Liham Mula sa Lupong Tagapamahala
Liham Mula sa Lupong Tagapamahala
Mahal na mga Kapatid:
Ang ating Ama sa langit, si Jehova, ang pinakamabuting halimbawa ng pag-ibig. Kaya sinasabi ng Bibliya: “Ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8) Bagaman si Jehova ang Makapangyarihan-sa-lahat, hindi kailanman sinasabi sa kaniyang Salita, “Ang Diyos ay kapangyarihan” o, “Ang Diyos ay kalakasan.” Pangunahin nang nakasalig sa pag-ibig ang pamamahala niya. Hindi nga kataka-takang mapalapít tayo sa kaniya!
Hindi tayo pinupuwersa ni Jehova na paglingkuran siya. Hindi siya diktador. Gusto niyang paglingkuran natin siya dahil mahal natin siya. Kapag ginagawa natin ito, ipinapakita natin na panig tayo sa pamamahala niya dahil naniniwala tayong matuwid at maibigin ang kaniyang pamamahala. Kitang-kita ito sa pasimula ng kasaysayan ng tao.
Sa halip na pilitin sina Adan at Eva na sundin siya, binigyan sila ni Jehova ng pagkakataong
magpasiya. Kung talagang minahal nila si Jehova at pinahalagahan ang ginawa niya para sa kanila, nalabanan sana nila ang tukso ni Satanas na magrebelde.Nang maglaon, binanggit ni Moises sa kaniyang pamamaalam sa bansang Israel: “Tingnan mo, inilalagay ko nga sa harap mo ngayon ang buhay at ang kabutihan, at ang kamatayan at ang kasamaan.” (Deut. 30:15) May kalayaang magpasiya ang bansa kung paano nila gustong mamuhay. Gayundin, sinabi ni Josue sa mga Israelita: “Kung masama sa inyong paningin ang maglingkod kay Jehova, piliin ninyo ngayon para sa inyong sarili kung sino ang paglilingkuran ninyo.” Sumagot ang mga Israelita: “Malayong mangyari, sa ganang amin, na iwan si Jehova.” (Jos. 24:15, 16) Ganiyan din ang nadarama natin ngayon. Dahil mahal natin si Jehova, “malayong mangyari” na iwan natin siya.
Sa kongregasyong Kristiyano, alam natin ang ibig sabihin ng malayang pagpapasiya. Bagaman awtorisado ang mga elder na magpayo at maglapat pa nga ng disiplina, hindi sila dominante ni kinokontrol man nila ang buhay 2 Cor. 1:24.
o pananampalataya ng iba. Isinulat ni apostol Pablo: “Hindi sa kami ang mga panginoon sa inyong pananampalataya, kundi mga kamanggagawa kami ukol sa inyong kagalakan, sapagkat dahil sa inyong pananampalataya kaya kayo ay nakatayo.”—Napakasaya ngang gawin ang isang bagay kapag gusto nating gawin iyon kaysa kung napipilitan lang tayo! Hinihimok tayo ni Jehova na gumawa ng mabuti dahil sa pag-ibig. Napakahalaga niyan gaya ng ipinapakita ng mga kinasihang salita ni Pablo: “Kung ibinibigay ko ang lahat ng aking mga pag-aari upang pakainin ang iba, at kung ibinibigay ko ang aking katawan, upang ako ay makapaghambog, ngunit wala akong pag-ibig, hindi ako nakikinabang sa paanuman.”—1 Cor. 13:3.
Talagang nagbibigay ng kagalakan—at kaluwalhatian—kay Jehova ang milyun-milyon nating kapatid na naglilingkod sa kaniya dahil mahal nila siya nang buong puso!
Mahal na mahal ni Jehova ang lahat ng kaniyang mga lingkod, pati na kayong mga bata at tin-edyer na nagpapakitang mahal ninyo si Jehova at hindi ang sanlibutan at ang pansariling Luc. 12:42, 43.
kalugurang iniaalok nito. Mahal na mahal din namin kayo.—Noong nakaraang taon, kitang-kita ang pag-ibig ninyong mga kapatid, pati na kayong mga kabataan, sa 1,748,697,447 oras na ginugol ninyo sa paghahayag ng mabuting balita. Dahil sa pag-ibig, 7,782,346 ang nakibahagi sa pangangaral sa buong daigdig. Natutuwa kaming malaman na 268,777 ang nagpabautismo bilang sagisag ng kanilang pag-aalay kay Jehova, at marami doon ay mga kabataan. Ibig sabihin, may average na 5,168 ang nababautismuhan linggu-linggo. Nakakataba ng puso ang mga ulat na ito!
Sa panahong ito ng kawakasan, napapaharap ang bayan ng Diyos sa maraming problema, hamon, pag-uusig, sakit, at ang iba naman ay sa katandaan. Pero determinado tayong hindi ‘umurong’ ni ‘manghimagod’ man. Mahal na mahal namin kayong lahat.—Heb. 10:39; 2 Cor. 4:16.
Ang inyong mga kapatid,
Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova