ang binuksan sa akin, ngunit maraming sumasalansang.” (1 Cor. 16:9) Pagkalipas ng dalawang libong taon, ganoon pa rin karami ang mga sumasalansang. Mula 1995 hanggang 1998, ang tanggapan ng tagausig sa Moscow ay apat na beses na nagsampa ng kasong kriminal laban sa mga Saksi. Inakusahan ang mga Saksi ni Jehova ng pag-uudyok sa mga tao na maging panatiko, ng pagwasak sa mga pamilya, pakikibahagi sa mga gawaing laban sa Estado, at panghihimasok sa karapatan ng ibang mamamayan. Nang hindi nila mapatunayan ang mga akusasyong ito, kasong sibil naman ang isinampa laban sa mga Saksi noong 1998 at tulad ng naunang akusasyon, wala rin itong basehan.
Pagkalipas ng mga isang taon, muling inirehistro ng ministri ng katarungan ang Administrative Center of Jehovah’s Witnesses sa Russia, bilang pagkilala na hindi layunin ng mga Saksi ni Jehova na udyukan ang mga tao na mapoot sa ibang relihiyon, wasakin ang mga pamilya, o manghimasok sa karapatang pantao, at hindi rin ito ang layunin ng kanilang mga literatura. Pero mapilit pa rin ang tanggapan ng tagausig na sampahan ulit ng demanda ang mga Saksi!
Nakita ng ilang propesor sa mga pag-aaral tungkol sa relihiyon na tanging sa Bibliya lamang ibinabatay ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang mga paniniwala. Ganito ang sinabi ni Dr. N. S. Gordienko, propesor sa mga pag-aaral tungkol sa relihiyon sa Herzen Russian State Pedagogical University sa St. Petersburg: “Hindi naiisip ng mga eksperto na kapag inaakusahan nila ang mga Saksi ni Jehova dahil sa kanilang mga turo, ang talagang inaakusahan nila ay ang Bibliya.”
Magkagayunman, ipinasiya pa rin ng Moscow City Court na alisan ng legal na karapatan ang mga Saksi ni Jehova sa Moscow. Pero hindi pa rin napigil ang mga kapatid sa pagtupad sa Mat. 28:19, 20) Sa kasalukuyan, nirerepaso ng European Court of Human Rights ang desisyon ng Moscow City Court.
utos ng Bibliya na ibahagi ang mabuting balita sa iba. Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na ang mga mamamayan ng Moscow ang may karapatang magpasiya kung ano ang gusto nilang paniwalaan. Ang paghihigpit sa karapatang ito ay panghihimasok sa kalayaan ng bawat residente ng Moscow. Kaya patuloy pa rin ang mga Saksi sa Moscow sa pagtupad sa utos ni Jesu-Kristo na mangaral at gumawa ng mga alagad. (Noong Setyembre 1998, nang unang magsimula ang mga pagdinig sa pagtatangkang ubusin ang mga Saksi ni Jehova sa Moscow, 43 ang kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova roon. Pagkalipas ng walong taon, naging 93 na ang mga ito! Nangako si Jehova sa kaniyang bayan: “Anumang sandata na aanyuan laban sa iyo ay hindi magtatagumpay.” (Isa. 54:17) Noong 2007, nagdaos ang mga Saksi ni Jehova ng kanilang pandistritong kombensiyon sa Luzhniki Stadium sa Moscow, na minsan nang pinagdausan ng Olympics. Ang kombensiyong iyon ay dinaluhan ng 29,040, at 655 ang nabautismuhan.
DAKILA ANG PANGALAN NG DIYOS SA RUSSIA
Gaya ng mababasa sa Malakias 1:11, sinabi ng Diyos na Jehova: “Mula sa sikatan ng araw hanggang sa lubugan nito ay magiging dakila ang aking pangalan sa gitna ng mga bansa.” Sa bawat pagsikat ng araw, naroroon ang pag-asang makasusumpong ulit ng isa pang tupa sa napakalawak na bansang ito. Noong nakaraang taon ng paglilingkod lamang, mahigit pitong libo ang nabautismuhan sa Russia. Isa itong matibay na patotoo na ang “Tsar ng mga Tsar,” gaya ng tawag kay Jesu-Kristo sa Bibliyang Ruso, ay kasama ng kaniyang mga sakop sa pagsasagawa nila ng gawaing pangangaral.—Mat. 24:14; Apoc. 19:16.
“Ang araw ni Jehova ay darating na gaya ng isang magnanakaw,” ang sabi ni apostol Pedro. (2 Ped. 3:10) Dahil dito, determinado ang bayan ni Jehova sa Russia na gamitin ang natitirang panahon sa paghanap sa mga wastong nakaayon mula sa bawat bansa, tribo, wika, at bayan.
[Talababa]
a Tingnan ang artikulong “Ang mga Altaic—Mga Taong Napamahal sa Amin” sa isyu ng Gumising!, Hunyo 22, 1999.
[Blurb sa pahina 110]
“Kung may nakita kami sa rekord na masamang ginawa ninyo, kahit isang maliit na pagkakamali lamang, pinagbabaril na sana namin kayo”
[Blurb sa pahina 128]
“Kung palalayain namin kayo, maraming mamamayang Sobyet ang sasama sa inyo. Kaya nga para sa amin, isa kayong napakalaking banta sa aming Estado”
[Blurb sa pahina 219]
“Parang mga ibon ang inyong mga tauhan; dinadagit nila ang mga karton ng literatura at mabilis na inililipad palayo”
[Kahon/Larawan sa pahina 69]
Siberia
Ano ang sumasagi sa isip mo kapag nababanggit ang Siberia? Nakikini-kinita mo ba ang isang liblib at walang-naninirahang iláng kung saan sobrang ginaw kung taglamig? Naguguniguni mo ba ang isang tiwangwang na lupain, na tapunán ng mga napag-iinitan ng pamahalaang Sobyet? Tama ka, pero bahagi lamang iyan ng kabuuang larawan.
Ang Siberia ay isang napakalaking rehiyon. Mas malaki pa ito sa Canada na ikalawa sa pinakamalaking bansa sa daigdig. Sa ngayon, ang Siberia ay may lawak na mahigit 13 milyon kilometro kuwadrado, mula sa Kabundukan ng Ural hanggang Karagatang Pasipiko sa silangan at mula sa Mongolia at Tsina hanggang Karagatang Artiko sa hilaga. Isang lupain ito na sagana sa likas na yaman—troso, langis, at natural na gas. Sa Siberia ay may mga bundok, kapatagan, latian, lawa, at malalaking ilog.
Sa loob ng halos isang siglo at kalahati, ang Siberia ay ginawang dalahan ng mga bilanggo, mga taong sapilitang pinagtatrabaho, at mga tapon. Noong mga dekada ng 1930 at 1940, milyun-milyon ang ipinadala ni Joseph Stalin para magtrabaho sa mga kampo roon. Noong 1949 at 1951, mga 9,000 Saksi ni Jehova mula sa Moldova, mga republika ng Baltic, at Ukraine ang ipinatapon sa Siberia.
[Kahon/Mga Larawan sa pahina 72, 73]
Maikling Impormasyon
Lupain
Bilang pinakamalaking bansa sa daigdig, ang Russia ay may lawak na 7,700 kilometro mula silangan hanggang kanluran at 3,000 kilometro naman mula hilaga hanggang timog na may kabuuang 17,075,400 kilometro kuwadrado. Halos mapangalahatian ng Russia ang buong Hilagang Hemisperyo anupat saklaw nito ang 11 sona na may iba’t ibang oras. Nasa Russia ang pinakamahabang ilog sa Europa at pinakamalalim na lawa sa buong daigdig.
Mamamayan
Mga Ruso ang bumubuo ng 80 porsiyento ng populasyon. Pero mahigit 70 iba pang mga lahi ang naninirahan sa Russia. Ang ilan sa mga ito ay binubuo ng ilang libong mamamayan, at ang iba naman ay mahigit isang milyon.
Wika
Ruso ang opisyal na wika at ginagamit ng halos lahat ng mga tagarito. Bukod diyan, mahigit 100 iba pang wika ang ginagamit, na ang ilan sa mga ito ay inang wika ng halos isang milyon katao.
Kabuhayan
Russia ang isa sa pangunahing pinanggagalingan ng langis at natural na gas sa buong daigdig. Ang iba pang pangunahing industriya ay panggugubat, pagmimina, at mga pabrika.
Pagkain
Ang masusustansiyang pagkain na may karne, isda, repolyo, o tokwa ay iniuulam sa mamula-mulang rye bread at patatas. Ang pagkain ng mga Ruso ay maraming taba at carbohydrate na nagbibigay ng enerhiyang kailangan para makatagal sa mahahabang taglamig. Ang karaniwang pagkain ay pelmeni (siomai) na sinabawan o nilagyan ng sour cream sa ibabaw o kaya naman ay piroshki (empanada) na may palamang repolyo, karne, keso, o patatas. Paborito nilang sopas ang borscht, o sopas na beet, at shchi, o sopas na repolyo.
Klima
Maalinsangan ang tag-init, at madilim at maginaw naman ang taglamig. Maikli lamang ang tagsibol at taglagas kung kaya mahaba ang tag-araw at taglamig.
(Mga Mapa ng Russia sa pahina 167)
[Mga larawan]
Ang Kremlin
Mount El’brus, Kabardino-Balkaria
“Brown bear,” Kamchatka Peninsula
[Kahon sa pahina 92, 93]
Pagsisikap na Mawagi ang Puso at Isip
Hindi naman gusto ng pamahalaang Sobyet na lipulin ang mga Saksi. Ang layunin nito ay kumbertihin sila sa ideolohiya ng Sobyet sa pamamagitan ng panghihikayat o pamumuwersa. Para magawa ito, ginamit ng pamahalaan ang KGB—isang ahensiyang nangangalap ng mga impormasyon para sa seguridad ng bansa. Narito ang ilan sa mga paraang ginamit ng KGB.
Paghahalughog: Ginagawa ito sa mga bahay ng mga Saksi, kahit sa gabi. Napipilitan ang ilang pamilya na lumipat ng bahay dahil sa madalas na paghahalughog.
Pagmamanman: Lihim nilang pinakikinggan ang usapan sa telepono, hinaharang ang mga liham, at naglalagay sila ng mga aparato sa mga bahay ng mga kapatid para mapakinggan ang kanilang usapan.
Pagmumulta at paggambala sa mga pulong: Sa buong bansa, minamanmanan ng mga awtoridad ang mga lugar na pinagpupulungan ng mga kapatid. Pinagmumulta ang lahat ng naroroon. Kadalasan nang kalahati o higit pa sa katamtamang suweldo sa isang buwan ang multa.
Panunuhol at pananakot: Pinapangakuan ng KGB ang ilang Saksi na bibigyan sila ng kotse at apartment sa sentro ng Moscow kapalit ng kanilang pakikipagtulungan. Pero kadalasan, binabalaan ang mga kapatid na ibibilanggo sila nang maraming taon sa mga kampo ng puwersahang pagtatrabaho kung hindi sila makikipagtulungan.
Propaganda: Sa mga pelikula, telebisyon, at pahayagan, inilalarawan
ang mga Saksi bilang panganib sa lipunan. Nagbibigay sila ng mga lektyur sa mga bilangguan at mga kampo para tuligsain ang mga kapatid na diumano’y gumagamit ng Bibliya upang hindi mahalata ang kanilang pulitikal na layunin. Nagbunga ito ng diskriminasyon; ang mga estudyanteng Saksi ay binibigyan lamang ng mabababang marka, at ang mga empleadong kapatid naman ay pinagkakaitan ng mga benepisyo o mga bakasyong karapatan naman nila.Pagpasok sa organisasyon para mag-espiya: Ang mga miyembro ng KGB ay nagkukunwang interesado sa mensahe ng Kaharian, nakikipag-aral at nagpapabautismo. Nagawa pa nga ng ilan na makahawak ng mga pananagutan sa loob ng organisasyon. Gumagawa sila ng mga paraan upang magduda at mag-away-away ang mga Saksi.
Pagpapatapon: Ipinatatapon nila ang mga Saksi sa mga liblib na lugar sa bansa. Doon ay kailangang magbanat ng buto ang mga kapatid sa loob ng 12 oras araw-araw para mabuhay. Kung taglamig, kalaban nila ang sobrang ginaw; kung tag-araw naman, ang mga lamok at langaw na nangangagat.
Pagkumpiska at paghihiwalay: Kinukumpiska nila ang mga bahay at lupa, at ari-arian. Kung minsan, inihihiwalay nila ang mga bata sa kanilang mga magulang na Saksi.
Panunuya at pambubugbog: Iniinsulto nila at tinutuya ang maraming Saksi, pati na ang mga babae. Buong-kalupitan nilang binubugbog ang ilan.
Pagkabilanggo: Pinipilit nila ang mga Saksi na talikuran ang kanilang pananampalataya at kung hindi, inihihiwalay sila sa kanilang mga kapatid.
Mga kampo ng puwersahang pagtatrabaho: Halos maubusan na ng lakas ang mga Saksi sa loob ng mga kampong ito. Madalas ipahukay sa kanila ang napakalalaking tuod. Nagtatrabaho rin ang mga kapatid sa mga minahan ng karbon, gumagawa ng mga kalsada at mga riles ng tren. Nakatira ang mga trabahador na ito sa mga baraks na hiwalay sa kani-kanilang pamilya.
[Kahon/Larawan sa pahina 96, 97]
Dalawang Beses Akong Sinentensiyahan ng Kamatayan
PYOTR KRIVOKULSKY
ISINILANG 1922
NABAUTISMUHAN 1956
MAIKLING TALAMBUHAY Nag-aral siya sa seminaryo bago niya natutuhan ang katotohanan. Gumugol siya ng 22 taon sa mga bilangguan at mga kampo at namatay noong 1998.
NOONG 1940, may mga Saksing Polako na nangaral sa aming lugar sa Ukraine. Dinalaw ako ni Korney, isang pinahirang kapatid. Magdamag kaming nag-usap, at nakumbinsi akong katotohanan nga tungkol sa Diyos ang sinabi niya sa akin.
Noong 1942, lumusob ang hukbong Aleman, at umalis naman ang hukbong Sobyet sa lugar namin. Wala nang sinusunod na batas noon. Pinilit ako ng mga makabayang Ukrainiano na umanib sa kanila sa pakikipaglaban sa mga Aleman at Sobyet. Nang tumanggi ako, binugbog nila ako hanggang sa mawalan ako ng malay, at saka nila ako itinapon sa kalye. Nang gabi ring iyon, binalikan nila ako at dinala sa isang lugar para sa maramihang pagpatay. Tinanong na naman nila ako roon kung maglilingkod ako sa mga Ukrainiano. Matatag at malakas kong sinabi sa kanila, “Si Jehova lang ang paglilingkuran ko!” Sinentensiyahan nila ako ng kamatayan. Nang iutos ng isa sa mga sundalo na barilin ako, may isa pang sundalo na umagaw ng baril sabay sigaw: “Huwag! Mapapakinabangan pa natin ’yan.” Dahil sa matinding galit, binugbog ako ng isa pang sundalo. Binantaan niya akong siya mismo ang babaril sa akin sa loob ng sanlinggong iyon, pero ilang araw lamang, siya ang napatay.
Noong Marso 1944, bumalik ang hukbong Sobyet sa aming lugar, at dinala nilang lahat ang mga lalaki kasama na
ako. Sa pagkakataong ito, ang hukbong Sobyet naman ang nangangailangan ng mga tauhan. Sa kanilang lugar na pinagdalhan sa amin, nakita ko si Korney, ang kapatid na nagpakilala sa akin ng katotohanan. Ang mga Saksi roon ay 70. Bumukod kami sa iba pang naroroon para magpalakasan sa isa’t isa. Lumapit ang isang opisyal at tinanong kami kung bakit kami nakabukod. Ipinaliwanag ni Korney na kami ay mga Kristiyano at hindi kami humahawak ng sandata. Agad nilang dinampot si Korney at sinabi sa aming babarilin ito. Hindi na namin siya nakita mula noon. Patuloy nila kaming pinagbantaang babarilin gaya ng ginawa nila kay Korney, at isa-isa kaming tinanong kung aanib kami sa kanilang hukbo. Nang tumanggi ako, dinala ako ng tatlong sundalo at isang opisyal sa kagubatan. Binasa ng kumander ang sentensiya galing sa hukumang militar: “Dahil sa pagtangging magsuot ng uniporme at humawak ng sandata, mamamatay ka sa pamamagitan ng firing squad.” Taimtim akong nanalangin kay Jehova at nag-isip kung tatanggapin kaya niya ang aking paglilingkod, yamang hindi pa ako nagkakaroon ng pagkakataong mabautismuhan. Walang-anu-ano, nakarinig ako ng utos, “Barilin ang kalaban!” Pero sa itaas nagpaputok ang mga sundalo. Pagkatapos nito, binugbog ako ng opisyal. Sinentensiyahan akong mabilanggo nang sampung taon at nasadlak sa isa sa mga kampo ng sapilitang pagtatrabaho sa Distrito ng Gorki, ang sentro ng Russia.Pinalaya ako noong 1956 at pagkaraan ay pinakasalan ko si Regina, isang tapat na Saksi. Anim na buwan pa lamang kaming nagsasama nang bigla na naman akong arestuhin at sentensiyahang mabilanggo nang sampung taon.
Nang palayain ako sa wakas, isang opisyal ang nagsabi sa akin, “Wala kang lugar dito sa lupain ng Sobyet.” Nagkamali siya. Isang kagalakan na ang lupain ay pag-aari ni Jehova at siya ang magsasabi kung sino ang mabubuhay rito magpakailanman!—Awit 37:18.
[Kahon/Larawan sa pahina 104, 105]
“Mga Ineng, May Saksi ni Jehova ba sa Inyo?”
YEVGENIA RYBAK
ISINILANG 1928
NABAUTISMUHAN 1946
MAIKLING TALAMBUHAY Isinilang siya sa Ukraine. Sapilitang dinala sa Alemanya, at doon niya nalaman ang katotohanan. Patuloy siya sa tapat na paglilingkod kay Jehova sa Russia.
ISANG araw ng Linggo, nakarinig ako ng magandang awitan sa labas ng aking bintana. Mga Saksi ni Jehova pala ang umaawit. Di-nagtagal, dumalo na ako sa kanilang mga pulong. Hindi ko maintindihan kung bakit inuusig ng mga Aleman ang kapuwa nila Aleman dahil lamang sa kanilang pananampalataya. Ikinagalit ng aking mga kaibigang Ukrainiano na kasama kong mga tapon sa Alemanya ang pakikisama ko sa mga Aleman. Minsan, sinigawan ako ng isa sa kanila sabay suntok sa aking mukha. Pinagtawanan ako ng dati kong mga kaibigan.
Nang palayain ako noong 1945, umuwi ako sa Ukraine. Sinabi sa akin ng aking lolo: “Nababaliw na ang nanay mo. Pinagtatapon niya ang kaniyang mga imahen, at iba na ngayon ang Diyos niya.” Nang mapag-isa kami, inilabas ni Inay ang Bibliya at binasa mula roon na kinapopootan ng Diyos ang idolatriya. Pagkatapos ay sinabi niya sa akin na dumadalo siya sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova. Niyakap ko siya nang mahigpit at lumuluhang sinabi sa kaniya, “Saksi ni
Jehova rin po ako, Inay!” Pareho kaming napaiyak sa tuwa.Napakasigasig ni Inay sa ministeryo. Dahil nakabilanggo sa mga kampo ang halos lahat ng mga kapatid na lalaki, siya ang inatasang mangasiwa sa grupo. Nahawa ako sa kaniyang sigasig.
Noong 1950, inaresto ako dahil sa aking relihiyon, at sinentensiyahan ng sampung-taóng pagkabilanggo sa kampo. Lima kaming mga kapatid na babae na dinala sa bayan ng Usol’ye-Sibirskoye, sa Siberia. Noong Abril 1951, sinimulan namin ang paggawa ng riles ng tren. Pinapasan namin noon ang mabibigat na pansuporta sa riles, anupat dalawa ang magkatuwang sa isang pansuporta. Binubuhat din namin at inilalatag ang mga riles na 10 metro ang haba at 320 kilo ang bigat ng bawat isa. Patang-pata ang aming katawan. Minsan habang pauwi kaming pagod na pagod, isang tren na punô ng mga bilanggo ang huminto sa tapat namin. Dumungaw ang isang lalaki at nagtanong, “Mga ineng, may Saksi ni Jehova ba sa inyo?” Nawala ang pagod namin. “Kami pong lima!” ang sigaw namin. Ang mga bilanggong ito pala ay mga kapatid natin na ipinatapon din mula sa Ukraine. Habang hindi pa umaalis ang tren, sabik nilang ikinuwento sa amin ang nangyari at kung paano sila ipinatapon. Pagkatapos ay ipinarinig sa amin ng mga bata ang mga tulang kinatha mismo ng mga kapatid. Walang umabala sa amin kahit mga sundalo, kung kaya nagkaroon kami ng pagkakataong magkuwentuhan at magpalakasan sa isa’t isa.
Mula sa Usol’ye-Sibirskoye, inilipat kami sa isang malaking kampo malapit sa Angarsk. Nadatnan namin doon ang 22 sister. Naorganisa na nila ang lahat, pati na ang mga teritoryo para sa pangangaral. Dahil dito, napanatili naming malakas ang aming espirituwalidad.
[Kahon/Larawan sa pahina 108, 109]
Ilang Ulit Akong Ipinasok sa Nakahiwalay na Selda
NIKOLAI KALIBABA
ISINILANG 1935
NABAUTISMUHAN 1957
MAIKLING TALAMBUHAY Noong 1949, ipinatapon siya sa Distrito ng Kurgan, Siberia.
SA TINGIN namin ay sinusubaybayan ang lahat ng Saksi sa Unyong Sobyet. Hindi naging madali ang buhay para sa amin, pero binigyan kami ni Jehova ng karunungan. Noong Abril 1959, inaresto ako dahil sa aking relihiyon. Ayokong ipahamak ang sinumang kapatid, kaya nagmaang-maangan ako sa lahat ng kanilang tanong. Itinuro ng imbestigador ang mga litrato ng mga kapatid at itinanong sa akin ang mga pangalan nila. Sinabi kong hindi ko sila kilala. Pagkatapos ay ipinakita niya sa akin ang litrato ng aking kapatid sa laman at tinanong ako, “Kapatid mo ba ito?” Sumagot ako: “Ewan ko po kung siya nga iyan. Hindi po ako sigurado.” Pagkatapos, ipinakita naman sa akin ng imbestigador ang mismong litrato ko at nagtanong, “Ikaw ba ’to?” Sumagot ako, “Kamukha ko nga po, pero hindi ko matiyak kung ako nga ito.”
Mahigit dalawang buwan akong ikinulong sa selda. Tuwing umaga, bumabangon ako at nagpapasalamat kay Jehova dahil sa kaniyang maibiging-kabaitan. Pagkatapos ay nag-iisip ako ng isang teksto sa Bibliya, saka ko tatalakaying mag-isa ang teksto. Pagkaraan, umaawit ako ng isang awiting pang-Kaharian pero mahina lamang, dahil bawal umawit sa loob ng selda. Pagkatapos nito, nagrerepaso ako ng isang paksa sa Bibliya.
Marami nang Saksi sa kampong pinagdalhan sa akin. Napakahirap ng kalagayan sa bilangguan, at bawal makipag-usap. Madalas ikulong ang mga kapatid sa nakahiwalay na selda. Ilang ulit na rin akong ikinulong doon. Sa seldang iyon, kapirasong tinapay lamang sa isang araw ang ibinibigay sa mga bilanggo. Natutulog ako sa isang tablang binalutan ng makapal na yero. Basag ang mga salamin ng bintana, at malamok. Sapatos ko ang aking unan.
Karaniwan nang kani-kaniya kaming tago ng literatura. Itinago ko ang literatura sa walis na ginagamit ko. Kapag nagsisiyasat ang nangangasiwa sa amin, iniisa-isa niya ang lahat ng lugar pero ni hindi man lamang niya naisip tingnan ang aking walis. Itinatago rin namin ang mga literatura sa pader. Natutuhan kong magtiwala sa organisasyon ni Jehova. Si Jehova ang nakakakita at nakaaalam ng lahat ng bagay at tinutulungan niya ang bawat isa sa kaniyang tapat na mga lingkod. Palagi akong tinutulungan ni Jehova.
Bago pa man ipatapon ang aming pamilya noong 1949, sinabi na ni Itay na maisasaayos ni Jehova ang mga bagay-bagay para marinig ng mga tao ang katotohanan sa napakalayong lugar ng Siberia. Naisip namin, ‘Paano kaya iyon mangyayari?’ Gaya ng kinalabasan, ang mga awtoridad mismo ang naging dahilan para malaman ng libu-libong tapat na mga tao sa Siberia ang katotohanan.
Nang biglang magbago ang kalagayan sa bansa, buong-pananabik na sinamantala ng mga kapatid na makapunta sa Poland para dumalo sa internasyonal na kombensiyon noong 1989. Hinding-hindi malilimot ang mga araw na iyon. Pagkatapos ng pangwakas na panalangin, nakatayo pa rin kami at matagal na nagpalakpakan. Kakaiba ang naramdaman namin! Sari-saring hirap at problema ang dinanas namin sa loob ng maraming taon, pero bihira kaming umiyak. Ngayong iiwan na namin ang aming mga kapatid sa Poland, bumaha ng luha, at walang makapigil—o gustong tumigil—sa pagluha.
[Kahon/Larawan sa pahina 112, 113]
Ginagawa ang Lahat Para sa Mabuting Balita
PYOTR PARTSEY
ISINILANG 1926
NABAUTISMUHAN 1946
MAIKLING TALAMBUHAY Nakilala ni Pyotr ang mga Saksi ni Jehova noong 1943 at nabilanggo siya sa dalawang kampong piitan ng mga Nazi at isang kampo ng puwersahang pagtatrabaho sa Russia. Nang maglaon, naging tagapangasiwa siya ng sirkito sa panahon ng pagbabawal.
NANG matutuhan ko ang saligang mga turo ng Bibliya sa Alemanya sa ilalim ng mga Nazi, agad ko itong ibinahagi sa aking mga kakilala, at marami ang sumama sa akin sa dalisay na pagsamba. Noong 1943, isinumbong ako ng isang pari sa Gestapo kung kaya inaresto ako at inakusahan ng paghihimagsik kasama ng iba pang mga kabataan. Di-nagtagal, ikinulong ako sa kampong bitayan sa Maidanek sa Poland. Napakahalaga ng pakikipagsamahan sa mga kapatid. Sa loob ng kampo, lalong tumibay ang aming determinasyong mangaral. Marami roon ang interesado sa katotohanan, kung kaya gumagawa kami ng paraan para makapagpatotoo sa kanila tungkol sa Kaharian ni Jehova. Minsan ay nakatikim ako ng 25 hagupit ng doblihang latigong katad. Pagtindig ko, malakas kong sinabi sa wikang Aleman, “Danke schön!” (“Salamat!”) Bumulalas ang isang Aleman: “Talagang matigas ang batang ito! Binugbog na, nagpasalamat pa!” Tadtad ng latay ang likod ko.
Napakahirap ng aming trabaho, at halos mamatay kami sa pagod. Ang mga namamatay ay sinusunog nila sa krematoryo, na araw-gabing nag-aapoy. Naisip kong malapit na rin siguro akong sunugin doon. Pakiramdam ko’y hindi na
ako makalalabas nang buháy sa kampo. Mabuti na lamang at nasugatan ako. Lahat kasi ng malalakas ay pilit na pinagtatrabaho, at ang iba naman ay inililipat sa ibang mga kampo. Pagkalipas ng dalawang linggo, dinala ako sa kampong piitan sa Ravensbrück.Nang malapit nang matapos ang digmaan, kumalat ang usap-usapan na pagbababarilin na kaming lahat ng mga Aleman. Pagkatapos ay nabalitaan naming nagsitakas na pala ang mga guwardiya. Nang mapag-alaman naming malaya na kami, nagpulasan na kaming lahat. Napadpad ako sa Austria, kung saan ipinatawag naman ako para magsundalo. Agad akong tumanggi, at sinabi kong nabilanggo na ako sa mga kampong piitan dahil sa aking paninindigan sa relihiyon. Pinayagan akong umuwi sa Ukraine, na sakop noon ng Unyong Sobyet. Noong 1949, pinakasalan ko si Yekaterina, na naging tapat kong kasama sa buhay. Noong 1958, inaresto na naman ako at ipinadala sa kampo ng pagtatrabaho sa Mordvinia.
Pagkalaya ko, tumulong ako sa paglilimbag ng mga literatura sa Bibliya. Minsan, noong 1986, magdamag naming inilimbag ang 1,200 pahina. Isinalansan namin iyon sa sahig, sa mga kama, at kung saan-saan pa. Nagulat kami nang biglang may dumating na KGB, “para makipagkuwentuhan” daw. Tinanong ni Yekaterina kung saan niya gustong makipagkuwentuhan. Wala sa isip ni Yekaterina na baka hilingin nitong pumasok sa bahay. Mabuti na lamang at pinili niyang makipagkuwentuhan sa kusina namin sa labas ng bahay. Kung pumasok siya sa bahay, tiyak na arestado kami.
Sa kasalukuyan, sinisikap naming mamuhay ayon sa aming pag-aalay at ginagawa ang lahat para sa mabuting balita. Ang aming 6 na anak, 23 apo, at 2 apo sa tuhod ay tapat na naglilingkod kay Jehova, at nagpapasalamat kami kay Jehova dahil patuloy na lumalakad sa katotohanan ang aming mga anak.
[Kahon sa pahina 122]
Nakahiwalay na Selda
Sa Sobyet, karaniwan nang ikinukulong sa nakahiwalay na selda ang mga lumalabag sa batas gaya ng mga tumatangging magsuko ng mga literatura tungkol sa relihiyon. Ang mga bilanggo ay binibigyan ng lumang damit at ikinukulong sa mga selda.
Ganito ang karaniwang hitsura ng selda. Ito ay maliit—mga tatlong metro kuwadrado. Madilim, mamasa-masâ, marumi, at napakaginaw rito lalo na kung taglamig. Magaspang ang kongkretong pader nito na isang metro ang lapad. Mayroon itong isang maliit na bintana. Basag ang ilang salamin nito. May kaunting liwanag na nanggagaling sa isang ilawang de-kuryente; nakalagay ito sa isang butas ng pader na tinakpan ng yerong binutasan nang maliliit. Bukod sa kongkretong sahig, wala nang iba pang mauupuan kundi isang makitid na usli sa pader. Hindi ka makakaupo rito nang matagal. Mangangalay agad at mananakit ang iyong mga binti at likod, at matutusok ang likod mo dahil sa napakagaspang na pader.
Sa gabi, itinutulak ng guwardiya papasok sa selda ang isang paletang gawa sa kahoy na matutulugan. Ang mga ito ay may makikitid na metal na pampatibay. Puwede kang mahiga sa ibabaw nito, pero hindi ka makakatulog dahil sa lamig. Walang kumot. Ang mga bilanggong nakakulong dito ay karaniwan nang binibigyan lamang ng kapirasong tinapay sa isang araw at malabnaw na sopas minsan sa tatlong araw.
Ang pinakakasilyas na isang butas sa sahig na kasinlaki lamang ng butas ng tubo ay umaalingasaw. Ang ilang selda ay may bentilador na nagbubuga ng masangsang na amoy mula sa tubo ng poso-negro papasok sa selda. Paminsan-minsan ay binubuksan ito ng mga nangangasiwa sa bilangguan para lalo pang pahirapan ang bilanggo at masiraan siya ng loob.
[Kahon/Larawan sa pahina 124, 125]
Kampo #1 sa Mordvinia
Sa pagitan ng 1959 at 1966, mahigit 450 brother ang ibinilanggo sa kampong ito kung saan, may 600 bilanggo sa kabuuan. Ang kampong ito na isa sa 19 na kampo ng puwersahang pagtatrabaho sa Mordvinia ay nababakuran ng de-kuryenteng barbed wire na halos tatlong metro ang taas. Ang bakod na ito ay pinalibutan pa ulit ng 13 bakod na barbed wire. Palaging binubungkal ang lupa sa bakuran ng kampo para maiwan ang bakas ng sinumang tatakas.
Lubusang inihiwalay ng mga awtoridad ang mga Saksi mula sa buhay sa labas para kontrolin ang kanilang mga gawain at kaisipan. Pero nakapag-organisa pa rin ang mga kapatid ng mga teokratikong gawain sa loob ng kampo.
Ang kampo mismo ay ginawa nilang isang sirkito na may sariling tagapangasiwa ng sirkito. Ang sirkito ay binubuo ng apat na kongregasyon mula sa 28 grupo ng pag-aaral sa aklat. Ipinasiya ng mga kapatid na magdaos ng pitong pulong sa isang linggo para matulungan ang lahat na manatiling malakas sa espirituwal. Noong una, iisa lamang ang Bibliya nila, kaya bawat kongregasyon ay may kani-kaniyang iskedyul ng pagbabasa ng Bibliya. Nang magkaroon sila ng pagkakataon, unti-unting kinopya ng mga kapatid ang Bibliya. Gumawa sila ng hiwa-hiwalay na notbuk para sa bawat aklat ng Bibliya, at itinago nila ang orihinal na kopya sa isang ligtas na lugar. Dahil dito, nasusundan ng mga kapatid ang iskedyul ng pagbabasa ng Bibliya. Inorganisa rin ang Pag-aaral sa Bantayan. Ang mga sister na dumadalaw sa kani-kanilang asawa ay nagpupuslit sa kampo ng pagkaliliit na kopya ng mga magasin, anupat isinusubo nila ang mga ito o isinisiksik sa takong ng kanilang sapatos o kaya’y isinasama sa tirintas ng kanilang buhok ang mga piraso ng maninipis na papel.
Maraming brother ang nakukulong sa nakahiwalay na selda mula isa hanggang 15 araw dahil sa pagkopya sa mga literatura.Ang kampong ito ay nasa malayong lugar na hiwalay sa ibang mga bilanggo. Tinitiyak ng mga bantay na walang binabasa ang mga Saksi habang nakakulong sila roon. Pero nakagagawa pa rin ng paraan ang ilang kapatid para mabigyan sila ng espirituwal na pagkain. Umaakyat ang isang brother sa bubong ng gusali na malapit sa bakuran kung saan pinahihintulutang makapaglakad-lakad ang mga nakakulong sa nakahiwalay na selda. Dala niya ang mga papel na may nakasulat na mga teksto sa Bibliya na binilot nang maliliit na isang sentimetro ang diyametro. Gamit ang isang mahabang tubo, isinusumpit niya ang binilot na papel sa direksiyon ng Saksing naglalakad sa bakuran. Luluhod naman ang Saksi, na kunwa’y magtatali ng sintas ng sapatos, at pasimpleng pupulutin ang espirituwal na pagkaing ito.
Ang almusal at hapunan ng mga bilanggo ay malabnaw na lugaw na may kaunting mantika. Sa tanghali naman ay malabnaw na sopas na may beet o iba pang sahog, at simpleng tanghalian. Parang gamusang ginagamit sa paggawa ng sapatos ang tinapay na ipinakakain sa mga bilanggo! Nagugunita pa ni Ivan Mikitkov, “Pitong taon ako sa kampong ito, at palagi kaming nakakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan.”
Nanatiling matatag sa pananampalataya ang mga kapatid. Ihiwalay man sila sa ibang mga bilanggo, hindi pa rin nito kayang sirain ang espirituwalidad ng tapat na mga lingkod ng Diyos, na patuloy na nagpapakita ng pananampalataya at pag-ibig sa Diyos at sa kanilang kapuwa.—Mat. 22:37-39.
[Kahon/Larawan sa pahina 131, 132]
Nagtanong Siya, “Bakit Po Kayo Umiiyak?”
POLINA GUTSHMIDT
ISINILANG 1922
NABAUTISMUHAN 1962
MAIKLING TALAMBUHAY Siya ang naging asawa ni Viktor Gutshmidt. Habang nasa bilangguan, napansin ni Polina kung gaano kabait ang mga Saksi ni Jehova.
AKO ay naniniwala sa ideolohiya ng Komunismo at masugid na tagasuporta nito. Pero inaresto ako ng mga Komunista noong Mayo 1944 at ikinulong sa isang kampo ng puwersahang pagtatrabaho sa Vorkuta. Sa loob ng tatlong taon, hindi sinabi sa akin kung bakit ako inaresto. Noong una, inakala kong nagkamali lamang sila, at palalayain din nila ako. Pero sinentensiyahan ako ng sampung-taóng pagkabilanggo sa kampo dahil sa diumano’y mga komento ko laban sa Sobyet.
Dahil may nalalaman ako sa medisina, pinagtrabaho ako sa ospital ng kampo sa unang mga taon ko ng pagkabilanggo. Noong 1949, inilipat ako sa Inta, sa isang kampong pinagdadalhan sa mga nabilanggo dahil sa pulitika. Mas mahigpit ang mga patakaran sa kampong iyon. Ang mga bilanggo ay punô ng hinanakit, walang-galang, imoral, walang pakialam sa kapuwa, at desperado. Lalong pang lumubha ang dati nang malubhang situwasyon nang kumalat ang bali-balitang babarilin ang lahat ng bilanggo o kaya’y tuluyan nang
mabubulok sa bilangguan. Dahil sa sobrang pag-iisip, nabaliw ang ilang bilanggo. Nawalan na sila ng tiwala sa isa’t isa at nagkagalit-galit dahil napakaraming sumbungera sa loob ng kampo. Nagkani-kaniya na ang mga bilanggo at nagtiis na lamang hangga’t kaya nila. Naghari ang kasakiman.Ang isang grupo ng mga 40 babaing bilanggo ay ibang-iba naman sa karamihan. Palagi silang magkakasama at nakapagtatakang sila ay magaganda, maaayos, mababait, at palakaibigan. Karamihan sa kanila ay mga kabataan at may ilan pa ngang mga paslit. Napag-alaman kong sila’y mga relihiyosong Saksi ni Jehova. Iba-iba ang pagtrato sa kanila ng mga bilanggo. May naiinis at nagagalit sa kanila. Ang iba naman ay humahanga sa kanilang paggawi, lalo na sa kanilang pag-ibig sa isa’t isa. Halimbawa, kapag may isang Saksing nagkasakit, nagsasalitan sila sa pagbabantay. Bihirang-bihira ito sa loob ng kampo.
Nagulat ako dahil iba’t iba ang nasyonalidad ng grupong ito pero mababait sila sa isa’t isa. Nang panahong iyon, wala nang halaga sa akin ang buhay. Minsan, dahil sa sobrang paghihinagpis, naupo na lamang ako at umiyak. Lumapit sa akin ang isang batang babae at nagtanong, “Ate Polina, bakit po kayo umiiyak?”
“Ayoko nang mabuhay,” ang sagot ko.
Inaliw ako ng batang babae na ang pangalan ay Lidia Nikulina. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa layunin ng buhay, kung paano lulutasin ng Diyos ang lahat ng problema ng mga tao, at marami pang iba. Pinalaya ako noong Hulyo 1954. Nang panahong iyon, marami na akong natutuhan sa mga Saksi ni Jehova at gustung-gusto ko nang mapabilang sa kanila.
[Kahon/Larawan sa pahina 140, 141]
Inhinyerong Pangmilitar na Naging Mángangarál ng Mabuting Balita
VLADIMIR NIKOLAEVSKY
ISINILANG 1907
NABAUTISMUHAN 1955
MAIKLING TALAMBUHAY Dalawang daan at limampu’t anim na beses siyang inilipat-lipat sa mga kampo at bilangguan. Namatay siya noong 1999.
NAGTAPOS ako sa Moscow Institute of Engineering Communication noong 1932. Hanggang noong 1941, nagtrabaho ako bilang inhinyero at punong arkitekto sa isang kolehiyo sa Moscow. Ako mismo ang nagdidisenyo ng mga pantanging aparato para sa mga barkong pandigma. Inaresto ako noong digmaan at nang maglaon ay ikinulong sa isang kampo sa sentro ng Kazakhstan, sa nayon ng Kengir.
Napansin ko ang isang grupo ng mga Saksi ni Jehova roon. Naiiba sila sa ibang mga bilanggo. Mga 80 silang kasama sa mga 14,000 bilanggong nasa tatlong seksiyon ng kampo. Lalo nang nakita ang kaibahan ng mga Saksi at ng ibang mga bilanggo nang bumangon ang pag-aalsa sa Kengir noong 1954. Hindi nakisali ang mga Saksi ni Jehova sa paghihimagsik at ni hindi nila ito pinaghandaan. Nakapagtataka ang kanilang kahinahunan at pagnanais na ipaliwanag sa ibang mga bilanggo ang kanilang paninindigan. Hangang-hanga ako sa kanilang paggawi kung kaya nagtanong ako tungkol sa kanilang mga paniniwala. Nang maglaon, inialay ko ang aking buhay kay Jehova. Sa loob ng kampo, nasusubok ang pananampalataya ng mga Saksi, lalo na noong buwagin ng mga sundalo ang pag-aalsa gamit ang mga tangke.
Minsan, sinabi sa akin na gusto raw akong makausap ng dalawang heneral na dumating mula sa Moscow. Ganito ang sabi sa akin ng isa sa kanila: “Tigilan mo na ito, Vladimir. Isa kang arkitekto at inhinyerong pangmilitar. Kailangan ka ng iyong bansa. Bumalik ka na sa iyong dating trabaho. Bakit ka ba nagtitiyagang makisama sa mga taong walang pinag-aralan?”
“Wala po akong dapat ipagmalaki,” ang sagot ko. “Lahat ng talino ng tao ay galing sa Diyos. Yaong mga masunurin sa kaniya ay masisiyahan sa Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo, kung saan ang lahat ng tao ay magiging sakdal at tunay na mga edukado.”
Tuwang-tuwa ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makapagpatotoo sa mga heneral na iyon. Ilang beses silang nakiusap sa akin na bumalik na ako sa aking dating trabaho. Pero sinabi ko sa kanilang huwag na nila akong gambalain at hayaan na nila ako sa kampo sa piling ng aking espirituwal na mga kapatid, na pinakamamahal ko.
Noong 1955, kinansela ang sentensiya sa akin. Nagtrabaho ako sa isang ahensiyang pang-arkitektura na walang kinalaman sa militar. Dahil sa aking lubos na pagsisikap na maghasik ng binhi ng katotohanan, nakapagpasimula ako ng isang pag-aaral sa Bibliya sa pamilya ng isang inhinyero. Di-nagtagal, siya at ang kaniyang buong pamilya ay naging mga Saksi ni Jehova at masisigasig na mángangarál. Pero nagmamatyag ang KGB, at sa isa nilang pag-iinspeksiyon, nakakita sila ng literaturang salig sa Bibliya sa aking apartment. Sinentensiyahan akong mabilanggo nang 25 taon, at ikinulong sa isang kampo ng puwersahang pagtatrabaho sa Siberia sa lunsod ng Krasnoyarsk. Maraming beses akong inilipat-lipat, sa iba’t ibang kampo at bilangguan. Nang kuwentahin ko, 256 na beses na pala akong inilipat-lipat sa buong buhay ko ng pagiging bilanggo.
[Kahon/Larawan sa pahina 147, 148]
Kailangan Namin ng Malalaking Maleta
NADEZHDA YAROSH
ISINILANG 1926
NABAUTISMUHAN 1957
MAIKLING TALAMBUHAY Nalaman niya ang katotohanan sa kampong piitan sa Ravensbrück. Nang bumalik siya sa Unyong Sobyet, naging tagapaghatid siya ng literatura sa loob ng maraming taon. Nakatira siy a ngayon sa Caucasia.
NANG pumasok ako sa kampong piitan noong 1943, nawalan na ako ng interes sa buhay. Pero nagbago iyon nang makilala ko ang mga Saksi ni Jehova. Masayang-masaya akong umuwi sa Ukraine taglay ang matibay na pag-asang mabuhay magpakailanman sa paraisong lupa! Sumulat ako sa mga sister para palakasin ang aking espirituwalidad. Pero hinarang ng KGB ang mga sulat ko, at hindi nagtagal, nasentensiyahan akong mabilanggo nang 15 taon sa kampo.
Noong Nobyembre 1947, ikinulong ako sa isang kampo sa Kolyma, kung saan pinagdusahan ko ang sentensiya sa akin nang walang nakasama kahit isang Saksi. Tinulungan ako ni Jehova na mangaral. Si Yevdokia, isa sa mga bilanggo, ay nagpakita ng interes sa Bibliya. Naging magkaibigan kami at naging magkaagapay sa espirituwal at emosyonal na paraan. Wala pa akong gaanong alam noon sa Bibliya pero sapat na ang aking kaunting nalalaman para makapanatiling tapat kay Jehova.
Kapapasok pa lamang ng 1957, isang taon pagkalaya ko, lumipat ako sa Suyetikha, Distrito ng Irkutsk. Malugod akong tinanggap ng mga kapatid at pinagpakitaan ng
kabaitan. Tinulungan nila akong maghanap ng trabaho at apartment. Pero ang lubos kong ikinatuwa ay nang anyayahan nila akong makibahagi sa mga gawaing teokratiko. Dahil hindi pa ako bautisado, binautismuhan muna nila ako sa isang malaking banyera ng tubig. Handa na ako ngayong bumalikat ng mga pananagutan sa organisasyon ni Jehova. Kasama sa aking mga pananagutan ang paghahatid ng mga sulat at mga literatura sa Bibliya.Kailangang ihatid ang mga literatura sa buong Siberia, sentro ng Russia, at kanlurang Ukraine. Dapat na planadung-planado ang lahat bago ito isagawa. Kailangan namin ng malalaking maleta para maihatid ang mga literatura sa kanlurang Ukraine. Minsan, sa Yaroslavl’ Station sa Moscow, nasira ang susian ng isa sa mga maleta, at sumambulat ang mga literatura. Kinalma ko ang aking sarili at nanalangin habang patay-malisya kong pinupulot ang mga literatura. Sa paanuman, naipon ko ring lahat ang mga ito at dali-dali akong umalis ng istasyon. Mabuti na lamang at walang nakapansin sa akin.
Minsan naman, dala ko ang dalawang maletang punô ng literatura at sumakay ako ng tren mula Ukraine na biyaheng Moscow papuntang Siberia. Inilagay ko ang isang maleta sa ilalim ng higaan sa isang seksiyon ng tren. Maya-maya, pumasok sa seksiyong ito ang dalawang lalaking pasahero—mga KGB. Kasama sa napag-usapan nila ang tungkol sa mga Saksi, na ayon sa kanila ay “nagkakalat ng mga literatura at nanunulsol sa mga tao laban sa Sobyet.” Pigil na pigil ako para hindi sila makahalata. Wala silang kamalay-malay, ang inuupuan nila ay mga literatura!
Naghahatid man ako ng mga literatura o gumaganap ng iba pang atas, alam kong maaaresto ako anumang oras. Napaharap ako sa maraming situwasyon na nagturo sa akin na magtiwala kay Jehova sa lahat ng bagay.
[Kahon/Larawan sa pahina 158, 159]
“Talagang Ibang-Iba Kayo”
ZINAIDA KOZYREVA
ISINILANG 1919
NABAUTISMUHAN 1958
MAIKLING TALAMBUHAY Maraming taon siyang nabilanggo sa iba’t ibang kampo at namatay noong 2002.
MULA pa sa pagkabata, pangarap ko nang maglingkod sa Diyos. Noong 1942, isinama ako ng aking mapagmalasakit na kaibigan sa kanilang simbahang Ruso Ortodokso para “hindi [raw] ako mapunta sa impiyerno.” Pero nang malaman ng pari na taga-Ossetia ako, ayaw niya akong binyagan. Nang abután siya ng kaibigan ko ng pera, nagbago ang isip niya at bininyagan na rin ako. Sa aking paghahanap ng katotohanan, napasama ako sa mga Adventist, Pentecostal, at Baptist. Dahil dito, sinentensiyahan ako ng mga awtoridad na ilagay sa puwersahang pagtatrabaho. Sa loob ng kampo, nakilala ko ang mga Saksi at nalaman ko agad ang katotohanan. Nang palayain ako noong 1952, umuwi ako at nagsimulang mangaral ng mabuting balita.
Isang madaling araw noong Disyembre 1958, nakarinig ako ng malalakas na katok sa pinto. Biglang pumasok ang mga sundalo at hinalughog ang aming bahay habang nakabantay sa akin sa isang sulok ang dalawa sa kanila. Nagising si Itay at nag-alala sa kaniyang pamilya, lalo na sa kaniyang mga anak na lalaki. Limang lalaki ang aking mga kapatid at ako lamang ang babae. Nang makita ni Itay kung paano hinahalughog ng mga sundalo ang lahat ng kuwarto at ang
atik, inisip niyang dahil ito sa aking relihiyon. Bigla niyang inagaw ang baril at sumigaw, “espiya ng mga Amerikano!” Tinangka niya akong barilin, pero naagaw sa kaniya ng mga sundalo ang baril. Hindi ko akalaing babarilin ako ng sarili kong ama. Matapos ang paghahalughog, isinakay ako sa isang trak na may taklob, pero natuwa ako’t buháy pa rin ako. Dahil sa aking pangangaral, sinentensiyahan akong mabilanggo nang sampung taon.Noong Disyembre 1965, pinalaya ako bago pa man matapos ang sentensiya sa akin. Natuwa ang aking mga magulang nang makita ako, pero ayaw akong patirahin ni Itay sa aming bahay. Ang nakapagtataka, mga KGB pa ang pumilit kay Itay na patirahin ako sa aming bahay at tinulungan pa nga nila akong makahanap ng trabaho. Mainit pa rin ang dugo ni Itay sa akin, pero nang maglaon, nagbago ang kaniyang pakikitungo. Nakilala niya ang mga kapatid nang dalawin nila ako. Ang aking mga kapatid na lalaki ay walang trabaho, lasenggo, at mainitin ang ulo. Minsan, sinabi ni Itay: “Talagang ibang-iba kayo. Nagkamali ako ng pagkakilala sa inyo. Bibigyan ko kayo ng isang kuwarto para may mapagpulungan kayo.” Hindi ako makapaniwala! Inireserba ni Itay para sa akin ang isang malaking kuwarto at sinabi: “Huwag kang matakot. Habang nagpupulong kayo, magbabantay ako, at wala akong papapasukin kahit sino.” Iyon nga ang nangyari dahil kilala ng lahat na napakaistrikto ni Itay.
Kaya sa loob mismo ng aming bahay at sa proteksiyon ni Jehova at ni Itay, nakapagdaraos kami ng mga pulong Kristiyano. Dinadaluhan ito ng hanggang 30 katao, dahil iyan ang bilang ng mga Saksi noon sa Ossetia. Tuwang-tuwa akong dungawin ang kinauupuan nina Itay at Inay sa kalye habang binabantayan kami. Sa Ossetia ngayon, mga 2,600 na ang masisigasig na naghahayag ng Kaharian ni Jehova.—Isa. 60:22.
[Kahon/Larawan sa pahina 162, 163]
Ako Na Lamang ang Natirang Saksi sa Kampo
KONSTANTIN SKRIPCHUK
ISINILANG 1922
NABAUTISMUHAN 1956
MAIKLING TALAMBUHAY Nalaman niya ang katotohanan noong 1953 sa loob ng isang kampo ng puwersahang pagtatrabaho at nabautismuhan doon noong 1956. Ibinilanggo siya nang tuluy-tuloy sa loob ng 25 taon dahil sa kaniyang pagiging Saksi ni Jehova. Namatay siya noong 2003.
NOONG 1953, nakilala ko sa loob ng selda ang isang kapatid na nagngangalang Vasily. Sinabi niyang nakulong siya dahil sa kaniyang pananampalataya sa Diyos. Hindi ko maintindihan kung bakit ikukulong ang isang tao dahil lamang sa kaniyang mga paniniwala. Hindi ako pinatulog ng álalahaníng iyon. Kinabukasan, ipinaliwanag niya sa akin kung bakit. Unti-unti akong nakumbinsi na ang Bibliya ay isang aklat mula sa Diyos.
Nabautismuhan ako noong 1956. Nang magtatapos na ang taóng iyon, nag-inspeksiyon ang mga nangangasiwa sa kampo at nakita nila ang aming napakaraming literatura sa Bibliya. Halos inabot ng isang taon ang imbestigasyon, at noong 1958, sinentensiyahan akong mabilanggo nang 23 taon dahil sa aking relihiyon. Noon ay lima’t kalahating taon na akong nakabilanggo sa kampo. Sa kabuuan, 28 taon at 6 na buwan akong nabilanggo nang hindi man lamang nakatikim ng paglaya.
Noong Abril 1962, inihayag ng korte na ako’y “isang mapanganib na kriminal,” at inilipat ako sa isang kampong napakahigpit ng seguridad, kung saan 11 taon ako sa loob. Maraming
dahilan kung bakit naging “espesyal” ang kampong ito. Halimbawa, ang panggastos sa pagkain ng bawat bilanggo ay 11 kopeck sa isang araw, kulang pang pambili ng tinapay noong panahong iyon. Sa taas kong 192 sentimetro, 59 na kilo lamang ang timbang ko. Nangulubot at nangaliskis ang aking balat.Palagi akong inuutusang magkumpuni sa mga apartment ng mga opisyal dahil mahusay ako sa konstruksiyon. Hindi sila takot sa akin, at hindi na kailangang itago pa ng mga nakatira roon ang kanilang mga gamit. Nang malaman ng asawa ng isang opisyal na magtatrabaho ako sa kanila, hindi na niya pinapasok sa eskuwela ang kaniyang anim-na-taóng gulang na anak na lalaki. Pambihira: isang “mapanganib na kriminal” na maghapong kasama ng nagsosolong anim-na-taóng-gulang na bata! Maliwanag na walang naniniwalang ako’y isang kriminal, at lalo nang hindi “mapanganib.”
Isa-isang pinalaya ang lahat ng kapatid sa aming kampo. Noong 1974, ako na lamang ang natirang Saksi sa kampo. Pitong taon pa ang inilagi ko roon hanggang sa palayain ako noong Agosto 1981. Patuloy na sinuportahan ni Jehova ang aking espirituwalidad. Paano? Sa loob ng pitong taóng iyon, tumatanggap ako ng Ang Bantayan sa anyong liham. Isang brother ang regular na nagpapadala sa akin ng mga liham na iyon, na naglalaman ng maayos-ang-pagkakasulat na mga artikulo mula sa isang bagong isyu. Sa tuwing iaabot sa akin ng tagasuri sa kampo ang liham, bukás na iyon. Alam naming pareho ang eksaktong laman ng liham. Hanggang sa kasalukuyan, hindi ko matiyak kung ano ang nag-udyok sa kaniya na suungin ang gayong panganib, pero natutuwa ako’t nagtrabaho siya roon sa buong pitong taóng iyon. Higit sa lahat, nagpapasalamat ako kay Jehova. Sa loob ng mga taóng iyon, natuto akong magtiwala kay Jehova at naging malakas ako dahil sa Kaniya.—1 Ped. 5:7.
[Kahon/Larawan sa pahina 168, 169]
Pagkatapos ng Digmaan, Bumalik Ako sa Russia
ALEKSEY NEPOCHATOV
ISINILANG 1921
NABAUTISMUHAN 1956
MAIKLING TALAMBUHAY Nalaman niya ang katotohanan sa isang kampong piitan sa Buchenwald noong 1943 at nabilanggo nang 19 na taon sa Russia. Mahigit 30 taon siyang regular pioneer, na ang kalakhang bahagi ay noong mga panahong bawal ang gawain.
SA EDAD na 20, ipinadala si Aleksey sa isang kampong piitan sa Auschwitz sa Alemanya sa ilalim ng Nazi. Nang maglaon, inilipat siya sa isang kampo sa Buchenwald, at doon niya nalaman ang katotohanan. Nang malapit na siyang palayain, sinabi sa kaniya ng dalawang pinahirang Saksi: “Aleksey, mabuti pa’y bumalik ka sa Russia pagkatapos ng digmaan. Napakalaking bansa iyon at kailangang-kailangan doon ang mga manggagapas. Mahirap ang situwasyon doon, kaya humanda kang harapin ang lahat ng pagsubok. Mananalangin kami para sa iyo at sa mga makikinig sa iyo.”
Noong 1945, pinalaya ng mga Britano si Aleksey. Pagbalik niya sa Russia, sinentensiyahan agad siyang mabilanggo nang sampung taon dahil ayaw niyang bumoto. Isinulat niya: “Noong una, ako lamang ang Saksi sa bilangguan. Humiling ako kay Jehova ng patnubay sa paghahanap ng mga tupa, at di-nagtagal, 13 na kami! Wala kaming literatura sa Bibliya noong panahong iyon. Kumokopya lamang kami ng mga teksto sa mga nobelang hinihiram namin sa aklatan ng bilangguan.”
Natapos ni Aleksey ang kaniyang sampung-taóng sentensiya. Nang palayain siya, pumunta siya sa isang lugar na alam niyang maraming naniniwala kay Jesus. Sinabi niya: “Gutóm sa espirituwal ang mga tao. Araw at gabi silang pumupunta sa akin; isinasama nila ang kanilang mga anak. Tinitingnan nila sa Bibliya ang lahat ng marinig nila.”
Nang sumunod na ilang taon, mahigit 70 na ang natulungan ni Aleksey para magpabautismo. Ang isa sa kanila ay si Maria, na naging asawa niya. Nagugunita pa niya: “Tinugis ako noon ng KGB. Inaresto ako at sinentensiyahang mabilanggo nang 25 taon. Isinunod nilang arestuhin si Maria. Bago ang paglilitis, ikinulong si Maria sa nakahiwalay na selda sa loob ng pitong buwan. Sinabi ng imbestigador na palalayain niya agad ito kung kalilimutan nito si Jehova. Tumanggi si Maria. Sinentensiyahan siyang mabilanggo nang pitong taon sa kampo ng puwersahang pagtatrabaho. Isang sister ang kumuha sa aming sanggol at inalagaan niya ito.”
Pinalaya sina Aleksey at Maria bago pa man matapos ang sentensiya sa kanila. Lumipat sila sa Distrito ng Tver’. Salansang sa kanila ang mga awtoridad at ang mga residente roon, anupat sinilaban ng isang kapitbahay ang kanilang bahay. Nang sumunod na mga taon, napilitan silang lumipat nang maraming beses; pero sa bawat lugar na lipatan nila, nakagagawa sila ng mga bagong alagad.
Sinabi ni Aleksey: “Noong nakabilanggo kami, hindi kami makapagbasa ng Salita ng Diyos. Mula noon, ginawa naming tunguhin ang pagbabasa ng Bibliya araw-araw. Sa ngayon, mahigit 40 ulit na naming nabasa ni Maria ang Bibliya. Ito’y Salita ng Diyos na nagbibigay sa amin ng lakas at sigasig sa ministeryo.”
Lahat-lahat, gumugol si Aleksey ng 4 na taon sa mga kampong piitan ng mga Nazi at 19 na taon sa mga bilangguan at kampo sa Russia. Sa loob ng 30 taon niyang paglilingkod bilang payunir, siya at ang kaniyang asawa ay nakatulong sa maraming tao na makilala at ibigin si Jehova.
[Kahon/Larawan sa pahina 177, 178]
Tama ang Sundalo
REGINA KUKUSHKINA
ISINILANG 1914
NABAUTISMUHAN 1947
MAIKLING TALAMBUHAY Bagaman maraming taon siyang napawalay sa kongregasyon, patuloy pa rin siya sa pangangaral ng mabuting balita.
NOONG 1947, may isang Saksing nakipag-usap sa akin sa palengke. Nang gabing iyon, pinuntahan ko siya sa kanilang bahay, at matagal kaming nag-usap. Nagdesisyon agad ako na tulad niya, magiging masigasig din akong lingkod ni Jehova! Sinabi ko sa kaniya, “Nangangaral ka, mangangaral din ako.”
Noong 1949, inaresto ako sa L’viv, Ukraine, dahil sa aking pangangaral at inilayo ako sa aking asawa at dalawang maliliit pang anak na babae. Kamatayan sa pamamagitan ng firing squad ang sentensiya sa akin ng tinatawag na troika, isang pribadong pagdinig na may tatlong hukom. Habang binabasa ang sentensiya, idinagdag ng babae, isa sa tatlong hukom, “Dahil may dalawa kang anak, napagkaisahan naming ibaba sa 25-taóng pagkabilanggo ang sentensiyang kamatayan.”
Dinala ako sa isang seldang puro lalaki ang nakabilanggo. Alam na nilang Saksi ni Jehova ako. Nang marinig nilang 25 taon ang sentensiya sa akin, nagtaka sila kung bakit kalmado pa rin ako. Nang ilabas na ako sa bilangguan para dalhin sa kampo ng puwersahang pagtatrabaho, inabután ako ng isang kabataang sundalo ng isang supot ng pagkain at
mabait na sinabi, “Huwag po kayong matakot; maaayos ding lahat ’yan.”Hanggang noong 1953, pinagdusahan ko ang sentensiya sa akin sa isang kampo sa hilagang Russia. Nasa kampong iyon ang maraming sister mula sa iba’t ibang republika ng Unyong Sobyet. Mahal na mahal namin ang isa’t isa na parang isang tunay na pamilya.
Sa pamamagitan ng aming paggawi, sinikap naming makapagpatotoo sa iba na umaasang mauudyukan silang maglingkod sa Diyos. Mabigat ang aming trabaho at ginagawa namin ito sa loob ng mahabang oras. Pinalaya ako bago pa man matapos ang sentensiya sa akin, pero ibang uring pagkawalay naman ang sumunod na naranasan ko. Sa loob ng mahigit limang taon, wala akong mahanap na kongregasyon. Mas mahirap ito kaysa mabilanggo. Sa kabila ng kalagayan kong ito, palagi ko pa ring nadarama ang suporta at walang-maliw na pag-ibig ni Jehova. Palagi akong nagbabasa ng Bibliya at nagbubulay-bulay, kung kaya napalalakas ako nito sa espirituwal.
Sa kakaibang paraan, tinulungan ako ni Jehova na makipag-ugnayan sa mga Saksi. Sa pahayagang Soviet Russia, nabasa ko ang isang negatibong lathalain tungkol sa ating mga kapatid sa Ossetia, sa timog-kanluran ng Russia. Ayon sa lathalain, laban daw sa mga taga-Sobyet ang gawain ng mga Saksi ni Jehova. Inilathala roon ang apelyido ng mga kapatid pati na ang kanilang mga adres. Tuwang-tuwa ako! Sa liham, sinabi kong gusto ko silang makilala. Nang magkita-kita kami, inasikaso akong mabuti ng mga kapatid at sinabing ipinahintulot ni Jehova na mapalathala iyon upang mahanap ko ang kaniyang bayan.
Ngayon ay 92 anyos na ako. Oo, tama ang mabait na sundalong iyon. Sa buong buhay ko, sa kabila ng mga paghihirap, naging maayos ang lahat.
[Kahon/Larawan sa pahina 188, 189]
Pinatitibay Namin ang Aming mga “Tulos na Pantolda” sa Abot ng Aming Makakaya
DMITRY LIVY
ISINILANG 1921
NABAUTISMUHAN 1943
MAIKLING TALAMBUHAY Mahigit 20 taon siyang naglingkod bilang miyembro ng Komite ng Bansa sa Russia at ngayon ay elder siya sa isang kongregasyon sa Siberia.
TAÓNG 1944, anim na buwan bago matapos ang Digmaang Pandaigdig II. Nakatayo ako sa korte sa harap ng isang hukom-militar dahil sa aking Kristiyanong neutralidad. Sinentensiyahan ako ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad, pero ibinaba ito sa sampung taóng pagkabilanggo sa mga kampo ng puwersahang pagtatrabaho kung saan pilit na binabago ang aming kaisipan.
Noong Enero 1945, dinala ako sa isang kampo sa hilagang Russia sa bayan ng Pechora, Republika ng Komi. Sampu sa ating mga kapatid ang kabilang sa daan-daang bilanggo sa kampong iyon. Nakalulungkot, nakumpiska pa ang kaisa-isa kong isyu ng Ang Bantayan, kaya nawalan na talaga kami ng espirituwal na pagkain. Suko na ang katawan ko at hindi na ako makapagtrabaho. Minsang naliligo kami, sinabi sa akin ng isang brother na para na akong kalansay. Talaga namang nakakaawa na ang hitsura ko kung kaya dinala na ako sa kampong pagamutan sa Vorkuta.
Nang maglaon, bumuti-buti na ang pakiramdam ko, at pinaghakot na ako ng buhangin. Wala pang isang buwan, para na naman akong kalansay. Nagsuspetsa ang doktor na
ipinagpapalit ko ng sigarilyo ang aking pagkain, pero sinabi ko sa kaniyang Saksi ni Jehova ako at hindi ako naninigarilyo. Mahigit dalawang taon ako sa kampong iyon. Bagaman ako lamang ang Saksi, palagi namang may nakikinig sa katotohanan, at ang ilan sa kanila ay tumutugon sa mabuting balita.Minsan, pinadalhan ako ng aking mga kamag-anak ng isang sulat-kamay na kopya ng Ang Bantayan. Paano ito nakarating sa akin gayong binubusising mabuti ng nangangasiwa sa kampo ang bawat padala? Ang mga pahina ay tiniklop nang dalawang ulit at isiningit sa pagitan ng dobleng pang-ilalim ng lata at nilagyan ng maraming mantika. Tinusok ng nangangasiwa sa kampo ang lata at nang wala siyang makitang anumang bagay na kahina-hinala, iniabot niya ito sa akin. Ang “tubig na buháy” na ito ang aking naging pansamantalang pamatid-uhaw.—Juan 4:10.
Noong Oktubre 1949, pinalaya ako bago pa man matapos ang sentensiya sa akin, at nang sumunod na buwan, umuwi na ako sa Ukraine. Nabalitaan namin na may ilang brother na pumunta sa Moscow para iparehistro ang ating gawain, pero parang hindi pa handa ang mga awtoridad na kilalanin ang mga Saksi ni Jehova sa Unyong Sobyet.
Noong gabi ng Abril 8, 1951, isinakay kami sa tren kasama ang ibang mga pamilya ng mga Saksi ni Jehova at dinala kami sa Siberia. Pagkaraan ng dalawang linggo, nasa gitnang rehiyon na kami ng Siberia, sa nayon ng Khazan sa Distrito ng Irkutsk.
Umantig sa aming puso ang teksto sa Isaias 54:2: “Habaan mo ang iyong mga panaling pantolda, at patibayin mo ang iyong mga tulos na pantolda.” Parang natutupad sa amin ang hulang ito. Sino nga ba ang magboboluntaryong pumunta sa Siberia? Sa palagay ko’y dapat nga naming patibayin ang aming mga tulos na pantolda sa abot ng aming makakaya. Kaya mahigit 55 taon na akong naninirahan sa Siberia.
[Kahon/Larawan sa pahina 191, 192]
Hindi Pa Ako Kailanman Nagkaroon ng Sariling Tirahan
VALENTINA GARNOVSKAYA
ISINILANG 1924
NABAUTISMUHAN 1967
MAIKLING TALAMBUHAY Dalawampu’t isang taon siya sa mga bilangguan at mga kampo, 18 rito ay noong bago siya nabautismuhan. Bago siya namatay noong 2001, natulungan ni Valentina ang 44 na indibiduwal na makaalam ng katotohanan.
KAMI ni Inay ay nakatira sa kanlurang Belarus. Nakilala ko ang mga Saksi ni Jehova noong Pebrero 1945. Isang brother ang pumunta sa aming bahay at ipinakita niya sa amin ang ilang punto mula sa Bibliya. Bagaman tatlong beses lamang siyang pumunta at hindi ko na siya nakita ulit, unti-unti na akong nangaral sa aming mga kapitbahay at mga kakilala. Inaresto ako ng mga awtoridad, at sinentensiyahang mabilanggo nang walong taon sa mga kampo. Dinala nila ako sa Distrito ng Ulyanovsk.
Sa kampo, inobserbahan ko ang ibang mga bilanggo at pinakinggan ang kanilang usapan, sa pagbabaka-sakaling makakita ako roon ng Saksi ni Jehova. Noong 1948, naulinigan ko ang isang babaing bilanggo na nakikipag-usap tungkol sa Kaharian ng Diyos. Ang pangalan niya ay Asya. Masayang-masaya ako sa pakikipag-usap sa kaniya tungkol sa espirituwal na mga paksa. Di-nagtagal, tatlo pang sister ang ipinasok sa kampo. Halos wala kaming literatura kung kaya sinikap naming palagi kaming magkakasama hangga’t maaari.
Noong 1953, pinalaya ako, pero pagkalipas ng tatlo at kalahating taon, inaresto na naman ako at sinentensiyahang mabilanggo nang sampung taon. Noong 1957, inilipat ako sa isang kampo sa Kemerovo, na kinapipiitan ng mga 180 sister. Palagi kaming may literatura sa Bibliya. Kung taglamig,
itinatago namin ang literatura sa niyebe, at kung tag-araw naman, itinatago namin iyon sa damuhan at sa lupa. Kapag iniinspeksiyon kami, nakaipit sa dalawang kamay ko ang mga manuskrito at nakahawak ako sa magkabilang dulo ng aking malaking balabal na nakaalampay sa akin. Kapag inililipat ako sa iba’t ibang kampo, suot ko ang tinahi kong sumbrero na siningitan ko ng ilang isyu ng Ang Bantayan.Nang maglaon, dinala ako sa isang kampo sa Mordvinia. May Bibliya roon na nakatago sa isang ligtas na lugar. Nababasa lamang namin iyon kapag kasama ang sister na tagapagtago niyaon. Ang unang pagkakataon na nakakita ako ng Bibliya ay noong hawak iyon ng brother na nagpakilala sa akin ng katotohanan noong 1945.
Nang palayain ako noong 1967, lumipat ako sa Angren, Uzbekistan. Doon ko sinagisagan ang aking pag-aalay kay Jehova sa pamamagitan ng bautismo sa tubig. Ngayon lamang ulit ako nakakita ng mga brother bukod sa unang brother na pumunta sa amin. Naroroon lamang kasi ako noon sa mga kampo ng puwersahang pagtatrabaho na puro babae ang nakabilanggo. Masisigasig sa ministeryo ang lahat ng kapatid sa kongregasyon, at napamahal na agad sila sa akin. Noong Enero 1969, walong brother at limang sister sa aming kongregasyon ang inaresto dahil sa pangangaral, at isa ako roon. Sinentensiyahan akong mabilanggo nang tatlong taon bilang isang “mapanganib na kriminal.” Maraming beses akong ikinulong sa nakahiwalay na selda dahil sa pangangaral.
Nagdaraos ako ng pag-aaral sa Bibliya sa mga interesado habang nakatalukbong kami ng kumot. Pinagbabawalan kaming mag-usap habang naglalakad. Kapag nahuli kaming nag-uusap, ikinukulong kami sa nakahiwalay na selda. Ang gamit lamang namin ay sulat-kamay na literatura, na paulit-ulit naming kinokopya.
Hindi pa ako kailanman nagkaroon ng sariling tirahan. Nasa isang maleta lamang ang lahat ng gamit ko, pero masaya pa rin ako at kontento sa paglilingkod kay Jehova.
[Kahon/Larawan sa pahina 200, 201]
Napatibay Ako ng Imbestigador
PAVEL SIVULSKY
ISINILANG 1933
NABAUTISMUHAN 1948
MAIKLING TALAMBUHAY Elder siya ngayon sa isang kongregasyon sa Russia bagaman paulit-ulit na tinangkang baguhin ng Sobyet ang kaniyang kaisipan.
NOONG 1958, inaresto ako dahil sa aking relihiyosong gawain. Bago sumakay ng tren, sinabi ng opisyal, “Titigan mo na ang asawa mo, ito na ang huli ninyong pagkikita.”
Sa Irkutsk, ikinulong ako sa isang sobrang liit na selda na isang nakatayong bilanggo lamang ang kasya. Paglabas ko rito, inilipat naman ako sa nakahiwalay na selda at anim na buwan akong nakabilanggo roon bago litisin. Sa panahon ng interogasyon na ginaganap kung gabi, ginagawa ng mga imbestigador ang lahat ng paraan para pahinain ang pananampalataya ko sa Bibliya at ang pagtitiwala ko sa organisasyon ng Diyos. Inakusahan akong nakikisama sa ilegal na mga gawain ng mga Saksi ni Jehova. Kung minsan, ginagamitan ako ng dahas, pero ang kadalasang ginagamit ay ang pamimilit na baguhin ang aking kaisipan. Nakiusap ako kay Jehova na palakasin sana ako para makapanatiling matatag. Palagi naman niya akong inaalalayan.
Minsan sa isa sa mga interogasyon, ipinatawag ako ng imbestigador sa kaniyang opisina at sinabi: “Ipakikita namin sa iyo ngayon kung ano ang pinaggagagawa ng inyong organisasyon. Makikita mo kung ito’y sa Diyos o hindi!”
Tumingin siya sa akin, at nagpatuloy: “Nang taóng ito, ang inyong kombensiyon sa dalawang istadyum sa New York ay dinaluhan ng 253,000 katao. Kung iisipin mo ang laki ng okasyong ito, alam mong imposibleng magawa ito nang walang tulong ng CIA. Walong araw ginanap ang kombensiyon. Mula pa sa iba’t ibang bansa ang mga delegadong nagdatingan sakay ng eroplano, tren, barko, at iba pang transportasyon. Magagawa bang lahat ito nang walang tulong mula sa mga awtoridad? Sino ang may kakayahang magbayad sa gastos ng ganitong walong-araw na kombensiyon na ginanap sa napakalalaking istadyum?”
Inilatag ng imbestigador sa mesa ang mga litrato. Nakita ko sa isa sa mga ito ang masasayang delegado na suot ang kanilang katutubong kasuutan at nagyayakapan. Nasa isang litrato naman si Brother Knorr habang nagpapahayag, at ang ibang litrato ay kuha sa panahon ng bautismo at may kuha rin si Brother Knorr habang inaabutan niya ng aklat na “Gawin Nawa ang Iyong Kalooban sa Lupa” ang mga nabautismuhan. Wala kaming ganitong aklat, pero nabasa namin nang maglaon ang tungkol dito sa Ang Bantayan. Habang nakatitig sa akin, sinabi ng imbestigador: “Tungkol saan ang aklat na ito? Tungkol sa hari ng hilaga at sa kahihinatnan nito. Magagawa ba ito ng mga Saksi ni Jehova nang walang tumutulong? Alam naming dinaluhan ng mga Amerikanong militar ang mga okasyong ito para matuto sila kung paano oorganisahin ang kanilang mga hukbo. Alam din naming nagbigay ng malaking donasyon ang isang milyunaryo para maidaos ang kombensiyong ito. Aba, hindi basta-basta nagpapakawala ng pera ang mga milyunaryo!”
Walang kamalay-malay ang imbestigador sa aking nadarama nang mga sandaling iyon. Para akong nakadalo sa kombensiyon nang hindi umaalis sa bilangguan. Nanumbalik ang aking lakas. Kailangang-kailangan ko ito! At sagana akong pinagpala ni Jehova sa kakaibang paraan. Handa na ulit akong humarap sa anumang pagbabata.
[Kahon/Larawan sa pahina 214, 215]
Puro Saksi ni Jehova ang Nasa Sinehan
VENERA GRIGORYEVA
ISINILANG 1936
NABAUTISMUHAN 1994
MAIKLING TALAMBUHAY Isa siyang artista noong dekada ng 1960 at gumanap ng papel sa isang pelikulang propaganda ng Sobyet. Mula 1995, naglingkod siya bilang regular pioneer sa St. Petersburg.
NOONG 1960, nang nagsisimula pa lamang akong mag-artista, ako ang ginawang bidang babae sa dokumentaryong pelikulang Mga Saksi ng Diyos, na ipinalabas sa mga sinehang Sobyet. Ang pelikula ay tungkol sa “nakatatakot na sekta ng mga Saksi ni Jehova,” na naging dahilan ng pagkamatay ng bidang si Tanya, na ako ang gumanap. Ayon sa iskrip, tinakasan ni Tanya ang “sekta” isang gabi habang bumabagyo ng niyebe nang wala man lamang siyang suot na pangginaw. Bigla siyang naglaho sa gitna ng niyebe, at pagkatapos ay narinig ang isang malungkot na tinig na nagsasabi, “At diyan nagwakas ang buhay ni Tanya Veselova.” Nagustuhan ko ang iskrip at isang karangalan para sa akin na mapasama sa pakikipaglaban sa mga Saksi ni Jehova, bagaman wala naman akong ibang alam tungkol sa kanila kundi yaong nasa iskrip lamang.
Ipinalabas ang pelikula sa mga sinehan at pampublikong pulungan sa maraming lunsod sa Unyong Sobyet. Pinuntahan ko ang bawat unang-araw ng pagtatanghal at sa tuwing matatapos ito, lumalabas ako sa entablado. Noon, paniwalang-paniwala ang mga taga-Sobyet sa lahat ng napapanood nila sa pelikula. Kaya tuwing lalabas ako, ang lahat ay napapabuntung-hininga at nagsasabi, “Ay salamat, buháy siya!” Saka ko
ipaliliwanag sa kanila kung paano ginawa ang pelikula at kung paano ginawa ng direktor at ng mga tagagawa ng mga special effect ang bagyo, anupat parang natangay ako nito sa isang bangin at natabunan ng niyebe.Minsan sa Vyshniy Volochek, sa Distrito ng Kalinin (ngayo’y Tver’), isang sinehan ang punung-puno ng mga tao, pero kakaiba kaysa sa karaniwan ang nangyari dito. Pagkatapos ng palabas, isang may-edad nang lalaki ang nagtanong sa akin na pawang tungkol sa relihiyon, at pinanindigan ko naman ang ateistikong pangmalas tungkol sa pinagmulan ng buhay sa lupa. Walang sinumang bumanggit ng tungkol sa pelikula. Pasimple akong umatras at pumunta sa likod ng entablado sabay tanong sa nag-organisa ng palabas, “Sino ’yung kausap ko?”
“Siya ang lider ng sekta ng mga Saksi ni Jehova. Puro Saksi ni Jehova ang nasa sinehan at wala nang iba,” ang sabi nito. Wala akong kamalay-malay na mga Saksi ni Jehova na pala ang kausap ko. Pagkatapos noon, nagkainteres akong magbasa ng Bibliya pero hindi ko alam kung paano ako magkakaroon nito. Nakapag-asawa ako ng isang Polako at sumama ako sa kaniya sa Poland. Noong 1977, dalawang sister ang kumatok sa aming pinto, at di-nagtagal, nakipag-aral na ako ng Bibliya sa kanila. Nagustuhan ko ang aklat na ito, at naging kaibigan naming mag-asawa ang mga Saksi. Noong 1985, nagkasakit si Itay kung kaya pumunta kaming mag-asawa sa Leningrad (ngayo’y St. Petersburg) para samahan siya. Nanalangin ako kay Jehova na sana’y may makilala kaming Saksi roon.
Sa wakas, naging Saksi ni Jehova ako. Sa ngayon ay 12 taon na akong naglilingkod bilang regular pioneer, at ang asawa kong si Zdzisław naman ay ministeryal na lingkod sa isang kongregasyon sa St. Petersburg.
Nalaman ko mula sa aking karanasan na “sa pamamagitan ng katusuhan sa pagkatha ng kamalian,” puwedeng makalinlang ng maraming tao ang industriya ng pelikula. (Efe. 4:14) Nang gumanap ako sa pelikulang iyon na propaganda ng Sobyet, hindi ko akalaing pagkalipas ng 30 taon, magiging Saksi ni Jehova ako.
[Kahon sa pahina 237]
Ang Bagong Sanlibutang Salin sa Wikang Ruso
Sa mahigit na isandaang taon, pinakinabangan ng mga Saksi ni Jehova ang iba’t ibang salin ng Bibliya sa wikang Ruso. Ang isa rito ay ang saling inaprubahan ng Banal na Sinodo. Bagaman sinauna ang wikang ginamit sa saling ito at iilang beses lamang binanggit ang pangalan ng Diyos, libu-libo pa ring mambabasang Ruso ang natulungan nito na maunawaan ang layunin ng Diyos. Nakatulong din ang salin ni Makarios na gumamit ng pangalan ng Diyos nang mga 3,000 ulit. Pero habang dumarami ang mga Saksing Ruso, lumalaki rin ang pangangailangan para sa tumpak, malinaw, at modernong salin ng Bibliya.
Isinaayos ng Lupong Tagapamahala na isalin sa wikang Ruso ang Bagong Sanlibutang Salin. Mahigit na sampung taóng ginawa ng sangay sa Russia ang malaking proyektong ito ng pagsasalin.
Noong 2001, inilabas ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Ruso. Noong 2007, laking tuwa ng mga mambabasang Ruso sa buong daigdig nang ilabas ang kumpletong Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Ruso. Ang bagong labas na ito ay unang inianunsiyo ng mga miyembro ng Lupong Tagapamahala na sina Theodore Jaracz sa St. Petersburg at Stephen Lett sa Moscow. Sinundan ito ng masigabong palakpakan. Tuwang-tuwa ang mga kapatid. “Napakalinaw at napakadaling maunawaan!” ang isinulat ng isang sister. “Mas masarap basahin ngayon ang Banal na Kasulatan.” Marami ang nagpasalamat sa organisasyon sa pagsasabi: “Napakagandang regalo mula kay Jehova!” at “Buong-puso kaming nagpapasalamat.” Ang paglalabas ng Bagong Sanlibutang Salin sa wikang Ruso ay isa ngang napakahalagang pangyayari sa buhay ng mga nagsasalita ng wikang ito na umiibig sa katotohanan saanman sila naroroon.
[Kahon/Larawan sa pahina 244, 245]
Sa Loob ng Isang Araw, Nalutas ang Aming mga Problema
IVAN AT NATALIA SLAVA
ISINILANG 1966 si Ivan at 1969 si Natalia
NABAUTISMUHAN 1989
MAIKLING TALAMBUHAY Bilang mga payunir, lumipat sila kung saan mas malaki ang pangangailangan. Si Ivan ay naglilingkod ngayon bilang miyembro ng Komite ng Sangay sa Russia.
UMALIS kami ni Natalia sa Ukraine at lumipat sa Russia noong maagang bahagi ng dekada ng 1990. Sa Distrito ng Belgorod, na halos isang milyon at kalahati ang populasyon, wala pang sampu noon ang mamamahayag. Walang alinlangan—ito nga’y isang lugar na “ang aanihin ay marami, ngunit ang mga manggagawa ay kakaunti.”—Mat. 9:37.
Kakakasal lang namin at kailangan naming maghanap ng trabaho para matustusan ang mga pangangailangan namin. Pero bumagsak ang ekonomiya ng bansa, kung kaya marami
ang nawalan ng trabaho. Para magkaroon ang mga tao ng pagkain sa araw-araw, gumawa ang pamahalaan ng mga kupon, o tiket, na ipinamamahagi sa mga lugar ng trabaho. Dahil wala kaming trabaho, wala rin kaming kupon. Kaya malaki ang nagagastos namin sa pagkain. Wala rin kaming makitang tuluyan kung kaya kinailangan muna naming mag-otel. Nang bayaran namin ang upa sa kuwarto para sa 20 araw, halos wala nang natira sa aming pitaka. Araw-araw kaming nananalangin kay Jehova na tulungan sana kaming makahanap ng trabaho at murang tuluyan. Samantala, nagsumikap kami sa pangangaral, na hinahanap ang mga interesado. Dumating na ang huling araw namin sa otel. Ibinili namin ng tinapay at gatas ang natitira naming pera. Bago matulog nang gabing iyon, muli kaming namanhik kay Jehova na tulungan sana kaming makahanap ng trabaho at isang lugar na matutuluyan dahil kailangan na naming umalis kinabukasan.Kinaumagahan, ginising kami ng isang tawag sa telepono. Nagulat kami nang sabihin ng administrador ng otel na hinihintay ako ng aking pinsan sa lobby ng otel. Binigyan ako ng pera ng aking pinsan dahil nakatanggap daw siya ng malaking bonus at gusto niya akong balatuhan. Pero hindi lamang iyan. Maya-maya, isang brother naman ang tumawag sa amin sa telepono at sinabing nakakita na siya ng murang apartment para sa amin. Bukod diyan, nang araw ding iyon, natanggap kami sa trabaho bilang tagalinis ng paligid ng isang paaralang kindergarten. Kaya sa loob ng isang araw, nalutas ang aming mga problema. Nagkapera kami, nagkaroon ng matutuluyan, at nagkatrabaho. Talaga ngang dininig ni Jehova ang aming panalangin.
Noong 1991, ang dumalo sa Memoryal sa Belgorod ay 55; pagkalipas ng isang taon, naging 150. Nang sumunod na taon, 354 na ang dumalo. Noong 2006, mayroon nang anim na kongregasyon sa lunsod, at mahigit na sa 2,200 ang mamamahayag sa Distrito ng Belgorod.
[Kahon sa pahina 250]
Pinakahuling Balita Hinggil sa mga Kaso sa Hukuman
Noong Enero 2007, pinagtibay ang ating karapatang sumamba nang walang pakikialam ng pamahalaan nang ibaba ng European Court of Human Rights (ECHR) ang nagkakaisang hatol nila na pabor sa ating panig na nagsasaad na ang “sama-samang pag-aaral at pagtalakay ng mga teksto sa Bibliya ng mga miyembro ng relihiyon ng mga Saksi ni Jehova ay kinikilala bilang isang paraan ng kanilang pagsamba at pagtuturo.”
Bagaman ang gawain ng mga kapatid sa lunsod ng Moscow ay opisyal na ipinagbawal noong 2004, patuloy pa rin sila sa hayagang pagsasama-sama para sumamba at mangaral sa abot ng kanilang makakaya. Noong 2007, walang pagsidlan ang kagalakan ng mga kapatid sa kanilang pagdiriwang ng Memoryal at pagdaraos ng mga pandistritong kombensiyon sa Moscow at sa halos lahat ng lugar sa Russia nang walang gumagambala.
Bagaman mayroon pa ring mga usapin sa batas, buong-tapang pa ring ipinagtatanggol ng mga kapatid ang kanilang sarili kapag napapaharap sa mga pagsalansang. Halimbawa, isinampa sa ECHR ang isang bagong kaso may kinalaman sa panggugulo ng Lyublino Police Department sa pagdiriwang ng Memoryal sa Moscow noong Abril 12, 2006. Inaresto ng mga pulis ang 14 na brother at tinutukan ng patalim ang kanilang abogado. Bagaman ang pasiya ng lokal na hukuman ay bahagyang pabor sa mga brother, binaligtad ang desisyon at natalo ang kaso nang iapela ito. Bukod dito, nagsampa rin ng kaso noong Hulyo 2007 laban sa iba’t ibang opisyal ng pamahalaan na nagsasagawa ng pinahaba at walang-basehang pag-iimbestiga sa ating mga relihiyosong gawain sa St. Petersburg.
[Chart/Graph sa pahina 228-230]
TALÂ NG MAHAHALAGANG PANGYAYARI—Russia
1890
1891 Dahil sa buong-tapang na pangangaral, ipinatapon si Semyon Kozlitsky sa silangang bahagi ng Imperyo ng Russia.
1904 Ang sangay ng Alemanya ay tumanggap ng mga liham ng pasasalamat mula sa Russia dahil sa mga publikasyon sa Bibliya.
1910
1913 Kinilala ng pamahalaang Ruso ang tanggapan ng mga Estudyante ng Bibliya na nasa Finland, na bahagi noon ng Imperyo ng Russia.
1923 Ang Samahang Watch Tower ay tumanggap ng maraming liham na humihiling na magpadala sa Russia ng mga literatura sa Bibliya.
1928 Sa Moscow, hiniling ni George Young na pahintulutan ang mga gawain ng mga Estudyante ng Bibliya sa Russia. Tumanggi ang mga awtoridad na bigyan ulit siya ng visa.
1929 Pinirmahan ang isang kontrata sa istasyon ng radyo sa Tallinn, Estonia. Isinahimpapawid ang mga lektyur sa Bibliya at napakinggan ito sa Leningrad at sa iba pang mga lunsod.
1930
1939-40 Naging bahagi ng USSR ang kanlurang Ukraine, Moldova, at mga republika ng Baltic. Kaya naman libu-libong Saksi ni Jehova ang naging sakop ng bansang ito.
1944 Daan-daang Saksi ang ikinulong sa mga bilangguan at mga kampo ng puwersahang pagtatrabaho sa buong Russia.
1949 Ipinatapon sa Siberia at sa Malayong Silangan ang mga Saksi ni Jehova sa Moldova.
1950
1951 Mahigit 8,500 Saksi sa kanlurang Ukraine, Belarus, Latvia, Lithuania, at Estonia ang ipinatapon sa Siberia.
1956/57 Ang mga delegado ng 199 na pandistritong kombensiyon sa buong daigdig ay nagpetisyon sa pamahalaang Sobyet para sa kalayaan sa relihiyon.
Huling bahagi ng dekada ng 1950 Mahigit 600 Saksi ang lubusang inihiwalay at ikinulong sa kakaibang kampo ng puwersahang pagtatrabaho sa Mordvinia.
1965 Nagpalabas ng pantanging utos ang pamahalaang Sobyet na puwede nang manirahan sa labas ng Siberia ang mga tapon. Nangalat ang mga Saksing ipinatapon sa Siberia at nanirahan sa iba’t ibang lugar ng bansa.
1970
1989-90 Sa kauna-unahang pagkakataon, nakipagpulong ang mga miyembro ng Lupong Tagapamahala sa mga kapatid sa Russia. Ang mga Saksi mula sa USSR ay naglakbay patungong Poland para sa mga pantanging kombensiyon.
1990
1991 Noong Marso 27, legal nang kinilala sa Russia ang mga Saksi ni Jehova.
1992/93 Ginanap ang internasyonal na mga kombensiyon sa St. Petersburg at sa Moscow.
1997 Inialay ang sangay sa Russia sa nayon ng Solnechnoye, malapit sa St. Petersburg.
1999 Inialay ang kauna-unahang Assembly Hall sa Russia, sa St. Petersburg.
2000
2003 Natapos ang pagpapalawak sa sangay.
2007 Mahigit 2,100 kongregasyon at nakabukod na mga grupo ng mga mamamahayag ang aktibo sa Russia.
[Graph]
(Tingnan ang publikasyon)
Kabuuang Bilang ng mga Mamamahayag
Kabuuang Bilang ng mga Payunir
Kabuuang Bilang ng mga Mamamahayag
Kabuuang Bilang ng mga Payunir
Kabuuang bilang ng mga mamamahayag sa 15 bansa ng dating U.S.S.R.
360,000
300,000
240,000
180,000
120,000
60,000
40,000
20,000
1890 1910 1930 1950 1970 1990 1990 2000
[Dayagram/Mapa sa pahina 218]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Tumulong ang ibang mga sangay na maihatid ang mga literatura sa buong bansa
ALEMANYA FINLAND
↓ ↓
Solnechnoye
↓ ↓ ↓ ↓
BELARUS KAZAKHSTAN MOSCOW RUSSIA
HAPON
↓
Vladivostok
↓
KAMCHATKA
[Mga mapa sa pahina 116, 117]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
ARCTIC CIRCLE
KARAGATANG ARTIKO
Polong Hilaga
Dagat Barents
Dagat Kara
Dagat Laptev
Dagat Silangang Siberia
Dagat Chukchi
Bering Strait
SWEDEN
NORWAY
DENMARK
COPENHAGEN
ALEMANYA
POLAND
Lodz
WARSAW
Dagat Baltic
FINLAND
ESTONIA
LATVIA
LITHUANIA
BELARUS
Brest
UKRAINE
L’viv
MOLDOVA
Dagat Caspian
KAZAKHSTAN
ASTANA
Kengir
UZBEKISTAN
TASHKENT
Angren
TSINA
MONGOLIA
ULAANBAATAR
TSINA
Dagat ng Hapon
HAPON
TOKYO
Hokkaido
Dagat ng Okhotsk
Dagat Bering
RUSSIA
Petrozavodsk
St. Petersburg
Solnechnoye
Kaliningrad
Novgorod
Vyshniy Volochek
MOSCOW
Tula
Orel
Kursk
Voronezh
Udarnyy
Vladimir
Ivanovo
Nizhniy Novgorod
Syktyvkar
Ukhta
Pechora
Inta
Novaya Zemlya
Vorkuta
KBDK. URAL
SIBERIA
Yekaterinburg
Naberezhnye Chelny
Izhevsk
Saratov
Volzhskiy
Stavropol’
Pyatigorsk
Bdk. El’brus
Nal’chik
Nartkala
Beslan
Vladikavkaz
KBDK. CAUCASUS
Astrakhan
Ilog Volga
Tomsk
Novosibirsk
Kemerovo
Krasnoyarsk
Novokuznetsk
Ust’-Kan
Aktash
Biryusinsk
Oktyabr’skiy
Bratsk
Vikhorevka
Tulun
Central Khazan
Zima
Zalari
Usol’ye-Sibirskoye
Kitoy
Angarsk
Irkutsk
Lawa ng Baikal
Kirensk
Khabarovsk
Vladivostok
Korsakov
Yuzhno-Sakhalinsk
Sakhalin
Yakutsk
Oymyakon
Ust’-Nera
Kamchatka
Chukchi Peninsula
Ilog Kolyma
Khayyr
Noril’sk
[Mapa sa pahina 167]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Dagat Caspian
Dagat Baltic
Dagat Barents
Dagat Kara
KARAGATANG ARTIKO
Polong Hilaga
Dagat Laptev
Dagat Silangang Siberia
Dagat Chukchi
Bering Strait
Dagat ng Okhotsk
Dagat ng Japan
KAZAKHSTAN
TSINA
MONGOLIA
MURMANSK
PSKOV
TVER’
MOSCOW
BELGOROD
VORONEZH
ROSTOV
KABARDINO-BALKARIA
ALANIA
IVANOVO
NIZHEGOROD
MORDVINIA
ULYANOVSK
VOLGOGRAD
TATARSTAN
PERM’
KOMI REP.
KBDK. NG URAL
SIBERIA
SVERDLOVSK
CHELYABINSK
KURGAN
TYUMEN’
OMSK
TOMSK
NOVOSIBIRSK
ALTAI
ALTAI REP.
KEMEROVO
KHAKASSIA REP.
KRASNOYARSK
TUVA REP.
IRKUTSK
BURYATIA
CHITA
SAKHA REPUBLIC
AMUR
KHABAROVSK
PRIMORSKIY KRAY
SAKHALIN
KAMCHATKA
[Larawan sa pahina 66]
Pagsikat ng araw sa Chukchi Peninsula
[Mga larawan sa pahina 68]
Ang panandang ito na nasa wikang Kazakh at Ruso ay nakaturo sa nayon ng Bukhtarma sa Siberia, na pinagdalhan kay Semyon Kozlitsky bilang tapon
[Mga larawan sa pahina 71]
Ginugol ng mag-asawang Herkendell ang kanilang “honeymoon” sa pagtulong sa mga nasa Russia na marunong magsalita ng Aleman
[Mga larawan sa pahina 74]
Ang “power of attorney” na ibinigay kay Kaarlo Harteva (kanan) na dinikitan ng Russian Imperial Consul sa New York ng selyo ng pamahalaan
[Larawan sa pahina 80]
Noong Mayo 1925, ang kombensiyong ito sa wikang Ruso sa Carnegie, Pennsylvania, ay dinaluhan ng 250, at 29 ang nabautismuhan
[Larawan sa pahina 81]
Sinabi ng magasing ito: “Napakaraming sekta sa Distrito ng Voronezh”
[Larawan sa pahina 82]
George Young
[Mga larawan sa pahina 84]
Sa loob ng halos sampung taon, isinalin ni Aleksandr Forstman sa wikang Ruso ang mga tract, buklet, at aklat
[Larawan sa pahina 90]
Sina Regina at Pyotr Krivokulsky, 1997
[Mga larawan sa pahina 95]
Naging lingkod ni Jehova si Olga Sevryugina dahil sa ginawa ni Pyotr na ‘mga liham na itinali sa bato’
[Larawan sa pahina 100]
Ivan Krylov
[Mga larawan sa pahina 101]
Nagtayo ng sarili nilang bahay sa Siberia ang mga ipinatapong Saksi
[Larawan sa pahina 102]
Ipinatapon sa Siberia ang buong pamilya nina Magdalina Beloshitskaya
[Larawan sa pahina 110]
Viktor Gutshmidt
[Larawan sa pahina 115]
Si Alla noong 1964
[Larawan sa pahina 118]
Si Semyon Kostylyev sa ngayon
[Larawan sa pahina 120]
Napagtagumpayan ni Vladislav Apanyuk ang mga pagsubok sa kaniyang pananampalataya dahil sa natanggap niyang pagsasanay mula sa Bibliya
[Mga larawan sa pahina 121]
Nakita ng mga pulis sa bahay ni Nadezhda Vishnyak ang buklet na ito, “Pagkaraan ng Armagedon—Ang Bagong Sanlibutan ng Diyos”
[Larawan sa pahina 126]
Boris Kryltsov
[Larawan sa pahina 129]
Si Viktor Gutshmidt, mga isang buwan bago siya arestuhin noong 1957, kasama ang kaniyang kapatid (itaas), mga anak, at asawang si Polina
[Larawan sa pahina 134]
Ivan Pashkovsky
[Larawan sa pahina 136]
Noong 1959, lumabas sa magasing “Crocodile” ang larawang ito ng mga literaturang nadiskubre sa isang bunton ng dayami
[Larawan sa pahina 139]
Nasa ilalim ng bahay na ito ang isa sa mga imprentahang natuklasan ng KGB noong 1959
[Larawan sa pahina 142]
Tumulong si Aleksey Gaburyak na makasamang muli ng mga kongregasyon ang mga nangalat
[Mga larawan sa pahina 150]
Sariling-Gawang mga Kagamitan sa Pag-iimprenta
“Rotary press”
pitan ng papel
antabas
“Stapler”
[Larawan sa pahina 151]
Si Stepan Levitsky, drayber ng trambiya, na buong-tapang na nakipag-usap sa isang nag-iimprenta
[Larawan sa pahina 153]
Nangaral si Grigory Gatilov habang nakakulong sa selda
[Mga larawan sa pahina 157]
Naging angkop na pantabing ang matataas na halamang namumulaklak para sa pag-aaral at talakayan sa Bibliya
[Larawan sa pahina 161]
Aktuwal na laki ng magasing “Bantayan” na ginawang pagkaliliit na buklet
[Larawan sa pahina 164]
“Order of the Presidium of the Supreme Soviet of the USSR”
[Larawan sa pahina 170]
Itinatago ng mga kapatid ang “kayamanan” sa mga maletang may doblihang sapin sa gilid o sa ilalim ng panloob na sapin ng kanilang sapatos
[Larawan sa pahina 173]
Ivan Klimko
[Larawan sa pahina 175]
Kasya sa isang bahay ng posporo ang lima o anim na kopya ng sapot-ng-gagambang “Ang Bantayan”
[Larawan sa pahina 184, 185]
Sa lahat ng taóng inilagi nila sa isang kampo sa Mordvinia, walang brother ang lumiban sa Memoryal
[Larawan sa pahina 194]
Si Nikolai Gutsulyak ay nagpatotoo sa di-pormal na paraan sa asawa ng kumander ng kampo
[Mga larawan sa pahina 199]
Internasyonal na mga Kombensiyon
Noong 1989, dinaluhan ng mga Rusong delegado ang tatlong internasyonal na kombensiyon sa Poland
Warsaw
Chorzow
Poznan
[Larawan sa pahina 202]
Kuha matapos tanggapin ang opisyal na rehistro, mula kaliwa pakanan: Theodore Jaracz, Michael Dasevich, Dmitry Livy, Milton Henschel, empleado sa ministri ng katarungan, Anany Grogul, Aleksey Verzhbitsky, at Willi Pohl
[Mga larawan sa pahina 205]
Si Milton Henschel habang nagpapahayag sa “Mga Tagapagdala ng Liwanag” na Internasyonal na Kombensiyon sa Kirov Stadium, sa St. Petersburg, noong 1992
[Larawan sa pahina 206]
Binili ang loteng may mga lumang gusali sa Solnechnoye, Russia
[Larawan sa pahina 207]
Sina Aulis at Eva Lisa Bergdahl ay kabilang sa unang grupo ng mga boluntaryong dumating sa Solnechnoye
[Larawan sa pahina 208]
Sina Hannu at Eija Tanninen ay inatasang maglingkod sa St. Petersburg
[Larawan sa pahina 210]
Kasama ang kaniyang asawang si Lyudmila, si Roman Skiba ay nagbiyahe nang malalayo bilang tagapangasiwa ng distrito
[Larawan sa pahina 220]
Ang mga kapatid na naghahakot ng mga literatura sa daungan sa Vladivostok
[Larawan sa pahina 224]
Nagdulot ng kagalakan kina Arno at Sonja Tüngler ang maraming pribilehiyo sa kanilang atas sa Russia
[Larawan sa pahina 226, 227]
Isang pulong ng kongregasyon sa kagubatan malapit sa St. Petersburg, 1989
[Larawan sa pahina 238]
Pinangangasiwaan ng tanggapang pansangay sa Russia ang pagsasalin ng mga literatura sa mahigit 40 wika
[Larawan sa pahina 243]
Ang kauna-unahang Pioneer Service School na ginanap sa St. Petersburg, Hunyo 1996
[Mga larawan sa pahina 246]
Pangangaral sa Russia
Sa mga bukirin ng Distrito ng Perm’ at Nartkala
Sa mga lansangan sa St. Petersburg
Pagbabahay-bahay sa Yakutsk
Sa mga palengke sa Saratov
[Mga larawan sa pahina 252, 253]
Sangay sa Russia
Mga gusaling tirahan na kuha mula sa itaas at tanawin sa paligid nito
[Larawan sa pahina 254]
Ang 2006 pandistritong kombensiyon sa Moscow ay dinaluhan ng 23,537 delegado
[Larawan sa pahina 254]
Luzhniki Stadium